Nanlaki ang mata niya at umawang ang labi niya sa sinabi ko. "J-jo?"
Nanginginig ang labi niya kaya natatawa ko. "Joke ba iyon?"
Hindi pa rin siya makapaniwala. Naglapat ang labi niya at bahagya pang nangingig ang mga iyon, bumaling ang tingin ko sa mga kamay niya at gusto kong natawa dahil nangingig din iyon. Kinagat niya ng mariin ang labi niya at kinurot ang sarili. Napadaing siya sa ginawa niya. Nakatangin lang ako sa kaniya at nakangiti.
Nagpipigil din ako ng tawa sa reaksyon niya. Tumingin siya sa'kin at nakita yata ang reaksyon ng mukha ko kaya umamsim ang mukha niya. "jinojoke time mo ako eh,"
Para siyang batang nag nagmamaktol. Tumayo pa siya at pumunta malapit sa dagat. Umupo siya doon at parang nag dodrawing sa buhangin. Umupo ako sa tabi niya at tinitigan siya.
"Aissa, ano ba 'wag mo akong biruin ng gan'yan. Nakakasakit ka ah," ayaw niya talagang maniwala. Bahagya siyang ngumuso at iniwasan ang titig ko.
"Hindi ako nag bibiro," seryoso kong sabi. Tumingin naman siya sa'kin at tila sinusuri ang reaksyon ko.
"Weh?" pag tatanong niya kaya natawa ako. Bakit ayaw niyang maniwala.
"Kita mo? Tumatawa ka eh. Pinaprank mo rin ako," bumaling nanaman siya sa kabilang side kaya hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa'kin. Ngumiti ako kinakabisado ang bawat anggulo ng mukha niya.
"Rhenuel... Palestine.. Alacaraz... I love you," paguulit ko nag dahan dahan. Nagulat nanaman ang mukha niya kaya natawa ako.
Tumawa ako sa reaksyon niya. Hinigpitan ko ang pagpisil sa pisnge niya at gulat na gulat pa rin siya. Aalisin ko na sana ang hawak ko nang bigla niya akong hinila at mabilis na dinampihan ang labi ko. Agad siyang tumayo at dumila sa'kin.
"Bakit ka ba nanghahalik ah, hindi pa nga tayo eh." Tumayo ako.
"Sino bang nagpapahalik? Tsaka anong hindi pa tayo?!"
"Hindi pa kita sumasagot 'no!" Umikot ang mata ko.
"Ahh kaya pala nag I love you ka na ng dalawang beses at nahalikan na rin tayo ng dalawang beses. Hindi la pala tayo noon?" Naiinis ako sa itchura niya dahil nang aasar nanaman siya.
"Alam mo bwisit ka!" Hinabol ko siya pero tumakbo siya papalayo.
"Alam mo, mahal kita!" Nag flying kiss pa siya at tumakbo papalayo. Hahabulin ko na sana siya noong makita kong papunta siya pwesto ko at may dalang buhangin. Mabilis akong tumakbo papalayo.
Naghabulan lang kami sa gilid ng dalampasigan nababasa na ang mga paa namin. Binato niya sa pwesto ko ang buhangin na hawak niya kay napapikit ako. Sa inis ko ay dumakot ako ng buhangin at tumakbo papalapit sa kaniya. Hindi siya umaalis sa pwesto niya at binuka ang mga kamay niya at para bang sasalubungin ako ng yakap.
Hindi ko pa naibabato ang bubangin noong mabilis siyang lumapit sa'kin at niyakap ako sa bewang at dinala sa tubig. Kumawag kawag ako para makawala. Binitiwan niya ako at binaba. Hanggang tuhod ang tubig.
Nagsalok siya mg tubig sa kamay niya at binasa niya ako. Tumakbo ako pero nahihirapan ako dahil sa tubig. Sa bawat pag takbo ko ay tumatalamsik ang tubig sa paligid. Hinarap ko siya at nagsalok din ng tubi sa kamay ko at binato iyon sa kaniya. Nagbasaan lang kami doon at tumawa. Naghabulan pa kami at kapag nahuhuli niya ako ay binabasa ko siya.
Nakaupo ulit kami sa may buhangin katulad ng pwesto namin kanina. May jacket ng nakabalot sa'kin. Kinuha niya iyon sa motor niya ibinalot sa'kin. Nakayakap ako sa kaniya. Ayy ang landi ba? Sorry ka.
Nagutom kami pareho kaya kinain ang mga binili naming Streetfoods. Tapos na siyang kumain at pinapanuod nalang ako. Pinunasan niya ang bibig ko. "Ang dumi mo talagang kumain,"
Ngumiti lang ako na labas ang ngipin. Tinuloy ko ang pagkain at noong matapos ay tumingin kami pareho sa may dagat. Unti unti ng lumubog araw at nilalamon siya ng dagat. Ang ganda ng scenery lalo na kasama ko si Rhenuel ngayon. Napangiti ako, ang daming nangyari ngayong araw at ang saya ko.
"Alam mo ba dati, noong halos lahat ng kaibigan ko ay nagkaroon na ng ka MU mga experience sa love ay nag search ako kung papaano magkakaroon ng isang guy na swak sa mga gusto ko. Naiingit kasi ako sa kanila noon dahil meron na sila tapos ako wala pang kahit anong experience," sinabi ko iyon ng nakatingin sa dagat at tumingin sa kaniya. Nakapikit lang siya at tingin ko'y nakikinig naman.
Ngumuso ako." Nag search ako tapos ang lumabas Law of Attraction Affirmations. Ito 'yung hihiling ka sa universe ng mga bagay na gusto mong mangyari. The more you attract the universe the more chances na pwede niyang ibigay iyong mga bagay na hinihiling mo. Sabi doon isulat mo sa isang papel ang gusto mong mangyari, may iba't ibang theme iyon eh may sa health, business, love at iba pa. Inuna ko syempre si mama that time kasi nagkasakit siya. Sinulat ko sa isang papel yung pangalan ko at pangalan ni mama, pagkatapos ay inilagay ko na gusto ko siyang gumaling and guess what? Ilang taon lang naging cancer free siya pero kailangan pa ring imonitor ang health niya," excited ang boses ko. Nakatingin lang ako sa mukha niya at kahit na kapikit siya ay tumataas ang gilid ng labi niya sa tuwing naririnig niya ang mga kinukwento ko.
"Hmm tapos?" nakikinig siya.
"Tapos kumuha ulit ako ng papel at nilagay ulit ang pangalan ko, sinabi doon sa research ko ba gumawa ako ng isang bilog o kaya listahan para ilagay ang mga characteristic, talents, at iba pang gusto ko sa future boyfriend ko. Bilog ang pinili ko, isinulat ko doon lahat at alam mo ba 30 out of 32 ang nakita ko sayo," dumilat siya.
"Ano iyong dalawang hindi mo pa nakikita?" Inisip ko muna at tumingala.
"Hmm?" nagiisip pa ako. "Ah oo 'yung pagluluto at kung magaling ka bang kumanta,"
Ngumisi siya. "Hindi ko kasi alam kung marunong ka bang magluto at hindi mo pa naman ako kinakantahan,"
"Gusto mo bang marinig ang boses ko?" Tumango ako. Natawa siya at pinisil ang ilong ko.
"Ang dami mo pang sinabi bakit hindi mo nalang sabihin na gusto mong kantahan kita easy as pie," ngumuso ako at ngumiwi.
I told you
My heart's leaning towards you
A little more
Than I knew something
Was scaring you
Is it too much
Or too fast
Or too forward?
Nanlamig ako sa boses niya para akong niyakap nang malamig na hangin. Nakangiti siya habang kumakanta.
Should I step back and pretend
I don't feel this way?
Well I don't wanna tell a lie
I don't wanna have to hide
It's on the line
I've waited for a sign
I see it in your eyes
I know you really feel the same
Alam ko ang tinutumbok ng lyrics ng kanta niya. Tila ba iniligay niya sa kanta ang nararamdaman niya.
I need to know if I should raise or fold
My heart is stuck on hold
I wanna know which way to go
I can't love alone
I can't love alone
I tried not to fall so far for you
Now I can't get away from anything you say
You make me feel nervous and stupid
Whenever I tell you I'm tired of playing games
I don't wanna tell a lie
I don't wanna have to hide
Napikit ako. Dinadama ang bawat tinig niya ang bawat ritmo ng kanta niya. Boses niya lang ang ginamit niya pero gumaganda iyon dahil sa emosyong isinasama niya dito. Tinignan ko ang paglubog ng araw. Nakangiti ako. I never felt so secured in my life, para akong kumakalma dahil sa kaniya. Nakakalunod ang klase ng pagkanta niya. Sa bawat salita ay maririnig mo ang iba't ibang emosyong nais niyang iparating.
I can't love alone
I can't love alone
Iyon ang huling line ng kanta. Tumingin siya sa'kin at ngumiti hinawakan niya ang pisnge ko at inayos ang buhok kong humaharang sa mukha ko. Tinatangay ng hangin ang buhok ko at sumasaway naman ang hibla ng sa kaniya. 'Ayun nanaman ang titig niyang nakakalunod, madilim ang mata niya pero nagliliwanag.
Pagkatapos niyang tignan ang mata ko ay bumaba iyon sa labi ko. Pumikit ako sa pagaakalang hahalikan niya ang labi ko. Pero may malambot na bagay na dumapi sa nuo ko kaya mas lalo akong napangiti. A kiss on the forehead is the sweetest.
"I can't love alone. I can only love when I'm with you," sabi niya. Nanatili lang akong nakapikit. Pinakiramdaman ko ang t***k mg puso namin na ngayo'y nag sasabay na.
"Dito nalang Rhenuel." Bumaba ako sa motor niya.
"Sure ka jo? Pwede naman kitang ihatid hanggang sa inyo."
"Hindi na, pagabi na rin oh tsaka 'd ako nakapag paalam kay mama baka pagalitan tayo," ginulo niya ang buhok ko at pinisil ang ilong ko. Napasimangot tuloy ako.
"Sige na. Alis na dali." Tinataboy ko pa siya. Akmang aalis na ako nang pigilan niya ako.
"Bakit?" sumeryoso nanaman siya at lumunok. Kinabahan tuloy ako."Ano?"
"Akin kana 'dba? Tayo na 'dba?" masyadong surist si koyah. Naninugurado talaga eh. Tumaas ang kilay ko.
"Bakit? Ayaw mo?" pag tatanong ko. Awtomatikong nagiba ang reaksyon niya na nagpaaliw sa'kin.
"Hahahaha takot ka agad. Oo na nga boyfriend na kita at girlfriend mo na ako. Okay na? Satisfied? Happy?" Nag gesture pa ako nang okay sign. Napangiti lang siya.
Nakalayo ma ako noong sumigaw siya
"Jo!!! 381!! "
Hindi na ako humarap at itinaas ko nalang ang kamay ko. 381 meaning is 3 words 8 letters and 1 meaning , I love you.
Chineck ko muna ang cellphone ko dahil nakalimutan kong mag paalam kay mama at mag aanong oras na rin. Nagaalala na iyon. Tama nga ako dahil nakailang missed calls na siya at mga texts.
Kinabahan tuloy ako pero excited akong sabihin kay mama na sinagot ko na si Rhenuel dahil alam kong siya ang magiging pinaka masaya. Wala pa ngang kami ni Rhenuel ay todo na siya sa pagsulsol sa'kin. Halos ituring na niyang anak si Rhenuel masyado silang close nakakaselos na nga minsan eh. Gustong gusto siya ng pamilya ko kaya wala akong problema doon.
Nakangiti akong pumasok sa loob ng bahay namin pero bigla iyong nagbago sa nadatnan ko. Nakaupo si mama at kaharap si kuya Ai at ang girlfriend niyang si ate Maddy, hindi kami masyadong close ni ate Maddy pero mabait siya. Nagtataka ako dahil pawang seryoso ang mga mukha nila.
Nagtaas ng tingin sa'kin si mama. Namamaga ang mata niya bakas ang pag iyak niya. "Bakit ngayon ka lang?" iyon ang tanong niya. Napaka lamya ng boses niya. Agad ko siyang nilapitan.
"Ma, bakit ka umiyak?" kunot na kunot ang nuo ko dahil hindi naman umiiyak si mama kung walang problema.
"Wala Aissa, pumasok ka na sa kwarto mo at magpalit basang basa ka," kahit pa ganoon ay nakuha niya pa ring pansinin ang damit ko.
"Kuya, bakit umiiyak si mama?" humarap ako sa kanila. Nakahawak si kuya sa nuo niya. Pinisil niya ang mata niya gamit ang daliri niya pinipigilan ang pag iyak.
"Wala nga Aissa. Pumasok ka na sa kwarto mo."
Para hindi na humaba pa ay pumasok nalang ako sa kwarto at nag palit pero hindi ko pa rin mapigilan ang sariling makinig dahil nga nagaalala rin ako. Noong sumilip ako ay umiiyak na silang lahat.
"A-aiden anak, bakit?" iyon lang ang tanong ni mama pero hirap na hirap siya sa bawat pagbigkas noon. Lumulaha na siya at hawak ang dibdib niya. Gusto ko siyang lapitan at punasan ang luha niya pero hindi ako lumalabas. Ang sakit lang makita na umiiyak ang mama mo ng hindi mo alam kung bakit.
"Ginawa namin... lahat ng tatay niyo. Pinag aral namin kayo kahit mahirap ang buhay. K-kahit mabaon kami sa... utang basta makapag aral lang kayo ay ayos lang." Humihikbi pa si mama.
"Kulang ba ako sa pagpapa alala anak?" siya lang ang nag sasalita. Lahat sila ay tahimik na umiiyak.
"Saan nagkulang si Mama? Ang gusto ko lang ay makapagtapos kayo dahil iyon lang tanging maibibigay namin sainyo. Hindi ako nakapagtapos dahil kulang kami sa pera. Kahit gustong gusto kong mag aral no'n anak ay hindi pwede. Pero bakit gan'yan?"
"B-bakit? Bakit sinira mo ang buhay mo? At hindi lang ang buhay mo pati niyang nobya mo!" Tumataas na ang boses ni mama.
"Ilang ulit ko kayong pina alalahanan...." huminto siya at bahagyang menasahe ang bandang dibdib niya. Huminga siya ng malalim.
"Napaka irresponsible kong Ina! Bakit pinabayaan kong magkaganito!" tinapik tapik pa niya ang nuo niya.
Ang hirap makitang nagkakaganito si mama.
"Hindi mo man lang naisip ang tatay mo na nagpapakahirap doon sa abroad. Pinili niyang malayo sa'tin para mabigyan kayo ng magandang kinabukasan. Aiden anak! Malapit mo ng maabot iyong pangarap mo bakit ngayon pa?" Tumingala siya.
"Ang anak ko, bakit hinayaan kong magkaganito. Jusko nagkulang ba ako? Kasalanan ko nga ba 'to?" Sumisinok na siya kaya pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig bawal siya sa ganito. Bawal siya sa mga stress masama sa kalusugan niya 'yun.
Noong nasa sala na ako ay wala na si mama doon. Sila kuya nalang,nakayakap si ate Maddy kay kuya. Inaalo nila ang isa't isa. Wala pa rin akong idea sa nangyayari.
Pumasok ako sa kwarto namin at dinatnan si mama na nakapikit at umiiyak. "Ma, inom ka munang tubig." Inabot ko sa kaniya ang baso.
Uminom siya doon ng kaunti. Tumingin siya sa'kin. Naluluha na ako dahil nakikita ko siyang nasasaktan at nagkakaganito.
"Anak, masama ba akong magulang?" Umiiyak niyang tanong.
"H-hindi ma." Umiiling ako. "Bakit mo naman naitanong 'yan?"
"Masama ba akong tao?" tanong niya pa. Umiling lang ako.
"Bakit pinahihirapan ako ng ganito anak. Ang hirap.....jusko!" hindi ko alam kung papaano pa siya comfort. Niyakap ko siya at sabay kaminh umiyak.
"Ma, ano ba kasing nangyari?"
"Gusto ko lang ng magandang buhay sainyo. Bakit?" humihikbi siya sa balikat ko.
"Buntis si ate Maddy mo, si kuya mo ang ama. Hindi nila sinabi sa'kin agad. Ilang buwan na iyong tiyan niya."
"Bakit ganoon? Akala ko ay maayos siyang nagaaral doon. Akala ko ay sa wakas makakapag tapos na rin ang kuya mo. Pero hindi, tumigil siya ng pagaaral Aissa, lahat ng mga perang pinapadala ko sa kaniya kay Maddy napupunta." Suminghap siya. Hinaplos haplos ko ang likod niya. Humihikbi siya.
"Hindi siya makakagraduate at kailangan niyang mag 4th year ulit. Kung hindi pa ako kinontak nang prof niya ay hindi ko pa malalaman." Napapatulala ako sa mga narinig ko. Hindi ko napansin ang tiyan ni ate Maddy kanina dahil naka focus ako kay mama.
Pumasok si kuya Ai. Binigyan ko sila ng space pero nandoon pa rin ako.
Lumuhod si kuya sa harap ni mama." Ma, ako iyong nagkamali. Wala kang kasalanan." Hinawakan niya ang kamay ni mama na nasa tuhod nito.
"Ma, sorry. Ayaw ko namang humantong sa ganito. A-akala ko maayos ko pa noong una..... kaso kailangan ng pera para sa mga gamot ni Maddy at pagpapacheck up h-hindi rin nagkasya ang pag papartime job ko." nakayuko si kuya. Tumataas baba ang balikat niya kaya alam mong umiiyak din siya. Pinunasan ko ang luha ko. Ang sitwasyong ganito ay nakakahawa parang nararamdan ko ang bigat ng nararamdan nilang dalawa.
Tulala lang si mama pero hindi pa rin siya tumigil sa pagluha. Parang nawalan na ng emosyon ang mata niya at blanko nalang ang makikita mo sa mukha niya. "Sabihin mo nga Aiden anak, anong naging pagkukulang ko?"
"Kulang ba ako sa pangaral? Sa pag aantabay? Sa pagpapaalala? Sa pagmamahal?" ganoon pa rin ang itchura niya. Tulala at lumuluha.
"Bakit mo nagawa sa'kin 'to? bakit mo nagawa sa'min ng tatay mo 'to? Hindi ka na naawa sa' min. Hindi ako naging makasariling ina. Binibigay ko lahat ng kaya kong ibigay. Pero bakit ganito ang ipininalit mo ha Aiden," mababa lang ang bawat bigkas niya pero damang dama mo ang mga salitang binibitiwan niya.
Masakit makitang nagkakaganito ang mama ko. Mahirap na ganito ang nangyayari sa'min ng pamilya ko. Ang bawat pagluha niya katumbas ng mga paghihirap niya para sa'min.
Nagdaan ang mga araw at dumating ang pamilya ni ate Maddy galit na galit sila at isinisisi lahat kay mama dahil napaka irresponsible niya raw. Gusto kong sumagot noon pero pinigilan niya ako. Ngumiti lang siya hinarap ang galit ng pamilya ni ate Maddy.
Ang parati ko lang kausap sa mga problema ko ay si Rhenuel. Siya ang naging sandalan ko sa nangyayari at wala siyang reklamo doon kahit na hangga nagyon ay hindi ko pa rin nasasabi kay mama na kami na. Ayaw kong dumagdag lalo na't malaki ang dinadala nila ngayon.
"Kamusta na si tita? Pati si kuya Aiden?" tanong ni Rhenuel noong minsang magkasama kami.
"Okay naman na." Maliit ang ngiti ko at pilit.
"Napagusapan na ipapakasal silang dalawa. Si kuya ay magtatarabaho muna at magaaral sa susunod na semester, si tatay pa rin ang mag papaaral sa kaniya. Si ate Maddy naman ay titigil muna hanggang sa makapanganak siya. Titira sila sa bahay, dalawa naman ang kwarto doon eh kaya masasabi kong okay naman na." Ngumiti ako ulit.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon, kaya na patingin ako sa kaniya."How can I make you happy hmm? Sabihin mo."
Umiling lang ako at ngumiti. Sumadal ako sa balikat niya. Nakaupo kami sa bench. "Just stay with me and be with me. Iyon lang, sapat na para mapasaya mo ako." pinaglapat ko ang kamay namin at tinignan siya. Kumakalma ako tuwing nasa tabi ko siya. Nakakalimutan ko lahat kapag siya ang kasama ko. Parang safe ma safe ako kapag hawak niya ang kamay ko. Masaya ako kahit presensiya niya lang hindi niya kailangan magsalita, ang gagawin niya lang ay samahan ako at pakinggan ako, sapat na iyon para mapasaya niya ako.
Hinalikan niya ang likod ng kamay ko. Hinaplos haplos niya ang buhok ko. Nakapatong pa rin ang ulo ko sa balikat niya. Nakakarelax. Ang isa niyang kamay ay nasa balikat ko at nakaakbay at ang isa naman ay hawak ang isa kong kamay.
Malapit ng magpasko. Ilang buwan na rin simula noong maging kami pero hangga nagyon ay hindi ko pa nasasabi kay mama. Hindi niya pa rin ako naipapakilala sa pamilya niya.
"Jo, gusto kang makilala ni papa," nanlaki ang mata ko at dumagung dong ang kaba ko. Kasasabi ko lang na hindi niya pa ako naipapakilala ay ito na agad!
"'Wag kang kabahan hahahaha." Mukhang naramdaman niya ang kaba ko dahil nanlalamig ang kamay ko at bumilis ang t***k ng puso ko.
"Tingin mo, approved ako sa papa mo?" pagtatanong ko.
"Oo naman, sa kuwento ko pa nga lang ay gustong gusto ka na niyang makilala eh kaya alam kong magugustuhan ka niya para sa'kin." Pinisil niyang muli ang kamay ko.
"Thank you," sabi ko. Hinarap ko siya at ngumiti sa kaniya. Lahat yata ng hiniling ko sa universe ay ibinigay. Napakalakas ko naman kay universe para ibigay niya sa'kin 'tong lalaking ito.
"I love you too jo." Tumawa siya pagkatapos. Napalabi ako. Ganoon ba kahalata ang nararamdaman ko?
"Hindi naman. Masyado lang expressive yang mata mo at sinasabi niyang mahal na mahal mo ako hahahaha." Sinimangutan ko lang siya. Pinisil niya ang ilong ko.
Hinayakap niya lang ako ng mahigit, wala namang tao kaya kahit PDA kami ay ayos lang. Dinala niya kasi ako sa sementeryo dahil tahimik dito, naging tamabayan din namin 'to nila Deby noon dahil nga mapuno at presko walang gaanoong tao pero maraming patay na nakapalibot. Isa pang dahilan niya ay patay na patay daw ako sa kaniya kaya dinala niya ako rito tsk ang Mais niya dba. Pero kahit nakangiti ako ay kinakabahaan ako sa sinabi niya. Hindi pa ako handang humarap sa pamilya niya ni hindi ko pa na siya naipapakilala kila mama bilang kasintahan ko eh.
Pinisil niya ang pisnge ko. "Aray! Bwisit 'to," masama ang tingin ko sa kaniya. Tumawa lang siya.
"'Wag ka kasing kabahan. Hindi naman nakakatakot si papa eh may mga tanong lang 'yun. Para kang sumasabak sa test hahahaha."
"Talaga lang ah."
"Oo mag eenjoy ka. Kaso bawal kitang turuan, moral support lang ako."
Napalabi ako. Anong mageenjoy doon, hate ko nga ang test eh tapos mayroon pa yatang exam na kailangan kong ipasa para lang maging official kaming dalawa.