Chapter Ten

3689 Words
Isang linggo na ang lumipas no'ng nakasagutan kami no Rhenuel sa may kanto namin, kalako sa kanto talaga. Hindi na ulit siya nag pakita, pero nag chachat pa rin naman siya sa'kin at dahil famous ako sineen ko lang siya. Kailangan mong mag pakipot minsan, huwag kang parating mag mamarupok masamang gawain iyon. Nagwawalis ako sa labas namin dahil nga malawak ang lugar at mapuno ay madalas makalat, dahil sa mga tuyong dahon na nag lipana. Pa kembot kembot akong nag wawalis at pakanta kanta pa. "Aba, kumain ka yata nang panis na kanin at sinipag ka?" tulad ng madalas na scenario namin ni mama. Kararating niya lang, bumili kasi siya ng almusal at ulam namin para sa tanghalian, sa may talipapa malapit sa'min. Sinayaw  sayaw ko muna ang walis bago sumagot. "Eomma, masipag lang talaga 'tong maganda mong anak." Tinapik tapik ko pa ang dibdib ko at nag mamalaki. "Kita mo  'yan natapos ko nang walisin 'yan at naglinis na rin ako sa loob ng bahay." Tinuro ko ang paligid dahil malinis na halos lahat ng parte pwera lang sa winawalisan ko ngayon. "Aba! Dapat lang, kababae mong tao kailangan malinis ka. Nasaan ang kuya mong batugan din katulad mo?" sinimangutan ko siya, tamad pa ba ako eh naglinis na nga ako eh. Tinuro ko ang bahay. "Nand'yan sa loob kausap ang jowa niya sa cellphone," ani ko at itinuloy ang pagwawalis. Pumasok si mama sa loob. Natapos ko na lahat at nag pahinga lang ako nang kaunti sa may duyan, masarap mamahinga lalo na at mahangin dito sa'min. Pumasok ako sa loob at nadatnan ko si kuya na hawak ang cellphone ko. Nanlaki ang mata ko dahil may kausap siya doon. "May ipapakain ka na ba sa bansot na 'yon?" dinig kong tanong niya. "Kuya!!! Sino 'yan??!!!" matinis ang sigaw ko. Patakbo akong pumunta sa kan'ya at sinisilip kung sino ang kausap niya. "Kuya!!! Akin na'yan!!!" Pilit kong inaagaw 'yon sa kaniya pero inilalayo niya hindi ko makita kung sino ang kausap niya. "Manahimik ka d'yan, " Suway niya sa'kin, tumingin siya sa 'kin at sinadyang paliitin ang mata niya. "Ikaw, bakit ka nakikipag boyfriend? Ang liit liit mo pa para mag ka boyfriend." madiin niyang sabi. Maliit o masyado pang bata? "Bakit mo kasi pina pakelaman ang hindi naman sa iyo?" nag tataray ako sa kaniya. Salubong na salubong ang kilay ko. Nandito nanaman kasi siya dahil wala silang pasok at hindi ko alam kung kailan aalis, nakakainis!!! "Ma!!!!! Tignan mo 'tong anak mo marunong ng kumembot sa lalaki," pagsusumbong niya kay mama. "Hindi kaya!! Ma huwag kang maniwala sinungaling 'tong baboy mong anak, Taba!" pang aasar ko sa kaniya. Papaano ay lumubo na ang tiyan niya sa sobrang taba. "Ang liit liit mo pa marunong ka ng lumande ah. Isusumbong kita kay tatay." pagbabanta niya at may kasabay iyon na hand gesture at sinasabing lagot ako. Mas lalo kong sinamaan ang tingin ko. "Pabibo ka! Taba! Taba!" matinis ang bawat pag sigaw ko dahil inis na inis na ako sa kaniya. Hinahabol ko siya pero tumatakbo siya. Napunta kami sa labas, nakatapak lang ako at hinahabol siya at noong may nakita akong tsinelas ay hinagis ko sa kaniya, pero nakailag naman siya. "Ahhh duling, duling, duling," Naasar talaga ako sa itchura niya gusto ko siyang bangasan ngayon pero hindi ko iyon magagawa, unang una dahil baka gantihan niya ako at KO ang abutin ko pangalwa ay dahil kuya ko siya. "May pa Good night, sweet dreams pa sila." He's mocking it, ginagaya niya iyon at pa sweet ang boses niya. Nakakuyom ng mahigpit ang kamao ko sa inis. "Ano nga kasing pangalan? Ahhh Rhenuel!" sa mga sinasabi niya ay hindi malabong binasa niya ang buong convo sa tagal ko pa namang nasa labas. "Jollibee ka kasi! Pabibo! Pabida!" Hinabol ko siya ulit at pumasok siya sa may kusina kung nasaan si mama. Nadatnan ko si kuya na nasa likod ni mama at tila nag tatago. "Ma, 'yang anak mo oh humaharot," pag susumbong niya sa' kin. "Ma! Iyang anak mo hindi alam ang salitang PRIVACY." Napapapadyak pa ako sa inis. Umalis si mama saglit at pag balik niya ay may dala na siyang dalawang kutsilyo. "Oh, magsaksakan nalang kayo sa harap ko para masaya, " note the sarcasm. Inaabot niya sa'min ang dalawang kutsilyong hawak niya pero hindi namin 'yon tinanggap, duh sino bang tangang tatanggap noon at gagawin ang utos niya. "Oh hindi niya naman pala kaya eh. Ang lalaki niyo na ay para pa rin kayong bata kung mag away, ayan kutsilyo para extreme naman iyang pag aaway niyo. Tawagan niyo nalang ako kung mayroon ng dumudugo sa inyo," iyon lang ang sinabi niya at umalis. Tinignan ko si kuya ng masama, tsk minsan nalang kasi umuwi mang gugulo pa. "Ayan kasi, ang pabibs masyado," sabi ko at pabalang siyang iniwan. Humabol naman siya. "Oh talaga Rhenuel?" pang aasar niya. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko dahil baka magawa ko nga iyong pinapagawa ni mama. Lumapit kami kay mama nag paunahan pa kami sa tabi niya dahil single chair lang iyon. Sa huli ay ako ang nakupo sa tabi ni mama at siya naman ay sa kabilang upuan. Tinusok tusok ko ang tagiliran ni mama. Nanunuod nanaman siya ng Kdrama, 'yong hindi niya matapos tapos na series. "Yiee mama tatawa na 'yan." Sinundot ko pa siya ulit. "Ano ba! Nanunuod ako eh simaron," saway niya sa' kin. "Ouyy liit tigilan mo nga si mama. Makipag chat ka nalang sa Rhenuel mo," sabi ni kuya at inakbayan si mama. Walang gana ko siyang tinignan, nakakapagod mainis kaniya sa totoo parang umuwi lang siya para asarin ako. "Oh napano ka Jollibee? Layuan mo nga si mama baka mahawa siya sa katabaan mo." I made a face to mock him  the nye nye face 'wag kayo parati kong ginagawa iyan noong bata. "Oh sige mag away kayo ulit, ano kukunin ko pa ba ulit ang mga kutsilyo para sa inyo? " Ibinaba ni mama ang pinapanuod niya at mukhang iritang irita na sa' min. Okay ito na ang line niya. "Para kayong aso't pusa, ano? Mag aaway nalang kayo? Hindi na kayo nagtinong dalawa ang lalaki niyo na mga isip bata pa rin kayong kumilos," tumayo siya matapos sabihin 'yon. Tinignan ko si kuya nag lagot ka sign nanaman siya. Inirapan ko siya at sinundan si mama. Nadatnan ko siyang nakaupo doon sa labas at nakatitig sa kawala,probably nag iisip nanaman iyan. "Ma!" Panggugulat ko sa kaniya dahil nakatalikod siya sa 'kin. "Aysusmaryosep!" humarap siya sa 'kin habang ako tawang tawa sa reaksyon niya. "Loko buri mu kung paten na?!" lah galit agad? Galit na iyan dahil nangapampangan na eh. "Ali man ma," pagtatangi ko."Ang lalim kaya nang iniisip mo." Tumayo ako sa likod niya at inaayos ang buhok niya. Napangiti ako dahil may inaayos na ako ngayon, noong highschool ako at nagkasakit siya ay nalagas lahat ng buhok niya dahil sa chemotherapy. "Ma, kutuhan kita?" pagtatanong ko dahil kanina pa siya kamot na kamot sa ulo niya. "Ayy! oo ayan ang pinaka maganda mong magagawa. Ayan dito banda parang may gumagapang." Turo niya sa parte ng buhok niya. Siya lang ang kilala kong gustong gustong mag ka kuto. Hindi ko naman siya masisi dahil nga sabi ko kanina nalagas lahat ng buhok niya noong nag pa chemo siya at ngayong may buhok na siya ulit ay gusto niyang may gumagapang sa ulo dahil atleast daw ay mayroon na siyang buhok. I can't help myself but to reminiscence those time na nag chechemo pa siya. Tumira kami doon sa kamag anak ng tatay ko sa  Mabalacat Pampanga dahil doon mas malapit ang Hospital na pinagkukunan ng treatment ni mama. In my young age, I witnessed how she fought. There are times na hinang hina talaga siya pagkatapos mag take ng Chemo but I didn't know what to do that time, Im still naive on the situation, I can't even know what is going on hindi pumasok sa isip ko noon pwedeng mawala sa'kin si mama anytime. In that age I became lost, I don't know but I lost myself while watching my mother's burden and I can't do anything about it. Im not a showy kid that moment ni hindi ko nga kinikiss si mama noon bago pumasok sa school pero noong nangyari iyon ay nagbago lahat. I always kiss her goodbye beacuse I always think na baka huling kita nanamin 'yon, and that very moment I discovered that I have anxiety of death. Natatakot ako sa lahat ng bagay dahil akala ko ikmamatay ko lahat ng 'yon, sa tuwing ipipikit ko ang mata ko ay iniisip kong hindi na ako gigising at ganoon din kila mama,parati kong chineck kung humihinga pa siya bago ako matulog hanggang sa pag gising ko. I hate to see someone dying. Ayaw ko, dahil sa tuwing nakikita kong may namamaalam ay parang may parte sa pagkatao ko ang nawawala kasabay ng pagkawala ng buhay nila. I snapped out noong nakita ko si mama sa harap ko, huminto pala ako sa ginagawa ko sa kaniya. "Oh bakit ka umiiyak? Anong nangyare sayo?" naluha na pala ako sa mga naalala ko. Mababahiran ng pag aalala ang boses niya ganoon din ang makikita mo sa mukha niya. Hinawakan niya ang pisnge ko. She gently caress it, I just smile at her to kiss away her worries. "Okay lang ako ma, napuwing lang," pagdadahilan ko at pumikit pikit pa kunwari. Sinusuri niya ang mukha ko kung nag sasabi ba ako ng totoo kaya ngumiti ulit ako. "Maaa!!! Bansot!!! Kakain na!" si kuya iyon, kung makasigaw ay parang mapapatid ang litid niya. Kumain lang kami habang nag kukwentuhan. Hindi mo maalis ang asaran sa pagitan namin ni kuya. Sinabi niya na hindi ako papayagan ni tatay na mag ka boyfriend, naisip ko tuloy bakit siya? Grade 8 palang yata ay nag ka jowa na si kuya tapos ako grade 11 na bawal pa? " 'Dba ang pabibs ni kuya nakakaasar siya argg!" asar kong sabi sa kausap kong si Deby, she's on the other line at tawang tawa sa kwento ko. Kinuwento ko ang pag iinvade ni kuya sa privacy ko kaqiqil. "Eh kasalanan mo naman eh, iniwan mong nakabukas 'yang cellphone mo at wala pang password ah" Inikot ko ang mata ko akala mo'y makikita niya. "Duh it doesn't change the fact the pinakelaman niya. Invading  my privacy, kahit pa nakabukas o walang password ang phone hindi mo dapat papakialaman kung hindi sayo at lalong lalo nang hindi ka magbabasa ng convo ng iba goshh it's so disrespectful," mahaba kong lintaniya dahil nanggigil talaga ako. Kahit naman siguro sino 'dba, siya nga ayaw na ayaw niyang pinapahawak ang cellphone niya tapos ang lakas ng loob niyang mag basa ng convo nang may convo. Grabe nararamdaman kong nanginginig ang laman ko, asar na asar talaga ako sa kaniya. Tanging si kuya lang ang nakakapag pa High blood sa'kin nang ganito. "Oh atche bakit sa'kin ka galit? Ako ba ang nagbasa ha? Hakdog" "Nakakainis lang binasa niya ang convo namin ni  Rhenuel 'dba," umaasa akong makakahanap nang kakampi sa kan'ya. "Speaking kay Rhenuel the Ghoster, how's the tea atche?" Napabuntong hininga ako naiisip ko nanaman siya, naiinis nanaman tuloy ako grabe ilang beses pa akong maiinis sa araw na'to. "Ayun sumlpot ulit. Nabuhay siya ulit gurl kaso Zombie na siya dahil binaon muna sa hukay bumangon pa para balikan ka," "So anong tawag sa kaniya, Zombiester? Lah panget parang ikaw" "Lul ka, seryoso nga," dadagdag pa siya eh. "Anyare kasi atche pabitin ka eh, So what's the flavor of the tea atche?" Parang nakikita kong nag tataas baba ang kilay niya habang sinasabi 'yan. Piniling ko ang ulo ko "What's the tea lang kasi iyon," pagtatama ko sa kaniya, grabe human correction ang lagay ko parati sa kanila. " Para maiba naman 'dba, ganyan ang high tech ang utak" Nababaliw yata ako dahil nakikita ko siya sa utak ko habang sinasabi iyon. "Huwag mong ibahin ang usapan atche, anyare sainyo ng bebelabs mo?" Iww for that endearment. "Ayon sinabi niya lang na gusto niya ako," para tuloy bumalik iyong kilig ko noong time na iyon. I like you Aissa, and I will make sure that you will like me too Paulit ulit iyong umecho sa isipan ko. Napangiti tuloy ako nang mag isa. "Houy!!!" Nagising ako sa pag re reminisce ko sa pangyayari. "Oh?" "kanina pa kita tinatawag eh, namatay ka yata sa kilig?" Umiling iling ako akala mo ay makikita niya. "Hindi noh!" "Owws knowing you marupok ka atche at maharot kaya bibigay ka agad" "Hindi ako marupok!" "Edi hindi, masyado kang defensive. Ayy, si ate, defensive, may tinatago." Pagkanta niya huling sinabi niya. Kanta namin iyan ng mag babarkada kapag defensive ang isa. Huminga lang ako nang malalim at pinakawalan iyon. "So 'ayun back to the topic, umamin nga siya girl.. " Excited kong kinweto lahat sa kaniya kaya sabay kaming kinikilig. Tinanggi ko pa kanina pero lumalabas din talaga kapag kinikilig ka. "Bongga ka atche, sa may  kdrama ko lang iyan napapanuod. Gareyy V ka atche Nawa'y Lahat!" Kumunot ang nuo ko, hindi ko nanaman maintindihan ang mga sinasabi niya. "Anong Nawa'y lahat?" "Edi Sana all. Tinagalog ko lang nang mas malalim eh. Iba talaga ang High-tech ang utak" Pakiramdam ko'y umiiling siya ngayon. Nakikita ko talaga si Deby habang kausap siya kahit na sa cellphone lamg kami nag uusap. "Iba talaga ang tama mo sa utak," "Ayon lang ang chika ng atche natin?" "Hindi meron pa," ikukwento ko pa iyong hindi niya pag papakita sa'kin ng isang linggo matapos sabihin iyon. "Pagkatapos niyang umamin hindi na  nag pakita ang katawang tao niya sa'kin," "Ay baka  namatay ulit tapos naging multo nanaman" "Pero chinachat naman ako eh," "Ang possessive mo atche, gusto mo yata araw araw ka nanamang puntahan. May buhay din iyong tao tsaka chinat chat ka naman pala 'wag kang ano" Natapos na ang pag uusap namin. Inasar pa ako ni kuya pag pasok ko sa bahay na ka usap ko daw ang jowa ko at Rhenuel na ang tawag niya sa' kin kapag kinakausap niya ako. Sinabi ni Deby na pupunta siya  dito so linggo para makipag chika wala naman daw siyang gagawing iba kaya pupunta nalang daw siya. Sabado ay umalis din si kuya dahil may trabaho pa siya sa partime niya sa Funtime Donut. Nang imbyerna pa talaga siya bago umalis,muntik ko nanaman siyang masapol ng tsinelas. Wala namang pasok kaya nagfaface book lang ako dahil hindi ko kinaya ang pag wawattpad naiinis ako dahil namatay iyong guy dahil sa sakit gosh nakakaawa ang babae. So 'ayun nag sss lang ako at ang daming toxic na tao. Toxic ang laman ng newsfeed ko, mga taong walang alam kundi mang bash. Ang ganda ng mundo pero dinudungisan ng mga tao, parang ang hirap mag kamali kapag nabuhay ka sa mundong 'to, maraming matang mapanghusga at ang nga bibig nila parang may mga bomba na bigla ka nalang sasabugan dahil sa pagkakamali mo. Wala lang nasabi ko lang pa toxic na kasi ng patoxic ang mga tao sa mundo. Naabot ko na ang dulo nang f*******: kakascroll. Nakamute ang mga maiiingay sa messenger ko dahil ayaw ko nang istorbo. Chat kasi nang chat si Rhenuel pero hindi ko na sineseen wala eh pabebe ako. Natulog nalang ako dahil wala na akong ibang magawa. Tawag nang tawag si mama sa pangalan ko, kaya naalimpungatan ako. "Aissa!!! May bisita ka," dinig kong sabi niya pero nag pa ikot ikot pa ako sa kama. Yamot akong umupo dahil hindi na ako makatulog ulit. "Aissa!!!!! Naghihintay ang bisita mo, nandiyan sa may sala!" pagsigaw ni mama tingin ko'y napatid na ang litid niya dahil doon. Inis kong ginulo ang buhok ko. "Ma! Papasukin mo nalang dito sa kwarto!" sagot ko dahil si Deby lang naman iyan. Sinabi niya na pupunta siya dito ngayon, bakit hindi pa kasi pumasok ang gagsi na iyon. "Anong papasukin!!! Kamuritan!" ang OA ni mama si Deby lang naman eh. Galit naman agad parang iba si Deby sa kaniya, ngumuso ako at papikit pikit na bumangon. Lumabas ako sa pintuan nang papikit pikit dahil hindi pa talaga gising ang diwa ko. Nagtataka naman ako dahil hindi early bird si Deby kaya bakit ang aga ng bruhilda. Kinamot ko pa ang ulo ko nang pumunta sa sala namin at mukhang wala pa talaga ako sa wisyo dahil si Rhenuel ang nakikita kong nakaupo doon at nakatingin sa'kin, tumatawa pa. Nagtataka ko siyang tinignan at winagayway ang kamay ko sa harap ng mata ko para mawala siya at pumikit pa ako at nag yawn, pero pag dilat ko ay nandoon pa rin siya alive na alive at tawang tawa pa sa itchura ko. "Goodmorning Dopeyhead." Nakangiti niyang sabi. Inalis niya ang tinted grey sunglasses niya at kumindat sa'kin. Nanlaki ang mata ko at patakbo akong bumalik sa kwarto. Chineck ko ang cellphone ko, nakita kong mag kasunod ang chat ni Deby at Rhenuel. Deby: houyy bruha. Hindi ako makakapunta pero iyong tauhan ko pupunta d'yan sabi ko landiin ka ng kaunti para happy happy ka. Rhenuel Alcaraz : See you. Tinignan ko ang sarili sa salamin at nasampal ko ang nuo dahil ang dugyot kong tignan. Gulo gulo ang buhok ko na parang isang bruha, namamaga ang mata ko dahil sa pagtulog at may muta pa ang isa, buti nga at walang bakas ng pagtulo ng laway kung hindi ililibing ko nalang ang sarili ko. Grabe lupa bumukas ka at itago mo 'ko. GarreyV! Nakashorts ako at Oversized na damit, ang panget ko! Kinuha ko ang towel at mga damit ko, nagninja ulit ako papunta sa banyo namin. Ngisi ngisi pa si mama at iling iling, nagluluto siya sa kusina na katabi lang ng banyo namin. Isang oras akong naliligo pero dahil may naghihintay ay 15 mins lang natapos ako. "Ano? Gising ka na sleeping beauty? Ayan na ang prinsipe mo oh." Nginuso niya ang sala kung nasaan si Rhenuel. Nagluluto si mama, probably ang ipapakain kay Rhenuel. Ngumuso ako. "Ma naman bakit hindi mo ako ginising agad," pabulong kong sabi sa kaniya dahil baka marining kami noong lalaki sa sala. "Aba! Ako pa ang may kasalanan? Kanina pa kita ginigising na babae ka pero hindi ka magising gising," mahina ring singhal niya sa'kin. Ibig sabihin ay kanina pa siya dito. "Oh ipaghanda mo nang tinapay at ipagtimpla mo ng juice, tubig lang ang naibigay ko kanina dahil gulat din ako noong nagkita ko siya. Aba lalo siyang gumwapo dahil sa porma niya." Tinuro niya kung nasaan ang mga tinapay at juice. Tinimpla ko iyon at hinanda na. "Nakakwentuhan ko na rin iyan dahil hindi kita magising kanina. Kanina pa iyang umaga dito magtatanghalian nalang." "Entertain mo 'yan, ngayon ka lang naman niligawan." pagtutulak niya sa' kin at itinuloy ang inilulutong banana que. Lumabas ako nang may dalang pitcher at at tinapay. Inilapag ko iyon sa maliit na mesang nasa harap niya. Pinagsadhan ko siya ng tingin. Naka dirty white Hawaiian button up shirt siya. Nakasuot siya ng linen shorts na kulay black. Naka unbuttoned ang dalawa butones ng kaniyang shirts at nakasabit doon ang grey tinted sunglasses niya, lumilitaw din doon ang military dog tag necklace niya. Ang buhok niya ay naka medium side comb over, para itong nasa isang side lang pero dahil wavy ang buhok niya ay may mga hibla ng buhok na sadyang nahuhulog sa harapan, pero bumabagay sa suot niya ngayon. Natawa ako. "Walang Beach dito,tsaka matagal pa ang summer," pasiring ko sa kaniya, ngumisi lang ang loko. Tinignan niya ako at natawa siya, inaalala niya siguro ang mukha ko sa kaniya kaya inirapan ko siya. Wala mang salitang lumalabas sa bibig niya ay nakikita mo naman sa reaksyon ng mukha niya na inaasar niya ako. "Anong ginawa mo dito? Kaibigan ba kita para pumunta ka sa bahay namin?" humalukipkip ako. "Hindi, pero manliligaw mo ako," tumaas ang isang side ng labi niya at tumaas baba ang kilay niya. Tumaas din ang isang kilay ko. "At sinong nag sabi sayong pwede mo akong ligawan?" "Mama mo. Ayy si Tita," nangunot ang nuo ko. Anong si mama? Gusto ko sanang mag tanong pero dumating na si mama at inilapag ang banana queng niluto niya. "Huwag ka nang mag inarte, ayan na nga lang ang umakyat ng ligaw sayo hindi mo pa payagan. Ayaw kong maging matandang dalaga ka," pagsulsul niya sa'kin. "Tsaka naka oo na 'ko hindi na pwedeng bawiin kaya ienjoy mo nalang iyan naku! Para hindi ka na asarin ng tita mo na wala ka pang jowa," napangisi si Rhenuel noong tignan ko. Nagmamalaki ang titig niya at parang sinasabing kakampi niya si mama. Napabitaw ako ng buntong hininga, parati akong inaasar ni tita nawala pa raw akong jowa eh dalaga naman na raw ako, sinabi pa niyang hindi ako ligawin kahit maganda ako. Lumibot ang tingin ko pero nagtaka ako noong may makita akong sako ng bigas. Kalahati lang iyon. Iniisip ko tuloy na nagbigay nanaman si governor kay mama. Buwan buwan kasing nagbibigay ng mga groceries, can goods at mga iilang gamot si Governor sa mga PWD at mapalad si mama dahil kasama siya sa mga nakakatanggap  buwan buwan, alam ko ay mayroon ding kasamang maliit na halaga ng pera, pero malaking tulong na iyon samin dahil sampung libo ang isang kahon na chemo tablet na iniinom ni mama buwan buwan. "Ma, nagbigay nanaman yata ng pabigas si Governor?" hindi ko maiwasang itanong kahit nandito si Rhenuel. "Ah hindi ah, bigay iyan ng manliligaw mo. Ang  praktikal 'dba kaya sayo ako eh," sayang saya si mama at itinuro pa si Rhenuel ang loko ay tuwang tuwa hindi niya alam na pinaplastik lang siya ni mama. Gulat ko namang tinignan ang bigas at si Rhenuel. "Bakit bigas? At bakit kalahati?" ano iyon half-baked ang feelings ganoon? "Para maiba lang, astig kaya. Wala pa akong nakilalang nagbigay ng bigas sa manliligaw, ako palang." Tinapik tapik niya pa ang dibdib niya at nagmamalaki akong tinignan. "Kalahati kasi, iyong kalahati sa pamilya ko at iyong kalahati sa inyo para fair and square," malako siyang ngumiti. Sira ulong manliligaw ni wala man lang bulaklak. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD