Pinakawalan niya ang labi ko. Unti unti akong nagmulat, sumalubong ang mata niyang kumikinang, sumisagaw ng mga emsyon kahit pa yata hindi siya magsalita ay malalaman ko ang nararamdaman niya dahil sa mga mata niya.
Unti unti ring nag sink in sa 'kin ang nagyari. Nanlaki ang mga mata ko. Naramdaman kong umakyat ang dugo ko pataas sa mukha ko, naginit ang mga pisnge ko. Dahil sa hiya ay tinakpan ko ang mukha ko. Ano bang ginawa ko?! Omy gosh! Ang harot ko! Bakit hinayaan ko siyang halikan ako?!
Hinawakan niya ang ulo ko at nanigas na naman ako, hindi ko nanaman alam kung anong gagawin ko. Dahan dahan niya akong sinandal sa dibdib niya. Nakapikit pa rin ako at sunod sunod ang pag hinga. Kinakabahan ako baka nakita ni mama ang nangyari at kinakabahan ako sa mga pinaggagawa niya. Malakas ang pagkalabog ng puso ko,pero mas malakas ang tunog na nanggagaling sa dibdib niya.
Para kaming magyakap, dinig ko ang bawat pag pintig ng puso niya. "Can you hear that Aissa? That's how you made my heart beating out of control."
Idinikit niya pa ako sa dibdib niya kaya mas lalo ko iyong naririnig at nadarama. May sarili itong ritmo na kay bilis. I felt a butterfly in my stomach, fluttering it's wings around, with my heart throbbing and my mind bending. My breath is taken away. Wala akong ibang masabi kaya pumikit nalang ako. Dinama kung gaano kainit ang yakap niya.
Ilang sandali pa'y naghiwalay din kami. Hindi ako makatingin sa kaniya nang diretso. Ginulo niya ang buhok ko at hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako sa kaniya, nandoon pa rin ang kinang sa mata niya. Ngumiti siya at tumingala. Na patingin ako sa langit. Ang ganda. Ang makapal na ulap na bumabalot sa liwanag ng buwan, ang mga bituin sa paligid ay tila palamuti sa madilim na kalangitan.
"The moonlight is slowly drawn by the clouds. You are my clouds and I am the moonlight, Im drawn to you," hindi na siya nakatingin sa kalangitan nasa mata ko na ang tingin niya. Kahit hindi ko yata pagmasadan ang mga bituin ay makikita ko iyon sa mga mata niya, makinang pero madilim ang nasa paligid. Kahit pa wala ako sa tubig ay tila nalulunod ako sa titig niya. Nalulunod ako at hindi ko alam kung papaano ako aahon.
"Kung sasabibin kong nalulunod din ako, anong gagawin mo?"
"Sabay tayong malulunod dahil hindi ko na alam kung papaano pa ako makakaahon Aissa, let me just enjoy my downfall with you. You are my greatest downfall."
Bangang akong pumasok kinabukasan. Wala akong tulog buong gabi kong iniisip ang halik na 'yun. Hindi rin ako pinatahimik ng puso ko, alam kong iba na ang nararamdaman ko. May kung sino yatang pumasok sa dibdib ko parating tinatambol ang iyon tuwing naalala ko si Rhenuel. Simula pa noong una ay iba na ang epekto niya sa'kin.
Buong gabi kong inisip lahat ng mga nangyari sa'min. Nagkita kami sa kasal at nagkaasaran, sa may simbahan tinulungan niya ako at marami pang pag kikita ang naganap hanggang sa hindi ko na alam kung anong posisyon niya sa buhay ko pero ngayon ay alam ko na. Sa ilang buwan niyang panliligaw ay marami na siyang napatunayan. Marami na siyang nagawang nagpabilis ng t***k ng puso ko at mga bagay na siya lang ang makakagawa sa'kin. Sa bawat pangyayari ay mas lalo kong narerealized kung ano ba talaga siya sa'kin.
Tumalon ako sa balon, pero hindi ko alam na ganito pala kalalim ang balon na tinalunan ko kaya hindi ko na rin alam kung papano pa ako makakaahon. Sa lalim ng iniisip ko ay nawala sa utak ko na malapit na ang defense namin. Masyadong maaga ang defense ngayon dahil half palang ng second semester ay mag dedefense na agad kami.
Thesis Defense ang ginagawa namin. It's a group defense, may ginawa kaming original product namin and we test the acceptability and marketability of our product. Next week na namin i pepresent iyong product. Nakakaloka nga eh ilang ulit kaming nag test ng mga products usually palpak and dapat mag last ng 2 weeks iyong mga products at kailangang makabenta kami sa labas ng school.
Gumawa kami ng cookies made of kalabasa, kailangan kasi healthy ang product na gagawin. Sa mga papers ay ako ang halos gumawa nanghiram pa ako ng laptop kay Lior, buti nalang talaga generous si bakla.
Wala kasi halos tumulong sa'kin porket ako ang leader, akala ko sa high school nalang mayroong mga pabuhat, sa senior din pala. Kawawa sila pag dating ng araw dahil napaka dependent nila sa mga leader, they should stan on their own feet hindi iyong iaasa lahat sa leader. Nakalimutan ko panandalian ang nangyari dahil stress-sed ako sa thesis girl kasira ng lovelife!
Nagpupuyat ako ngayon dahil hindi pa tapos ang presentation namin at ang research papers. Tutok pa rin ako sa laptop.
"Aissa, Ano ba iyang ginagawa mo at nagpapakapuyat ka ng gan'yan," si mama. Halos araw araw na niya yata akong nakikitang nagpupuyat.
"Kailangan ma eh. Tsaka last na rin siguro 'to. Kailangan ko lang talagang matapos, ipapasa na namin eh," nakatutok pa rin ako sa laptop at nag tatype, madami dami pa ang mga errors.
"Jusko anak, hindi ka pa nga kumakain eh," nandoon ang pag alala sa boses ni mama.
"Bakit kasi ikaw lang ang gumagawa niyan, akala ko bang grupo 'yan?"
"Ma, kung walang kikilos sa' min lahat kami babagsak," kailangan kong mag focus sa ginawa ko.
"Sige sasamahan nalang kitang mag puyat, ano bang pwede kong itulong d'yan?" ngumiti ako. Humarap ako sa kaniya at bumuntong hininga.
"Ma, kaya ko na. Okay lang ako. Hindi ka pwedeng mag puyat kaya matulog ka na doon, 'wag mo kong alalaahanin. Alam mo namang magaling 'tong anak mo eh bukod doon maganda pa. Oh 'dba saan ka pa? Kay Aissa kana. NagaAissa lang 'yan sa mundo." Tumawa pa ako. Natawa rin siya habang umiiling iling.
"Borbolen ka talaga neh. Osya matutulog na ako, kumain ka bago matulog." Umalis na siya pagkatapos sinabi iyon.
Kahit parati akong puyat dahil sa paggawa ng papers namin ay nakakangiti pa rin ako dahil sa mga text ni Rhenuel, kahit siya ay hindi na rin nagkaroon ng pagkakataong makabisita. Inaasikaso niya ang pag tatrabaho at pagaaral, medyo umaayos na rin ang tatay niya and I'm glad to know that.
Chineck ko ng maigi ang bawat words na nakasulat sa mga papers namin, hindi ka pwedeng mag kamali dahil sa isang pagkakamali mo ay pwedeng mabago ang lahat. Tulad nalang sa bill of materials, kapag namali ka ng pagkakalagay ng isang numero ay pupwede niyo na iyong ikabagsak.
Bukas na ang defense namin at kinakabahan ako. Pina review ko na sa mga members ko ang ginawa kong questionnaire, mga possible questions ng mga panelists. Alam kong handa ako pero nag aalinlangan ako sa mga members ko dahil wala silang halos naitulong sa'kin. Ang iba kasi ay naglalampungan lang tuwing nag memeeting kami at ang iba ay kwentuhan. Mga hangals!
Nakaformal attire kami ngayon, kami na ang susunod na grupong mag dedefense. Kinakabahan ako parang lalabas ang puso ko sa dibdib ko. Paulit ulit kong binasa ang reviewer ko, ang summarize ng thesis namin. Sinagot ko rin ang mga tanong na ginawa ko. Paulit ulit ko ring tinatanong ang mga members ko and gladly nakakasagot naman sila.
Lumabas ang mga naunang grupo sa'min at halos lahat sila ay umiiyak. Hindi ko alam kung umiiyak sila sa tuwa o sa lungkot.
"Good luck sa'tin guys!!! Godbless us!!" pag sigaw ko bago kami pumasok na magkakagrupo sa loob ng kwarto. I confidently walk towards the room and chin up. Noong kaharap na namin ang mga panelist, lahat sila ay seryoso ang itchura. Lima silang nakaupo doon. Tinitikman ang product namin habang nag pepresent sa harap ang ka grupo ko.
"Okay stop, let's start. Masyado nang maraming oras ang nasayang. I'll give you 45 minutes to answer all our questions. If we are satisfied with your answers then we'll pass you all, but not the other way around, so Goodluck," nagsalita iyong nakasalamin na teacher.
They started questioning our product and also the papers lahat ng pages chineck nila. And as I expected halos ako lang ang sumasagot. I'm trying to communicate with my group mates, using my eyes pero sadyang mga manhid yata sila at napipe lahat.
"Bakit iba ang nakasulat dito? In the other table iba total and here dumagdag ng isa, Ano ito?" dumagdag ang kaba ko walang nag sasalita sa'min. Ako ang gumawa ng mga papers namin pero hindi ko napansin na may mali doon.
Tinuro ako noong isang panelist." You, what happened to this one peso here? Nawala? Pinautang? What? Is it really the right computation? It's like reciting one, two, three napaka simple pero nag kamali kayo."
Wala akong naisagot. Gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko, kung iiyak ako ay magiging mahina rin ang members ko. I tried to answer pero iniikot nila ang question, I knew it wala silang mahanap na ibang butas sa'min at iyong simpleng pagkakamali lang na iyon ang nakita nila, kaya 'yun ang idinidiin nila sa'min.
"Ija, anong kukunin mo?" tanong sa'kin noong babaeng nakasalamin.
"Accountantcy po," firm pa rin ako sa pagsagot.
"Oh accountancy! Pero dito sa simpleng table nag kamali ka? Oh come on hindi ka pupwedeng mag accountancy kung ganyan ka ka irresponsible. Sa accounting may balance sheet na iba balance mo, dito pa lang nagkakamali ka na how come na mag a accountcy ka. Hindi pwede sa accounting ang katangahan." mahaba niyang lintanya. Mapanuya ang boses niya.May tumutusok sa dibdib ko at nanliliit ako sa sarili ko. I maintain my posture and chin up.
"I believe ma'am it's out of the topic. You're not questioning the paper anymore, you are now questioning my dream. With all due respect ma'am stop it, because words can hurt you deeper than the knife I wish you know that," may respeto pa rin ang pag kaka sabi ko noon pero sa utak ko ay sumasabog na ako. Gusto ko nang magwala dahil parang minaliit ang pagkatao ko. Paulit ulit ang tanong nila at paulit ulit ko rin iyong sinagot.
"I'm sorry to say this but you'll be redefensing," sabi noong nakasalamin na babae. Pumikit ako ng mariin pinipigilan ko ang pag iyak ko, huminga ako ng malalim.
Tuloy tuloy kaming umalis doon pero nagawa pa rin naming mag pasalamat. Noong pagkapasok namin sa room ay dinig ko ang bulungan ng iba kong ka grupo.
"Sinagot sagot pa kasi ni Aissa eh, nag init tuloy iyong ulo sa'tin," Bobo ba siya? Alangan namang kantahan ko sila doon, kaya ng defense ay sa sagutin mo ang tanong nila.
"Oo nga, kasalanan naman niya eh. Hindi niya chineck ng mabuti iyong mga papel. Akala mo kasi kung sinong nag mama galing," excuse me gurl hindi ako nag mamagaling dahil magaling na talaga ako, kaysa sainyo mga pabuhat na nga kayo toxic pa. Sayang hindi ako basurero kundi ay itinapon ko na ang malalaking basurahan kung saan sila nabibilang. Ang babaho nila, nagaalingasaw ang amoy nila. Mga plastik!
Gustong gusto kong isatinig iyan pero tumahimik lang ako sa sulok.
Halos yata lahat ng kagrupo ko ay ako ang pinaghuhuthutan. Naririnig ko lahat ng paninisi nila sa'kin at tumatagos ang bawat masasamang tingin nila sa'kin. Ayaw ko silang patulan. Mas lalo lang magkakagulo kung sasagutin ko pa sila. Wala akong mapag sabihan dahil wala naman akong malalapitan na kaibigan dito. Para sa'kin toxic ang lugar na'to, lahat ng tao dito ay plastic, lalapitan ka lang tuwing may kailangan at anghel kapag nakaharap pero sinisiraan ka na sa lahat tuwing tatalikod na.
Tahimik lang ako at walang imik. Hindi ako umiyak, ayaw ko. Ayaw kong ipakita na mahina ako sa harap ng mga taong 'to. Nag music ako sa earphones at pumikit nakakarindi ang mga bulungan nila, bumubulong pa sila kung naririnig ko rin naman. Hinihintay ko kung kailan pwedeng umalis.
Dumating ang oras na pwede nang umuwi. Nakaformal attire pa rin ako. Nakasuot ako ng black pencil cut skirt and a white fitted blouse may suot din ang cardigan kanina pero tinggal ko rin dahil mainit. Nakapusod ng maayos ang buhok ko.
Nakaupo lang ako doon hagdanan ng store ng sasakyan katabi ng school namin. Dito ako usually nagiisip, nakatingin ako sa langit at kinakalma ang sarili. Iyong pagod at puyat ko, parang nasayang. Iyong effort ko hindi man lang nila nakita. Unti unti ng namasa ang mata ko pero ayaw kong umiyak dito baka mapag kamalan pa akong baliw. Malalim akong bumuntong hininga.
Tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako dahil tumatawag si Rhenuel. Sakto ayaw ko pang umuwi sa bahay ng ganito, mag aalala lang si mama kapag nakita niyang ganito ang aura ko. Wala rin akong balak na sabibin sa kaniya 'yung nangyari.
"H-hello," basag ang boses ko at pinipilit ko labg ayusin dahil wala pa siyang sinasabi ay naiiyak na ako.
"Aissa? Umiiyak?" hindi ako nag salita dahil baka tuluyan na akong umiyak kapag nagsalita pa ako. Kung sa iba ay mababaw iyong dahilan ng pag iyak ko, sa akin hindi. Para akong bumagsak at lumagapak sa lupa.
"Anong nangyari? Nasaan ka?"
"S-sunduin mo a-ako sa school," hirap na hirap akong mag salita. Nakikita kong tinitignan ako ng ibang tao kaya tumayo nalang ako. Hinihintay na dumating si Rhenuel.
Maya maya lang ay dumating siya dala ang motorsiklo niya. Naka faded ripped jeans siya at retro shirt. Hinawi niya ang buhok niya at piniling ang ulo para maalis ang buhok na na kaharang sa mukha niya.
Linapitan niya ako. Nagaalala ang mukha niya. Tinignan niya ang buong mukha ko at katawan. Lumapit pa siya at hiwaka ang mukha ko. Hinarap sa right side pagtapos sa left side naman, chineck niya kung may nangyari ba.
Tinapik ko ang kamay niya. "Ano bang ginagawa mo?" pagtatanong ko at asiwa ko siyang tinignan.
"Ano ba kasing nangyari bakit ka umiiyak kanina?"
"Wala. Tara joyride tayo, dalhin mo ako kahit saan."
"Sa langit gusto mo?" maloko siyang tumingin sa'kin. Ngumiwi lang ako.
"Ayaw ko," kadiri 'to.
"Mamatay muna ako bago makapunta sa langit. Anong pinag sasabi mo," dagdag ko pa.
"Oo nga mamatay ka sa sarap 'dba," Ngumisi pa ang loko. Aba hakdog 'to!
"Ang bastos mo! Dalhin mo ko doon sa nakakarelax tara!"
Nauna akong sumakay sa motor niya at sinuot ko na rin ang helmet ko.
"Okay din 'to para sa huling gamit ko nitong motor ko, ikaw ang kasama ko." Sumakay na rin siya.
"Bakit naman?"
"Ibebenta ko para dagdag pambayad sa tuition ni bunso at gamot ni papa," ngumiti ako. Sa tuwing siya ang kasama mo ay nakakalimutan kong may problema ako.
May nadaanan kaming nagtitinda ng Street foods kaya bumaba muna kami at bumili. Fishball at kwek-kwek ang binili namin sa halagang 60 pesos.
"Ikaw na mag bayad,"sabi ni Rhenuel. "Wala akong nadalang pera, pang gas ko nalang 'to hahahahaha."
"Oo na. Ako naman nang abala eh." Binigay ko na ang pera doon sa tindera.
Umalis din kami agad. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero may tiwala ako sa kaniya at alam kong dadalhin niya ako sa lugar kung saan makakapagisip ako. Hindi ko pa rin nakakalimutan iyong nangyari kanina, pumikit nalang ako at sinalubong ang bawat pag hampas ng hangin sa'kin.
"Nasaan tayo?" nagmulat ako noong tumigil kami. Inilibot ko ang paningin ko at sumalubong sa'kin ang napaka gandang dagat. Malinaw ang tubig doon at napaka ganda ng view.
"Subic. Bawal dito pero dahil nandito ako pwede na," nanalalaki ang mata kong tumingin sa kaniya, gagsi talaga.
"Bakit dito mo ako dinala kung bawal pala?"
"'Wag ka ng maarte. Nakakarelax naman dito eh," totoo ang sinabi niya dahil sa bawat pag alon ng dagat at bawat paghampas nito sa dalampasigan ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam. Mabungahin kaya nahihirapan akong maglakad. Natapilok pa ako at nadapa, hindi naman masakit!
Tinawanan ako ni Rhenuel. Imbis na tulungan ay tatawanan pa ako. "Ang tanga mo naman miss,"
"Hindi naman masakit." Umirap ako sa kaniya at sinubukang tumayo pero pinigilan niya ako. Inupo niya ako ng maayos sa may bato at inalis ang heels ko. Seryoso lang siya sa ginagawa niya, naalala ko tuloy noong una naming magkita ganito rin ang posisyon namin noong sa kasal. Napangiti ako.
"Masyado ka yatang nagagwapuhan sa akin jo. Dahan dahan sa paninitig baka mainlove ka," tinaas taas niya pa ang kilay niya.
Naglakad lang ako at umiikot ikot. Inalis ko ang pusod ko at hinayaang lumugay ang buhok ko. Huminto ako saglit at nilingonan ko siya. Nakatitig lang siya sa'kin habang hawak iyong pagkain namin sa isang kamay at ang heels ko sa kabila. He mouthed ang ganda mo. Tsk alam ko.
Pinagpatuloy ko ang paglakad at lumalapit sa dagat at kapag parating na ang alon ay tatakbo ako. Para akong nagpapahabol sa alon nag paulit ulit.
"Para kang bata," aniya. Nakaupo na siya sa buhangin ,nakatukod ang mga kamay niya sa likod at sinusuportahan ang kalahati niyang katawan. Tinatangay ng hangin ang buhok niya, para itong sumasayaw. Tumatama ang sikat ng araw sa mukha niya. Nakangiti siya sa'kin iyong boyish smile niya. Napangiti rin ako sa kaniya. Tumingin muli ako sa dagat. Unti unti nang nagpapakumbaba ang nagmamataas na araw.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap ang dalawang tuhod ko. "When you did you're best but you didn't get the trophy that you wanted," pagsisimula ako. Tinitignan ko pa rin ang bawat pag alon ng dagat. Pumikit muna ako at pinakinggan ang paligid. Napaka peaceful. Nakakarelax ang tunog ng hampas ng dagat sa dalampasigan.
"You exerted all your efforts but nobody can't see it." Huminga ako ng malalim dahil unti unti nanamang nanlalabo ang paningin ko. Ang mga luha ko ay parang nakalaya sa matagal na pagkakakulong.
"G-ginawa ko naman lahat,pero bakit hindi nila iyon nakita? Bakit sa dami ng magagandang ginawa ko masisira lang dahil sa isang pagkakamali?"
"A-akala ko s-sapat na. A-akala ko okay na. Inako ko na nga lahat pero bakit ganoon pa rin sila, bakit sinisisi nila ako?" Pinunasan ko na maharahas ang luha ko pero nagtutuloy tuloy pa rin sila sa pag agos. Alam kong hindi naman sila dapat iyakan pero kasi ang sakit lang.
" P-pinagpuyatan ko, p-pinaghirapan ko, p-pinagpaguran ko pero i-isang sabi lang nila na uulit kami
parang lahat iyon na sayang."
"Bakit ganoon sila? I did my part sumobra pa nga eh pero bakit ako ang sinisisi nila? Kasalan ko ba talaga?" umiiyak pa rin ako nakikinig labg siya.
"Nag Thesis Defense kami at leader ako. I manage all the works, halos gawin kong sampu ang katawan ko para lang punan ang pagkukulang nila pero dahil hindi ko na check ng maayos iyong table ay bumagsak kami. May isang panel doon na kinwestiyon ang pangarap ko kaya sumagot ako. Kasalanan ko ba? " Hangga ngayon ay naaalala ko pa rin ang bawat salitang binigkas niya.
" They are teachers and they supposed to cheer up their students to achieve their dreams pero bakit sila pa yata ang nangungunang magpabagsak sa pangarap ng mga bata? " sa dagat pa rin ang tingin ko.
"Nakaka disappoint sila, ang mga teachers na ganoon at ang mga kagrupong pa bigat. Pero mas na disappoint ako sa sarili ko dahil hanggang doon lang ang kaya ko. Para akong nasa itaas na palapag at lumagapak pababa."
"Aissa, hindi ka dapat ma disappoint sa sarili mo dahil uulit kayo sa defense. Maging masaya ka dahil meron ka pang isang pagkakataon para itama ang pagkakamali mo. There's always a second chance. Kung hindi mo nagawa iyong best mo noong una bumawi ka sa pangalawa. Prove them, na hindi lahat ng nabibigo ay sumusuko at hindi lahat ng nadarapa ay naroon lang parati sa baba." Diretso ang tingin niya sa dagat nakatingin lang ako sa kaniya habang lumuluha.
" Sa paglagapak mo sa lupa, magsusugatan ka at masasaktan. Masakit ang pag bagsak mo dahil sa mataas na bahagi ka nag mula, kung nakarating kana sa ganoong kataas na palapag ay kaya mo pa 'yung lagpasan kung babangon ka lang at masisimula ulit humakbang." Tumingin siya sa'kin at ngumiti. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang daliri niya.
"'Wag kang papaapekto sa mga taong hindi nakakaalam sayo ng todo at huwag mong isipin ang mga sinasabi ng ibang tao, lalo na kung hindi nila ang mga paghihirap mo. Ngumiti kana dahil kaharap mo iyong taong kaya kang samahan sa pagbagsak mo, kayang hawakan ang kamay mo tuwing natatakot ka, pupunasan ang bawat luha mo tuwing umiiyak ka, at iiwan ka kapag nakabangon kana, " napakunot ang nuo ko.
" Bakit iiwan mo'ko? "
"Dahil nandoon ako sa lupa kung saan ka bumagsak at nakatingala, pinapanuod ang paglipad mo ng malaya. I'll watch how you spread your wings in the sky reaching your dreams and soar up high," Ngumiti ako sa kaniya habang nakatingin sa mata niya. Naluluha nanaman ako pero hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa tuwa nararamdaman ko dahil bukod sa pamilya at kaibigan ko may isang taong kaya akong intindihin at samahan sa ganitong sitwasyon. Tumago ako.
"Hindi ang mga taong iyon ang magpapabagsak sa'kin. Tutuparin ko ang pangarap ko at pangarap ko para sa pamilya ko. Uunahin ko iyon bago ang lahat sa buhay ko, at ikaw hihintayin mo'ko hindi ka pwedeng mawala sa tabi ko," Umiiyak na ako.
"Pumikit ka jo," sinunod ko siya.
"Isipin mo na natupad mo na lahat ng pangarap mo at laha ng pangarap mo para sa pamilya mo. Hawak mo iyong diploma mo at isinisigaw sa magulang mo na nagawa ko! Kahit pa may mga taong pilit na ibinabagsak ka. Nagawa mo," umiihip ang hangin. Nakapikit ako at nakikita ko ang sarili ko ilang taon mula ngayon na may hawak na diploma at nakatago tumatakbo papalapit kila mama at sinasabing ito na, hawak ko na iyong pangarap natin ma! Umiyak ako. Tumutulo ang luha ko habang nakapikit.
"At nandoon ako jo. Nanunuod ako sa bawat pagabot mo sa pangarap mo," Dumilat ako at sinalubong ang mata niya, hinawakan ko ang mukha niya.
"I love you," emosyonal kong sabi. Lahat ng damdamin ko ay binuhos ko. Ayaw ko na siyang pakawalan. Sa bawat Segundo, minuto at oras na kasama ko siya ay mas narerealized ko ang nararamdan ko at nagyon, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob sabihin iyon.