"Seriously ?" Nakangiwing tanong ko. Napawi naman ang ngisi sa labi niya,namanglaw ang mata niya. Tumingin siya sa kalahating sako ng bigas ta tumingin ulit siya sa'kin.
"Ayaw mo?" mahina niyang tanong, tila ba nadismaya siya sa sarili niya."Ahh sige papalitan ko nalang," nakayuko siya noong sinabi 'yan. Gosh I didn't mean to offend him. I just don't know what to feel at the moment, unang una nagulat ako dahil nandito siya sa bahay at sasabihing manliligaw, ni hindi nga kami nakapag usap ng matino eh, pangalawa bigas?! Hindi naman sa ungrateful b***h ako pero kasi kapag nanliligaw usually flowers and chocolates 'dba? Nagulat lang ako. Hindi ko naman sinasabing ayaw ko ang bigas sadyang it's so unusual. Napangiti ako sa isip ko, he is so unpredictable.
"I mean ang unusual kasi 'dba? Usaully kasi flowers ang binibigay," pag papaliwanag ko, pero nakayuko pa rin siya. Naka feel naman ako nang guilt, nag effort kasi iyong tao tapos ano pang sinabi ko. Malay ko ba baka nahirapan pa siyang buhatin iyon papunta dito.
"Ouy! Sorry, I didn't mean to offend you. Thank you kasi nag effort ka tsaka I think it's kinda unique 'dba?" pag checheer up ko sa kaniya. Hala ako iyong nililigawan pero bakit ako yata ang nanunuyo?
Itinaas na niya ang tingin niya."Hindi, okay lang tsaka ako iyong nanliligaw nasa saiyo naman kung tatangapin o magugustuhan mo ang mga ibibigay ko," mababang tono ang ginamit niya at maririnig mo ang lungkot doon. Tinignan niya ako at ng naka half smile, did I really hurt his pride that much? Ngumiti ako ng alanganin.
"Kasi naman eh! Bakit bigas ang dala mo?" nasabi ko lang iyon out of guilt, reverse psychology kapag natatalo ka sa arguments i reverse mo ang nangyayari parang isisi mo sa kaniya ganoon. Like syempre first time kong maligawan and I expect something sweet pero masaya naman ako sa bigas ilang araw din namin iyong kakainin though I really didn't expect that.
"Sorry," mababa pa rin ang tono niya at yumuko. Argh Aissa ang tanga pwede ka namang mag pa salamat nalang 'dba, minsan ang b***h ko rin.
"Abay Aissa! Ang arte mo bigas na iyan oh," sumabat si mama sa usapan namin. Binalingan niya si Rhenuel at ngumiti.
"Salamat dito ijo, pagpasensiyahan mo na iyang batang 'yan nagkulang lang ako sa aruga d'yan kaya nagka ganyan." Binubuhat ni mama iyong sako ng bigas pero hindi niya mabuhat.
"Ma! Bawal kang magbuhat ano ba" pagsaway ko sa kaniya. Ang kulit niya kasi bawal siyang magbuhat ng mabibigat dahil sa opera niya. Kinuha ni Rhenuel iyong sako at siya na ang nagbuhat papunta doon sa kusina. Siya nalang ang bumalik sa sala.
"Ouyy char char lang iyon. Salamat sa pabigas Gov! " Ngumiti ako ng totoo iyong bukal sa puso.
"Mayroon akong biniling bulaklak." Bumalik ulit ang ngisi sa labi niya kaya napangiti na lang ako. Sumigla rin ang mukha ko doon sa narinig, pero hindi ko naman din mahahawakan iyon. May allergy ako sa pollen pero kahit ganoon gusto kong ma experience na mabigyan ng bulaklak,kaya siguro ang attitude ko kanina.
"Pero hindi para sa'yo." Iyong saya sa mukha ko ay biglang nawala. Tumaas nang bahagya ang gilid ng labi niya. Ano 'to? Gantihan ganoon? Ngumuso ako.
"Para kanino?" nag tingin tingin pa ako sa paligid pero napansing wala siyang ibang dala kundi iyong bigas.
"Para kay tita," sabi niya habang pinagmamasdan nang maigi ang reaction ng mukha ko. Nagsalubong ang kilay ko, si mama ba ang nililigawan niya? Tumawa siya nang bahagya bago sumagot.
"Bawal ka sa pollen kaya hindi ko ibibigay iyon sayo," pagpapaliwanag niya na ikinagulat ko. Tinignan ko siya ng may pagtataka sa mata.
"Saan mo 'yan napulot ha?" Pinanliitan ko siya ng mata nanunuri.
"Sa source,"
"Saang source?"
"Secret, walang clue," nakasmile pa rin siya at tinaas baba ang kilay niya. Inirapan ko nalang siya. Muli kong no libot ang tingin pero wala talaga akong nakitang bulaklak.
"Nasaan ang bulaklak na pinagmamalaki mo?" Sumilip pa ako sa likod niya baka nandoon pero wala.
"Ah parating na pina deliver ko muna," saktong pagkasabi niya noon ay may tumunog anh cellphone niya tanda na may tumatawag sa kaniya. Nag paalam siya na sasagutin niya ang call.
"Bakit?" tanong niya sa kausap.
"Nandito kana?" hindi naman siya masyadong malayo sa'kin kaya naririnig ko pa rin siya. Natural na rin ang pag ka chismosa ko kaya kahit ayaw ko mang pakinggan ay sadyang naririnig ko.
"Saglit kakawayan kita para makita mo 'ko." Lumabas siya at sinuot muna ang sapatos niya na naroroon sa labas. Ayaw talaga ni mama na nadudumihan ang bahay kaya siguro akong pinahubad niya muna ang sapatos ni Rhenuel bago makapasok.
Pagkalabas niya ay kumaway kaway siya doon sa daan medyo may kalayuan sa bahay namin pero matatanaw mo pa rin naman. May nakita akong motorsiklo doon, ang direksyon niya ay papunta na sa bahay namin. Ito siguro ang kausap ni Rhenuel.
Nakarating na iyong lalaki dito. Naka all black siya, pati ang helmet ay black. Inalis niya iyon nang dahan dahan at piniling ang ulo para maalis ang buhok na nakaharang sa mukha niya. Noong maaninag ko ang mukha niya ay naalala ko siya, siya iyong kasama ni Rhenuel na lalaki doon sa HaM Cafe. Nakasimangot siyang lumapit kay Rhenuel habang ang isa ay ngingisi ngisi.
Kinuha niya ang bouquet doon sa lalaki, hindi ko alam kung anong tawag sa bulaklak na iyon. Wala naman ang alam sa bulaklak maliban sa mga common tulad ng roses. Kakaiba kasi ang bulaklak na hawak niya, kulay yellow iyon at hindi familiar sa akin. Lumayo ako nang bahagya sa kanila dahil matindi din ang allergy ko sa pollen, mamaga ang ilong ay pisnge ko kapag nakaamoy ako excessive amount of pollens.
May ibinigay din na paper bag ang lalaki kay Rhenuel, may kalakihan iyon at hindi ko alam ang laman. Tumawa si Rhenuel at nakasimangot pa rin ang lalaki.
"Salamat shoppee!" dinig ko, galing iyon kay Rheneul na tawang tawa habang tinatapik ang balikat noong lalaki.
"Gago," mahina man ay narinig ko rin ang pag sagot noong lalaki at inalis ang kamay ni Rhenuel na nakapatong sa kaniya.
Bumaling ang tingin ni Rhenuel sa'kin at kinindatan ako bago tumawa, baliw na siya. Iniwan muna niya iyong bouquet doon sa motorsiklo nang lalaki bago sila parehong lumapit sa'kin.
Neutral lang ang tingin nang lalaki noong tumingin siya sa'kin. Nakaharap silang pareho sa akin at naka aknay si Rhenuel sa kasama niya.
"Aissa si Earl." Turo niya sa lalaki ngumiti ng kaunti ang lalaki. Ngumiti nalang ako ng alanganin. "Earl, si Aissa syota ko." Turo niya sa akin, ngiwi lang ang isinagot ko sa kaniya.
Hindi ko inaasahang mag sasalita iyong Earl. "Advice ko lang, sagutin mo siya agad nang mabilisan...." sayang saya naman si Rhenuel sa sinabi ng kaibigan niya, nakahanap nanaman siya ng kakampi. "Tapos iwanan mo rin ng mabilisan para may instant alak sa barkada." Ngumisi siya pagkatapos. Tinapik nanaman siya ulit ni Rhenuel.
"Parang gago tol!" Hinila na ni Rhenuel si Earl. Inakbayan niya ito at bahagyang iniyuko para guluhin ang buhok niya.
Sumakay na siya ulit sa motor at nag paalam na kay Rhenuel.
"Salamat delivery boi sa susunod ulit, Salamat shoppee!" pag sigaw ni Rhenuel dahil medyo na kalayo na si Earl, tinaas ni Earl ang kamay niya at naka taas ang gitnang daliri niya. Tawang tawa namang bumalik sa sa harapan ko si Rhenuel pero nakalayo pa rin siya sa'kin dahil doon sa bulaklak.
Ngumiti siya at lumiit ang mata niya kaya alam kong masaya talaga siya sa ngiting iyon. "Ibibigay ko lang kay Tita," sabi niya kaya lumayo ako doon at pumasok muna sa kwarto ko, ichecheck ko rin ang sarili ko kung ayos pa ang mukha ko.
"Anong klaseng bulaklak ang binigay mo kay mama? Ngayon lang ako nakakita noon," sabi ko habang nakaupo kami pareho sa sala at si mama tuwang tuwa doon sa bulaklak na bigay ni Rhenuel matagal na daw siyang hindi nabibigyan noon dahil dry daw sa kaniya si tatay.
"Daffodil 'yon. It symbolizes respect, kaya 'yon ang binigay ko, cause I respect your mother as much as I respect you," his eyes are sincere pati ang klase ng ngiti na bininihay niya sa akin ngayon. Titig na titig siya sa mata ko habang sinasabi iyon and you can really feel and hear his sincerity.
"O-okay," wala akong ibang masabi kaya binaling ko nalang ang tingin ko sa iba sakto namang tumama 'yon sa paper bag na dala niya. Mukhang nakita niyang tumagal ang tingin ko roon kaya kinuha niya.
May inilabas siyang pahabang kahon doon. Binuksan niya iyon, may lamang apat na hair clip. Flowers ang mga design ng bawat isa, nakalinya 'yon, ang tatlo ay pamilyar sa'kin.
Rose ang pinaka una doon simple lang siya pero maganda, isang malaking rose design ang nakalagay doon sa maliit na hairclip. Tulips naman ang ikalawa, tatlong maliliit na piraso at iba't iba ang kulay ng tulips ang design na nasa hairclip. Sunflower ang ikatlo, tulad noong sa rosas ay isang malaking piraso ang design noon. Hindi ko alam ang tawag sa huling flower hairclip. Noong tignan ko si Rhenuel ay titig na titig lang siya sa akin at parang kinakabisado ang bawat reaksyon ko. Ngumiti siya bago mag salita.
"Hindi kasi kita mabibigyan ng tunay na bulaklak dahil bawal ka, kaya ayan hairclip nalang na flower ang design ang naisip kong ibigay sayo," pagpapaliwanag niya. Napangiti ako at nararamdaman ko ang mga paruparong kunakawala sa tiyan ko. Masaya ako sa ginawa niya at talagang na appreciate ko. Kinagat ko ang labi ko habang masayang nakatitig doon sa mga hairclip.
"All these flowers symbolized love," wala akong masabi at titig na titig lang sa mga hairclip. Ganito ba ang pakiramdam ng may manliligaw? Pwera sa mga kaibigan at pamilya ko ay siya lang ang lalaking nag bigay sa akin ng ganitong regalo at parang punong puno ng kasiyahan ang dibdib ko. Naagaw ang atensyon ko noong pang apat na hairclip,isang maliit na piraso iyon, white ang petals niya at dilaw ang kulay ng gitna.
"Anong klaseng bulaklak 'to?" hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong dahil gandang ganda ang sa bulaklak na iyon.
"Primrose ang tawag d'yan,"dinig kong sabi niya pero nakatingin pa rin ako doon sa hairclip.
"Gusto mong isuot ko sayo?" napabaling ako sa kaniya at tumango. Ngumiti siya dahil sa itchura ko mukha akong batang excited sa laruang ibinigay sa'kin.
"Alin dito?" tanong niya. Tinuro ko 'yong primrose.
"Nice choice." Kinuha niya 'yon at dahan dahang pumunta sa 'kin dahil nakaupo ako ay lumuhod siya para mag pantay kami. Hinawi niya ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko, inilgay niya ang mga 'yon sa likod ng tenga ko habang nakatitig sa mata ko at nakangiti. Hindi ako makahinga sa lapit niya sa'kin pinipigilan ko ang pag hinga ko.
"Primrose means young love.." Nakatitig pa rin siya sa mga mata ko at amoy na amoy ko ang hininga niya, it sent chills down to my spine. Mint lang at mabango iyon, amoy ko din ang pinaghalong pabango at natural niyang amoy."...And I can't live without you." Pagtutuloy niya at dahan dahang inilgay ang hairclip sa buhok ko, seryoso siya sa paglagay noon.
Tumapat siya sa tenga ko, dama ko ang bawat pahinga niya doon. Naririnig ko ang bawat pagkalabog ng puso ko ,para itong tinatambol, tingin ko'y maging siya ay naririnig iyon.
"I promise, that I will love you till the last rose dies," bulong niya sa may tenga ko.
Lumayo siya ng bahagya sa'kin para magtapat ang aming tingin. Napapalunok ako sa klase ng tingin niya. Hinaplos niya nang marahan ang pisnge ko."That's the definition of Primrose for me," Natutula ako sa kaniya. Wala akong ibang masabi at magawa dahil sa mga ginawa niya ngayon. Napaplunok nalang ako habang nagkakatinginan pa rin kami.
"You're so Beautiful Renaissance. Your beauty can define as these flowers, they are fascinating with deep meaning. I can't take my eyes of you, " sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay may kung anong epekto iyon sa'kin. Hindi pa ako nakakain ng paru paro pero bakit nararamdaman ko sila sa tiyan ko? Ganito ba kalakas ang epekto niya sa'kin? Sa paraan ng pagtitig niya sa'kin ay para akong hinihigop, parang nanghihina ako.
Dahan dahan siyang lumapit sa'kin, hawak parin ang magkabila kong pisnge. Nakatingin siya sa labi ko, kinibot kibot ko iyon dahil kinakabahan ako at bahagya kong kinagat. Ugali ko na 'yon tuwing hindi ko alam ang gagawin at kinakabahan. Lumapit pa siya sa'kin at nasa labi ko pa rin ang titig niya,hindi ko namalayan na pinipigilan ko na ang aking pahinga.
Pumikit ako nang mariin, hinihintay ang susunod niyang gagawin. Nakaramdam ako ng malambot na bagay na lumapat sa tuktok ng ulo ko, doon niya ako hinalikan at tumayo na agad.
Habol ko ang aking paghinga dahil sa tagal nang pagpipigil ko. Natatawa naman siya sa itchura ko. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa sobrang pagkalog nito, tinignan ko siya. Hinihingal ako at nakahawak sa dibdib ko noong tumingin sa kaniya. Mukhang tuwang tuwa siya sa nakikita niyang reaksyon ko.
"Ang ganda mo, pero mas maganda ka tuwing bagong gising." He gave me a cheeky smile. Umupo na siya ulit pasipol sipol pa siya habang nakatingin pa rin sa'kin.
Umupo na ako nang maayos at tinignan siya ng masama. May pa respect respect pa siyang nalalaman kanina eh may respeto ba siya kay mama niyan sa ginawa niya? Pero ano bang ginawa niya? Pumikit ulit ako.
Tumayo ako at nagmamadaling pumunta sa kusina kung nasaan si mama. Nadatnan ko siyang pakanta kanta habang inaamoy iyong bouquet na bigay sa kaniya ni Rhenuel. Awtomatikong nangati ang ilong ko at mata shet! Ang lapit ko pala sa bulaklak.
"Atchu~" Pagbahing ko. Kinati ko ang ilong ko at kinusot kusot ang mata ko.
Tingin ko'y namamaga na ang mata ko namumula na rin siguro ang buong mukha ko. Dama ko ang pangangapal ng labi at pisnge ko.
"Jusmeng batang ito! bakit ka kasi pumunta dito ha?! " Dali dali akong inilabas ni mama sa kusina at pinaupo ulit sa sala. Nag aalala naman ang mukha ni Rhenuel noong madatnan namin.
"Tita, ano pong nangyari?" tanong niya sa nag aalalang boses. Bahing lang akong bahing.
"Ayy naku, pumunta sa kusina eh alam namang may bulaklak doon. Ayan tuloy intake ng allergy." Kumuha si mama ng gamot at tubig sinundan naman siya ni Rhenuel.
Pagbalik nila ay dala na ni mama ang gamot at tubig si Rhenuel naman ay dalang yelo sa mangkok. Pinainom sa'kin ni mama ang gamot.
Si Rhenuel naman umupo sa tabi ko at inilgay sa panyo niya ang maliit na piraso ng yelo.
Dinampi dampi niya 'yon sa pisnge at mata. Malapit nanaman tuloy kami sa isa't isa, kaya nag uumpisa na nanamang magbabulan ang mga kabayo sa dibdib ko. Hindi ako mamatay sa allergy pero baka mamatay ako sa ginagawa niya sa 'kin.
"Osya, iwanan ko muna kayong dalawa at mag luluto pa ako. Ikaw ijo dito ka na kumain," sabi ni mama.
"Ah--" tingin ko ay tatangi pa sana si Rhenuel ang kaso'y sumabat si mama.
"Bawal ang humindi." Itinaas niya pa ang hintuturo niya at ginalaw galaw.
Ngumiti nalang si Rhenuel. Hindi naman na siya makakatangi pa. Umalis na si mama pag katapos at naiwan nanaman kaming dalawa dito sa sala.
Lumayo ako ng bahagya. "Ako na." Kinuha ko ang panyo sa kaniya noong akmang damdampihan nananamn niya ako.
Tumayo siya at humalukipkip. "Bakit ka kasi pumunta sa kusina?" seryoso niyang tanong at diretsong nakatingin sa'kin.
Kumibot kibot ang labi ko. "Kasalanan mo," mahina kong sabi.
Umakto siyang gulat na gulat at tinakpan pa ang bibig gamit ang isang kamay. Ang dramatic. "Bakit ako? Kasalanan bang pakiligin ka?" naglungkot lungkutan pa siya at sadyang pinapungay ang mga mata.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang panget mo, tigilan mo nga 'yan," pagsaway ko sa kaniya. Sumeryoso ang tingin niya at mas lalo akong tinitigan. Kinabahan naman ako bigla.
"Ang ganda mo," sabi niya sabay at ngumisi noong makita ang pagbabago sa mukha ko. Ang ngisi ay napalitan ng tawa. Kaya naiinis ulit ako sa kaniya.
"Huwag ka ngang tawa nang tawa d'yan. May kasalanan ka pa nga eh," inis ang tono ko. Totoo naman may kasalan siya, aamin siya tapos isang linggong hindi mag papakita. Umawang ang bibig habang nakangisi.
"Ano nanamang kasalanan ko miss?" Inirapan ko siya, kita mo hindi niya alam na may kasalanan siya.
"Pagkatapos mong umamin isang linggo kang hindi nag pakita," may schedule ba siya bilang ghoster? Bawat isang linggo doon lang mag papakita. Pinaglaruan niya ang dila niya at pinalobo ng bahagyang pinalabo ang pisnge niya at mangha siyang tumingin sa'kin.
"Miss mo naman ako agad misis," bumagsak ang balikat ko hindi na siya titino. "Kailangan kong mag trabaho. Ayaw kong pera ng tatay ko ang ipanligaw ko sayo. Nagtrabaho ako para mabili ko lahat iyan,"
"Saan ka naman nag trabaho?"
"Sa HaM Cafe. Kasama ko sila Earl at Bianca," bigla akong niinis noong banggitin niya ang huling pangalan na 'yon. Kumukulo talaga ang dugo ko aa babaeng iyon.
"Bianca?"
"Oo, 'yong kasama naming babae noon. Nakita mo na siya 'dba?" Oo nakita ko na, si chucky.
"Okay." Tumingin ako sa kabilang side at dinampi nalang ang panyo niya sa mukha ko. Medyo guminhawa naman na ako at hindi na bumabahing.
Kinuha niya ang paper bag. Inilabas niya doon ang isang balot ng softee at isang balot ng chukie which is 'yong favorite ko. Nagtaka naman ako. Coincidence ba'to o alam niya talaga na paborito ang mga 'yan.
"Ano baka kay mama rin ang mga 'yan" Natawa siya sa tinanong ko. Ngumuso naman ako.
"Hindi. Sayo na ang mga 'to, sayo na rin ako."
"Oh, tapos?"
Napasimangot siya. "Wala ka namang pakikisama miss,"
Natapos ang pag uusap namin noong inaya kami ni
Mama na kumain. Kung maka serve si mama kay Rheneul ay wagas, masyado siyang VIP kung ituring ni mama. Iyong bigas na dala niya ang ipinakain sa kaniya.
Inihatid ko siya sa labas ng bahay namin. Ayaw pa nga yatang pauwiin ni mama at gustong doon pa maghapunan. Nakaipit pa rin sa buhok ko ang hairclip na bigay niya. Humarap siya sa'kin at tinignan ang mukha ko at sumulyap doon sa bigay niyang hairclip. Napangiti siya.
"Susunduin kita sa school niyo bukas," sabi niya.
"Wow, alam mo rin kung saan ang school ko?" pagtatanong dahil ang dami niya yatang nalalaman tungkol sa'kin.
"Wala eh, kailangan."
"Stalker ba kita?"
Umawang nanaman ang labi niya at ngumisi. "Siguro?" he shrugged his shoulder.
"So sinunundan mo 'ko Ganoon? gosh ang creepy mo." Lumayo ako ng kaunti sa kaniya at kunwari'y natatakot. He slowly licked his lower lip and gently sucked it. He run his fingers through his hair and then gave me a serious look.
"Someone told me to follow my dreams, and so I followed you." He smiled. Ginulo niya ang buhok ko at sinuot na ang helmet niya. Sumakay siya doon sa black and white motorcycle niya at pinaharurot iyon palayo.