Chapter Seven

3594 Words
Nalunod ako sa mga katanungan sa isip ko, hindi ko na namalayang nasa harap na pala ako ng bahay namin,kung papaano ako napunta dito ay hindi ko alam. "Oh nandito kana pala, anong mayro'n  sa mukha mo at ganyan ang itchura mo," si mama ang sumalubong sa'kin. "Mukha kang hapong hapo, Ang dami n'yo yatang ginawa maghapon at pagod na pagod ka," nag sasalita pa rin si mama pero wala sakan'ya at sa mga sinasabi niya ang isip ko, nalulunod ako sa mga katanungang umiikot sa utak ko. Tumago lang ako kay mama at mukhang nakuha naman niya na pagod ako kaya hinayaan niya muna ako. Naghilamos na ako at nagbihis nang pambahay. Umupo ako sa kama at naglayag sa aking kaisipan. Mga tanong na bigla bigla nalang pumasok sa akin, Ano nga ba ang papel niya sa buhay ko? Ano ko siya... Kaibigan? Umiling ako na tila  sinasalungat ang iniisip ko. Kakilala ko lang ba siya? Pero papaanong kakilala lang kung ganoon kami mag usap at kung ganoon ang pakikitungo namin sa isa't isa. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Pumikit ako inemahe ko ang mukha niya sa isip ko, nakangiti siya doon habang nakatingin sa'kin. Inilagay ko sa ibabaw ng dibdib ko ang aking kamay nakikiramdam sa bawat pag kalabog nito. Sa bawat salita na binibitawan niya sa'kin ay ganito parati ang ritmo ng aking dibdib. Noong una ay biruan lamang talaga ang mga salita ko para sakan'ya pero kalaunan ay hindi ko na alam kung biro  lang ba talaga ang sinasabi ko o sinasabi ko lang ang totoong nararamdaman ko. Nagdilat ako at nagulat ako sa bumungad sa'kin. Si mama 'yon at mataman akong tinitignan. Nakanunot ang kaniyang nuo at nagtutuglong ang kan'yang kilay. "Anong nangyayari sayo?" tinanong niya ko. "Wala ma, nag iisip lang po ako," mahina kong sagot at tumingin sa gilid. "May problema ka ba? Ano?" pinipilit niya akong mag salita pero ayaw kong ibahagi ang ganitong mga bagay kay mama. "Wala nga ma," pagkukumbisi ko sakan'ya. Ngumiti ako. "Pagod lang siguro ako ma, medyo madami kaming ginawa at madami rin kaming inisip eh. Alam mo naman 'yong anak mo matalino,matalino pa sa nanay," Suminangot siya sa'kin. Ayaw na ayaw niyang nilalamangan ko siya. "Kahit pa anong talino mo kung wala namang nagkakagusto sayo wala din," pagbabalik niya sa' kin. "Anong connect ma?wala namang connection," sabi ko habang tumatayo. Tumayo na rin siya. "Kayo niyang iniiisip mo walang connection. 'Di ka mahal n'yan kaya wag mo nang isipin 'yan," bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maasar ba ako o hahanga dahil kahit hindi ko sabibin sa kaniya ay alam na niya ang nasa isip ko. Totoo nga sigurong may connection ang Ina sa Anak kahit pa putulin ang Umbilical cord na namamagitan sa kanila ay mananatili ang koneksyon nila sa isa't isa. Kumain nalang kami nang tahimik ni mama, hindi na rin siya nagtanong pa. Kami lang dalawa talaga dito sa bahay si kuya nag aaral at si tatay nasa abroad, gusto ni mama parati kaming sabay kumain dahil dala-dalawa na nga lang kami ay hindi pa ba kami magsasabay. Nagligpit at naghugas na ako nang plato. Pagkatapos noon ay kinuha ko na ang cellphone ko at kaagad chineck ang messenger ko dahil kanina pa tunog ng tunog, agad nagliwanag ang mukha ko at kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko. Nakita ko ang pangalan niya sa may screen pinindot ko iyong name niya at tinignan ang mga messages niya. Rhenuel Alcaraz : psst gasul, nakauwi kana? Rhenuel Alcaraz : ouyy chat ka kapag nasa bahay kana. Rhenuel Alcaraz : mukhang pago ka miss ah. Sana nag enjoy ka kanina kahit halata naman. Madami pa iyon at pinalitan niya rin 'yong nickname ko na GASUL. May pumipigil  sa'kin na mag reply sa messages niya, Anong drama ko? Mukhang nakita niyang naka on na ako. Nag tatyping siya. Rhenuel Alcaraz : Seener ka na pala ngayon Renaissance Gavino : slr. Yup nakauwi na ako. Hindi ako gasul,cute size ang tawag dito. Famous ako kaya pwede kitang iseen lang. Rhenuel Alcaraz :Btw alam mo ba iyong panatang makabayan? Renaissance Gavino: Seriously! Nagaaral ka ba talaga? Rhenuel Alcaraz : Oo o hindi lang ang sagot miss walang seriously sa choices. Renaissance Gavino : Yes, ofcourse Rhenuel Alcaraz : Recite mo dito. Line by line lang ah. Nagtataka man ay sumunod pa rin ako sa sinabi niya. Renaissance Gavino : Okay first iyong title. Panatang Makabayan(bow) Renaissance Gavino : Iniibig ko ang pilipinas Renaissance Gavino : Aking  lupang sinilangan. Rhenuel Alcaraz : Stop right there. Unang line mo palang mali kana. Renaissance Gavino : What?! Anong mali doon? Rhenuel Alcaraz : Panatang Makabayan. Rhenuel Alcaraz : Iniibig kita ,mula kanluran hanggang sa silangan nasa hilaga  o nasa  timog ka man, ako'y nangangako, na sayo lang ako peksman. Renaissance Gavino : Panatang Makabayan ba yan o Panatang Makagag*? Rhenuel Alcaraz : Panatang Makabayan na Medyo gag*. Hahahahaha Renaissance Gavino: Rhenuel, kuto ka ba? Rhenuel Alcaraz : shocks, bakit? Renaissance Gavino : sarap mo kasing tirising peste ka. Natatawa ako sa mga chats namin at iniwan ko muna saglit iyong cellphone ko pagbalik ko ay tunog nang tunog nanaman. Excited ako na medyo kinakabahan dahil akala ko si Rhenuel iyon pero medyo nadismaya ako noong group chat naming mag kakaibigan iyon. Nag backread muna ako doon sa chat namin ni Rhenuel at napaisip nanaman ako, Oh may isip naman pala ako eh! chour. Napaisip ako na anong meron samin? Normal lang ba iyon sa mag kakilala? Wait! mag ano ba kami? Wala akong sagot doon. Lahat ng tanong ko kanina ay umiikot nanaman sa isip ko. Bago pa ako malunod ulit sa mga iyon ay nag seen na ako sa GC namin. Deby: ATTENTION!!! OMYYY LIOR!!!!!! PLEASE ALL EYES ON ME BASTA FOCUS ON MY CHAT!!!! LALO KANA LIOR. Liordyosangbakla: Anyare sayo? Kailangan capslock para damang dama ganoon? Enni: bakit?? Deby : So ganito kasi iyon, nanaginop kasi ako. Liordyosangbakla: ano iyong nanaginop gurl? Enni: nanaginop pa nga. Deby : mga basher!  So ganito iyong NANAGINIP ako okay or  should I say nabangungot ako... Liordyosangbakla: ano?!! Pa suspense ka pa horror ba iyan? Deby : OO! bakla lalo na at nandoon ka ikaw pa ang main lead maghintay ka! Deby : so 'ayun madami pang keme iyon pero ito na ang spotlight, Lior putek lalaki ka raw doon sa panaginip ko tapos nainlove ka doon sa isang babae goshh ang sweet niyo daw hangga ngayon na fefeel ko pa iyong goosebumps ko kanina. Liordyosangbakla: Iwwww!! Never in my life na papatol ako sa babae kadiri ka naman pati ako nangingilabot sa panaginip mo. Enni: Bakit Lior pwede naman iyon ah malay mo. Liordyosangbakla: Kehorror lusviminda! Enni have some stampede on what you're saying girl burahin mo iyan words are powerful. Nagpatuloy lang sila at nakisama na ako dahil sinabihan ako ni deby na busy raw ako sa kalandian ko kaya hindi ako makapagchat sa kanila. Niyaya ko nalang na mag kita-kita kami next week, dahil medyo matagal tagal na rin noong last time naming nagkasama sama. Aissang: Ouyy gala tayo next week. Sa HaM (HuggaMug) Cafe tayo Deby : Ay woww mapera ka gurl? Libre mo? Liordyosangbakla: In ako Enni: Sige lang Aissang : @Deby oo libre ko.. Deby : ayy weeh? Sige G ako Aissang : Libre ko iyong entrance tapos libre niyo ako sa pagkain. Deby : gaga walang entrance fee sa HaM Aissang: exactly! Itinabi ko na iyong cellphone ko pero bago iyon ay sinilip ko 'yong convo namin ni Rhenuel. May chat siya na hindi ko pa nababasa. Simpleng goodnight lang iyon at sinabi niyang huwag ko daw siyang masyadong panaginipan ang kapal ng apog. Nagdasal muna ako bago magtulog. Nagising ako nang matiwasay kinabukasan at sabi noong leader namin ay magkikita kami ngayon. Gusto ko sanang mag reklamo at sabihing ang gulo gulo nila pero dahil masunurin akong member ay huwag nalang. Pero nakakaasar pa rin 'yang ganyang mga ka grupo ang gugulo. No'ng araw ding iyon ay tinapos namin ang kailangan naming tapusin. Pag uwi ko sa bahay ay groggy ako dahil sa pag iisip ko at medyo naisantabi ko ang mga katanungang gumugulo sa'kin. Sa mga nagdaang araw ay madalang nalang sa patak ng ulan kung replyan ko si Rhenuel dahil sa mga gumugulo sa isip ko. Ayaw ko nang ganito lang, iyong landian lang, hindi ako pang landian lang. Gusto ko siyang tanungin kung ano ba talaga kaming dalawa, pero natatakot ako sa magiging sagot niya. Ilang buwan na kaming nag chachat lang at paminsa'y nag kikita. Nagpakawala ako ng malalim na bunton hininga. Paakyat ako sa may  hagdanan, nandito ako ngayon sa HaM cafe, sa pinag usapan namin ng mga kaibigan ko. Lumilinga ako sa paligid at may nakaagaw agad ng atensyon ko. Si Rhenuel ay nandoon kasama ang isang babae at lalaki. Kapwa may itchura ang mga kasama niya, 'yong babae ay hanggang balikat ang buhok na bumagay sa maliit niyang mukha, soft lang ang features ng mukha niya habang iyong lalaki nama'y tila supladong tignan pero tuwing ngingiti ay nawawala ang kaniyang mata. Makatabi si Rhenuel at iyong babae habang nasa harap nila iyong lalaki. Nakapatong ang kamay niya sa upuan ng babae kaya tila nakaakbay siya doon. Ang saya nang kuya niyo! "Dito Aissa!!" si Deby iyon at kung makasigaw ay parang wala kami sa Cafe ngayon. Nasa labas sila, sa may deck nang cafe nakaupo. Kompleto na ang  lahat pwera sa'kin medyo nalate pa ako dahil ayaw akong payagan ni mama noong una pero pumayag din kalaunan. Tulad ng mga ibang Cafe ay maganda din ang HaM may combination of black, white and brown ang paligid  and a little touch of green. White ang kulay ng wall kaya malinis at maaliwalas tignan ang lugar, black ang kulay ng mga wooden furnitures, samantalang ang mga decorations like qoutes ay halos kulay brown at tungkol sa coffee ang content. May mga single sofa ang nasa gilid for two person kulay light green at orange ang nga iyon. Nagtungo na ako doon sa labas may silong naman ang bawat table na nasa labas. Isa iyong Patio Umbrella, kulay black at brown iyong mga iyon na nag compliment sa mga furnitures na nasa loob at labas. Limang single na stainless steel chair ang nakapalibot sa black table namin. Maganda ang view dito sa labas dahil ang Cafe ay napapalibutan ng puno, medyo malayo sa daan kaya hindi mo rin amoy ang pollution. Umupo na ako doon sa isang upuan na hindi pa occupied. Tinignan ko sila isa isa. Si Deby tulad nang parati niyang style, green multi stripe and tie-front ang style nang top  niya at denim shorts ang baba, nakabuhag hag ang maalon niyang buhok. Kulay black ang buttons front na suot ni Enni may simpleng cactus design iyon at jeans lang ang partner noon. Lior is wearing a casual black polo naka bukas ang tatlong butones noon at nakasabit ang Black Versace niyang sunglasses he  partnered it with blue denim ripped jeans. Naka thin striped crop T-shirt ako at overall black dress. "Bakit ang gwapo ng datingan mo ngayon Lior? Nag balik loob kaba?" tinanong ko iyon noong pag kakaupo ko dahil takang taka ako sa itchura niya. "Gaga ka ba? May family dinner kami mamaya kaya kailangan kong mag transform, ayan Voltes V nanaman ang datingan ko," mahaba niyang linataniya. "Na Tide ka ba gurl? Gulat ka noh? Ang pogi mo bakla" sumabat si Deby samin at bahagyang hinaplos ang mukha ni Lior, medyo umiwas si lior at para siyang sukang suka. "Eh kung ipatikim ko sa'yo iyong breeze, may lakas ng sampung kamay." Itinaas pa ni Lior ang kamao niya sa ere at tila umaambang manununtok. "Lior tama na 'yan, ayan na si Aissa mag order kana gutom na'ko," ani Enni habang nakahawak sa kaniyang tiyan. "Syempre dahil may mayaman tayong kaibigan,libre ang pagkain natin ngayon," sabi nang opportunistang si Deby, pumapalakpak pa ang gaga. Mayroon naman akong pera dahil nag iipon talaga ako para sa tuwing may gala kami ay may magagamit ako,pero dahil may kamahalan ang lugar ay alam kong si Lior ang magbabayad. Ayaw na ayaw niya kaming gumastos lalo na tuwing hang-out namin pagkatapos ay mamahalin ang lugar,pero tuwing afford naman namin ay hinahayaan niya kami. "Opportunista ka talagang hit the ground ka eh," hampas lupa ang ibig kong sabibin doon. Tumawa lang si Deby. "Sabi nga nila don't missed the boat, ibig sabihin don't missed the opportunity kung nasa harapan muna bakit papakawalan mo pa, grab it so you won't regret." May pa hawak hawak pa siya sa harapan na tila may kinukuha at akala mo'y nasa action movie dahil lahat ng sinasabi niya ay may katumbas na action. "Tama na 'yan kumain muna tayo, " isa pa itong Enni na'to tiyan niyang lang ang pinapakinggan niya. Nag taas ng kamay si Lior para sumagot sa tanong sa whiteboard syempre chour,nag taas siya nang kamay para tumawag ng waiter para umorder. Tumingin ako sa paligid at napunta ulit ang atensyon ko kila Rhenuel. Tulad nang reaksyon niya parati tuwing kasama ako ay ganoon din siya ngayon, tumatawa siya at bagkas doon ang tunay na kasiyahan may time pa nga na ginugulo niya ang buhok noong babae tulad nang ginagawa niya sa'kin. Napairap ako sa kawalan "Ha!" mahina kong singal humigpit ang hawak ko doon sa tinidor na hawak ko, sarap ipansaksak. Naisip ko tuloy na baka ganoon  siya sa lahat, sweet, caring, maharot at friendly lang siguro siya. Lahat ng kilos na ginawa niya doon sa babae ay kinukumpara ko sa mga actions niya towards sa'kin. One out of ten ay nine ang nakikita kong mga galaw na ginawa niya sa'kin pati doon sa babae. Napairap tuloy ako sa kawalan. Simarun ang putek. "Ayyy kaya pala wala sa'min ang tingin ni ate gurl, nandoon sa loob iyong lalaki niya," sabi ni Deby sabay lingon din doon sa gawi nila Rhenuel. "Ayy gwapo din iyong kasama niya, ano kaya name? Ayy shocks! bawal! loyal pala ako," hindi ko pinansin ang sinabi ni Deby at nakatingin parin kila Rheneul. Mukhang naramdaman niyang may nakatigtig sa kan'ya nang masama kaya lumingon lingon siya hanggang sa magtama ang tingin naming dalawa. Mukhang nagulat siya at naialis niya bigla ang kamay niyang nakapatong doon sa upuan noong babae,tila napapaso. Tsk kahit na alisin mo 'yan nakita ko na lahat ng kataksilan mo..... Wait kataksilan?? Bakit? Anong meron? Ano ko na siya para makaramdam ako nang ganito. Crush ko lang naman siya ahh nang slight. Ngumiti siya sa' kin pero mas lalo ko siyang sinamaan nang tingin. Pinutol ko na ang tinginan naming dalawa. Sa tagal ko siyang tinignan ay nakabisado ko na ang suot niyang damit. Casual grey shirt ang suot niya at skinny black chino shorts. "Aissa tama na 'yan baka gutom kana." Iniaabot sa'kin ni Enni iyong yema cheesecake. "Salamat," sagot ko at muling tumingin doom sa gawi nila. Hindi na nakatingin sa' kin si Rheneul at bumalik na ang atensyon niya doon sa mga kasama niya. Tumawa iyong lalaking kasama niya at lumingon sa gawi ko pati na rin iyonv babae. Nakataas ng bahagya iyong kilay noong babae habang nakatingin sa'kin. Tinignan ko sila nang. masama lalo na iyong babae ang taray taray niya akala mo naman inaano ko siya. "Aissa tatawag na ba ako ng police?" binalingan ko si Deby at nagtatanong ang mata ko. "Or ambulance?" si Lior iyon. "Waiter nalang siguro" Enni as always buti nga't nagsalita ngayon iyan, madalas kasi siyang lutang kaya hindi namin makausap ng matino. "Bakit nga?" pag tatanong ko sa kanila. "Una police, dahil ipapa aresto kita. Pinatay mo ang babaeng iyon  diyan sa utak mo." Tinuro ni Deby iyong babaeng katabi ni Rhenuel. "At may deadly weapon kang dala, nakakamatay iyang tingin mo" "Next is Ambulance, dahil baka maisalba pa ang susunod mong biktima," sabi ni Lior at tinuro naman iyong babaeng lumalapit kay Rhenuel, Gwapo ni kuya ah ang daming babae. "And last ay Waiter, baka kasi nagutom ka sa pagpatay mo sa kanila sa isip mo kaya tatawag tayo ng Waiter para umorder ulit," tulad ng sinabi ko walang matinong sasabihin si Enni lalo na tuwing gutom siya. "Selos ka noh!" Sumimangot ako kay Deby, totoo naman iyong sinabi niya at mukhang halata naman. "Ayy wait mag ano nga ulit kayo?" napatahimik ako at tumingin sa kaniya. Ang tanong na gumugulo sa'kin, ang tanong na hindi ko nabigyan ng kasagutan . Sarili ko nga hindi ko masagot si Deby pa kaya. "Tsk, MU?" nanghuhula si Lior umiling ako. Walang naganap na aminan sa aming dalawa at hindi ko alam kung may aaminin ba kami. "Friends?" Umiling din ako kay Deby. Hindi ko alam hindi naman kami magkaibigan,hidni naman ganito ang samahan namin. Wala naman sigurong nagbabantan na magkaibigan kung meron man nasaan at sasabunutan ko sila. "Food Buddies?" Napabuntong hininga ako kay Enni. "Magkakilala lang?" si lior nanaman pero umiling ako at kalaunan ay tumago pero umiling din agad. Hindi ko alam. Papaanong magkakilala lang kung nagkikita kami, nahaharutan sa chat at minsan sa personal. Ano iyon magkakilarutan? Yak what's that word. Eh kung mag kaibigan? Magkaibigaharutan? Ano bang mga naiisip ko. "Ah M.L kayo," ani Deby napalingon tuloy ako sa kaniya dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya. "M.L as in mobile legends?"si Lior ang nagtanong doon, pareho kami ng iniisip. "Gaga anong konek noon sa pinag uusapan natin? " pagbalik na tanong ni Deby kay Lior. "Abay ewan ko sa'yo ano ba 'yang M.L na' yan?" Umirap pa si Lior ganoon din ang ginawa ni Deby, walang nagpapatalo sa kanilang dalawa. Kami ni Enni ay nakikinig lang pero siya nakikinig habang busy sa pagchibug niya sa yema cheesecake at pizza niya. "Duh, M.L stands for Magkalandian Lang ganoon," sambit ni Deby at binalingan ako, ewan bakit parang may kung anong dumagan sa dibdib ko, parang ang bigat noong salita ni Deby at pumatong iyon sa dibdib ko though wala akong dibdib chour. "Walang kayo, at wala kayong label tama ba? Pure charutan at banatan pero walang aminan sainyo na namagitan hayyys," parang palasong tumatama sa'kin ang mga salitang binato ni Deby sa'kin. Napayuko ako, nagiisip at inaabsorb ang sinasabi nila Hindi ko kasi alam ito eh. Pumasok ako sa sitwasyong ganito pero wala akong alam. Para akong sumugod sa laban nang walang armas na hawak. Para akong nag aaral na walang papel at lapis na dala at tanging sarili ko lang. Para akong lumusong sa malalim na parte ng dagat na walang dalang salvabida at walang kakayahang lumangoy. "Hayys ganito kasi dapat 'yan Aissa makinig ka. Huwag na huwag kang makipag harutan. Sabi nga ni mama noong bata pa ako tumigil kayo sa kakaharutan  dahil baka mamaya umiiyak na iyong isa dahil pareho na kayong nagkakasakitan," iyong mga payo nila mama noong bata ako pwede mo pa rin palang maiapply hangga ngayong dalaga na ko. "Hindi pupwedeng gan'yan lang kayo. Everything should be clarified and all feelings need to be heared . Kung may aaminin ka aminin mo at kung may itatanong ka itanong mo Aissa. Don't settle for less if you can have the best." Lior said while sipping in his iced coffee. Napapatanga lang ako sa mga sinasabi nila. Nanunuot lahat at walang patapon. "Tulad ng mga binibili nating pagkain kailangan mo munang bayaran bago mo kainin. You will only be entitled for something if you really own it, kung magseselos ka man atleast may karapatan ka," sinabi iyon ni Enni habang nakatingin doon sa pagkain. I just can't believe it lahat sila may sense kausap nagyon. Uminom nalang ako sa mango shake ko at yumuko. Lahat ng sinabi nila ay tama pero may hinahanap parin akong sagot, pero alam kong hindi sila ang makakasagot noon. Somehow nakatulong ang mga salitan nila pero may naiwan paring katanungan na walang kasagutan. "Ang galing niyo ah, based on experience ba?" I asked to lighten up the sad ambience that slowly consuming me. "Gusto mo ba siya?" nagsalita si Deby pero lumagpas sa'kin ang tingin niya naroon iyon sa table nila Rhenuel. "Oo..." hindi ako nagiisip noong sinabi iyon. "Hindi!!" pagtangi ko naman "Ayyy pwede?" biglang bawi ko. Hindi ko kasi alam o hindi lang malinaw sa'kin, hindi namam ito ang unanh beses na nagkagusto ako pero nalilito parin ako kung kailan mo nga ba masasabing gusto mo na ang isang tao. "Ano ito Pinoy Henyo? Huhulaan namin ulit bakla," ani Lior at umirap pa. Kahit naman ako ay nalilito rin sa sarili ko. "Hindi pa kasi malinaw sa'kin," mahina kong bulong, tumingin ako sa gawi ni Rhenuel at nagtama ang ulit ang tingin namin. Naglinya ang makapal niyang kilay, mariin na naglapat ang kaniyang labi at tila nagtatanong ang mata niya kung bakit ganito ang reaksyon ng mukha ko. "Aissa," seryoso pagtawag sa'kin ni Deby kaya tumingin ako sa kan'ya. "Kapag ang tubig malabo hindi mo iyon iinumin 'dba same with feelings, kapag ang feelings malabo at hindi sigurado kahit sino hindi iyon tatanggapin, Kaya klaruhin mo iyang nararamdaman mo at klaruhin niyo kung ano man ang meron sa inyo,"mahaba niyang lintanya. Napatitig ako doon mga puno at nag iisip kung ano ba ang dapat kong gawin, lalapitan ko ba siya itatanong ko ba kung anong meron sa'min o makokontento nalang ako sa ganitong set up namin. Life is full of test and choices you need to choose between A and B or B and C, the choices are based upon the situation that is given,so pick the perfect answer because your decision will make a big factor on your final score. My exam in oh so called LOVE  subject is finally given to me and im still thinking what is the right answer in my number one question. What will I do? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD