Chapter Five

3737 Words
" Kinilig ka noh." Ngumiti ako at tinaas baba ko ang kilay ko. Tinignan ko ang reaksyon niya,the smile that wants to escape are now visible in his lips. Iyong ngiti niya ay biglang napalitan ng ngisi.  "Hindi." Umiling iling pa siya at mukhang natatawa sa itchura ko. Nanliit ang mata ko dahil doon sa sinabi niya.  "Hindi daw, eh bakit ganoon iyong reaction mo?" tumaas pa ang kilay ko.  "Anong reaction?" naka half smile siya sakin.  "Ganito oh." Ginaya ko 'yung face reaction niya kanina. I licked my lips first then pinaglapat ko ang labi ko at kunwari'y pinipigalang ngumiti.  Pagkatapos kong gawin 'yon ay tinignan ko siya. Nakatingin na siya sa labi ko at nawala na ang half smile niya kanina. Pinanusan ko tuloy ang labi ko dahil na conscious  ako baka may dumi pala doon.  "Kumain ka na nga lang," umiwas siya ng tingin sakin at kinuha ang softdrinks niya at dahan dahan iyong ininom. Nakuha noon ang attention ko, pinanuod ko kung pa paanong  umalon ng Adam's apple niya. Napapalunok tuloy ako tuwing lulunok siya, ang attractive lang noon, define na define kasi siya sa lalamunan niya. Ang gandang tignan sa kaniya.  Naramdaman niya yatang may nakatingin sa kaniya kaya humarap siya napaiwas ako ng tingin at tumingin sa taas nag hahanap ng butiki sa kisame. Nakarinig ako ng mahinang pagtawa kaya tumingin ulit ako sa kaniya.  "Nakaw tingin ka miss." Tumawa pa siya ng bahagya bago ngumiti.  "Hindi kaya,"  pagtatangi ko, napainom pa ko ng softdrinks, tapos tumunog iyon dahil wala na palang laman.  "Gusto mo pa?" iiling na sana ako pero tumayo na siya at pumunta sa counter. Okay naman na 'yon eh hindi naman ako uhaw na uhaw sadyang parang nanunuyo lang ang lalamunan ko. Nag play sila ng music sa loob. Huling el bimbo iyong music, one of my favorite music kaya napasunod nalang ako.  "Pagka galing sa skewla ay diretso na sa inyo ~~~" sumasabay ako habang nakapikit at  ginagalaw  ng bahagya ang ulo at katawan ko kasabay ng beat. Noong magmulat ako ng tingin ay nasa harap ko na si Rhenuel. Hindi ko tuloy namalayan na umupo na si Rhenuel sa harap ko.  "Alam mo yung song? " Nakangiti nanaman siya noong tinanong 'yan, ang smiley face niya talaga.  "Yupp! " Ngumiti din ako tapos ay sinabayan ko ulit iyong kanta.  "oh". Inabot niya sakin ang in can softdrink, noong kukunin ko na ay hindi ko namalayan na kamay niya pala ang nahawakan ko.  Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay malay ~~~~ Na patingin tuloy kami sa isa't isa. Para akong nahihilo sa mga mata niya that russet brown eyes, will let you see the universe they are twinkling when the sun rays hit hem.  Na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay~~ Binawi ko agad ang tingin ko sa kaniya at kinuha ko na iyong gulp. "Samalat dito." Ngumiti ako at sinabayan ulit ang kanta, pumikit pa ko para na rin mawala ang awkwardness na nararamdaman ko.  "Alam mo iyong kwento ng kantang yan?" Dumilat ako at tumingin sa kaniya. Those words caught my attention.  "Hindi. May kwento pala 'yan?" it's my favorite song pero never kong hinalungkat kung ano ang ibig sabihin noon. Siguro may idea ako sa bawat lyrics na nababangit pero, I don't know the whole story.  "Lahat ng kanta ay may kaniya kaniyang storya sa simula. Huling el bimbo is about friendship, may apat na magkakaibigan, tatlong lalaki at isang babae yung isa sa mga lalaki may gusto doon sa babae nagkaroon sila ng pagkakaintidihan parang mutual understanding pero hindi sila umabot sa point na naging sila dahil may nangyari and that thing change the whole thing, " kumunot ang nuo ko dahil bitin iyong kwento niya.  "Ayon lang???" medyo naiirita 'yong  boses ko, I don't want something na pa cliff hanging. Natawa lang siya.  "Atat ka naman miss, relax meron pa." Tumawa muna siya ulit bago ipagpatuloy ang  pagkukwento.  "Nagkahiwahiwalay silang mag ka kaibigan hanggang sa nabalitaan nalang nila namatay iyong babae sa hit and run nandoon naman iyon  sa lyrics. In the end hindi rin nasabi noong lalaki ang feelings niya sa babae." Tumingin siya sa labas at pinanuod ang mga taong dumadaan. Na curious ako kung ano ang  thing na nangyari at nagpabago sa takbo ng kwento.  "Ano 'yong thing na sinasabi mo na nag pabago ng lahat?" humarap siya sakin at binalik ulit iyong tingin niya sa labas.  "The girl got pregnant dahil nirape siya, pero hindi iyon alam  ng mga kaibigan niya," kung papakinggan mo ulit ang kanta at alam mo na ang background story nito magiiba lahat ng lyrics noon para sayo. Hindi mo nalang siya basta basta papakinggan dahil maiintindihan  at mararamdan mo rin ang bawat  lyrics noon.  "That's sad, bakit hindi sila nag stay sa tabi niya noong panahong kailangan niya ng kaibigan?" I have lots of questions in my mind and I want them to have an answer.  "Because they became selfish and greedy to reach their dream," that's enough to shut all the questions in my mind.  "Ikaw kung papipiliin ka  love or pangarap?" tanong ko  at tumingin sa kaniya. Napabaling tuloy ang tingin niya sakin.  "Pangarap muna,wala kang karapatang magmahal kung wala kang pangarap sa buhay," seryoso siya habang sumagot doon sa tanong ko. Alam kong hindi pa 'yun tapos kaya hinayaan ko muna siyang magsalita.  "When all of my dreams come true pwede ko ng piliin ang pagmamahal, gusto ko may maipagmamalaki ako sa taong mamahalin ko hindi iyong puro lang salita, hindi siya kayang buhayin ng salita lang." Ngumiti siya pagkatapos. Totoo naman lahat ng sinabi niya hindi ka kayang buhayin ng salita lang.  "Ikaw ba?" pagbabalik niya sa tanong ko.  "Ako, ganoon din. Pangarap muna dahil meron na akong pangarap bago pa siya dumating. Tsaka hindi lang naman iyong pangarap ko ang kailangan kong tuparin pati na rin ang pangarap ko para sa magulang ko," tumango tango siya habang nakatingin parin sakin.  "Ano ba ang mga pangarap mo?" kinuha niya yung soda niya at uminom doon.  "Una,syempre makapagtapos ng pagaaral at maging CPA, pangalawa kumita ng malaking pera para maibili ko ng gamot si mama at mapauwi ko na si tatay, pangatlo maging mayaman, " dati pa ay pangarap ko ng maging mayaman,kapag mayaman ka kasi parang ang gaan-gaan nalang ng buhay para saiyo dahil halos pera ang nagpapatakbo sa mundo.  "Ikaw anong pangarap mo?" tinitigan niya ako sa mata noong nagtanong ako, ang seryoso naman niya. "Iyong pangarap ko?" tumango tango ako bilang sagot  "Ikaw" maikli lang iyon pero parang hindi ko maintindihan.  "Ano?" dahil hindi ko gets at gusto kong ulitin niya. Nakatingin lang siya sakin ng seryoso.  "Ikaw, ikaw ang pangarap ko" seryoso parin ang mukha niya habang diretsong nakatingin sa mata ko. Napatanga nanaman ako.  "Ha?" medyo bumuka yata ang bibig ko kaya kinagat ko iyon ibabang parte noong labi ko "Halabyu" yung kaninang seryosong mukha niya at napalitan ng natatawang reaction. "hahahaha ang epic mo doon"  "Baliw ka na." Inismiran ko lang siya.  "Gusto ko sanang sabihin na baliw sayo, ang kaso baka mangisay kana sa kilig eh, pulang pula ka," nang aasar siyang tumingin sakin. Hinawakan ko tuloy 'yong magkabilang pisnge ko chinecheck kung mainit ba iyon pero hindi naman.  "Hindi naman eh," binigyan ko siya ng masamang  tingin ko sakaniya. "Magseryoso ka nga. Tinatanong kita ng maayos eh ang gago sumagot," medyo may bahid ng iritasyon ang boses ko.  "Seryoso naman ako eh," tapos nag seryoso ulit ang mukha niya, iyong totoo may dual personality ba ito kanina lang tawang tawa siya tapos biglang nag seryoso.  "Gagi, ano nga ang pangarap mo? " masama parin ang tingin ko sa kaniya.  "Hahahah joke lang, ito naman agad nagagalit," oh kita mo tumatawa nanaman ang abnormal.  "Syempre tulad ng sayo gusto kong makapagtapos at maging ganap na Architect gusto ko ako ang magdedesign sa bahay namin, ganoon lang actually marami pa tamad lang akong mag share," I just make face and mocked at him pero siya tawang tawa lang.  Humaba pa ang usapan namim hanggang sa napag desisyonan na naming umuwi dahil medyo late narin. Hinatid niya ako sa may sakayan ng jeep. "Dito muna ako hintayin na kitang makasakay bago ako umalis, tutal ako naman ang dahilan kung bakit ganitong oras kana makakauwi." Umupo lang kami doon sa tabi mayroon kasing semento doon na pwedeng upuan. Ang daming  mga pasaherong nag aabang kaya hindi ako agad nakasakay mga 6:30 pm na noong nabawasan yung mga sasakay kaya noong may dumating na jeep nakasakay na ko.  "Ingat jo. Chat mo ko kapag nakauwi kana," sinabi niya iyon sa may tapat ng  bintana ng jeep noong hindi pa ito umaalis.  "Ingat ka din sa pag uwi. Salamat." Ngumiti ako sa kaniya at ganoon din siya sa'kin , 'yong boyish na ngiti ang ibinigay niya sa'kin.  Umandar na ang jeep at hindi pa rin siya umaalis doon sa pwesto niya hanggang sa hindi ko na siya matanaw.  Nakauwi na ako samin at si mama agad ang bungad sakin. Hindi talaga siya mapalagay kapag gabi na at wala pa ako sa bahay.  "Oh naisipan mo pa umuwi. Saan ka nanggaling at ginabi ka ng ganyan," nakatayo siya sa pituan habang pinasadahanan ako ng tingin.  "May nakita kasi akong kakilala ma nag usap muna kami tsaka maraming nag aabang na pasahero kaya late na ko na nakasakay" inalis ko muna ang sapatos ko at nagmano sa kaniya sabay kiss sa pisnge niya.  "Sino? Iyong future manugang ko kunno?" mukhang na aalala niya pa si Rhenuel.  "Siya nga ma," dumiretso ako sa kwarto at nagbihis pero pag labas ko ay mukhang hindi pa tapos si mama sa interview niya sakin.  "Hindi mo ba 'yon boyfriend?" nakaupo siya doon sa sala at mukhang may pinapanuod sa cellphone niya. Umupo ako sa tabi niya.  "Hindi ma, kakilala ko lang 'yun." tinignan ko ang pinapanuod niya, kdrama 'yon tungkol sa kabet.  "Nakakainis 'yang babaeng iyan ang landi ng loka, hindi nalang mag hanap ng sariling asawa at nangaagaw pa ng asawa ng me asawa," nairita ang mukha niya noong makita niya iyong kontra bidang babae doon sa dramang pinapanuod niya. Natatawa ako habang pinapanuod siya.  "Ma, ganyan talaga malay mo may rason, tsaka ang tagal mo na 'yang pinapanuod  hindi  ka matapos tapos," Nakikinuod narin ako.  "Naiirita kasi ako sa babaeng 'yan kaya minsan hindi ko ma ituloy." Gigil na gigil talaga siya sa pinapanuod niya. Halos ibato niya ang cellphone, noong naghalikan iyong kabet at ang asawa.  "Tignan mo ang mga hinayupak akala mo itong lalaki ay walang asawa ito namang kabit mukhang sawa ayyyy nakakabwisit." Itinigil niya iyong pinapanuod at nag fefacebook nalang. Pinapanuod ko lang siya dahil nag chacharge pa ang cellphone ko.  "Oh tignan mo itong si marites asensado na, mayroon ng kotse dahil sa mga anak niya, nakapunta na rin siya sa iba't ibang bansa," nadaan niya kasi sa newsfeed iyong kakilala namin. Dati lang din siyang lubog sa utang kagaya namin, pero noong naipatapos niya sa pag aaral ang mga anak niya ay guminhawa ang buhay niya.  "Don't worry ma, bibilhan kita ng kotseng mas maganda pa d'yan at ililibot ko kayo ni tatay sa buong mundo." binilog ko pa ang  kamay ko na parang hawak ko ang buong mundo. "Itong bahay natin, ipapa renovate ko ito tutal malawak naman d'yan sa harap, papagawan ko ng garahe 'yan para sa mga kotse na bibilhin ko para sainyo tapos swimming pool   sa may likod." Tinuro ko pa ang harap at likod ng bahay namin at bahagya kong niyakap si mama.  "Susss hindi ko na papangarapin." Nag scroll na siya pababa.  "Hindi mo na kailangan pangarapin ma, dahil mangyari talaga 'yun itaga mo pa sa abs ni Ji chang wook" binanggit ko na tuloy ang asawa ko, pero tulad ng parati niyang ginagawa, inismiran niya lang ako.  Noong nag bukas ako ng cellphone ay tumunog agad 'yong messenger ko tinignan ko agad at ang pangalan ni Rehenuel ang nasa pinaka unahan.  Rhenuel Alcaraz : nakauwi kana?  Rhenuel Alcaraz : ouyyy saan kana?  Rhenuel Alcaraz : chat ka kapag nakauwi kana.  Rhenuel Alcaraz : nasa bahay kana ba?  Rhenuel Alcaraz : ouyy Renaissance Gavino : lahh andami hahaha sorry ngayon lang nakapag reply, yes kanina pa ako na kauwi thanks for the concern.  Rhenuel Alcaraz : akala ko naligaw ka eh sa liit mo kasing 'yan mahirap kang makita.  Renaissance Gavino : nakakatawa yun?  Rhenuel Alcaraz : pikon.  Nagtuloy tuloy lang ang chat namin hanggang sa maghahating gabi na kaya noong makaramdam ako ng antok ay nagpaalam na akong matutulog.  Renaissance Gavino : ouyy tulog na ko.  Rhenuel Alcaraz : cge goodnight jo  Renaissance Gavino : sweet dreams night night.  Rhenuel Alcaraz : dream of me, see you in your dream.  Sineen ko nalang 'yon dahil  bigat na bigat na ako sa pilikmata ko.  May take home activity kami sa bahay mga general math, problem solving as the usaul at sa kamalas malasan hindi ako nakinig doon sa teacher namin noong nag tuturo siya kaya hangga ngayon nakikipagtitigan parin ako sa mga equation na nasa notebook ko.  Dahil sa frustrated ako pinicturan ko nalang ang mga 'yon dinesign  at minay day ko pa, tinype ko pa na frustrated need help. Umaasa ako na baka may magturo sakin or what. Nag f*******: nalang ako at napag desisyonang hindi ko muna sasagutin ang mga iyon, siguro bukas nalang sabado naman ngayon kaya may time pa ko bukas.  Scroll down react then click the share button ganoon lang ang routine ko ng biglang nag pop out ang  picture ni Rhenuel. Tinignan ko 'yun at nakita kong may sinend siyang picture sakin.  Rhenuel sent a photo.  Rhenuel Alcaraz : ayan na para hindi ka na frustrated.  Tinignan ko ang sinend niya at nanlaki ang mata ko sa tuwa, dahil lahat ng problem doon sa activity ay may sagot na lahat.  Renaissance Gavino : baliw ka. Tama ba 'yan?  Rhenuel Alcaraz : wala ka bang tiwala. College student na ko kaya basic nalang 'yan.  Renaissance Gavino : hala gagi salamat. Medyo naiiyak na ko kanina hindi kasi ako nakinig doon sa teacher namin noong nagtuturo siya kaya ayan tengga ako tapos may quiz pa kami sa lunes.  Rhenuel Alcaraz : hindi mo talaga alam? Turuan kita.  Renaissance Gavino : surist ka?  Rhenuel Alcaraz : tomorrow sa may TA(Tea Amore) tayo.  Renaissance Gavino : wiehh thank youuu hart hart mwuah Rhenuel Alcaraz : pero libre mo ko.  Renaissance Gavino : buraot ka pero cge.  The next day excited akong bumangon usapan namin 9 am para maaga kami makauwi, ayaw daw niya na ginagabi ako owwws jowa ka girl? Naligo na ako at pumili ng mga isusuot. Kinuha ko ang black  knot front blouse na may sunflower print sa harap  ang cute noong style na 'yun then I partnered it with high rise jeans na itimupi ko sa baba kinuha ko yung black sunflower print slip in na sapatos dahil tugma 'yun sa topped shirt ko.  Pinagiisipan ko sa salamin kung ibu bun ko ba yung buhok ko o ilulugay ko nalang. Tumingin tingin pa ko kung ano ang mas bagay ko pero sa huli binun ko rin 'yon then nag iwan ng kaunting buhok sa harap. Naglagay ako ng liptint at nag curl ng eyelashes.  "Saan ka nanaman pupunta?" si mama, habang nag wawalis. Kinuha ko muna ang walis sa kaniya at ako na ang nag tuloy.  "Mag aaral lang po ako kasama iyong kaibigan ko." Inayos ko ulit ang itchura ko sa salamin.  "Eh bakit pusturang pustura ka?" tumaas pa ang kilay niya dahil sa bihis at mukha ko.  "Ma, natural na ganda lang 'yan" humarap ako kay mama at nag full smile sabay wink.  "Umalis ka na nga. Teka may pera ka ba?" hinahanap niya ang wallet niya.  "Ma, may pera pa ko okay,"  kinuha ko na ang white Backpack purse ko na iniregalo ni Lior sakin last year.  Inagahan ko talaga ngayon kaya 8:30 palang nasa Tea Amore na ko hindi pa ako umorder hinhintay ko siya. Tea Amore  is a milktea shop na malapit sa palengke mukhang gusto niya ng milktea kaya dito siya nag yaya. Kinuha ko na ang mga sample problems na kinuha ko sa internet para mapag aralan ko na ng kaunti kahit hindi ko maintindihan.  Kakaunti palang naman ang mga tao dito kaya medyo nahihiya ako dahil nakaupo lang ako at hindi pa nag oorder.  Bumukas ang pinto kaya napunta doon ang tingin ko iniluwa noon si Rhenuel. Pumasok si Rhenuel na naka black faded shirt at dirty white chino shorts at simpleng slippers lang. Mayroon siyang black sweatband sa ulo na mas nakapag dagdag ng appeal sa kaniya. Simpleng simple lang ang pormahan niya.  "Ang aga natin ah." Ngumiti  siya noong lumapit sakin.  "Syempre, ayaw kong malate baka magalit ka ulit eh tapos hindi mo na ako turuan," natawa siya doon. Seryoso ako doon sa sinabi ko medyo nakakatakot siya magalit eh kulang nalang hindi ako pansinin.  "Hindi ka pa umorder? " tumingin siya sa mga gamit na nadoon at mukhang napansing wala pa akong iniinom o kinakain.  "Hindi pa hahahaha" "Anong oras ka pumunta dito?" nakakunot na ang nuo niya at at medyo nag sasalubong na ang mga kilay niya.  "Mga 8:30 'yon," tumingin siya doon sa wrist watch niya.  "9 na ah. Nag almusal kana?" Umiling lang ako.  "Bakit hindi ka pa nag order?" bakit parang galit siya? Bakit parang kasalan ko pa?  "Hinihintay kaya kita duhhh edi mag order na tayo tara." Tumayo na kami pareho at pumila na, medyo dumami na kasi ang tao kanina bago siya dumating. Napapansin kong ang iba ay napapatingin sa 'min or kay Rheneul lang? Sinamaan ko ng tingin ang mga babaeng makatitig sa kaniya wagas. "Ma'am, sir we have a promo for couples, it's buy one get one po, the owner of this shop is getting married she wants to share the love by the promo. Would you like to try it?" nagliwanag ang tingin ko kay ate gurl dahil sa narinig ko. Ako ang mag babayad ng pagkain namin ngayon dahil pambawi ko na rin sa kaniya at pasasalamat sa pag tuturo niya ngayon.  "Ah hi--" magsasalita na sana si Rhenuel noong kinurot ko siya ng bahagya sa tagiliran. Nakakunot ang nuo at tila nagtatanong  siya kung bakit ko siya kinurot.  "Ahh opo, jo ano ang sayo? 'dba gusto mo 'yong matcha flavor?" Nakangiti ako noong lumingon sa kaniya at pinandilatan ko siya ng tingin sending him a warning na sumakay nalang para makamura kami.  Mukhang nakuha naman niya 'yon kaya ngumisi siya at inakbayan ako. Ang lapit ko sa kaniya kaya amoy ko iyong pabango  niya. Hanggang balikat niya lang ako kaya madali lang para sa kaniyang mahila ako papalapit sa katawan niya.  "Ikaw talaga jo alam na alam mo ang mga favorites ko." Pinisil niya pa ang ilong ko habang nakangisi. Ngumiti ako ng pilit sa kaniya at humarap kay ate gurl.  "One oreo milk tea and one matcha, pa add po ng cream puff medium po and 75 sugar level, " kompleto na ang naging sagot ko ngumiti ako kay ate gurl at ganoon din siya sakin. Nagngitian lang kami mag hapon pero char lang.  "Would you like to try this ma'am." Itinuro niya ang backed mack na gustong gusto kong tikman.  "Ahh yes please, dalawa po n'yan," wala pa man ay natatakam na 'ko nag ke crave ako sa backed mack these past few days.  "200 po lahat ma'am." Inabot ko na agad ang pera dahil nakita kong may dinudukot sa bulsa si Rhenuel.  "Ako na. Ayan na ang pambawi at thanks giving ko sayo," ani ko. Umupo na kami pareho  doon at nag simula na siyang turuan ako.  "May tatlong step para makuha mo 'yan....." at pinaliwanag na niya ang mga  'yon. Nakatingin lang ako sa kaniya habang tinuturuan niya ako. Ang gwapo niya ngayon nakaka distract.  "Ito itatatranspose mo para makuna ito..." ang dami niyang sinabi pero walang pumapasok sa utak ko. Tumingin nalang ako sa kaniya at inimagine na boyfriend ko siya at tinuruan niya ako. Kinilig ako sa sarili kong imahinasyon.  "Nakikinig ka ba?" napabalik ako sa realidad dahil sa boses niya. Nakatingin na siya sakin ng seryoso. Nanliliit ang mga mata.  "Oo naman." Napatango pa ko para mas kapanipaniwala.  "Sige an---"hindi na niya naituloy ang sasabihin niya noong narinig namin ang pangalan namin.  "Rhenuel and Aissa couple po," medyo malakas ang pag kakasabi ni ate kaya nahiya akong napatingin kay Rhenuel na ngayo'y ngisi ngising nakatingin sa reaksyon ko.  "Kunin mo na dali." Itinulak tulak ko siya bago sumukob andami kasing nakatingin.  "Hahahaha ayan couple tayo 'dba," pang aasar niya pa sakin.  "Eh sa para makatipid tayo." Ininom ko na ang milktea ko at tumingin sa kaniya. Pinapanuod niya ang bawat galaw ko mula sa pag inom hanggang sa pag kain ko ng backed mack.  "Ano ba, bakit nakatingin ka?" naiilang ako sa pagtitig niya sakin.  "Ano masarap?" akala ko iyong pagkain ang tinutukoy niya kaya tumango ako.  "Oo." Uminom ulit ako ng nakatingin sa mata niya.  "Masarap matitigan 'no? Kanina ka pa nakatitig sakin eh gumaganti lang ako," medyo nasamid  ako doon sa sinabi niya kaya inabutan niya ako ng tissue.  "Syempre tinuturuan mo ko kaya nakatingin ako sayo," tumango tango siya na akala mo'y nakukumbinse pero iba naman ang sinisigaw ng expression ng mukha niya. Naka half smile siya sakin at parang kinikilatis kung nag sasabi  ako ng totoo.  "Sa papel ka dapat tumingin hindi sa'kin. Kung sa papel ka titingin matutunan mo kung papaano i solve yang problem pero kung sa mukha ko  ka titingin baka matutunan mo kung papaanong mainlove sa'kin ," nangasim ang mukha ko  sa sinabi niya pero gusto kong matawa doon sa banat niya.  Iba din ito eh basta maisingit ang banat niya.  "Alam ko naman na 'yan, " sinabi ko nalang 'yon para malipat na doon ang attention namin,pero wrong move pala ang ginawa ko dahil pinasagot niya sakin ang next problem.  "Alam mo na 'dba, ayan sagutin mo iyong panglima." Inabot niya sakin iyong papel habang nakasmile pero alam ko namang peke 'yon.  Tinry ko paring sagutin kahit alam kong mali mali. Binalik ko na ang papel sa kaniya at noong makita niya ang sagot ko ay nag iba ang reaksyon niya, para siyang natatawa at nadidismaya at the same time. "As expected mali ka. Hindi mo ginawa 'yong isang step." Tinignan niya ulit ang papel at humarap sakin, diretso sa mata ko ang tingin niya nilaban ko naman iyon at medyo nginiwi ngiwi ko ang labi ko.  "You missed the step two Aissa," diretso parin ang tingin niya sakin at seryoso ang pagkakasabi niya noon.  "Nope. I didn't missed the step two, Rhenuel," nagtataray na ko kahit alam kong tama naman ang sinabi niya.  " What did you miss then ?"  "You, I missed you Rheneul," nakangiti ako at nakatingin parin sa mata niya noong sinabi ko iyon, ang harot ko naman po. Ngayon ko lang din 'yon naisip kaya sinabi ko na. Kapag talagang sa harot ang bilis gumana ng utak ko pero sa math kinalawang. Napangisi naman siya doon at lumiit ng bahagya ang mata niya.  "Don't worry Renaissance the feeling is mutual. I miss you too," medyo hindi ako nakabawi sa biglaang pag sagot niya sakin. Akala ko ay tulad noong una ay pipigilan niya lang ngumiti hindi ko  inexpect na sa sagutin niya ang banat ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD