Chapter Six

3588 Words
Saturday ngayon at maaga akong nag lilinis ng bahay. Mayro'n kaming meet up ng mga ka group ko mamayang 10, paguusapan namin 'yong task namin sa business math one of our subject. Medyo hate ko 'yong course na'yon dahil hindi naman nagtuturo 'yong teacher namin pero may mga quizzes, recitations, and task siyang alam ipagawa. "Oh himala naglinis ka senyorita," nagsalita si mama na kakarating lang. Nag jogging siguro siya at bumili na rin ng almusal  namin. Nilapag niya iyong dala dala n'yang supot na may lamang pandesal at kumuha siya ng tubig at uminom. "Wala naman ma, napansin ko kasi na medyo maalikabok na 'yong bahay. " Kunwari'y inilibot ko ang aking  tingin. "Oh talaga may mata ka pala," ewan ko kung bakit ang  grumpy ni mama. "Anong kailangan mo?" Tumingin siya sakin at nakataas ang kilay. Medyo ngumuso ako. Alam na alam ni mama tuwing may kailangan o ipagpapaalam ako. "Eh ma kasi may meet up kami ng mga ka group ko ngayon, mamayang 10 papaalam sana ako." Nagpapaawa pa ako kunwari, pero alam kong alam niyang hindi naman totoo 'yang pa awa effect ko. "Talagang nagpaalam ka pa eh noh anong oras na. Style mo bulok." Pumunta siya sa kwarto para siguro magpalit ng damit. Pagbalik niya ay may inaabot na siya sa'kin. "Oh parati kang lumalabas kaya baka wala ka ng pera jan. Wag kang mag-alala kapapadala palang  ng tatay mo kaya meron pa akong pera." Tinanggap ko nalang 'yung abot niya sa'kin. Hindi talaga kasi ako nanghihingi ng pera sa tuwing aalis ako dahil meron pa naman akong perang naitatago. Madami ng gastusin dito sa bahay ayaw ko namang dumagdag pa. Naligo na ako at nagbihis. Simpleng white hanging blouse na may maliit na  butterfly design sa gitna, I partnered it with a black ripped jeans. Converse 'yong suot kong sapatos ko, kulay white and black yun na terno sa dami na suot ko. Hinayaan ko lang naka buhaghag ang buhok ko at nagpulbo lang. Kinuha ko 'yung back pack ko, may laman 'tong mga materials para sa gagawin naming task. "Ma alis na ko, siguro 4 pa ko uuwi." I kissed her cheek and the usaul, tumango lang siya saki'n. Sa Fab cafe daw yung meet up namin. Ako ang naunang nakarating. Simple lang yung ambience sa place,typical cafe. Wooden 'yong chairs and table, pinag halong cream and brown yung kulay no'ng wall kaya relaxing lang. Merong mga pictures and qoutes na nakasabit sa may dingding bilang mga designs at mas nag pa ganda ng place. Nag-order ako ng frappe, double Dutch 'yong flavor. Nilibang ko lang 'yong sarili ko habang nag hihintay medyo napa aga yata yung dating ko. 9 palang kasi ay pumunta na ko, ayaw ko nang malate. Umiinom lang ako ng frappe ko at may nagchat sakin. Iyong group chat namin ng mga member ko. Sinabi no'ng leader namin na hindi na tuloy dahil halos 'yong iba ay hindi rin pala puwede. Inis kong binitawan 'yong cellphone ko, sayang 'yong pera, outfit,  effort, sayang lahat. Nagselfie nalang ako at pinicturan 'yong iniinom ko. Minayday ko iyon at may caption na "alone and lonely". Nag f*******: nalang ako, sayang naman libre pa naman ang access ng wifi kaya gusto ko pang magtagal. Bumukas 'yong pintuan pero hindi ko na pinansin uminom nalang ako sa frappe ko, dahil medyo madami pang laman. Inilapag ko iyon no'ng matapos akong uminom. Mayro'ng umupo doon sa tapat ko at kinuha iyong frappe ko. Magrereklamo na sana ako, nakita kong si rhenuel iyon at iniinom na niya 'yong frappe ko. "Bakit nandito ka?" Nakataas ang kilay ko. Bumaba 'yong tingin ko mula sa mukha niya papunta sa damit na suot niya. Naka all black siya, 'yong shirt niya black pati 'yong flat front shorts niya ay gano'n din ang kulay at no'ng tinignan ko sa baba ay naka black sneakers siya. Anong meron, libing? "Kasi wala ako doon kaya nandito ako," nagsalita siya pero hindi nakatingin sa'kin. Halos ubusin na niya yata iyong frappe ko. Tumingin siya sakin at tinaas taas niya 'yong kilay niya. "Pilisopo ka masyado noh. Bakit ka nga nandito?" tinanong ko ulit siya at sinubukang kunin sa kaniya iyong frappe ko pero inilalayo niya, ngingisi ngisi pa siya. Noong hindi ko maabot ay umupo nalang ako at tinignan nalang siya ng masama. Tumawa muna siya at uminom ulit bago ako sagutin. "Wala nabalitaan ko kasing lonely ka, edi ayan nandito na ko may kasama ka na. Baka madepress ka kapag hindi mo ko nakita eh," he said that with matching himas sa baba niya. I just made a face. Inismiran ko lang siya ulit at tinapunan ng tingin 'yong suot niya. "Anong meron at naka all black ka? May ililibing ba?" mataray ang pagtatanong ko sa kaniya dahil nambibwisit parin iyong itchura niya habang sumisipsip doon sa frappe ko. "Ah oo. Inilibing kasi iyong ano.." pa bitin pa siya. Tinignan niya ako sa mata kaya tumaas yung isa kong kilay. "inilibing kasi yung puso kong patay na patay sayo." Hinawakan niya ang kaniyang dibdib at tila may kinuha doon at ibinibigay sa'kin  ngumiti pa siya pagkatapos. Ang dramatic nang gesture. "Ang corny mo promise. Bakit hindi ikaw iyong inilibing tutal mukha ka namang  bangkay." Nawala iyong ngiti niya at pinalitan iyon ng ngisi at tumango tango pa siya. Ako naman iyong ngingiti ngiti ngayon. "Pasalamat ka nga pinuntahan pa kita dahil nakakaawa ka." Inubos niya iyong frappe ko para mas lalo akong asarin. Habang umiinom siya ay nakatingin siya sa'kin.Gwapong gago. Tinignan ko siya ng masama and I mouthed a curse. "Edi salamat." Kinuha ko na iyong backpack ko at aalis na. Nakasunod lang siya sa'kin hanggang  makalabas kami sa Cafe. "Galit ka na n'yan?" nagtanong pa. Hindi pa ba obvious. Ewan ko sa lalaking ito minsan okay naman siyang kasama pero minsan naman ang gago lang niya. Napaikot tuloy 'yong mata ko. Gosh ang tahimik ko kaya doon tapos mang aasar siya, asar na nga ako sa mga kagrupo ko mambibwisit pa siya. "If yes? Ano naman sayo." Tumingin ako sa kaniya. Nagseryoso siya at tinignan niya ako sa mata ng diretso. "Paano muna iyong galit?" Napapikit ako sa inis. Kinagat ko iyong labi ko dahil baka may masabi ako. Nakarinig ako ng tawa pagdilat ko ay tumatawa siya habang nakatingin sa'kin. Pinisil niya yung pisnge ko kaya napadaing ako. Ang sakit kaya! "Aray! Bwisit ka!" Inalis ko iyong kamay niya. "Ang cute mo. Para kang gasul na sumasabog." Tumawa nanaman siya sa sinabi niya. Tinaas ko iyong kamay ko at nag hand gesture ako na okay. "Happy? Happy ka diyan?" Medyo tumigil na siya sa kasiyahan niya pero nakangiti parin siya kaya naasar ako. Tinalikuran ko na siya at mag aabang ng jeep,pero kinuha niya iyong kamay ko at dinala ako doon sa may gilid kung saan may nakaparadang motor. "Gusto mong mag joyride?" Tinignan ko siya at binalingan  iyong motor. Natatakot ako dahil alam kong delikado ang pagmomotor hindi ko pa natatry na sumakay ng ganyan pero masaya siguro pero nakakatakot pa rin. Mukhang nakita niyang natatakot akong sumubok. Kaya kinuha niya 'yong kamay ko at hinawakan ang mga 'yon. "Relax, nandito naman ako, kung maaksidente man tayo sarili ko iyong uunahin ko." Tumawa nanaman siya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya ay nawala iyong takot ko napalitan ng inis. "Gago!" "Slight nga lang." Kinuha na niya iyong helmet niya at sinuot iyon. Tumingin siya sa'kin. "Ano game?" hindi ko namalayang dahan dahan na pala akong napatango,para kasing may hipnotismo iyong mga mata niya kaya napapasunod ka sa kan'ya. Sinuot niya iyong isang helmet sa'kin at kinatok pa iyon, chineck kung matibay. Medyo nauntog tuloy ako. Sumakay na siya doon at sumunod ako. "Saan tayo pupunta?" pinaandar na niya iyon, dahil sa gulat ay napayakap tuloy ako sa kaniya. "Dahan-dahan naman kasi," at dahil masaya siya tuwing kasama niya ko, tumawa lang siya ulit. Grabe naman ganito ko ba siya na papasaya? Chour. "Saan mo gustong pumunta?" Nakatingin lang siya sa daan. Ang sarap ng hampas ng hangin sa balat ko. Malamig at unti unti ako nitong binabalot. "Ewan ko sa'yo, ikaw 'yong humila hila sa'kin dito." Pumikit ako at dinama ko lang 'yong hangin at dahil malapit kami sa isa't isa amoy na amoy ko 'yong pabango niya. Gustong gusto ko iyong pinag halong pabango at natural niyang amoy. "Baka naman maubos iyong pabango ko sa katawan sa pag amoy mo sa'kin," hindi ko nalang pinansin iyong sinabi niya. Napamulat tuloy ako ng mata dahil bigla nalang niyang binilisan iyong pagtakbo. "Houyy bagalan mo lang." Natatakot ako kapag bumibilis iyong pagpapatakbo niya kaya humihigpit iyong kapit ko sa kaniya. "Chansing ka miss," kahit hindi ko makita iyong mukha niya ay alam kong nakangisi siya. Kinurot ko iyong tiyan niya pero ang tigas noon napaisip tuloy ako kung nag wowork out ba siya. Hindi ako pamilyar sa lugar kung saan niya ako dinala. Maraming bamboo tree ang nandito mayroong parang maliit na play ground sa sulok at may mga upuan na batong nakakalat sa piligid. Mayro'ng maliit na ilog sa bandang likod at kung pag mamasdan mo iyong view ng  lugar ay nakakarelax lang. Inalalayan niya akong makapunta doon sa mga upuan, dumaan kasi kami doon sa medyo malubak na parte ng daan. Pinarada niya lang doon sa sulok iyong motor niya bago kami umalis. "Anong gagawin natin dito?" Tumingin tingin pa ko sa paligid, may mga iilang tao ang nandito kadalasan mag papamliya. Umupo ako doon sa may batong upuan. "Mag ja jack en poy siguro," wala talaga akong aasahang matinong sagot sa lalaking ito, kung siya nga ay hindi matino sagot niya pa kaya. "Syempre joke lang iyon mukhang bwisit ka nanaman sa'kin eh." Ngumisi naman siya nang nakaloloko pagkatapos. Tumuro siya doon sa may gilid ilang metro lang ang layo sa'min medyo may kaliitan ang pwesto, Magkakasya ang limang tao hanggang sampu siguro,mayroon iyong green fence na nag sisilbing harang sa bandang itaas na bahagi at dahil doon ay masisilip mo kung ano ang nasa loob. Sa loob noon ay may pa bench na gawa sa bato at sa ilalim ng mga iyon ay may mga maliit na pawang bathtub. "Doon may  Fish Spa, nakakakikiliti iyon pero enjoy naman. Doon naman.." Turo niya sa may maliit na playground at tinignan ako. "Pwede  ka doon sa pambata, iyong height mo pang elementary kaya bagay mo doon". Hindi yata mauubusan ng pangaasar sa'kin 'tong lalaking ito. Tumawa siya sa sarili niyang joke wala eh self support lang siya, alangan namang sumali ako sa kaniya sa pang aasar sa sarili ko. "Doon." Tinuro niya iyong mga maliliit na bangka. "Pupwede kang mamangka syempre tapos ayun pupwede tayong mag bike bike lang jan sa paligid" tinignan ko iyong bike. Malawak mga ang paligid at may mga daanan talaga para sa bike. Hindi naman ako marunong noon, dahil ayaw ipagamit ni mama sa'kin   iyong gano'n  no'n kaya hindi ako natuto kahit na ang lawak lawak sa lugar namin. "Gusto kong mag bike muna," sinabi ko iyon habang nakatingin doon sa bike. "Sige saglit lang." Umalis siya at may kinausap. Maya maya lang ay bumalik na siya at sinabing pumunta na kami doon sa may bike. Excited na excited akong sumakay pero unang padyak ko palang noong bike ay tumba na ko. Hindi naman masakit iyong pagkakabagsak. "Hindi ka marunong?" parang hindi makapaniwala iyong tono niya. Bakit bawal bang hindi ako marunong mag bike? "Bawal?"sagot ko pero umiling iling lang siya at bumaba doon sa bike niya. "Turuan kita dali," parang mas excited pa siya na matuto ako. "Kailangan diretso lang 'yong tingin mo. Focus ka lang sa harap wag kang lilingon kahit saan." Tumingin lang ako sa harap habang pinupwesto ko iyong sarili ko. Nakahawak siya sa likod noong upuan noong bike para suportahan ako at para hindi matumba. "Huwag mong iisiping mahuhulog o tutumba ka" magsimula akong pumadyak nang dahan dahan. "Dahil sa tuwing iniisip mong tutumba ka, mawawalan ka ng focus kaya mas masakit yung bagsak mo." Padyak lang ako nang padyak at nakatingin lang sa harap. Pero noong may isang batang dumaan ay nag alinlangan ako kaya ayun bagsak ako. "Ouch," mahina komg daing. Tinignan ko iyong tuhod ko nasugatan ako ng kaunti. "Huwag ka ring matakot bumagsak, dahil sa bawat pagbagsak mo  may matutunan kang bago." Nilahad niya iyong kamay niya kaya inabot ko. "Bumangon ka lang ulit  tuwing mahulog,matumba o bumagsak ka dahil walang mangyayari at hindi ka matuto kung mananatili kang nakaupo kung saan ka lang bumagsak," aniya habang nakangiting tumingin sa'kin. "Ang OA mo, pag bibike iyong itinuturo mo hindi lesson sa life."  Tinanggap ko iyong kamay niya at tumayo ako, inayos 'yong sarili ko. "Tara na, " pagkasabi ko noon ay itinayo ko iyong bike at sumakay ako ulit. "Hindi ka matuto kung wala kang sugat na makukuha. No pain No gain," patuloy lang siya sa pagsasalita habang inaalalayan ako. Sinunod ko lahat ng sinabi niya. "Bibitawan na kita ah." Naalarma ako sa sinabi niya at medyo na wawala sa focus. "Ouyy wait lang hindi ko pa kaya," sinasabi ko iyon nang nakatingin parin sa harap. "Kaya mo, at kailangan mo.  Matuto ka nang mag isa." Itinulak niya ako at binitawan, medyo gumewang gewang ako noong umpisa pero nag tuloy tuloy lang ako at tinandaan lahat ng sinabi niya sa'kin. Ilang ikot pa sa paligid at ilang minutong pagpadyak ay natuto na rin ako. "The best ka teacher!" nag tumbs up pa ako sa kaniya at ngumit ng malawak. Binato niya ako ng towel sa mukha. "Punasan mo 'yang mukha mo pawis na pawis kana." Umalis siya saglit at pag balik niya ay may dala ma siyang tubig at pagkain para samin. "Salamat hahahahah," sayang saya ako sa pagkakasabi niyan. Pagkatapos naming kumain ay nag selfie kami at dahil siya lang ang kasama ko siya lang din ang naging photographer ko. Pumunta ako doon sa may malaking bamboo kung saan may magandang lighting. Tumayo ako doon at nag poise. Tumingin ako kay Rhenuel na siyang may hawak ng cellphone. Nag smile ako at tumingin na doon sa camera. "One two three pandak!!!" imbis na naka smile ako ay sumimangot ako doon sa picture. Next naming sinubukan ay iyong Fish Spa. Inalis namin iyong suot naming sapatos pero pinag pahinga muna namin iyon saglit dahil baka pasma ang aabutin namin dito. Tulad nang kanina ay siya ang kumukuha ng pictures ko. Nilublob ko iyong mga paa ko at inalis din agad dahil nakikiliti ako sa mga isda. Nasa tapat ko si Rhenuel mukhang sanay na siya at nakapaupo lang siya, tinitignan iyong cellphone ko. "Ouyyy picturan mo ko!!!" tumingin muna siya sa'kin at binalik sa cp ko iyong tingin. Naaliw naman ako sa mga isda dahil sa tuwing kakagat sila sa paa ko ay nakikiliti ako. Napapasigaw ako ng bahagya minsan at tatawa dahil sa pagkagat nila sa paa ko. Hindi masakit ang pagkakagat nila nakakikiliti lang talaga. "Nice shot para kang si sisa,"si Rhenuel iyon pinipicturan niya pala ako habang hindi ako nakatingin. Hindi ko nalang siya pinansin at abala ako sa pa nunuod sa mga isda. Noong mag sawa ako ay tinignan ko si Rhenuel may kinakalikot siya sa cellphone ko at sa cellphone niya mukhang pinapasa niya iyong mga pictures namin sa phone niya. Natapos na kami sa Fish Spa, sinunod namin iyong Swan Boat. Ang sarap mamangka dahil ang linis ng lawa, pwede ka pa nga yatang maligo rito. Si Rhenuel iyong nag papadyak samin at ako vinevideo ko iyong scenery at ililipat iyon kay Rhenuel. "Say hi!!!!" pilit niyang inaalis sa kaniya iyong camera. "Masyado ka namang mahiyain sa personal". "Kung video ko pala iyong gusto mo, sana sinabi mo agad edi sana pinuno ko iyang cellphone mo ng mukha ko." Tumaas ang sulok ng labi niya. "Ewan ko sayo, doon tayo dalii ambagal mong pumadyak." Sinaluhan ko na rin siyang pumadyak para mabilis kaming makapunta doon sa gusto kong spot. Nalibot na yata namin iyong buong lawa kaya huminto nakami at nagpahinga muna. Pero nakita ko iyong seesaw doon sa maliit na playground. Pumunta ako doon at nakasunod lang sa'kin si Rhenuel. "Diyan ka dali tapos dito ako" umupo ako doon sa isang dulo at pinaupo siya doon sa kabilang dulo. Taas tapos baba lang kaming dalawa pero masayang masaya ako. Enjoy na enjoy ko yung seesaw lalong lalo na tuwing nasa itaas ako, habang siya mukhang nag eenjoy manuod sa mga reaksyon ng mukha ko pagkatapos ay tatawa. "Para ka talagang bata eh no,"  nag swing naman kaming dalawa. Nagpapatulak ako sa kaniya nang malakas. Sumasalubong sakin iyong hangin kaya sayang saya ako para tuloy akong naging bata ulit. "Lakasan mo pa," sinabi ko habang nakapikit. Dumilat ako at sinubukan kong tumayo. Noong nakatayo na ako sa may swing ay mas lalo kong naramdaman iyong hangin kaya napapikit ulit ako. Savouring the moment. "Ako naman,"sabi niya at biglang bumagal iyong duyan. "Ang epal mo talaga eh noh kita mong nag eenjoy ako eh." Padabog akong bumaba. "Sorry naman bata. Si kuya muna masyado kang nag eenjoy." Ginulo niya iyong buhok ko at tumawa pa siya. Nilakasan ko iyong pagtulak pero parang wala lang sa kaniya. Tawang tawa pa siya sa'kin dahil noong natapos siya ay pagod na pagod ako. "A-ang.. daya... kasi dapat ako muna," humihingal pa ako habang sinasabi iyan. "Oh pagbigyan yung bata," napangiti ako sa sinabi niya. Sumakay ulit ako sa swing at tinulak niya ulit. Pumikit ulit ako at ngumiti hindi ko alam kung anong itchura ko ngayon siguro ay nagmumukha ako baliw. Noong dumilat ako ay na patingin ako kay Rhenuel hawak niya iyong cellphone niya sa kamay niya at kinukuhan ako ng litrato o video. "Ganda mo dito bata oh," kanina niya pa ako tinawag na bata at naiirita ako doon. "Alam mo nasa iyo na sana lahat eh," aniya, tumingin ako sa kaniya at nakatingin na siya sa'kin. "Oh tapos?" "Maganda ka" naguumpisa nanaman iyong tunog sa puso ko. "Alam ko " natawa siya. "Kapag nakapikit ako," yung kaninang tunog na naririnig ko ay biglang huminto at narinig ko nalang iyong pagtawa niya. Bwisit ka. "Matalino," sa bawat salitang binitawan niya ay parang mas lalong lumalalim iyong tingin niya. "Mabait ka rin naman, kapag natutulog." Natawa siya nang bahagya doon sa sinabi niya. "Ulok ka." Natawa na rin ako. Hindi ko alam kung saan ito patungo pero sasakay ako kahit saan pa ako dalhin ng biyaheng ito. "Pero may kulang sayo eh." I rolled my eyes duhh syempre hindi naman ako perpekto. "Ano??" Sumeryoso lalo iyong tingin niya sa'kin, kung makikita mo man iyong mga mata niya ay para mo na ring nakita iyong mga bituin sa kalangitan tuwing madilim para kang nakikipagtitigan sa kanila. "Bukod sa height may kulang pa," may maliit na ngiting nag lalaro sa labi niya  pagkatapos sinabi iyan. "Alam mo sinisira mo iyong ambience eh." Sumandal ako doon sa upuan at pinag cross ko iyong braso ko. "Ano nang kulang??" tanong ko witch matching pag taas ng kilay. "Apeliydo ko, "sinabi niya yan nang hindi pinuputol iyong titigan namin. "Puro ka banat," mahina kong sambit. Hindi mo alam kung kailan seryoso ang isang tao o kailan lang siya nagbibiro. Sabi nila sa mata mo makikita kung  totoo ba o ka sinungalingan lang ang mga salitang magmula sa bibig ng  tao, pero papaano kung pati iyong mata hindi mo alam kung nagsasabi din ba nang totoo. Tumawa lang siya pagkatapos. Tumingin ako sakaniya, ano ba talaga ang iniisip mo? "Tara na, "  anyaya niya sa'kin kaya tumayo na ko. Tulad nang kanina ay tinulungan niya akong umakyat. Inilagay niya rin iyong helmet ko kanina at sumakay na kami. Habang nagbabyahe ay nakahawak ako sa likod ng motor at nag iisip. Seryoso ba siya sa'kin? Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya sa'kin? Ako, seryoso ba ako sa kaniya? Ano ba kaming dalawa? Magkaibigan? Magkakilala? Hindi ko alam. Bigla akong napasubsob sa kaniya dahil bigla niyang binilisan ang pagpapatakbo. "Yumakap ka miss." Gamit ang isang kamay niya ay kinuha niya ang kamay ko para iyakap sa kaniya. Naamoy ko nanaman siya,  hindi ako mapakapaniwalang parang walang nag bago sa amoy niya. Kaninang inamoy ko ang sarili ko ay hindi na ako ganoon ka bango dahil napawisan ako at siya! ganoon parin ang amoy. Pumikit ako at sumandal sa kaniya. Nakaramdam ako ng pagod. Pagmulat ko ay nandoon na kami sa kanto papasok sa amin. Naalala niya pa siguro kung saan iyong bahay namin. Tinapik ko siya. "Dito nalang ako salamat." bumaba ako at inalis ko iyong helmet. "Ingat ka, salamat ulit." Ngumiti ako pero hindi iyon umabot sa mata hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito. Tatalikod na sana ako noong tawagin niya ako. "Aissa," pagtawag niya sa pangalan ko. Humarap ako. "hmm?" parang kahit magsalita ay napagod ako. "Naalala mo iyong tinanong mo sa'kin?" kumunot ako nuo ko habang nakatitig sa kaniya. Nakayuko siya noong una pero tumingin din siya sakin kalaunan. "Alin doon?" pagtatanong ko. "Tinanong mo ko kung may girlfriend ako dba?" parang kinakahabahan ako sa sasabihin niya. Baka may girlfriend na siya at ginawa niya lang akong past time. "oh?" parang walang gana kong sagot. "Sabi ko wala dba?" hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya. "tapos?" "Ngayon meron na," nakatingin sa mata ko ng diretso. "Sinasagot na kita Aissa," lalong lumalim yung gitla sa nuo ko. Anong pinagsasabi nito. "Umuwi kana" tinataboy ko na siya. "Tinanong mo kung pwedeng ikaw nalang iyong girlfriend ko 'diba, kaya ayan sinasagot na kita Renaissance Febrary Gavino," unti unting sumilay ang malokong ngiti sa labi niya. Baliw amputs.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD