Chapter Nine

3767 Words
Napuyat ako kaiisip kagabi. Namamaga tuloy ang mata ko, dala na rin siguro nang pag-iyak ko. Naligo na ako at nagbihis ng uniform. Maaga pa naman kaya mag aalmusal muna ako. As usual si mama ang nagluto dahil hindi ako pinagpala sa larangan na iyon, baka masunog ko lang 'tong bahay namin. Umupo na ko at nag sandok na. Fried rice iyon at sunny side up eggs. Si mama namam ay nag uumpisa nang maglinis ng bahay, makakita lang iyan ng kapirasong dumi ay hindi na siya mapalagay, hindi katulad ko hihintayin ko pang dumami iyon bago ko linisin, may katamaran talaga ako pagdating sa gawaing bahay pero keri lang bawing bawi naman ako sa pag aaral. "Ma, kumain kana?" Nagsimula na akong kumain. Medyo gutom din ako dahil hindi ako gaaanong nakakain kagabi dahil sa kaiisip sa panyerang lalaking iyon. "Oo, kumain ka nalang d'yan at baka malate ka," sinabi iyon ng hindi tumitingin sa'kin dahil busy siya sa pagkuskos. Sumasakit ang ulo ko, kaya minsan ayaw kong mag puyat dahil parating may side effect na pag sakit ng ulo. "Ma, ang sakit ng ulo ko," pagsusumbong ko sa kaniya, tumingin ako sa kaniya. Binalingan niya ako at ngumiwi. "Ayan kacecellphone mo 'yan, puyat ka kasi nang puyat. Tignan mo nga iyang mata mo magang maga tsk," sabi ko na eh cellphone nanaman ang makikita niyang dahilan. Napakamot tuloy ako ng ulo. "Uminom ka ng gamot d'yan at baka ano pang mangyari sayo, at naka kasi king kakulit len mu ing malyari keka," ginamit niya ang salita namin,minsan lang dahil nasanay na rin akong mag tagalog at tagalog ang ginagamit namin sa school, pero kapampangan pa rin naman kaming nag uusap minsan ni mama. "Ma, alis na ko." Kinuha ko na ang mga gamit ko, humalik ako sa pisnge ni mama bago umalis. Buong araw lang akong nag aral. Bumawi ako sa mga subjects ko dahil medyo bumaba ang mga scores ko noong nakaraang mga quizzes. Halos ma perfect ko lahat ng mga quiz namin ngayon at active na active ako sa recitation. Pagkatapos ng klase ay pumunta kaagad ako sa library para mag advance reading. Hindi pa tumagal ang sandali ng may umupo malapit sa pwesto ko, Nagkukwentuhan lang sila. Hindi tuloy ako makapag concentrate dahil sa mga babaeng katabi ko. Sinubukan ko ulit magbasa pero kinukuha nila ang atensyon ko, mga kurimaw! nakinig nalang ako sa kanila imbis na magbasa. "Naglaganap talaga ngayon ang mga ghoster 'no?" tanong noong isang babae dalawa lang silang nag uusap. Nakatlikod ako sa kanila at kunwari'y nag babasa pero ang totoo'y nakikinig na ko sa kanila. "True, ghinost ako last month. Ang sweet sweet niya pa sa' kin tinuturuan niya pa 'kong mag solve sa math," Nanlaki ang mata ko at mas pinag igihan ang pakikinig. "Oh anyare?" tanong noong isa. "Madami, meron pa ngang time na lumalabas na kami eh parang date ganoon tapos ang sweet niya lang talaga," parang kinikilig pa iyong isa sa pag kukwento pati tuloy ako nadadala. Hindi ko maiwasang ikumpara iyong samin ni Rhenuel sa nangyari sa kanila. "Oh tapos?" excited din si ate mong isa sa pakikinig. Inililipat ko ng isang pahina ang libro bawat sagot nila sa isa't isa. "Tapos parati kaming nag chachat, nag goodnight, late night talks, tapos ang dami niyang banat sa'kin," nandoon pa rin ang kilig noong babae habang mag kuwento,pero ako parang nawawala dahil naiisip ko na ganoon din si Rhenuel sa'kin at ngayon wala ng paramdam sa'kin ang simaron! "Tapos tinanong ko siya kung gusto niya ba ko," doon ako mas naging attentive at curious dahil ganoon na ganoon ang nangyari sa'kin. "Oh anong nangyari dali!!" katulad na katulad ko ang reaksyon noong isang babae kung kasama lang din ako sa usapan nila ay ganiyan din ang sasabihin ko. "Ayun sinabi niya na gusto niya ako, kilig na kilig ako noon pero kinabukasan nag karoon daw ng emergency sa kanila hanggang sa naging busy na siya, ayon namatay siya at naging ghost," nakikita ko tuloy ang sarili ko sa babaeng ito kahit pa hindi ko siya makita ay nararamdan ko iyong lungkot niya. "Oh wala na?" parang nanghihinayang iyong isa. "Bumabalik nga siya eh," naririnig ko ang pag kabuhay ng pag asa doon sa babae, naku naku hindi tama iyan. Umiling iling ako "Ayy balikan mo sayang," mali, maling mali. Pumikit ako ng mariin at umiling iling ano bang klaseng kaibigan iyan pinapabalik ka sa dati mong kinalalagyan. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong makisawsaw. " Tsk ang mga lalaking ganyan hindi na dapat binalikan, Ghinost ka tapos mag paparamdam? Ano iyon parang timang. Tsk tsk tsk kailangan mong maging Ghost Fighter at labanan ang nga Ghoster!" Mukhang napatulala sila sa'kin dahil sa gulat, pero mas gulat ako dahil mukha palang silang grade 8. Jusmiyo mga bata nga naman ngayon nagmamadaling mainlove! " Silence! " iyong librarian iyon. Mukhang napalakas ang pagkakasabi ko pati tuloy iyong iba napatingin sa gawi ko. Ngumiti nalang ako at nahihiyang umalis. Grabe nagkaroon ako ng mini show doon. Noon ko lang naalala na cleaners pala ako, shete!! Tumakbo ako papunta sa room namin. "Ayan si Febby oh. Tumatakas ka nanaman 'no," pagaakusa sa' kin noong kapwa ko cleaners. Febby ang tawag nila sa'kin dito kinuha doon sa second name ko na Febrary. "Ouy hindi, may kinuha lang ako sa library," nagdahilan pa ako at kinuha na iyong eraser, ayun lang naman ang gagawin ko at lalarga na ako pa uwi hahahaha. Noong matapos kong burahin lahat ay pasimple akong lumabas, pero may humarang sa'kin sa labas. Si Jason iyong kaklase ko. Dumistansiya ako. Sa totoo lang ay ayaw ko munang kumausap ng lalaki. "Febby, free ka ba ngayon?" tanong niya, putek na yan pare pareho ba sila ng itatanong sa mga babae? "Nope, sorry Im busy, as you can see I have lots of activity and advance reading," pagtanggi ko dahil baka saan nanaman ako dalhin noon. Well unang una hindi ko pa nakakausap si Rhenuel, I want to clarify things before making a move. Second ayaw kong mag entertain ng lalaki not again. Patakbo akong pumunta sa gate ng school. Namiss ko tuloy mga barkada ko, ganito kasi kami noong highschool tatakas kapag cleaners tapos sabay sabay mag lakad sa daan habang nag kukwentuhan at sabay sabay naming nilalait iyong mga dumadaan. Nag iisa nalang kasi akong umuwi ngayon, walking distance lang ang sakayan mula sa school hanggang sakayan tulad noong sa highschool, ang kaibahan nga lang ngayon ay mag isa lang akong nag lalakad, noon apat kami. Pag dating ko sa may malapit sa sakayan ay mayroon akong nakitang pamilyar na mukha. Pinaliit ko ang mata ko sinisiguradong siya nga iyon. Ang mga maharot na si Deby ang nakita ko, may kasama siyang matangkad na lalaki, maputi iyon pero hindi ko maaninag ang mukha dahil na ka cap. Tinignan ko si Deby, ngiting ngiti ang itlog may pa sayaw sayaw pa ng kaunti ang bewang niya habang naglalakad. Napanganga ako sa kaniya at kalaunan ay ngumiwi ang pabebe niyang tignan. Pinanuod ko lang silang mag harutan, kita mo itong babaeng ito pasimple kung humarot. Hindi kalaunan ay umalis din ang lalaki kaya pumunta na ko kung nasaan si Deby na ngayo'y tulala, mayroon yatang sinabi 'yong lalaki kaya siya natulala, pagkatapos matulala ay ngumiti siya ng pagkalaki laki. Jusmers kung hindi ko lang ito kaibigan ay hindi ko lalapitan, mukha siyang nawawala sa katinuan. "Houy maharot." Tinapik ko siya para magising siya sa pag dedaydream niya. "Sino iyon?" sabi ko at tinanaw kung saan dumaan ang lalaki. Tumingin naman siya ng masama sakin at hinimas himas ang parte ng balikat niya kung saan ko siya tinapik. "Panyera ka talaga eh 'no?" ang sama sama ng tingin ni ate akala mo inalipusta. "Sino nga kasi 'yon?" Doon lang bumalik ang ngiti niya, napailing nanaman ako. Iba na itong babaeng ito. "Ah ayun iyong future boyfriend ko," Tila sinisilaban ang pwetan niya noong sinabi iyan. "Oh come on, dream on girl," paninira ko sa pantasya niya, automatikong nawala ang ngiti niya at sumeryoso. "Eh kesa naman sayo, wala kayong label," dumila pa siya at inilagay ang mga kamay niya sa magkabilang side ng ulo niya at parang nag hand gesture ng babye doon. Abnormal, para siyang batang nangaasar sa anim na taon niyang kalaro, nyenye style ang tawag ko doon noon. "Wala na iyon, tapos na kami," mahina kong pagkakasabi. Bumabalik na naman tuloy iyong mga pag ooverthink ko. "Hindi naman naging kayo, papaanogn matatapos?" tanong niya. Pumikit ako ng mariin at dahan dahang huminga ng malalim. Isa nalang talaga sasabunutan ko na 'to. "It doesn't change the fact that we somehow connect each other and there are times that we are sweet like a couple it is," Napa english pa ko sa kaniya. Ngumisi naman siya. "Hindi naman kayo wiffi at cellphone para maging connected," okay that's it. I pulled her hair, naka pony siya kanina at buhaghag na ngayon. Parang inalis ko lang iyong ponytail niya sa klase ng pananabunot ko. Tumawa lang siya. "Anong nangyare ba? Mag kwento ka, may upuan doon oh." Turo niya doon sa may maliit na tindahan at may shake silang tinitinda, favorite ng babaeng 'to. Alam ko na ang nasa isip nito. "At ililibre kita ng shake ganoon?" Tumango siya at tumawa kaming pareho. Kabisado ko na iyan actually siya ang pinaka una kong kaibigan sa kanilang tatlo,pagkatapos ay si Lior at mga huling taon nalang ng highschool noong naging barkada namin si Enni pero pantay pantay parin ang tingin ko sa kanila. Sadyang kung sa mga problemang malulupit kay Deby ko lang kayang ishare. "Ano na?" pagiintriga niya noong makaupo kami at nalibre ko na siya ng shake niya. "Ayon, ghinost ako," nasamid siya sa iniinom niya. Tumawa siya pagkatapos as in iyong tawag tawa na parang naluluha siya. Pinagtitinginan tuloy kami. "Saya ka girl?" sarcastic ang pag kakasabi ko. "Natawa lang ito naman." Tumawa pa siya ng mga tatlong beses. Inirapan ko nalang siya. "Isa kang trigo Aissa hahahahaha," oh 'dba hindi pa rin pala ubos ang tawa niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kumunot ang nuo ko. "Anong trigo?" hindi ko talaga siya ma gets, may mga bagay at salita talaga ang mga kaibigan ko na sila lang ang nakakaintindi. "Ayy hindi mo gets? Ang slow mo kaya ka iniiwan eh," konek? "Ano nga?" Naiirita na ako sa babaeng 'toh sasabunatan ko 'to ulit with feelings. Umiling iling siya. "English ng trigo?" oh sinasabi niya hindi niya alam. "Wheat duh. " I rolled ny eyes ng mga 80 degrees. "Eh ang isang trigo?" okay nahihiwagahan na ko sa mga pinag sasabi nito. "Edi a wheat," may kasiguraduhan kong sabi. Tumawa lang siya. "Hindi mo pa rin gets 'no? High-tech talaga utak ko," pagyayabang niya. Mukha nga eh, mukhang High na high siya. "Oo sa sobrang high, nasira na ang ulo mo." Uminom nalang ako sa shake ko. "Awit kasi iyong sinasabi ko, alam mo na nakikisabay sa uso," aniya. "Anong koneksyon ng trigo doon?" naiirita kong tanong. "Dzuhh a wheat, awit." Binigyan niya pa ng stress ang dalawa. Hayyys nasapo ko ang ulo ko. Iniisip ang sinabi niya. "A wheat, awit...." Inulit niya iyon ng ilang beses hanggang sa itinaas ko na ang kamay ko at pinapahayag na tumigil na siya kung hindi isasampal ko sa kaniya iyon. "Okay back to the topic. Anyare teh?" binalikan niya iyong topic namin kanina, para tuloy nag sisi akong pinatigil siya dahil sa pagbalik niya sa topic namin kanina ay ganoon ding bumalik iyong kaunting kirot sa'kin at mga katanungan tungkol sa sarili ko. Im now questioning my worth just beacuse of what happened gosh it's ridiculous! "Last naming pagkikita noong sa nasa HaM Cafe tayo, hindi na kami ulit ng usap pag katapos noon. Chinat ko siya pero sabi niya busy lang siya dahil may emergency at babalik naman daw siya," pagkukwento ko, all ears naman siya sa pakikinig. "Pagkatapos sineen nalang niya iyong last message ko, at chinat akong tigilan ko na daw siya," medyo may bahid ng lungkot ang pagkakasabi ko. Huminga ako ng malalim. I red somewhere that being ingnored is like experiencing a physical injury. When you are being ignore by someone whom you care about, your brain will produce a chemical reaction just same the reaction when you're experiencing a physical injury "Papaano kung busy ngang talaga, sabi mo nga may emergency sa kanila, " pagbibigay niya ng boses sa pang ni Rhenuel. "Kaya niyang i seen ang message ko pero hindi niya ko kayang replyan ganoon?Tsaka gusto na niyang tigilan ko siya, " tumango tango naman siya. "Sabagay, may point ka, you may continue." She gestures continue. "Ayon lang, hindi ba pang ghoghost na iyon?" "Yata? Sa mga nababasa ko ganoon nga bigla nalang hindi magpaparamdam iyong lalaki tapos bigla nalang mag aawuhhh~~" She raised her both hands and kept on saying awuh. High na high talaga siya ngayon. "Mag seryoso ka nga, nang gigil na ako sayo," sabi ko at umaabang kukurutin siya. "Paano muna iyong gigil?" tanong niya at ako namang si tanga ginawa iyon. "Ganito oh" I closed i fist, ganoon din ang ginawa ko sa bibig ko with matching gigil face pero cute pa rin. Tumawa lang kaming pareho but somehow im thankful dahil nakakalimutan ko ang problema kapag kasama ko siya, sila. "Okay seryoso na," siya na ang unang nag seryoso. "My problem is not him, it's about me questioning my worth because of what he did. Tinatanong ko, bakit ako nasasaktan? Ano bang meron samin? " tanging tango lang ang sagot niya. Bakit nga ba ganoon, sila ang may ginawa, sila ang nangiwan pero bakit parang sarili natin ang pinarurusahan, o baka masyado lang akong madrama kahit wala namang namagitan samin. Walang kahit anong meron saming dalawa pero bakit ganito ako? Pupwede ba talagang magkagusto o mahalin mo ang isang tao sa maikling panahon na nag sama kayo? "Bakit mo naman kinukwestiyon 'yang sarili mo? Don't question yourself your not a test paper,chour," iyong akala mo seryoso na ang kaibigan mo pero sadyang sira talaga ang ulo. "Okay, seryoso na ko. Hindi naman porket sinabisabi kong walang kayo eh ay hindi ka na pwedeng masaktan, pakeme ko lang iyon. Hindi naman kailangang magkaroon muna nang " kayo " bago ka masaktan," seryoso siyang nagpapaliwanag. Ako naman ay seryoso ring nakikinig. "bakit kapag bang nagkagusto ka isang tao, kailangan mo pang kumuha lisensiya?" umiling ako. "hindi 'dba, ganoon din kapag nasasaktan ka hindi mo kailangan pa na magkaroon ng karapatan dahil unang una may karapatan kang masaktan dahil tao ka. Natural sa tao ang masaktan, umiyak at makaramdam," unti unting bumabaon ang mga sinasabi niya sa' kin. Nakatingin pa rin siya sakin ng may simpatiya. "You don't have to ask for approval or permission to anyone if you are really have the right to feel that way, because You own your self, You own your tears and you own your feelings," lahat ng sinabi niya ang tagos sa'kin hindi ko maiwasang maluha sa sinabi niya. Nanginginig ang labi ko dahil pinipigalan kong umiyak, kinagat ko iyon. Sabi ko sa sarili ko hindi ko na siya iiyakan at last na iyong kagabi,pero dahil sa sinabi ni Deby ay unti unti nanamang tumutulo ang luha ko. "It's okay to cry Aissa, ano ka ba hindi tulad ng gripo ang mata, na kung kailan mo gustong itigil ang pag agos ng tubig doon ay ibabalik mo lang iyon sa dati at magagawa mo ng patiligin. Ang mata kahit anong pilit mong pigilan ang luha ay kusa yang babagsak at titigil lang din ng kusa kapag naubos na, so just cry." Lumapit siya sa pwesto ko at hinagod ang likod ko. Kung kanina ay pinipigilan ko pa ang pagluha, ngayon ay malaya na silang kumawala. " Bakit kasi ganoon? " umiiyak kong tanong. Bakit kailangan pa niya akong lapitan tapos iiwan? Hinagod niya lang ang likod ko at patuloy sa pag papatahan sa'kin. Nakakahiya man na dito pa kami nag iyakan pero dahil hindi ko mapigilan. Wala naman kasing nag sasabing bawal umiyak dito at wala rin namang tamang lugar kung saan pupwedeng umiyak,pwede kang umiyak kahit saan. "Salamat talaga," nasa sakayan na kami at paalis na si Deby. "Gaga, don't say thank you say ang ganda mo," sabi niya habang nagmamaganda. "Oo na maganda kana," sabi ko at ngumiti. "Kapag tinakpan ko ang mata ko," pahabol ko kaya nawala ang ngiti niya. "Ikaw maganda ka nga ghinost ka naman," sabi niya at dumila pa. "Oh cut na iyan, lumayas kana." pagtataboy ko sa kaniya. Pumasok na siya sa jeep at umalis na. Nag aabang pa ako ng jeep pauwi marami rami rin ang nag aabang kaya medyo natagalan ako. Sa mga nagdaang araw ay naging busy ako sa pag aaral. Nagulat ako noong mag chat ulit si Rhenuel asking me kung kamusta ako sineen ko lang siya. Sunod sunod siyang nag chachat halos araw-araw bumabanat pa rin siya parang katulad noong dati at nag goodnight at good morning pero hanggang seen lang ako, gusto ko na nga siyang i block eh. Noong pagbaba ko sa kanto namin ay may nakita akong multo sa kabilang daan. Ano nanamang ginawa niya dito? Halos araw araw din siya dito sa kanto namin pag umuuwi ako ay nadadatnan ko siya pero sa ibang daan nalang ako dumadaan para hindi niya ako makita. Aalis na sana ako nang makita niya ako. Nakaharap siya sa'kin. Tumawid na ako ng daan at nag tuloy tuloy lang ako papasok sa kanto namin. "Aissa!!" pagtawag niya pero hindi ko siya nilingonan. Hinawakan niya ang pulsuhan ko para pigilan ako sa susunod ko pang paghakbang. Inis ko siyang binalingan ng tingin. "Ano ba?!" Kinuha ko nang marahas ang kamay ko sa kaniya. "Aissa mag usap tayo," nag mamaka awa ang titig niya. Ulol ba siya pag katapos niya akong ganoonin kakauspin ko siya? Siya ang unang hindi kumausap sa'kin at sinabing tigilan ko siya . Im just returning the favor. "Ayaw ko, wala tayong pag uusapan," madiin ang pag kakasabi ko at tinignan siya sa mata. Mukha siya pagod na pagod ngayon. Magulo ang buhok niya at may itim sa ilalim ng mata niya mukha siya puyat na puyat. "Akala ko ba okay tayo? Bakit bigla mo nalang akong hindi kinausap? " Napapasabunot siya sa buhok niya dahil sa frustration. Anong okay? "Ikaw ang unang hindi kumausap sa'kin! Sineen mo lang ako noon at sinabing tigilan kita, kaya nga tinigilan kita 'dba," tumaas ng bahagya ang boses ko dahil sumasabog na ko. Nakakainis siya sinabi niya na tigilan ko siya tapos ano pupuntahan niya ako at magdadrama. "Nagpaalam ako sayo 'dba sabi ko magiging busy ako dahil sa emergency at babalik din ako at wala akong sinabing tigilan mo ko," nalilito siya sa mga sinabi ko pero nalito din ako sa kaniya. Umiling iling siya at tumingin sa gilid nag iisip, kumuyom ang kamao niya mahigpit at may binulong siya doon,masama ang titig niya " Bea, " pabulong niyang sabi at bahagyang sinabunutan ang sarili. "Hindi ako 'yong nag chat sayo," sabi niya at tumingin sa 'kin. Umiling iling lang ako. Ano? tingin niya ba maniniwala ako sa mga shits niya. "Tigilan mo 'ko Rhenuel, aalis na ko," Anong tingin niya ganoon ganoon lang iyon? Tingin niya maniniwala ako na hindi siya mangangausap tapos magpaparamdam ulit? Wow level up hindi na siya ghoster, isa na siyang zombie inilibing mo na sa hukay pero bumabalik nanaman para manggulo ang kaibahan lang ang zombie walang utak at siya meron pero mukhang hindi niya ginagamit. "Sandali, paguusapan muna natin 'yong atin. Magusap muna tayo sandali," napahinto ako at bumuntong hininga. Tinignan ko siya ng seryoso. "Walang tayo Rheneul,kaya wala tayong dapat pag usapan, " walang gana kong sagot. Ilang ulit kong tinatak iyon sa isip ko na walang kami, kaya magmo move on ako agad. Ilang ulit kong sinabi iyon sa sarili ko hanggang sa matanggap ko. "The f**k, eh ano iyong 'atin?" mahina ang pagkakasabi niya habang nakatingin sa mata ko. Masasalamin mo sa mata niya ang halo halong emosyon, pagod, sakit, lungkot, pagkalito at marami pa. Ngumisi ako. "Anong tingin mo ang meron sa' tin uulitin ko walang tayo," mas madiin ang pagkaka sabi ko doon at tumalikod na iniwan ko siyang na kayuko. "Eh ano iyong mga chats?......" humarap ako at tinignan siya nakakuyom ang kamao niya pero hindi masyadong mahigpit. "Mga meet ups?...." Tumingin siya sa'kin na litong lito ang mata. "Iyong mga banat mo? Ano?" Tila hirap na hirap siyang bigkasin ang bawat salita. Wow siya pa talaga ang nagtanong. Ilang ulit ko rin iyang tinanong sa sarili ko. Pero ngayon masasagot ko na. "Memories," maikli kong sagot habang nakatingin pa rin sa kaniya. Ganoon pa rin ang itchura niya. "Did you... Just play with my feelings?" nasasaktan ang tinig niya at ganoon din ang makikita mo sa mata niya. Ako pa? Ako pa ang naglaro? "Bakit? May feelings ka ba sa'kin para pag laruan ko?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya. "I like you Aissa" diretso siyang nakatingin sa mata ko na para bang mata ang ginamit niya nang sabihin ang mga salitang 'yon kahit na sa bibig naman niya nanggaling. Nanlaki ang mata ko at iyong inis ko sa kaniya ay unti unting natutunaw. Putek bakit ang rurupok ng mga babae. "At akala ko alam mo," mahina niyang bulong at dahil kaming dalawa lang ang nandito ay narinig ko 'yon. Papaano kong malalaman kung ngayon niya lang sinabi. "Papaano kong mamalaman eh hindi mo naman sinasabi," pagrereklamo ko kung pwede lang akong pumadyak ay gagawin ko. Nakanguso na ako ng bahagya. "Sinabi ko, noong nasa cafe tayo," sabi niya. Hinalungkat ko naman sa alaala ko kung may nangyari bang pag amin, pero wala. Noong nasa HaM cafe wala naman eh. "Hindi ka umamin," pang aakusa ko. Tumingin pa ako ng masama sa kaniya, ngayon naiinis na naman ako. "Umamin ako, hindi mo lang siguro naiintindihan," pag sasagot niya. Wala talaga akong maalala lang umamin siya! "Hindi ka umamin," pinaglalaban ko talaga dahil wala talaga eh. "At kung umamin ka man, Ano naman?" Pag tataray ko. Ambobo Aissa anong ano naman? Gaga ka self eh ayan na nga 'yong mga salitang hinihintay mo anong ano naman. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Pumikit pa ako dahil nahihiya ako sa sarili ko. Pagdilat ko ay sumalubong ang tingin niya sakin, parang dinadala niya ko kung nasaan man siya ngayon at para bang pinaparamdam niya kung anong nararamdaman niya ngayon. Ngumiti siya, iyong klase nang ngiti niya dati, he look at me passionately. "I like you Aissa, and I'll make sure that you will like me too," aniya na nag pa tulala sakin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD