Chapter Eight

3350 Words
Nagkukwentuhan pa rin sila pero ako lutang pa rin, kung saan-saan na napunta ang usapan namin. Nakikinig ako pero hindi ako masyadong attentive sa pinag uusapan nila. "Oh 'dba may kinukwento akong boyfriend ko sa 'nyo," naguumpisa pa lang sa pag kukwento si Deby pero kung kiligin siya ay wagas, napahawak pa siya sa magkabilang pisnge niya. "Ahh iyong boyfriend mo pero hindi niya alam na boyfriend mo siya," sabi ni Enni habang nag liligpit ng mga kinain namin. Parati niyang ginawa 'yan dahil ayaw niya daw mahirapan pang magligpit iyong mga waiters, kaya naman daw namin bakit hindi namin gawin, kaya hindi na namin siya sinaway sanay na kami sa kaniya. "Oh anyare? " maarteng tinitignan ni Lior ang mga kuko niya at pawang may inaalis na dumi doom kahit malinis naman na. "Ayun na nga, kilala niyo naman ako 'dba hindi ako katalinuhan at kung hindi ako mag rereview at makikinig  ay tennga ako.. " Huminto siya saglit at uminom ng tubig. "Oh continue. " Itinaas ni Lior ang kamay niya, pinapahayag na magpatuloy si Deby si pag kuwento. "Classmates kami noong crush ko sa subject na social science eh nag didiscuss si Ma'am Limpin doon sa  Economic growth and it's Factor on the Environment, kaso  nakakaantok siyang mag turo para hindi ako makatulog, kasi bastos naman kung nagtuturo iyong teacher tapos tutulugan mo 'dba, so ang ginawa ko tumitig nalang ako doon sa crush ko. " Kumagat muna siya doon sa pizza at uminom doon sa smoothies niya. "At sa tingin mo hindi bastos ang hindi pakikinig sa teacher habang nag tuturo?" may point naman si Enni, hindi nga siya natulog hindi naman siya nakikinig bastos parin iyong matatawag. "Para sa'kin, hindi! Mas nakakabastos iyong natutulog ka sa klase. Oh back to the topic... Asaan na nga tayo?" mukhang nawala siya dahil sa tanong ni Enni napakamot tuloy siya sa labi niya at iniisip kung saan ba siya huminto. "Nasa HaM Cafe pa rin naman tayo Deby, hindi naman tayo umalis dito," ang pilosong Lior ang sumagot doon at sumandal pa siya sa upuan niya. "Alam niyo, mga footspa kayo eh. Nasaang part na kasi??" nafrufrustrate ang itchura niya, lukot na lukot ang mukha niya ampanget niyang tignan. "Nandoon no'ng tinititigan mo 'yong crush mo," ako na ang sumagot dahil wala yatang balak sagutin noong dalawa si Deby para kasi silang bagot na bagot sa kwento ni Deby sabagay sa tuwing nagkikita kasi kami walang ibang ikukiwento 'yang babaeng iyan kung hindi iyong crush niya, kinukwento niya lahat ng improvements nila ng crush niya, halata namang walang gusto sa kaniya iyong lalaki eh pero lahat yata nang kilos noong lalaki binibigyan niya ng malisya. "Ay nandiyan ka pa pala?" oh kita mo sinuportahan ko na nga ginaganito pa ko. Inirapan ko siya, baliw, isa siyang Hakdog. "But thanks btw, so back to my love story. Tinitigan ko siya noon tapos nag iniimagine ko na iyong mga sweet moments namin kapag niligawan na niya ko. Sasagutin ko na sana siya sa imagination ko eh ayun na oh! ang kaso may tumuwag bigla sa apeliydo ko Ms. Castañeda!" sigaw niya na parang siya ang tumawag sa pangalan niya at naroroon din ang reaksyon sa mukha niya. "Tinawag pala ako ni Maam Limpin may pinapasolve siya sa'king charts tungkol sa economics kaso hindi ako nakinig kaya hindi ako nakasagot, nagmaganda nalang ako habang nakatayo." Nabigla ako noong tumayo siya at nagmamaganda para talagang ni  re-enact niya iyong pangyayare. "Nagulat ako biglang tumayo si crush tapos siya iyong sumagot sa white board tapos dumaan siya sa gilid ko sabi niya Don't stare at me, study hard ayaw ko sa mga bobo, grabe ngumisi pa siya noon ang gwapo!!! Ewan kinilig ako kahit sinabihan niya akong bobo," kahit naman yata hindi niya sabihing kinikilig siya ay mahahalata mo naman, kahit kinukwento niya lang ay para talagang nangyari ulit iyon para sa kaniya buong buo ang emosyon niya sa pag kukwento ay ngayo'y namumula ang mga pisnge niya at hinawakan niya 'yon gamit ang kamay niya umiling iling pa siya. Hayyys matindi ang tama nito. Mukhang mas malala pa yata ang problema ni Deby kesa sa 'kin eh, ako problema ko lang iyong kung anong gagawin ko kay Rheneul siya may problema na siya sa utak. Hayyss umling iling pa ko. Kinuha ko iyong mango shake ko at sumimsim doon hindi ko na pa pinakinggan si Deby na patuloy na kinukwento ang kaganapan sa kanila ng crush niya. Bumaling ulit ako sa mga puno at tumunganga ako doon. What should I choose between option A and B A) kausapin at magtanong B) Go with the flow hanggang malunod I want to choose option A dahil ayaw kong malunod hindi ako marunong lumangoy, sa mga iniisip ko pa lang nga ay lunod na lunod na ko. Papaano ko naman gagawin iyong option A, sasabihin ko ba na mag kita kami at itatanong ko o pupuntahan ko siya doon sa table nila at magtatanong. Napaangat ako ng tingin nang kumanta si Deby. Ngumiwi ako. "Oo nga pala~~ hindi nga pala tayo~~" Bigay todo pa siya  sa pag kanta at madrama ang pagbigkas niya ng mga lyrics na para talagang nararamdaman niya  iyon, papikit pikit pa  siyang tumingin sakin. "Hanggang dito lang ako~~Nangangarap na mapa-sa'yo~~" Sinamahan pa siya ni Lior at ginawang mikropono ang kutsara. Si Enni naman ay mukhang hindi alam ang kanta kaya pumapalakpak lang siya at isinasabay 'yon sa beat ng kanta. "Hindi sinasadya ~~ na hanapin pa ang lugar ko~~" si Deby nanaman iyan at may pa tap ma siya sa may mesa. Umiling iling lang ako. "Buang." Ngumiwi lang ako ulit. "Nasaan nga ba ako? ~~ nand'yan pa ba saiyo? ~~" si Lior naman ang pumalit. Mga abno. "Hit it!" Itinaas ni Enni ang hawak niyang kutsara at winawagayway iyon nagmumukha tulo'y siyang maestro. "Oh Rhenuel Ako'y nalilito Asan ba ko sa'yo ? Aasa ba ako sa'yo? " Pag iiba nila sa lyrics. Sabay na si Lior at Deby sa pagkanta niyan at si Enni naman taga kumpas lang. Silang lahat ay may hawak na kutsara, si Enni ginagamit para kumumpas sa beat at sila Lior at Deby ay ginawang mikropono ang kutsarang hawak nila. Kumuha ako ng tissue at hinagis 'yon sa kanila. "Mga murit!" Pinag babato ko pa sila habang patuloy silang kumakanta pero tumigil sila bigla. "Oh anyare sainyo? Bakit kayo huminto, mga itlog kayo eh," wala sa 'kin ang tingin nila nasa likod ko. Nakatingin siguro sila doon sa pwesto nila Rhenuel. "Huwag niyo na kasing tignan, nakakainis lang harot!" Ngumuso pa ako ng bahagya at pinagkrus ang braso ko. Noong tignan ko sila ay mukha silang uneash, mukha pa nga'ng natatae si Deby. "A-ah Enni 'dba gusto mong mag Cr?" pagaaya ni Deby kay Enni ngumiti pa siya. "Ako?" Turo ni Enni sa sarili at umiling. "Hindi naman ako na ccr eh baka ikaw mukha ka na ngang natatae eh," natawa ako sa sagot ni Enni minsan talaga walang preno bibig niya, pasmado. "Ogags, ikaw nga ang natatae sa'ting dalawa, ang kulit tara na." Hinatak na niya si Enni pa punta sa Cr. Ang dami kasi nilang kinakain eh ayan tuloy, buti nga din sa kanila mga pang asar ayan karma is a b***h. "Aissa punta lang akong comfort room," mahinang sabi ni Lior. Nagtaka naman ako, hala lahat sila natae? At dahil naiwan lang ako sa table ay tumitig lang ulit ako sa puno. Nakarerelax silang tignan, ang paghampas ng hangin sa mga dahon na nagdudulot sa paggsayaw ng mga dahon. Sa ganitong tahimik lang ang paligid ay ganito ding nag iingay ang mga katanungan sa aking isipan. Hayyys May umupo sa katapat kong upuan, akala ko ay bumalik na sila Deby pero nakita ko si Rhenuel na mataman akong tinitignan. Sumandal siya sa sa sandalan at nakatingin lang siya sa'kin. Automatic na nakaramdam ako ng kaba at unti unti akong  nakaririnig nang takbo ng kabayo sa dibib ko,pero hindi ako nag pa halata. Tinignan ko siya ng kulang sa emotion , hindi masama, hindi rin masaya neutral lang ang ang reaction na pinapakita ng mukha ko "Ang lalim yata ng iniisip mo?" he started our conversation. Ganoon ko pa rin siyang tignan. Kahit pa salungat iyon sa kung anong nasa loob ko. "Bakit? Malalim ka ba?" kusa lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyan, kung ang mukha ko ay na kokontrol ko para hindi maipakita mg totoo kong emosyon ay ibahin mo ang bibig ko. Tumaas nang kaunti ang sulok ng labi niya pero nag seryoso ang mukha niya. Tumawa muna siya bago sumagot."Seryoso ako, Anong iniisip mo?" tingin niya hindi ako sa seryoso? Tumaas na nang kusa ang isa kong kilay. "Seryoso din ako. Ikaw siguro hindi," madiin kong sabi. Hindi naman ako mag bibiro sa lahat ng sinabi ko. Totoo namang siya ang nasa iisip ko. "Bakit ka ba nandito?" He gently scratch the tip of his nose, he seemed to be thinking deeply. "Kasi wala ako doon kaya... Nandito ako," sagot niya. Bumagsak naman ang balikat ko. Kailan kaya siya titino? "Ano bang ginawa mo dito?" May kasama ka doon tapos iniiwan mo, may sarili ka namang barkada nangangapit bahay kapa," lintaniya ko at sumandal na rin, humalukipkip ako. Ginaya niya muna ang ginawa ko, pinagkrus nalang niya ang braso niya dahil nakasandal ma siya."Wala namang magagalit," walang magagalit ah, tumingin ako doon sa table nila at nakita ko kung gaano ka sakit sa mata ang tingin sa'kin noong babae niya. Ganyan pala iyong tingin ko kanina katakot. "Talaga lang ah, mukha gusto na akong ilibing noong babae mo," he slowly licked his lower  lip and barely putting it inside. Sayang saya siya sa reaction ng mukha ko. "Nag seselos ka ba?" hindi, parang gusto ko lang manabunot ng hard. I rolled my eyes and slightly sipping my mango shake. Kumuha ako ng tissue at pinunas iyon sa labi ko. Na patingin ako sa kaniya, wala na sa mata ko ang tingin niya nasa labi ko na o nasa tissue? "Hindi duh." I looked away. Tumingin ako doon sa mga puno to calm myself kahit pa yata hindi na ako  tanungin kung nagseselos ako ay halatado mo na agad. Masyado akong selosa at halata. Tinignan ko siya, nakangisi nanaman siya sa'kin. Nag seryoso ako ng tingin sa kaniya at tinignan siya sa mata. "Ano ba kita para mag selos ako," I directly shot that question to him, mukhang  malalim ang naging tama sa kaniya ng tanong ko dahil nawala ang ngisi niya at natigilan siya bigla. Ano hindi mo rin alam kung ano tayo 'no. Tumango tango siya na parang may na realized na kung ano." Oo nga, ano ba ko sa 'yo?" ako naman ang natigilan sa tanong niya, Fudgybar ako ang nagtatanong eh. Nangangapa ako ng sagot. "Kaya nga tinatanong ko eh kasi hindi ko rin alam," totoo ang naging sagot ko. Hindi ko naman talaga alam kung ano ko siya. Nag iipon ako ng lakas nang loob, dahil walang mangyayari kung hindi ka mag tatanong. Sabi nga sa commercial ay huwag mahihiyang mag tanong kaya push! Nanginginig ang mga kamay ko, ibinaba ko iyon at itinago sa ilalim ng mesa. Tumingin ulit ako sa mata niya, seryoso siyang nakatitig sakin diretso ang tingin niya sa mata ko. Bigla ay parang nakalimutan ko ang sasabibin ko. Pumikit muna ako at cinompose ko ang sarili ko. Dumilat ako at nilabanan ang titig niya. "May gusto ka ba sa 'kin?" nakita kong nagulat siya sa tanong ko dahil medyo nanlaki ang mata niya but a flicker of amusement crossed his face. Ngumiti siya, ano ba sumagot ka hindi ko sinabing ngitian mo ko. Naririnig ko na ang bawat kalabog sa dibdib ko shocks baka atakihin ako  nito. "Aissa," mahina niyang pagtawag sakin kinagat ko ang ibabang labi ko dahil nangangatal ito. "Makinig ka dahil hindi ko na ito uulitin, makinig kang mabuti...." huminto siya at ngumiti ng matamis sa'kin para ang mga mata niya bahagyang lumiit sa klase nang pagngiti na ibinibigay niya sa'kin. "Gu---" ayun na eh amporkchop! "Wait, im sorry to interrupt," Tumingin ako ng masama sa panyerang babaeng dumating. Panira ng moment. Siya iyong babaeng kasama ni Rhenuel. "Uel, im sorry pero tito is calling kasi, I think there's an emergency." Binigay niya kay Rheneul iyong phone at may caller nga doon. Gusto kong manabunot kahit isang bagsakan lang. Umalis muna saglit si Rhenuel at naiwan kami nitong babae. Pareho kaming nakatingin nang masama sa isa't isa. " What now? " tanong niya habang nakatayo doon at nakataas ang kilay, pinag krus niya ang braso niya sa taas ng dibdib niya. Ahh tarayan ang gusto mo? "Ano pang ginawa mo dito? Naibigay mo na iyong phone, you can now leave , go." nilahad ko pa ang kamay ko at tila ipinapakita ang daan paalis sa pwesto namin. Nag smile pa ako pagkatapos pero kasing plastik ng smile ko ang mukha niya. Kung kanina gandang ganda ako sayo ngayon binabawi ko na, chaka mo! "Excuse me?! " lah galit agad? Wala pa akong ginagawa. Ngumisi ako. "Dadaan ka?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Hindi naman ako nakaharang ah... Dumaan kana d'yan tapos bumalik ka na doon kung saan ka nabibilang." Nginitian ko nalang siya ulit. Dumating si Rhenuel at mukhang problemado ang mukha niya, nakagulo ang buhok niya kaya nag aalala akong, baka kasi may nangyari. Pumunta siya sa pwesto ko. "I'll talk to you some other time." Hinalikan niya ako sa may bandang ulo. Umawang ang labi ko. I didn't expect that coming, my face automatically flushed. "S-sige," kulang nalang ay hindi ako sumagot sa gulat at kilig grabe iyong mga kabayo sa dibdib ko ay  nag kakarera nanaman. Napabaling ako sa kabila at nakita ko si chucky na nakasimangot, oh ano iyak ka gurl. Ngumiti ako sa kaniya na matamis na matamis. "Tara na," pagaya ni Rhenuel kay  chucky na inirapan lang ako. Binalingan pa ako ni Rhenuel at mayroon siyang sinabi gamit ang bibig niya pero hindi ko iyon mabasa kaya ngumiti nalang ako. Umalis na silang tatlo noong kabarkada niya at ni chucky. Dumating sila Deby, Lior at Enni. Umupo sila ng sabay sabay. Nagtataka naman ako dahil ang tagal nilang mag cr. "Anyare? LBM kayo? Ang tagal niyo grabe!" "Nanunuod lang kami sa inyo doon sa kabilang table, shena mo gurl. Dadaan ka?" Ginaya  pa ni Lior  ang boses at reaksyon ng mukha ko noong sinabi ko iyon medyo maarte nga lang iyong sa kaniya. "Syempre well trained sa inyo eh." Tumawa lang kaming tatlo at nag apir. "By the way highway, nakapag usap na kayo?" tanong ni Deby naglalakad na kami papuntang sakayan. Nauna na rin iyong dalawa samin. "Oo, pero bitin eh sasagot na sana siya kaso may chucky kasing dumating ang epal lang," naiinis pa rin ako sa kaniya. Natawa si Deby sa'kin. "Resbakan natin next time," natatawa niyang sabi. Ngumiti nalang ako at nag lakad na kami ulit. "Aissa," si Deby. "Hmm?" "Huwag na huwag mong hahayaan ang sarili mo na sa ganitong level kalang." nilebel niya pa ang kamay niya sa tapat ng beywang niya. "If you can be in this level or higher than this." itinaas namin niya ang isa niyang kamay katapat ng nuo niya. Ngumit  ako sa kaniya, a genuine one. Ayun lang ang sinabi niya at sumakay na siya sa jeep. My friends may not be always beside me but they are always with me when I needed them the most. They give me the precious advice and words that I wanted and needed to hear. Dumaan ang ilang araw, naghihintay ako kung kailan kami mag uusap ni Rhenuel pero simula noong huli kaming nagkita sa HaM Cafe ay wala na akong naging balita sa kaniya. Wala siyang chat, walang kahit na anino akong nakita sa kanita. Ni ha ni ho wala. Kinakabahan ako baka kung anong nangyari sa kaniya. Chinachat ko pa rin siya umaasang baka sumagot siya o kahit mag seen man lang. Noong isang araw ay nakita ko siyang online kaya chinat ko ka agad. Nag chat pa ako noong nakaraan araw dahil online siya ulit, madalang na lang kasi siyang mag online kaya noong nagkaroon ng chance ay chinat ko ulit ang kaso sineen niya lang ako at nag out siya agad. Renaissance Gavino : Psst okay ka lang? May nangyari ba? Rhenuel Alcaraz : Naka emergency lang sa bahay. Sa susunod nalang kita I chachat  medyo busy pa ko. I'll be back soon take care. Renaissance Gavino : ahh sige ingat din kayo. Chat mo ko kapag hindi kana busy. Rhenuel Alcaraz : Tigilan mo na Ayan lang ang last naming convo.  Mayroong mga ideyang pumasok sa isip ko pero agad ko rin iyong inalis sa aking isipan. Inintindi ko nalang na baka busy lang talaga siya. Parati na rin akong pumupunta sa palengke kahit walang bibilhin, nagbabakasakaling magkita kami doon parati rin akong nasa Speed 7 baka mag punta siya doon. Pero wala akong nakita. Isang linggo na ang lumipas pero wala pa rin akong balita sa kaniya, iyong kaba ko ay nagpapatong patong na hindi ko na maiwasang mag isip nang kung ano-ano. May minsa'y nag kaklase pero wala doon ang atensyon ko at lumilipad ang utak ko kaya naman ang kinalabasan ay muntik akong bumagsak sa quiz namin. Nag kulong ako sa Cr namin at binuksan ang gripo para hindi ako marinig sa labas. Sa sobra kong pag iisip ay tila gustong sumabog ng utak ko tulad ng gripo na patuloy sa pagtulo ay ganoon din ang mata ko, unti unting nag babagsakan ang mga luha doon dahil baka tama nga ang iniisip ko na hindi siya seryoso sa'kin, pampalipas oras niya lang ako o kaya'y pinagpustahan lang ako, tulad ng isang bidang babae sa kwentong mga nababasa ko. The guy will approach the girl and will do sweet moves and utter a sweet words to make the girl fall for him afterwards he will suddenly stop pursuing the girl. Hindi ko inakalang magkakaganito ako at matutulad sa mga babaeng nababasa ko lang, noon sinasabihan ko pa silang bobo dahil kaagad silang nahuhulog sa patibong. You will never know the feeling of one person when they're going through something, you may know one thing but not everything not unless you step into their shoe. Akala ko kabisado ko na ang mga pangyayari, akala ko ay alam ko na bawat galaw ng lalaki dahil sa mga binabasa ko at pinapanuod ko, kaya kung sa'kin man mangyari ay alam ko na ang gagawin ko. Umupo ako doon tiles. Ayaw kong gumawa ng ingay at kahit anong magpapa isip kay mama ng hindi maganda. Ayaw kong malaman niya na nagkakaganito ako dahil sa isang lalaki. Huminga ako ng malalim at nag himalos. "Aissa, lalaki lang 'yan. Stop, move on, he is not worthy of your time and  especially not worthy for your tears. Focus on study and make your parents proud," pagkakausap ko sa sarili ko. Tinapik ko pa ang balikat ko. Hindi na ulit ako makikipag landian. Mag aaral nalang ulit ako nang mabuti at hindi ko na iisipan iyang mga lalaking 'yan. Tsk magbibigay ng motibo pero hindi naman totoo, akala mo seryoso iyon pala manloloko. Kasalan mo rin kasi, sabi ng kabilang side ng utak ko. Ikaw ang unang humarot kaya ayan iiyak-iyak ka pagkatapos. Sumimangot tuloy ako. Nasa kwarto na ako ngayon nag talukbong ako ng kumot para hindi makita ni mama na namamaga ang mata ko, masyado akong halata kapag umiiyak. Namumula ang ilong at mata ko dahil sa pag iyak. Ngayon nama'y kinakausap ko ang sarili ko. Ang isang bahagi nt utak ko ay ako ang sinisisi sa pang yayari at ang isang bahagi ay si Rhenuel. Sino nga ba ang mag kasalanan, iyong nang ghost o iyong ghinost? Ang isa at paasa ang isa naman assumera pero sino sa kanila ang may kasalanan? Sa huli ay napag pasiyahan kong kaming dalawa ang may kasalanan, dahil sabay kaming dalawang naglakad sa daan patungo sa kinalalagyan naming ito, iyon nga lang ako nanatiling nag lalakad at siya naman iniwan ako sa hindi ko malang  kadahilan o baka namatay siya sa kalagitnaan, iniwan ako at ayun naging multo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD