Ilang linggo na akong nililigawan ni Rhenuel. Hatid sundo sa school at minsan ay ipagpapaalam ako kay mama para lumabas kaming dalawa. Noong minsan pa ay naabutan siya ni kuya sa bahay dahil dumadalaw siya madalas.
Ang kuya kong abno inaya si Rhenuel sa inuman tumba naman agad. Tinawagan niya pa girlfriend niya at sinabing bakit daw siya tumatawag at wag daw siyang landiin nito dahil may jowa na siya. Paggising niya ay hindi na niya kilala ang sarili niya. Mas naging close pa siya sa pamilya ko eh.
Nakausap niya na rin si Tatay sa cellphone. Nagulat pa ako noong mag usap sila ay parang matagal na silang mag kakilala, 'yun pala ay bago daw niya ako ligawan ay kinausap niya muna ang tatay ko at sa kaniya nag paalam. Tuwing nandito siya sa nabahay ang tuwang tuwa si mama dahil sa mga dala niya, noong minsan ay nag dala siya ng mga can goods pinanindigan niya talaga ang pagiging Governor.
May dala naman siya para sa'kin, mga chocolates at mga sweets. Minsa'y nag seselos ako dahil mas marami pa siyang ibinibigay kay mama kaysa sa'kin. Si mama yata talaga ang nililigawan at hindi ako.
Pero nitong nakaraang araw ay hindi siya bumisita, tinext naman niya ako na medyo busy daw siya and I understand. Masyadong hectic ang schedule niya dahil sa nag papartime job siya sa Cafe.
Nag ring ang cellphone ko. Agad ko 'yung kinuha at tinignan ang caller. Si Lior the baks pala, pupunta kasi sila dito sa bahay namin para daw mag movie marathon. Nakasanayan na namin na dito sa'min parati dahil nga presko at maganda ang ambience.
"Oh."
"Girl papunta na kami ihanda mo na ang mga chibugs."
"Ang usapan sa akin ang place pero hindi sa'kin ang pagkain. Mga abusado!"
"Bahala ka. Kasama ko na 'yung dalawa gutom na raw sila lalo na si Enni naku! Stress sed ang beauty ko!"
"Wala kayong makakain dito. Bumili kayo d'yan sa madaraanan niyong tindahan, tsaka wala si mama hindi ako marunong magluto."
"Wala talagang tibay na maasahan sayo Aissa. Osya sige malolosyang ako sainyo!"
Pinatay ko na ang tawag at iiling iling na umupo. Katatapos ko lang maglinis dahil pag gising ko ay wala agad si mama, na kila tita siya. Nakikipagkwentuhan siguro dahil nga dalawa lang kami sa bahay. Nasabi ko na rin sa kaniya na darating ang mga barkada ko. Huwag daw namin masyadong guluhin ang bahay.
Maya maya lang ay dumating na sila. Tulad noong huli naming meet up ay naka pang lalaki nanaman si Lior,grey shirt and linen shorts. Si Deby naman ay naka yakap sa isang braso niya. Kung hindi ko lang nakitang may kasama 'tong lalaki ay iisipin kong mag gusto talaga siya kay Lior. Simpleng black oversized shirt ang suot niya at denim shorts. Si Enni naman ay nakasimangot habang may bitbit na supot sa kamay. Naka sweatpants siya at white shirt.
Kinuha ko kay Enni iyong supot dahil kinawawa nanaman ng dalawang 'to. Tuloy tuloy silang pumasok at umupo sa upuan. Si Deby naman ay humiga pa doon sa mahabang silya. May mga foam kasing nakapatong sa mga kahoy na upuan kaya kahit humiga pa siya ay okay lang.
"Gutom na ako."
"Kailan ka pa hindi na gutom Enni?"
"Magluto na kayo." Napapapadyak pa siya.
"Ouy Deby mag luto ka na doon," ani ko. Humiga lang siya lalo at nag cellphone.
"Tinatamad ako. Si Lior nalang," hindi man niya ako tinapunan ng tingin. Sila lang ni Lior ang marunong mag luto sa'min, kaming dalawa ni Enni ay dakilang taga kain lang. Tinignan ko si Lior at tumaas ang kilay niya.
" 'Wag ako gurl," Sabay irap pa.
"Oh sige ako nalang, nang hindi kayo makakain lahat." Tumayo ako at kinuha iyong plastic. Hinayaan lang nila ako at nag cellphone silang lahat. Mga hangal!
Pagbukas ko sa supot ay hindi na ako nagulat, kaya naman pala hinayaan nila akong mag luto. Alam nilang kaya kong lutuin ang pancit canton, grabe parati nalang ito ang inuulam at binabaon namin tuwing nag bobonding sa may mga bahay.
Kung hindi niyo naitatanong ay specialty ko ang pancit canton, bukod sa itlog ay ito ang pinakamasarap kong luto. Nagumpisa na akong magpakulo ng tubig at dinig na dinig ko ang mga huthutan nila sa may sala.
Noong natapos na akong mag luto ay inilagay ko na sa plato at nag labas na rin ng mga kutsara at kanin para makakain na kami. Inilapag ko lahat sa lamesa at noong ready na ay tinawag ko na sila. Agad na pumunta si Enni at sumandok na kanin, mukhang gutom na gutom talaga ang isang 'to. Parati naman siyang gutom eh, walang kabusugan ang tiyan niya.
"Ano 'to Aissa?" tanong ni Deby, arte pa ng boses niya.
"Pancit canton, hindi naman obvious 'no?" pag sagot ko. Arte nanaman niyan siya, aasarin nanaman ako nito.
"Bakit tuyong tuyo naman? Tsk sabi ko iyong may kaunting sabaw."
"Ang arte mo, wala ka namang sinabi. Tsaka pancit canton 'yan hindi sinigang para magkaroon ng sabaw."
Umirap lang siya. Gusto niya kasi ay iyong medyo basa ang pancit canton pero dahil kanina ko pa nailuto at siguro'y nahanginan kaya natuyo. Umirap nalang ako.
"Bakit parati ka yatang naka lalaki mode Lior?" pag tatanong ko. Tuwing magkikita kami ay parati siyang nakapanlalaki hindi tulad noong dati na talbog lahat ang outfit namin at naka make up pa. Kung dati ay puro siya pampaganda ngayon ay nag papapogi yata ang bakla.
"Wala eh, may cctv si ermats and erpats. Mukhang mapapahaba pa nga ang pag papanggap ko dahil mag babakasyon daw sila dito. Kaloka!" Hinawi niya pa ang bangs niya. Tumingin ako sa kaniya, mahirap ang kalagayan niya. Hindi niya maipakita ang sarili niya. Ang lola niya lang ang nakakaalam na isa siyang bahaghari. Nag iisa siyang anak at lalaki pa, kaya tingin niya ay hindi siya matatangap ng tatay at mama niya tulad na pag tanggap ng lola niya sa kaniya.
"b***h! Don't look at me with that eyes." Umirap siya sa kawalan. Napabuntong hininga ako.
"Bakit hindi mo subukang umamin Lior?" si Enni.
"Gosh bakit napunta ba sa'kin ang topic," ayaw na ayaw ni Lior na pinag uusapan ang problema niya sa pamilya. Hindi siya masyadong open sa'min sa ganoong bagay. Mahirap magtago sa dilim lalo na kung hindi ka naman laging napapansin. Hindi ko alam ang estado ng relasyon nila ng magulang niya pero sa nakikita ko, hindi sila malapit sa isa't isa kaya nga nagpapasalamat pa ako dahil kahit hindi ako blessed sa pera blessed naman ako sa pamilya.
"Lior, please stop hiding yourself inside the closet. Hindi ka skeleton para magtago doon," napairap tuloy si Lior dahil sa sinabi ni Deby. Seryoso ang una pero nademonyo siya sa pangalwa niyang sinabi. I just shrugged my shoulder in dismay.
"Oh shut it up Deby." Tinapik nang marahan ni Deby ang balikat ni Lior. "I'd rather stay in the closet for a lifetime than deal with the fact that my parents can never accept my sexuality. Hindi na nga kami close, sisirain ko pa ba iyong maliit na pag-asang mapalapit sa kanila," mababa ang boses niya at bakas doon ang lungkot. Kahit mata niya ay makikitaan ng kalungkutan pero sandali lang iyon dahil ngumiti siya agad sa amin pagkatapos. Nagtataka ako dahil napaka perpekto ng ngiti niya hindi mo mahuhulaang may itinatago siyang kalungkutan doon.
"Baks, tandaan mo kahit ano ka pa, kahit abno ka pa tatangapin kita basta may pera ka." Tumawa si Deby at ganoon din kami. Makapal talaga ang mukha nito. Pabirong sinampal ni Lior si Deby mahina lang naman iyon.
"Ang cheesy mo, can we just moved on in this topic."
Tumigil nalang kami katatanong at noong nasa sala na kami ay ako ang pinagdiskitahan.
"Ouy Aissa kamusta na iyong nanliligaw sayo, hindi mo pa ba sinasagot?" si Deby ang nagbukas ng topic dahil nga sa kaniya lang ako halos nag kukwento,pero naishare ko naman na sa kanila ang panliligaw ni Rhenuel sa'kin.
" 'Ayun nililigawan pa rin ako. Ikinatataka ko lang ang dami na niyang alam tungkol sa 'kin feeling ko tuloy stalker ko siya hahahaha."
"Kami ba naman ang source," doon na nagsalita si Enni.
"Tsk feelingera ka lang talaga eh," sumunod na nagsalita ay si Lior.
"Nag kita kayo? Anong mga sinabi niyo?!" Gulat na tanong ko. Wala naman kasi silang naikwento at hindi rin sinasabi ni Rhenuel kung saan niya galing ang mga info na 'yun tungkol sa 'kin. Baka anong mga sinabi ng mga kumag na 'to tungkol sa 'kin.
"Ganito kasi 'yun, bago siya manligaw sayo kinausap niya kami at nagpaalam sa 'min kung pwede kang ligawan. Ang sabi ko ilibre niya muna kami bago ko siya approved," hulaan niyo kung sino 'yan. Syempre si Deby, ang pinaka opportunista sa 'min.
"Opportunists ka talaga gurl kahit kailan," namimili si Lior ng mga papanuorin. Dinala niya ang laptop niya at nag download ng mga movies doon dahil mabagal ang internet namin at wala naman akong laptop.
"Sinabi namin lahat ng alam namim tungkol sa 'yo kaya 'wag ka ng magulat," kumakain nanaman si Enni habang nag sasalita.
"Kaya pala alam niya pati iyong allergy ko sa pollen!" Tinignan ko sila ng masama at ngumuso ng kaunti.
"Sinabi ko rin na mabaho ang paa mo."
"Ouy hamburger ka talaga Lior!"
Natigil lang kami sa mga sagutan namin no'ng may tumawag sa 'kin. Unknown ang number kaya nangunot ang nuo ko. Sino naman 'to?
Hindi ko 'yun sinagot at nakipag usap ulit kila Lior.
Tumawag nanaman ulit hindi ko pa rin sinagot. Sa ikatlong pagkakataon ay tumawag ito.
"Sagutin mo na kasi kanina pa nag iingay eh," maarteng turan ni Deby.
"Baka emergency 'yan," humuhuthot nanaman ng pagkain si Enni.
"May pinag bigyan kayo ng number ko 'no?" pagaakusa ko sa kanila. Sinagot ko na ang tawag na hindi lumalayo sa kanila.
"Hello, who is this?"
"May I speak to Ms. Renaissance Gavino."
"Speaking. Who's this?"
"I'm your husband miss."
"I don't remember having one."
"Then your boyfriend."
"No sorry, I don't know what you're babbling about. Who the hell are you?"
"Hirap mong landiin sizt."
"Sino ba 'to?"
"Manliligaw mo. Sakit ilang araw lang tayong hindi nagkita, hindi mo na ako kilala."
Nagkumpulan sila sa pwesto ko at pinakinggan si Rhenuel.
Ang mga tukmol ay may naiisip. Si Deby ang nag plano.
"Babe come on, let's continue the session," si Lior iyon gamit ang panlalaki niyang boses. Umungol pa siya Mga patola! "Babe let's do this, put that damn cellphone down."
"Sino 'yun? Kaibigan mo?"
"Ouyy tumigil nga kayo baka ano isipin nito," pag suway ko sa kanila kaya natawa sila.
"Oo nandito sila nanggugulo. Oh ano na? Bakit ka napatawag?" nag gesture ako na tumahimik sila. Medyo lumayo na rin ako para mag kaintindihan kami ni Rhenuel.
"Gusto ko lang marining boses mo. I miss you." mahahalata mo ang pagod sa boses niya.
"Tsk bakit kasi hindi ka muna mag pahinga ah."
"Mag papahinga lang ako kapag sinagot mo na ako. Isa ka sa dahilan kung bakit nag tatrabaho ako." Baliw dapat ay gawin niya iyon para sa sarili niya.
"Hanggang anong oras ba matatapos 'yang trabaho mo?" alam ko ay late silang umuuwi.
"Around 11 siguro jo, medyo mabenta 'tong cafe eh." Ang late naman pala. Hindi rin magandang late siyang natutulog dahil hindi mag circulate ng maayos ang brain niya.
"Huwag mong sagarin 'yang sarili mo baka mag kasakit ka." Nag alala kasi ako. Mahirap ang college at partime job at the same time. Nakita ko si kuya kung gaano nakakapagod iyon, pumyat nga siya noon dahil sa pagpapartime eh.
"Yes jo. Im recharged now thank you, wo ai ni!" hindi ko maintindihan ang huling binanggit niya.
"Ano? Woi ani?" tumawa siya sa kabilang linya.
" I said, I hate you the least." Kahit hindi ko siya gets ay tumawa nalang ako ,ewan tuwing hindi ko naririnig nang maigi ang isang bagay ay ngumingiti nalang ako at tuwing hindi ko maintindihan ay tatawa nalang ako.
"You don't get it, do you?"
"Ewan ko sayo sige na keep safe," 'ayun nalang ang sinabi ko at binaba ko na.
Naka abang naman sila sa 'kin sa sala. Akala mo ay hindi nakikinig pero alam ko ang tengga nila ay na sa 'kin.
"Aray gurl! ah ouch, ah ah ang landi," ito nanaman si Deby mag uumpisa nanaman siya. Umirap lang ako sa kawalan.
"Huwag masyadong sweet baka masuya kayo kapag kayo na," nag komento naman si Enni, nasa laptop ang paningin.
"Bakit hindi mo pa kasi sagutin si fafa Rhen gurl?" nasa akin na ang atensyon nilang lahat at hinihintay ang pag sagot ko.
"Eh sa kinikilala ko pa eh," totoo naman, ilang linggo o buwan na siguro noong nag simula siyang manligaw. Kailangan ko muna siyang kilalanin bago pumasok sa isang relasyon. Nagsimula kami sa stranger at wala pa talaga akong alam sa kaniya maliban sa ugali niya. May minsan pa'y inaya niya ako sa kanila ipapakilala niya daw ako sa papa niya at mga kapatid niya pero tumanggi ako.
"Aissa ang relasyon ang pinapatagal hindi ang panliligaw, baka mas matagal ka pang niligawan kaysa nakarelasyon," ani Deby.
"Sa panliligaw, maganda lahat ang makikita mo dahil sadyang mag papa impressed 'yan sayo,"ayan nanaman po sila sa mga advice nila.
"Girl, baka magulat ka magiba iyan kapag kayo na at masabi mong sa una lang pala sila magaling. Ganyan ang mga lalaki sa una lang sweet dahil hindi ka pa nila nakukuha, may thrill pa kumbaga. Kaya dapat kung gusto mo talaga siyang kilalanin ay tigilan mo na ang ligawan at subukan mo kung papaano ka niyang tratuhin kapag naging kayo na," Lior said.
Ganoon ba dapat? Eh hindi ba kaya may ligawan stage ay para makilala niyo ang isa't isa? Kung liligawan ka niya ay dapat totoo siya. Sa sinasabi kasi nila ay halos lahat ng nanliligaw ay mapag kunwari, dahil mabait sila sa una, sweet kapag nililigawan ka at mag iiba na kapag nakuha ka na nila. Ang gusto ko ay magpakatotoo lang siya sa nakikita ko ay totoo naman si Rhenuel, hindi naman siya magugustuhan ng pamilya ko kung hindi siya totoo.
Sa mga buwan na nagdaan ay mas lalo ko pang nakilala si Rhenuel. Ilang buwan na rin niya akong nililigawan. Masasabi kong iba siyang manligaw, hindi lang siya puro salita dahil lahat ng sinasabi niya ay ginagawan niya ng aksyon. No'ng minsa'y sinabi niyang namimiss niya daw ako at gusto niya akong makita. Ilang araw na rin kasi kami noong hindi nag kikita dahil parehong busy sa skwela at dahil na rin sa part time niya. Nagulat nalang ako tumawag siya hating gabi iyon.
"Oh," antok na antok kong sagot. Sino ba namang tatawag gayo'ng madaling araw na.
"Jo, sorry naabala ko yata pagtulog mo."
"Bakit? Jusme anong oras na ah. May nangyari ba?" nagaalala tuloy ako akala ko ay may emergency.
"Wala jo na miss lang kita. Sorry hindi na kita nadadalaw. Pwede ka bang lumabas saglit?"
"Don't tell me na sa labas ka?" ayyy pritong saging siya! Anong nasa isip niya at pumunta siya dito ng ganitong oras. Binaba ko iyong phone at dahan dahang lumabas nakita ko siyang nakasandal ng paupo sa motorcycle niya. Gulo gulo ang buhok niya, naaninag ko ang mukha niya dahil sa pagtama ng liwanag ng buwan sa kaniya.
"Bakit nandito ka?" mahina kong tanong dahil baka magising si mama.
"Wala kasi ako doon kaya napadpad ako," Ang tino ng sagot grabe. "Gusto lang kitang makita sabi ko naman na miss kita 'dba?" ngumiti siya pero pagod ang mata niya. Lumapit ako sa kaniya. Inayos ko ang buhok niya dahil medyo magulo iyon at pati na rin ang damit niya ay inayos ko rin may parte kasing gusot doon.
"Bakit kasi hindi ka mag pahinga. Take a break muna Rhen, kailangan mo ba talagang magtrabaho?" hinaplos niya ng marahan ang mukha ko at ngumiti.
"Hmm una na ako," maikli niyang sabi, tatalikod na ako noong hinila niya ang kamay ko at yinakap ako nang patalikod. Inamoy niya ng bahagya ang buhok ko at hinalikan ang tuktok noon.
"I'm already hugging you but why I'm still longing for you," bulong niya malapit sa tenga ko. Nagising ang mga kabayong natutulong sa dibdib ko nakakarera nanaman ang mga iyon. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa balikat ko at hinigpitan iyon. Natatakot din ako baka mahuli kami ni mama.
Buti nalang ay hindi nagising si mama noong gabing 'yun. Hindi ako makatulog noon dahil sa nangyari, madalas ay gabi lang siyang dumadalaw dahil iyon lang ang time niya, pero naiintindihan ko naman tsaka manliligaw palang naman siya kaya wala siyang obligasyong magpaalam pa sa 'kin kung nasaan man siya.
I also discovered that he's a jelly type, halos lahat yata ng guy seloso. One time kinukulit ako ni Jayson. Ayaw ko siyang kausapin noon at iniiwasan ko siya hanggang makarating kami sa gate at nakita niya yatang sinusundan ako ni Jayson.
"Dude, keep your distance." Kinuha niya ang bag ko at inilagay ako sa likod niya. Halata namang nainis si Jayson sa kaniya.
"I'm just talking to her pre," pag sagot ni Jayson.
"Mukhang ayaw ka niyang kausap eh, so move a hundred meters away dude," pa cool lang siya habang iyong isa ay asar na asar na hinila hila ko nalang siya para hindi na sila mag kainitan pa.
"Sino ba 'yun?" salubong na salubong ang mga kilay niya.
"Ah si Jayson."
"May gusto sa'yo iyon 'no?" tumango tango pa siya. "Hindi ko sinasabing layuan mo siya ah dahil wala naman akong karapatang sabihin iyon pero suggest ko lang dapat may space in between sa inyo hmm," tumawa ako wala pa ngang kami na paka seloso na niya. Ngayon na lang din niya ako nasundo dahil sa pagtatrabaho niya kaya sinulit namin, kumain lang kami ng Street foods at nagkwentuhan habang nag lalakad. Nag sorry siya dahil hindi raw niya ako nasusundo parati, baka raw hindi ko na siya sagutin. Umiling lang ako.
Nag daan pa ang mga araw at sa bawat pagpalit ng liwanag at dilim ay mas nakilala ko siya, there's always a soft side in one person. Nakita ko na ang makulit, cheeky, maloko, seryoso niyang side but that night umiyak siya nang tahimik sa harap ko. He exposed his soft side to me and I'm very much happy dahil inopen up niya sa'kin ang mga problema niya.
Siguro dahil sa frustration ay umiyak siya sa balikat ko hating gabi rin noon no'ng pumunta ulit siya, bagsak ang balikat, gulo gulo ang buhok pati ang uniform niya. Mukha siyang problemado.
"Can I lean on your shoulder for a second?" tanong niya habang nakaturo sa balikat ko tumago lang ako. Ilang hakbang ang layo niya sa 'kin at nakayuko siya sa balikat ko habang umiiyak. I just gently pat his head. Sinabi kong magiging ayos lang ang lahat. He told me what's the problem, nagkamild stroke raw ang tatay niya kaya hindi ito nakakapagtrabaho at siya ang kumakayod para sa kanila. Ang kapatid niyang panganay ay pamilyado na habang ang bunso ay nasa high school palang. Siya ang bumibili ng mga gamot ng tatay niya at siya rin ang nagpapaaral sa sarili at kapatid niya. Nag sabay sabay daw ang mga gastusin at hindi na niya alam ang gagawin, hindi niya raw masabi sa tatay niya dahil ayaw niya itong mag alala.
"I find myself heading here, I guess I found my home in you." Naka patong na sa balikat ko ang baba niya, nakaharap ang mukha niya sa likod ko. Naririnig ko ang bawat pahinga niya dahil malapit lang siya sa mukha ko. Tumayo na siya at umayos.
"Kumakalma ako tuwing nakikita kita, lahat ng nasa isip ko ay nawawala kapag nakakasama ka. In your smile I found my peace, In your eyes I became complete, your embrace makes me feel at ease and when Im with you, I learn what love is." He said that while directly looking into my eyes with full of sincerity and emotion.
Binigyan niya ako ng ngiti, 'yun na ang pinaka magandang ngiting naibigay niya sa'kin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge at hinaplos iyon ng marahan, nasa mata ko pa rin ang tingin niya at unti unti niyang nilapit sa akin ang kaniyang mukha. Pinagdikit niya ang mga nuo namin at dinig na dinig ko ang t***k ng puso ko, pati na rin ang sa kaniya na tila gustong makawala ng dalawa dahil sa lakas ng pagkalabog nila. Pumikit ako noong maramdaman kong hinalikan niya ang nuo ko.
Nag dilat ako at ngumiti. Napapikit pa akong muli no'ng halikan niya ang magkabila kong mata. Medyo natawa pa ako. Sunod niyang hinalikan ang tungki ng ilong ko. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko siyang gawin ang mga 'yun gayo'ng manliligaw ko pa lang siya. Ang sagot ay hindi ko rin alam, hinayaan ko na lang ang sarili kong magpatangay sa alon ng pangyayari.
Pag dilat ko ay sa labi ko na siya na ka tingin,tila ba kinakabisado ang pagkahulma noon. Hinahaplos niya ang pisnge ko at ang hinlalaking daliri niya ay bumaba sa labi ko at bahagyang binigyan ng haplos, para bang sinusuri. He trace my lips using his finger.
"Your lips are so damn perfect," iyon lang ang sinabi niya at lumayo na ng kaunti. Hindi ko tuloy mapigilang madismaya. Ayon na 'yun?
Umawang ang labi ko. Napanuod niya kung papaanong magparte ang labi ko. He slowly licked his lips, gently bitting the lower lip. Humarap ulit siya sa 'kin.
He grabbed my waist while looking at me, nanlaki ang mga mata ko at tila na estatwa nanaman sa kinatatayuan ko.
He pulled me closer to him, closing the tiny gap between us. He look straightly in my eyes, seryoso ang tingin niya. Napaplunok ako, matunog ang bawat paglunok ko kaya tumaas ang gilid ng labi niya.
Tinignan ko din siya pero noong magkatitigan kami ay inilipat niya ang tingin niya sa labi ko, he's looking at my lips while bitting his. He looked back at my eyes, nahuli niya pa yata akong nakatingin sa labi niya kaya napangisi nanaman siya.
Nanuyo ang labi ko kaya binasa ko ito. Habang nakatingin sa ibaba, nangangat ang labi ko dahil sa kaba. Hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa kaniya ng marahan.
"Hold on miss, I'm just going to taste something quickly."
Hindi pa ako nakasagot ay naramdaman ko na ang paglapat ng labi niya sa labi ko, banayad ang klase ng halik na ibinigay niya sa'kin mabagal at dahan dahan. Napaka lambot ng labi niya. We kissed under the moonlight.
Pumikit nalang ako at pinakiramdaman ang paligid. Napaka tahimik lang na halik pero ang epekto nito ay parang bombang sumabog. Nakakawala ng lakas, nakakapanghina ng tuhod kung hindi niya lang ako hawak ngayon ay tiyak na napaupo na ako sa lupa. A kiss can cause heart attack, it's like a poison that slowly creeping in your heart.