Nag ikot pa kami sa loob ng Tom's World para mangolekta ng tickets minsan pa ay may nakikita kaming sobrang tickets sa mga machine kaya kinukuha namin. Kawawa naman eh na left over.
Nadaanan ko ang claw machine. Mahilig akong maglaro nito pero wala akong nakukuha kaya pinagiisipan ko kung maglalaro ba ako o hindi. Tumagal yata ang titig ko roon kaya napansin na nang kasama ko.
"Gusto mo maglaro?" Humarap ako sa kaniya at ngumuso.
"Gusto kong makakuha nang laman n'yan." Pagturo ko roon sa claw machine. "Kaso malas yata ako sa ganyan o hindi lang talaga ako marunong."
Natatawa siyang lumapit sa'kin at ginulo ang buhok ko. "May technique kasi d'yan jo,"aniya. Napukaw noon ang interest ko.
"Paano?!" medyo napalakas 'yung tanong ko dahil nga gusto kong malaman ang sinasabi niyang technique baka sakaling makakuha ako.
"'Wag na galit ka yata eh," pagiinarte niya. Sinamaan ko siya nang tingin.
"Kanina hindi ako galit pero magagalit talaga ako kapag hindi mo sinabi 'yang panyerang technique na 'yan," sabi ko na nang may masama pa ring tingin sa kaniya. Siya naman ay hindi naman natinang at iiling iling pa habang nakangiti. Mukha tuloy siyang aso.
"Sige na nga nakakaawa ka eh baka maglupasay ka d'yan kung hindi kita turuan." Pagkasabi niya noon ay lumapit siya sa may claw machine.
"Halika rito. Tuturuan kita. Ang weak kasi eh," pangaasar niya pa. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay habang lumalapit sa kinaroroonan niya.
"Dito." Hinila niya ako sa harap noong claw machine at siya naman ay nasa gilid ko."Bago ka maghulog ng token, pukpokin mo muna nang tatlong beses ang claw machine." Sumandal siya nang bahagya sa machine at kumatok siya nang tatlong beses doon sa glass.
"Pag hulog mo ng token iikutin mo muna 'yung controller tapos doon mo pipindutin ang button, long press ang gawin mo."
Hinulog niya ang token. Kinuha niya ang kamay ko at pinatong 'yun sa controller habang ang kamay naman niya ay nakapatong sa kamay ko. Iniikot niya 'yon nang tatlong beses. Pagkatapos ay pinindot niya ang button nang matagal.
"Alin d'yan ang gusto mo?"
"'Yung pororo."
Ginalaw niya ang kamay ko kaya gumalaw din ang controller itinapat niya iyon sa kay pororo at pinindot nang dalawang beses ang button. Pagbaba noong claw ay tumapat siya kay pororo. Na eexcite ako. Nagsara siya at nakuha doon si pororo. Naisara ko ang kamao ko, humiling na sana hindi 'yun mahulog. Tumaas 'yun at muntikan ko pang mahampas ang katabi ko dahil muntikan din iyong mahulog. Buti nalang at nahulog na siya roon sa may butas.
Masaya kong kinuha si pororo. Tumingin ako kay Rhenuel na ngayon ay nakangiti akong pinagmamasadan. Lumawak ang ngiti ko at itinaas si pororo para mas makita niya. "Nakuha ko!" masayang kong pahayag.
"Halata nga nasa kamay mo na eh," aniya.
"Wiehh ang saya ko hahahaha."
"Halata jo." Lumapit siya at inakbayan ako. Ginulo niya ang buhok ko at kinurot ang pisnge ko. "Para kang bata." Pinanggigilan niya pa ang pisnge ko kaya hinimpas ko ko sa kaniya si pororo.
"Bwisit ka! Masakit!" Patuloy ako sa paghampas todo ilag naman siya.
"Oh tama na." Itinaas niya ang mga kamay niya tanda nang pagsuko niya. Ngumiti ulit ako sa kaniya.
"Ang galing nang technique mo ah."
"Hindi naman totoo 'yun eh hula hula ko lang. Swerte kalang talaga kapag nandito ako." Tumawa siya lalo kaya natawa rin ako. Abnormal akala ko naman saan niya nakuha ang technique na sinasabi niya. Tinaas niya ang kamay niya.
"Apir!!" Tinaas ko rin ang akin para makipag apir sa kaniya pero noong maglapat ang kamay namin ay inilusot niya ang kamay niya sa mga spaces doon kaya mukha tuloy kaming nakaholding hands, nakataas nga lang ang kamay.
Ibinaba niya 'yun at hindi na binitawan. "Ikaw ah, chansing ka," sabi ko. Hindi niya lang ako pinansin.
Naglaro laro pa kami sa loob noon. Nang makaramdam nang pagod ay napagpasyahan naming ipabilang na ang nakuha naming tickets. Madami dami na rin 'yon.
Pumila na kami at luminga linga ako sa paligid. Naagaw nang atensyon ko iyong pizza na nakapatong doon sa isanh machine. Bigla akong nagutom. Pinagmamasdan ko ang mga tao kung mayroong kukuha pero ilang minuto na kaming nakapila ay wala pa ring kumukuha. Pumasok tuloy sa utak ko na kunin nalang 'yun tutal ay parang wala nang may ari.
Saglit na nawala ang atensyon ko sa pizza noong kami na ang binilangan nang tickets. Nakakuha kami nang medyo malaking teddy bear kulay chocolate brown 'yun at malambot.
"Dapat may pangalan 'yang mga teddy bear na nakuha natin," ani Rhenuel naalis tuloy ang tingin ko sa pizza, wala pa ring kasing bumabalik para kuhanin 'yon.
"Ano naman? Eh pororo na nga pangalan nito eh."
"Palitan nga natin. Suggest ka."
"Ano? Hmm roro?" pag susuggest ko pero mukhang ayaw niya dahil umasim ang mukha niya. Umiling lang siya.
"Eh ano? Porpor? Roror?"
"Hindi. Ampapanget naman jo." Inilagay niya sa labi ang daliri niya at parang nag iisip. "Alam ko na. Popo nalang."
Napabuga ako nang hangin sa sinabi niya. "Ambantot naman,"sabi ko."Sige bahala ka ikaw naman nakakuha."
"Tapos 'yang isa si chucky." Turo niya kay chocolate bear. Nangunot ang nuo ko at lumukot ang mukha ko.
"Anong chucky ka d'yan?! Ang papanget naman nang pangalan nila, kasing panget nang nagpangalan."
"Okay na 'yan favorite ko kasing manika si chucky."
"Bakit hindi si Annabelle?"
"Mas cute si chucky doon. Tsaka mas wild si chucky."
"Bahala ka." Naalis naman ang tingin ko sa kaniya at tumingin ulit doon sa kinalagyan nang pizza at laking tuwa ko noong nandoon pa 'yun hangga ngayon. Hindi iyon kalakihan at kakasya lang siguro sa dalawang tao.
"Bakit ba tingin ka nang tingin d'yan? Sinong tinignan mo d'yan? " mukhang napansin niyang parati kong tinitignan ang pwestong iyon.
"Si Mr. Pizza kasi eh inaagaw atensyon ko," sabi nang hindi pa rin tumitingin sa kaniya.
"Pizza? Nasaan?" pagtatanong niya. Lumapit ako sa kaniya at inilapit ang mukha niya sa'kin. "Ayon oh nakikita mo?" Tinuro ko ang machine kung saan nakapatong ang pinagnanasaan kong pizza.
"Nasaan? Wala akong makitang iba eh sayo kasi ako nakatingin." Tinignan ko siya at totoong ngang nasa akin ang tingin niya. Ang lapit lang tuloy nang mukha namin sa isa't isa. Nilayo ko ang mukha niya gamit ang palad ko. Pasampal ko siyang inilayo sa'kin.
"Huwag kang maharot Rhenuel gutom ako. Kunin natin dali," kako at nandoon nanaman sa pizza ang tingin ko.
"Hindi naman sa'tin 'yan eh bakit mo kukunin. Bili nilang kita."
"Ayaw ko. Gusto ko 'yun. Tsaka wala namang bumalik eh kanina ko pa 'yan nakikita wala namang kumukuha."
"Jo naman, hindi porket walang bumabalik eh wala nang may ari hindi rin ibig sabihin noon na pwede na natin 'yang angkinin, " nangangaral pa siya. Bahala siya naglakad ako papunta roon sa kinalalagyan noong pizza. Pasimple akong nagsamid sa paligid kung may nakatingin. Busy naman ang mga tao kaya dahan dahan kong kinuha iyong pizza at patingin tingin sa paligid.
Dumapo ang tingin ko kay Rhenuel na mataman akong tinitignan at para siyang natatawa. Bahala siya 'wag siyang kunain kapag nakuha ko 'to. Binitbit ko na ang pizza at nagtungo sa harap ni Rhenuel.
"Huwag kang makikikain dito ah. Bumili ka nang sayo," ani ko. Tumingin pang siya sa'kin at natatawang umiling. "Tara na."
Bitbit niya si chucky habang bitbit ko nama si popo at iyong pizza. Lumabas kami doon. Pupunta kami sa labas sa may Skyranch, doon naman kami mag lalaro at sasakay ng rides. May free kasi ngayong araw, unli rides sila.
Patakbo akong pumunta doon sa may mini drop tower hindi kasi siya ganoon kataas kaya mini lang, hindi rin naman siya nakakatakot.
Hinila ko si Rhenuel para makapila na kami. Medyo mahaba mahaba ang pila dahil nga libre lang ang rides kaya mahahaba ang pila. Medyo siksikan kaya pinapausog ako ni Rhenuel sa harap dahil ang haharot noong mga batang nasa likuran namin, para silang mga kiti kiti.
Siguro ay first time nila, sabagay ganyan din kami nang mga barkada ko noong first time naming magpunta nang SM tapos kami kami lang.
Ang mahirap pa roon ay spontaneous ang lakad. Ang usapan lang namin ay sa bahay lang namin sila tatambay pero noong nasa daan na kami ay nagabang sila nang jeep na pang SM, tuloy ay pambahay lang ang suot namin at para kaming basang sisiw. Kabado pa ako noon dahil hindi ako nag paalam kay mama sila naman ay sulsol lang na ayos lang daw 'yun.
Buti nalang talaga at may dalang wallet si Lior lung hindi ay baka doon din kami natulog.'Ayun ang pinaka masayang lakad namin noon dahil nga biglaan pero sobrang enjoyable.
Kami na 'yung next. Pinababa ni kuyang nag aassit sa'min ang mga gamit namin. Nilapag ko iyong pizza at pinatong doon sila popo at chucky. Dinala nalang ni Rhenuel iyong quilted bag ko tutal maliit lang naman iyon.
Ako muna ang pinaupo ni Rhenuel at inayos niya muna ako bago siya umupo. Tinignan ko naman iyong mga katabi namin na nakatingin lang sa'min. Sila iyong mga bata na nasa likod namin kanina. Actually sophomore na siguro sila nasabi ko lang na bata dahil mas matanda ako sa kanila.
Kanina pa nila kami pinagmamasdan eh nakakailang na nga eh. Nagsimula nang tumaas ang inuupuan namin kaya nagitla ako. Napahawak tuloy ako sa kamay ni Rhenuel. Natawa naman siya sa itchura ko. Biglang sumigaw ang sophomore na nasa kanan ko.
"Wooohhhhh Sana lahatttt may jowaaa!!!!"
Mabilisan lang ang pagbaba namin. Parang wala nga lang eh, parang iyong nahulog ka lang sa panaginip mo tapos nagising ka bigla ganoon lang ang pakiramdam dahil mabilisan lang. 'Ayun nanaman ang tingin noong mga batang kasama namin. Natawa nalang ako dahil sa reaksyon nila.
Kinuha ko na sila popo at binigay ko sakaniya si chucky. Syempre hindi ko kakalimutan ang nakaw pizza.
Umupo kami doon sa isang bench dahil nahaggard ang beauty ko. Mukha na akong bruha dahil sa buhok kong gulo gulo. Nakaramdan na rin ako ng gutom. Kaya umupo muna kami.
"Humarap ka sa'kin." Pinaharap niya ako sa kaniya. Inayos niya ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko. Hinaplos halpos niya pa ang buhok ko hanggang sa haplos ay naging kutos.
"Aray ko naman!!" sumama ang tingin ko. Parati nalang kaya niyang ginagawa iyon nakakainis na. Inaayos niya ang buhok ko pero inaalis ko ang kamay niya.
"Asaan panali mo? Binagyo nanaman 'yang buhok mo," aniya.
"Nasa bag," inis pa rin ang tono ko.
"Oh uma attitude ka nanaman." Kinuha niya ang suklay at panali sa bag ko. "Talikod ka sizt," pinalambot niya ang boses niya. 'Yung inis ko napalitan nang tawa.
"Ano nanamang drama mo?" Natatawang tanong ko.
"Basta sizt tumalikod ka muna. Papagandahin kita nang bonggang bonggah!"
"Hahahaha abormal!"
Tumalikod na ako at nagsimula na siyang suklayan ang buhok ko. Medyo buhol buhol ang buhok ko kaya hirap na hirap siyang suklayin.
"Aray ko naman! Dahan dahan ka ghorl."
"Sorry sizt, kailan ba ang huling suklay mo?"
"Kanina lang duhh."
Pinag patuloy niya lang ang pagsusuklay. Medyo na gutom ako sa ginagawa niya kaya binuksan ko nang dahan dahan ang nakaw pizza. Kumuha ako doon nang isang slice at kumain.
Inipon niya ang lahat ng buhok ko. Itinaas niya 'yun hanggang sa gitna at pinonytail. Sinuklay naman pa niya ulit.
Sarap na sarap ako sa kinakain kong pizza. Sabi ko na eh masarap 'to lalo na libre.
"Harap ka na sizt."
Humarap ako at ngumiti. Gamit ang isang kamay ko ay kinapa ko ang buhok ko. Binigay niya ang mini mirror ko. Tinignan ko ang bawat anggulo ko at tumawa. Humarap ako sa kaniya.
"Palong palo sizt ahh." Tumawa ako pagtapos nang sinabi ko 'yun. Biruin mo nakasalamin siya tapos mukhang seryosong lalaki tapos ganito ka gandang mag tali nang buhok. Walang sagwa.
"Naman ghorl. Kailangan eh dugyutin ang girlfriend ko." Itinaas ko ang kamay ko para makipag apir.
"Apir naman d'yan sizt," sabi ko at umapir din siya. Natawa kami pareho. Pinisil niya ang ilong ko.
"Ang takaw mo talaga." Nanggigigil na pisil niya. Tinapat ko sa bibig niya iyong pizza para kumain din siya.
"Nagutom ka eh. Mamats mwuah." Humalik ako sa hangin. Tinapat ko pa lalo sa bibig niya. "Oh dali kagat kana," pag pilit ko.
"Hindi 'yan ang gusto ko. Ito oh.." Ibinaba niya ang mukha niya at mabilisang hinalikan anh labi ko. Hinampas ko siya. Nasa public kami ang landi.
"Gagsi ka nasa public tayo eh!!" Hinampas ko pa siya lalo. Kinuha naman niya ang magkabila kong kamay at humalik nanaman. "Nakakainis ka na!! Nasa public sabi tayo eh!! Nakakahiya!"
"Anong pake nila hahahaha"
Kinain ko lang 'yung buong pizza dahil sa inis. "Ibibili nalang kita ng drinks jo," aniya. Pinunasan niya muna ang gilid ng labi ko. Aalis na sana siya noong hawakan ko ang kamay niya.
"Peram mo akong phone." Nakalabing sabi ko. Ngumiti siya inaabot ang phone niya. Kinurot niya muna ang pisnge ko bago umalis.
Nag laro laro lang ako noong may mag pop up na message. Inalis ko 'yun dahil hindi ko ugaling tumingin nang message ng ibang tao.
Pero dahil naiirita ako dahil sunod sunod ang chat niya ay imumute ko sana noong makita ko kung sinong nagchat.
Bea Rodriguez : Rhenuel. Patulong naman ulit dito sa activity I don't know how to do it kasi eh.
Bea Rodriguez : Nuel please... Help me ulit. I promise I'll libre you sa fav mong food.
Bea Rodriguez : Kita nalang tayo sa Cafe ah doon mo nalang ako turuan. Thank you. I LOVE YOU.
Okay? Nashookt ako ghorl kailangan may pa capslock pa talaga ang I love you nang ate mo bea. May pahiwatig ka ghorl? Tumaas ang kilay ko. Dahil ayaw kong mahigh blood ay inalis ko na 'yun doon at naglaro. Hindi pa ako nakakatapos nang isang game ay binack ko na agad. Nabibwisit ako. Salubong ang kilay ko. Ako nanggigigil talaga ako d'yan sa babaeng 'yan eh hindi ko lang siya masampolan dahil kaibigan siya nang BOYFRIEND KO.
"Oh bakit salubong nanamang ang west and east brow mo?" nilinyahan niya ang kilay ko gamit ang kamay niya. Naiinis ako. Hindi ko alam bakit pati sa kaniya eh wala naman siyang ginagawa.
Kinuha ko iyong lemon juice na binili niya. Lumamon nalang ako at kinurot kurot ko si chucky. Ka pangalan niya kasi si bea eh pareho silang chucky kaya naiinis din ako sa kaniya.
"May gusto ka pang puntahan jo?" Nakaupo pa rin kami sa may bench. Nagpapahinga dahil halos yata nang rides sinakyan namin. Nawala narin ang inis ko dahil sa sinakyan namin.
"Wait pahinga muna," medyo hinihingal pa na sinabi ko.
"Ayan pagod na pagod ka. Hyper kasi eh. Oh." Binato niya ang towel sa'kin. "Punasan mo 'yang mukha mo ang pawis muna."
Sinunod ko ang sinabi niya. Tumingin ako sa paligid. Pinagmasdan ko ang mg rides. Isa nalang ang hindi namin na sasakyan.'Yung ferris wheel. Iyon ang pinaka malaking ride. Kulay puti iyon at malaki ang bawat cart noon at closed iyon sa ibabaw. May pintuan din at ang pagkakaalam ko ay may aircon na maliit ang bawat isa sa mga 'yun. Hindi pa kasi talaga ako nakakasakay doon.
"Mal gusto ko doon." Pagturo ko doon sa Ferris-wheel at Ngumuso. Tinignan ko siya at nakangisi naman siya. "Bakit?" pagtatanong ko dahil nag tataka ako sa pagngisi niya.
"Anong itinawag mo sa'kin?"
Inalala ko ang pagtawag ko sa kaniya. "Ahh 'yong mal?"
Tumago siya at ngisi ngisi pa rin."Short for mahal 'yun dba?" Natatawa ako sa kaniya. Ang assuming.
"Sinong nag sabi?"
"Ako. Hindi mo narinig jo?"
"Gagsi. Mal kasi short for aniMAL ano anong kaharutan 'yang nasa utak mo." Tumayo ako at hinila ang isang kamay niya. Bumagsak naman ang balikat niya at nag pabigat.
"Tara na ouyy." Tumingin ako doon sa sa Ferris-wheel. Kakaunti nalang ang mga tao doon. Tinignan ko ang wrist watch ko. 2 o'clock na may oras pa kami para makasakay bago umuwi.
"Tara na." Paghila ko at lalo niyang binigatan ang sarili niya. Ngumisi siya at umupo nang maayos. Sumandal siya sa bench at pinagdekwatro ang paa niya. Humalukipkip siya at tumingin sa'kin. Tumaas ang gilid ng labi niya.
"I won't stand up..." mataman ko lang siyang tinignan. ".. Not unless you call me with that damn endearment with a sweet voice baby." Ngumisi siya pagkatapos. Mariin ang bawat pagbikas niya nang mga salita pero naroon ang pagiging swabe. Tinignan ko muli ang oras. Ayaw ko namang sumakay doon ng mag isa lang at gusto ko siya ang kasama ko sa unang pagkakataon kong makasakay doon.
Bumuntong hininga ako at umupo ulit sa tabi niya. Matamis akong ngumiti sa kaniya. Malambing ang klase nang tingin na ibinigay ko. "Mahal...." Nilambingan ko ang boses ko. Amputek ang corny ng mahal wala bang mura d'yan? Chour. "Sakay na tayo doon sa Ferris-wheel hmm," ani ko at hinaplos pa ang mukha niya.
Kinagat niya ang ibabang labi niya at lumunok. "You really know how to tame me huh." Tumayo na siya at ako na ang hinila niya papunta doon.
Pagpunta namin doon ay diretso kaming pumasok dahil wala naman nang nakapila at kami nalang yata ang kulang.
Sinara ang pintuan at totoo ngang may aircon sa loob. Malaki ang loob noon kakasya siguro ang anim na katao. Malamig ang loob at hindi mo rin mamamalayan na umiikot na kayo. Sumilip ako sa bintana at kitang kita ko ang pag angat namin. Unti unti ay lumiliit ang mga tao. Malapit na kami sa pinaka tuktok noong hinila ako ni Rhenuel para yakapin. He caress my shoulder and give me a light kisses in my head.
I hold his hand and play it with my fingers. I look at him and stare his eyes. "May tanong ako. Kapag hindi mo nasagot pipitikin ko ilong mo ah."
"Sige oh." Tumingala ako sa kaniya.
"Why is it difficult to find a man who has a loving heart, a caring soul, a faithful spirit,
and a beautiful eyes that can only look at me?" diretso sa mata niya ang tingin ko. Tinignan niya lang ako at mukhang walang idea kung ano ang sagot.
"No answer?" tanong ko.
"Why?" pagtanong niya sa'kin pabalik. "bakit mahirap?"
"Because I'm already holding his hand and I'm owning his heart. No one can ever find you because I already have you." I smiled and slowly tilt to kiss his lips. I just want a light and a smack kiss but it he pulled me closer and deepen the kiss. Hiniwakan niya ang magkabila kong pisnge at mas diniinan ang halikan namin.
Pumikit nalang ako at naramdaman kong nasa itaas na ako. Para akong nakalutang. Walang ibang nararamdaman kung hindi kasiyahan. I never imagine na magagawa ko ang bagay na 'to sa buong buhay ko. But it's really true that the things unplanned are the best thing will happen. Impetuous kiss.
Bago kami umuwi ay bumili muna kami nang ipampapasalubong kay mama. Syempre sipsip ang koyah niyo kaya nagpapalalakas lalo kay mama. Pagkatapos nang halikan namim sa ferris-wheel ay nahihiya pa rin ako. Nagsukob pa nga ako sa dibdib niya dahil nahihiya ako eh. Ah basta hindi na ako uulit....... Chour.
Naibigay nanamin kay mama ang pasalubong niya. Habang nagchichikahan sila ay nagbihis muna ako dahil pagkatapos kong magbihis ay ihahatid ko muna siya sa may kanto. Oh 'dba parang tanga lang hinatid ako sa'min tapos hahatid ko rin siya pabalik.
"Tara na," yaya ko kay Rhenuel na busy sa pagchichika kay mader.
Tumayo naman siya at nagmano kay mama. "Una na kami tita. Sa susunod ulit." Tumawa lang sila pareho. Ewan ko sa kanila ang saya nila pareho kapag magkasama.
Noong nasa kanto na kami ay tinutulak ko siya para makauwi na. "Uwi na! Sige na bye na!" Kumaway kaway pa ako. Tumalikod siya pero humarap ulit.
"Jo,alagaan mo sila popo at chunky ah. Pampractice mo sila sa mga futute baby natin."
"Baby mo mukha mo. Uwi na dali!!" Tumalikod siya at akala ko ay aalis na siya pero humarap ulit. Ang kulit ng lahi.
"Ano nanaman?!"
"Jo may itatanong ako sayo. Last na, kung hindi mo 'to masasagot pitik ilong ah."
"Sige, pitik ilong ahh wag na kung ano ano."
"Ikaw lang naman biglang nanghahalik eh."
"Sige na itanong mo na!"
"Bakit kailangan ko ng mapa tuwing kasama kita?" tanong niya. Naglalaro nanaman ang mga ngiti sa labi niya. Nilalaro niya nang bahagya ang labi niya gamit ang daliri.
"Kasi maganda ako?" Umiling siya at inilapit ang mukha sa'kin. Tinignan niya ang mata ko tapos ang labi ko. Bumalik ulit ang tingin niya sa mata ko.
"Kasi nawawala ako sa mga mata mo." Ngumuso ako. Pa corny nang pa corny mga banat niya.
"Ang corny mo talaga." Lumayo ako. "Tapos na? Oh pitikin mo na ilong ko."
Noong akmang pipitikin niya ang ilong ko ay pumikit ako pero imbis na pitik ang dumapo sa ilong ko ay isang malambot na labi ang lumapat doon. Nagdilat ako. Hinalikan niya nang mabilis ang labi ko. Pinaglaruan niya ang mukha ko. Pinisil ang magkabilang pisnge.
Lumapit ulit siya kaya pumikit ulit ako pero this time hindi na siya sa lips humalik sa forehead ko na siya humalik.
"Sige na jo." Lumayo siya at matamang tinignan ang buong mukha ko. "Nalulunod na ako." Ngumiti siya at umalis na. Hindi ko man maintindihan ang sinabi niya sa huli ay napangiti lang ako.