Chapter 16

3898 Words
"M-ma... a-ano... k-kasi," nabubulol ako dahil sa kaba. Nanatiling nakatingin si mama roon sa kamay namin ni Rhenuel na magkahawak pa rin ngayon. Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya pero mas lalo niya lang 'yung hinigpitan. Tumingin ako sa kaniya at kinausap siya gamit ang mata na tanggalin na niya ang kamay niya. Ngiti lang ang sinukli niya at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Inilapit niya pa ako sa kaniya. Tumingin siya kay mama na ngayon ay nananumbat ang tingin sa'min. "Tita, ayaw ko na pong maglihim sainyo at ayaw ko na ring nag sisinungaling si Aissa nang dahil sa'kin." Huminto siya at tumingin sa'kin. "Tama po ang nakikita niyo, hawak ko po ang kamay ng anak niyo at wala akong balak bitawan iyon. Kami na po ni Aissa tita." Muli siyanv humarap kay mama. "Sorry po kung hindi namin agad nasabi. Handa po akong harapin ang galit niyo," aniya kay mama. Seryoso silang dalawa. Parehong tinitimbang ang pangyayari. Tumago tango si mama. "Kung ganoon. Sumama ka sa bahay at doon tayo mag usap." 'Ayun lang ang sinabi ni mama at tumalikod na sa'min. "Pero ma," pagtutol ko kahit na nakatalikod na siya. "Magtigil ka Aissa," matigas na turan ni mama,bagamat nakatalikod ay nakikita ko pa rin sa isip ko ang ekspresyon ng mukha niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Naiiyak ako dahil sa nangyayari. Kinakabahan ako para sa'min ni Rhenuel at nalulungkot ako dahil mukhang galit si mama sa'kin. Kaya pala sobrang saya ko kanina dahil maya kapalit ang lahat. Hindi ka talaga pupwedeng maging masaya lang sa buhay dahil pagkatapos ng ligaya ay lungkot ang susunod mong mararamdaman. Nakaupo kami ngayon sa may sala. Katabi ko si mama at si Rhenuel ay nasa harap namin. Nag aalala akong tumingin sa kaniya. Ngumiti lang siya na para bang sinasabing magiging ayos lang ang lahat. Wala sina Ate Maddy at Kuya Ai dahil dumalaw sila sa magulang ni ate, kaya kami lang ang nandito sa bahay. "Ma a---" naputol ang sasabihin ko noong tignan ako ni mama. Matalim ang tingin niya sa'kin. Kaya napatikom nalang ang bibig ko. Bumuntong hininga siya at tumingin kay Rhenuel. "Alam ko,"pagsisimula niya.  "Alam kong kayo na nang anak ko. May hinanakit ako sa inyo dahil hindi niyo kaagad sinabi sa'king mga simarun kayo!" gulat ako sa sinabi ni mama. Paano niya nalaman? Kailan? "Walang maitatago sa'kin ang anak ko. Kung akala niya ay hindi ko nakikita ang pagbangon niya tuwing madaling araw at babalik sa kwarto na wala sa sarili. Kung tingin niya ay hindi ko napapansin ang pagbabago niya nitong mga nakaraang buwan. Kung sa akala niya ay hindi ko alam kung sino talaga ang kasama niya sa mga lakad niya ay nagkakamali siya. Papunta ka pa, pabalik naku." Humarap siya sa'kin. "Alam ko lahat nang 'yan pero hindi ko siya pinakelaman dahil nakikita kong masaya siya sa ginawa niya. Ina ako at ramdam ko ang anak ko." Ngumiti siya sa'kin. Naluluha ako. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Lumapit siya sa'kin at pinunasan ang luha ko kaya mas lalo akong umiyak. Niyakap ko siya."Ma sorry, s-sabihin ko naman... talaga eh ... kaso natakot a.. ko kasi bumungad sa'kin iyong problema kay kuya. A-ayaw kong dumagdag... sa iniisip mo. Natakot din ako na baka hindi ka pumayag. Sorry talaga ma," pahinto hinto ako dahil sa paghikbi ko. Bahagya niyang tinapik ang likod ko. "Kita mo kung gaano kaiyakin 'to. Rhenuel ijo ayaw na ayaw kong makitang umiiyak ang anak ko. Alam kong hindi mo maiiwasan sa isang relasyon ang pag iyak,pero sana ay hindi ko parating makitang namamaga ang mata ng anak ko gusto kong makita na masaya ang mata niya hah. " "Opo tita maraming salamat po talaga. G-gusto niyo po bang linisin ko ang bahay niyo? May mga hugasin po ba k-kayo? O kahit anong 'pwede ko pong m-magawa para sainyo," hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano sa mga sinasabi ni Rhenuel. Sa tono ng boses niya ay mukha siyang kinakabahan.  Nangingig pa yata ang labi niya eh. "Pasayahin mo lang ang anak ko ay ayos na sa'kin. Nagtitiwala ako sa'yo, sa'nyo  kaya sana ay huwag niyong sirain ang tiwalang ibibigay ko. Alam niyo sana ang mga priority niyo sa buhay mga anak." Hinarap niya ako sakaniya. "Ikaw na babae ka matuto ka na sana sa kuya mo hah, magtapos ka muna bago ang lahat huwag kang tutulad sa kuya mo na inuna ang kalandian niya. 'Wag mo akong bibiguin." Ngumiti siya ulit sa'kin. Tumago ako. "Opo ma, pangako ko magtatapos muna ako at tutuparin ko ang pangarap ko at pangarap ko para  sa'nyo." Niyakap ko siya ng mahigpit. Tumingin siya kay Rhenuel na ngayon ay nakangiti habang pinapanuod kami. Itinaas ni mama ang kamay niya na tila inaanyaya si Rhenuel na makijoin sa yakapan moment namin. Tumayo siya at lumapit sa'min. Lumuhod siya para maging kapantay niya kami ni mama. Iniyakap ni mama ang kamay niya sa kaniya. "Welcome to the family ijo, alam kong hindi mo sasaktan ang anak ko," ani mama habang magkakayakap kaming tatlo. Nakuha talaga ni Rhenuel ang loob ng pamilya ko, una niyang niligawan ang pamilya ko kaya ganyan nalang ang pagtanggap ni mama sa kaniya. Doon na kumain si Rhenuel at  nagpresinta siyang hugasan ang pinagkainan namin, pumayag naman si mama. Nagyon ay tinutulungan ko siyang maghugas. "Kinabahan ka 'no?" tanong niya sa'kin. Sinundot sundot niya pa ang tagiliran ko. Siya ang nagsasabon at ako ang nababanlaw ng mga hugasin. "Oo naman, sinong hindi kakabahan kung ganoon iyong tingin ni mama kanina. Akala ko nga ay ma aarmalite bratatatat ako eh," sagot ko at ngumiwi pa. "Natakot ka pala?" pa cool niyang tanong. Oh parang siya hindi ah. "Ako rin eh natakot." Tumawa pa ang abnormal. "Pero ang bait ni tita 'noh? Grabe kung ibang nanay siguro iyon ay nasampal kana. Parang ganito oh" Mahina niya akong simapal. Hindi naman masakit pero nalagyan ng sabon ang mukha ko. Tumawa naman siya dahil nakikita nanaman niyang nabibwisit ako. "Nakakagigil ka talaga eh 'noh." Pinunasan ko nalang ako mukha ko. "Dahil cute ako? Alam ko na 'yun jo small thing." Binasa ko nalang siya at tumawa. Ang kaunti lang mg hugasin pero tumagal kami dahil sa harutan. Buti ay hindi kami sinisita ni mama, busy rin siya dahil kausap niya si tatay. Nakausap namin si tatay kanina at pinakilala ko na si Rhenuel bilang boyfriend ko sa kaniya. Pag uwi niya raw ay gusto niyang makainuman si Rhenuel. Matagal tagal pa 'yun at aabutin siguro ng dalawang taon. Umuuwi lang si tatay pagkatapos ng dalawang taon at sandali lang din ang itinatagal niya sa pilipinas. Hindi na nagpahatid si Rhenuel hanggang kanto kahit pa gusto ko siyang ihatid ay hindi niya ako pinayagan dahil gabi na raw at delikado. Kaya dito nalang kami sa pintuan nag babye. "Ma uwi na raw si Rhenuel!" pagsigaw ko dahil nasa labas kami. Sumilip sa may bintana si mama. "Mag ingat ka ijo," iyon lang ang sinabi ni mama. Sinara na niya ang bintana. "Oh alis ka na." Tinulak tulak ko pa siya. "Ito na po." Ginulo niya ang buhok ko at pinisil ang ilong ko. "Ang saya ko jo. Finally official na tayo at legal na tayo both side." Hinila niya ako para yakapin. Niyakap ko rin siya. Pareho lang kaming masaya at hindi makapamiwala. Imagine ang daming nangyari ngayomg araw. Nameet niya ang kaibigan ko, nameet ko ang family niya at nasabi na namin kay mama na kami na. Grabe nakakapagod pero ang saya. Hinalikan niya ang tutok ng ulo ko. Napangiti naman ako. Parati niya kasing ginagawa iyon tuwing masaya siya. Kumalas na ako. "Sige na. Gabi na oh. Magingat ka, kita nalang tayo sa susunod." Lumabi siya. Pa cute ang koyah mo. Umalis din siya matapos ang mahabang pagpilit. Pumasok ako sa kwarto at nakitang nakahiga si mama. Nakatalikod siya sa'kin. Niyakap ko siya. "Thank you ma, I love youuu mwah." Kiniss ko ang pisnge niya ng paulit ulit. Mukha naman siyang naiinis. Paulit ulit niya ring pinunasan ang pisnge niya. "Ano ba 'yan amoy panis 'yang laway mo. Ang baho ng hininga mo, nagbo boyfriend ka tapos hindi ka marunong mag toothbrush! Kadugyot!" "Hala si mama oh nag toothbrush ako. Katotoothbrush nga lang eh. Arte arte." Nagayos na ako ng higa. Niyakap ko ulit siya. "Pero thank you talaga ma." "Tapos na 'yung drama kanina Aissa tumigil kana." Niyakap ko lang siya nang mas mahigpit." I love you ma. The best ka," sabi ko. Nakatulog kami ng ganoon ang posisyon. Nagising ako na magaan ang pakiramdam. Wala na akong tinatago at parang lahat ng bagay ay nasa ayos na. Minsan ay dumadalaw si Rhenuel dito para makikain. Naabutan nga niya si kuya noon at nag usap sila ng masinsinan ewan pero noon ko lang din nakitang nag seryoso si kuya. Ganoon lang ang ganing routine namin sa isang buwan. Hindi pa kasi kami pinapayagan ni mama na lumabas na kami lang kaya siya na ang dumadalaw para magkita kami. At ngayon ay excited ako dahil finally pumayag na si mama. Nagyon ang first ever date namin bilang official couple. Nag suot ako ng Peach color na stand collar dress with know-not a line. Binuhaghag ko lang din ang buhok ko at nag lagay ng kaunting liptint at pulbos. White slip in shoes ang pinartner ko. Simple lang ang outfit ko pero masasabi kong pak ang ganda ko. Mwuah, nag pa cute nanaman ako sa salamin. "Ouy Aissa 'wag kayong mag harutan sa daan ah. Umuwi kayo sa oras.'Wag kayong gagawa nang kung ano ano,"pagpapaalala ni mama. Nakaupo siya sa sala habang pinapanuod ako. Ngumiti ako na labas ang ngipin at gilagid. "Oh yes eomma. Thank you mwuah." Nag flying kiss pa ako sa kaniya. Naasiwa naman ang mukha niya. "Mag iingat kayo ah. May pera ba kayo?" "Ma meron nga kasi. Naglalandi ako tapos wala akong pera? Hindi pwede iyon. No no no noh." itinaas ko pa ang hintuturo kong daliri at ginalaw galaw. Gesturing no no. May kumatok. Bago pa makatayo si mama ay patakbo na akong pumunta sa na ako sa pinto at binukasan 'yun. Bumungad sa'kin si Rhenuel na naka sandal sa amba ng pintuan. Nakapasok ang isa niya kamay sa bulsa ng black jeans niya. Nakatakilid siya sa pwesto ko kaya kitang kita ko kung gaano ka tangos ang ilong niya sa side view. Humarap siya at ngumiti. Napangiti rin ako. Pinisil niya ang pisnge ko kaya ngumuso ako. Ang sakit kasi! Tinignan ko ang mukha niya. Nakasuot siya ng black framed round clear glasses habang ang buhok niya ay hinayaan lang na nakabagsak sa harap. Ang maalon niyang buhok ay umaabot hanggang sa itaas ng mata niya. Hindi ito nakaayos pero hindi rin naman magulong tignan. Pareho kaming nakasuot ng peach color ngayon. Ang kaniya ay peach loose shirt with black jeans sa baba. White rubber shoes ang sapatos niya. May dogtag uli siyang suot,nakalabas iyon at umaabot sa itaas ng dibdib niya. "Ano meron at may pa glasses ang Governor?" kunwari ay inaayos niya iyon at pinagsadahanan ang buhok niya. Tinaas taas niya ang kilay niya. "Ano ayos ba jo? Gwapo na ba? Mukha na ba akong genius?" nagpost post pa siya sa harap ko. Parang tanga. "Hindi. Mukha kang corrupt na Governor," sabi ko. Niluwangan ko ang pintuan para makapasok siya. "Pasok ka muna saglit, hindi pa ako tapos mag ayos." Nauna na akong pumasok. "Hindi ka pa ba tapos? Maganda ka na eh," aniya. "Hindi pa nga. Upo ka na." Pumasok na siya at nag mano kay mama. Mag kukwento nanaman 'yan kay mama kaya pumunta muna akong kwarto para ayusin ang mga gamit ko. Maaga pa naman eh. Magsisimba muna kami sa may Sta. Cruz at pupunta na sa SM Sanfernando. Doon kami mag dedate, hanggang doon pa lang ang kaya ng budget namin. Magpapalamig lang kami roon tapos skyranch ganoon. Kinuha ko na ang black quilted bag ko. Nabili ko lang sa may palengke nang 250, kung sa mall mo bibilhin ito ay ewan kung magkano. Lumbas na ako. Nakita ko silang nagtatawanan ni mama, siguro ay nag joke nanaman siya nang corny at dahil pareho silang corny ni mama ay tatawa silang pareho. "Ehem," pagkuha ko sa atensyon nila. Humarap naman silang pareho. "Tara na," anyaya ko kay Rhen, ang haba ng pangalan niya kaya Rhen nalang itatawag ko. Nakakapagod banggitin sa haba. "Tita una na po kami. Ibabalik ko pa iyan anak niya ng walang labis dahil siya ay kulang kulang." Tumawa naman silang pareho. Nakahanap ng bagong kasangga si mama ah. "Osya, mag ingat kayo at bago mag alas kwatro ay umuwi na ah. Wag kayo gagawa nang kung ano ano." 'Ayun ang huling paalala ni mama bago kami lumabas. Agad namang kinuha ni Rhenuel ang bag ko at siya ang nagbibit. Natawa tuloy ako dahil sa itchura niya. Ang cute niyang tignan dahil sa glasses niya isama mo na ang bag na dinala niya. Napangiti ako kalaunan. Ang sweet niya kasi, at isa 'yun sa mga ugaling gusto ko sa kaniya. Ilang months na rin kami. Ni minsan ay hindi kami ng celebrate ng monthsary dahil sabi niya ay hindi naman namin kailangang bilangin pa ang buwan na magkasama kami dahil taom ang kailangan naming bilangin. Para sa mga hindi raw nag tatagal ang monthsary. Well agree naman ako at some point dahil bakit kapa mag cecelebrate buwan buwan kung pwede namang taon taon nalang tsaka makakatipid pa kayo pareho. Papasok na kami sa may simbahan. Kakaunti pa lang ang mga tao dahil masyado pang maaga 8 am palang. Umupo kami sa may bandang gitna,para makita namin ng maayos ang altar at para mas marinig namin ng maayos. Noong pag kaupo pa lang namin ay kinuha na niya ang kamay ko at pinaglaruan. Hilig na niyang gawin iyon simula noong naging kami. Ganoon lang ang ginawa namin dahil bawal ang mag ingay sa loob ng simbahan. Nilibot ko ang tingin ko at napansin kong ang daming matang nakatingin sa kaniya kay Rhenuel. Tinignan ko sila ng masama isa isa. Imbis na sa harap tumingin ay dito sila sa gawi namim nakatingin. Tumayo kami noong mag simula na ang misa. Tahimik lang kaming nakikinig. Magkahawak pa rin ang kamay namin. Ang saya lang sa pamiramdam na kasama mo iyong taong mahal mo at sabay kayong nag wo worship kay God. I think that's the sweetest thing that a man can do iyong samahan kang manalangin at sabay kayong magpasalamat dahil natagpuan niyo na ang isa't isa. "Let us offer each other the sign of peace," sabi ng priest at medyo yumuko at sinabi sa lahat na peace be with you. Ganoon din ang ginawa namin. Humarap ako kay Rhenuel sakto naman na tumingin siya sa'kin kaya bahagya kaming natawa. "Peace be with you jo."  Tumago siya at ngumiti sa'kin. "Peace be with you," pagbalik ko sa kaniya. Inilapit niya ako sa kaniya at inakbayan. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. Natapos ang misa. Pabiro kong kinuha ang kamay niya at nagmano. Nagtataka siya sa ginawa ko at ako naman ay natatawa lang. Kinuha naman niya ang akin at akala ko ay magmamano lang din siya para makaganti. Hinalikan niya ang likod ng kamay ko. "Hindi kanaman matanda  para mag mano ako. Kissing the back of your hand is also a sign respect," aniya, hindi nalang ako umalma at tumawid na kami. Nagutom ako kaya pumunta muna kami sa may Street foods sa may tapat ng simbahan. Doon kami kumain ng kwek kwek. Nag almusal naman ako pero mukhang kulang nga lang. Siya ang may hawak ng panyo ko at pinupunasan ang gilid ng labi ko tuwing madudumihan ako. Sinusubuan niya pa ako minsan. Noong matapos na kami ay nag abang na kami ng masasakyan at saktong may bus na dumaan. Nakaupo kami sa may bandang harapan. Sa may two seats kami umupo. Mahaba haba pa ang biyahe kaya gusto ko munang matulog sana ang kaso ay ginugulo ako ng katabi ko. "Jo laro tayo. Ganito 'yung laro, magtatanong ka na parang riddle tapos kung hindi ko nasagot pitik sa ilong,"aniya habang nakaharap sa'kin. Ano nanamang pakulo 'toh. "Ano game?" "Sige, ikaw unang magtanong wala pa akong maisip eh," sagot ko pero na tigilan ako. "... Wait, dapat kapag nasagot ko iyong tanong ikaw pipitikin ko." "Oo nga jo, hindi ka naman nakikinig eh," wala naman siyang sinabing ganoon eh. "Sige na magtanong kana." "Every man has one, Some are big some are small and it will be great if you blow it. What is it?" Tinignan ko siya ng masama. Ang loko loko nanaman niya. Tumawa siya. "What? Sagutin mo na jo." "Bakit ang dirty mo?" "Anong madumi doon? Isip mo yata 'yung madumi eh. Halika rito linisin natin." Akmang hahawakan niya ako noong lumayo ako. "Ang ano mo." Masama parin ang tingin ko. "Ano?" Ngumisi siya. "Hindi mo alam 'noh?" "Bahala ka, ang ano ng isip mo." "Baliw ka jo. Nose lang ang sagot doon." Umiling iling pa siya. Nose? Nagsalubong ang kilay ko. Nose? Inisip ko ulit iyong sinabi niya at naliwanagan. Ano ba kasing iniisip ko. Grabe. "Ang dumi pala ng isip mo jo, tsk tsk tsk." "Eh malay ko ba. Oh ayan pitikin mo na." Inilapit ko ang ilong ko sa kaniya. Natatawa naman siya at pinitik ang ilong ko. "Aray!" "Hahahahaha dumi kasi ng isip eh. Oh ikaw na." Nag isip muna ako. Nag tingin tingin sa paligid baka may makuhang idea. "Ang tagal ah," aniya. "Duh manahimik ka hindi ako prepared." Luminga linga ulit ako at nakita ko ang repleksyon ko sa bintana. Ngumiti ako dahil may naisip. "Oh ito na. Papaano ang tamang pronunciation ng cute?" pagtatanong ko. "Kuyut?" Umiling ako. "Kyot?" Umiling ulit ako at medyo natatawa na. "Qoit?" "Hahahaha hindi." Pagiling iling ko. "Eh ano?" Nakakunot pa ang nuo niyo. "Edi Aissa hahahahaha." Lalong nangunot ang nuo niya at lumaylay ang balikat niya. Ngumiti siya nang pilit. "Saya ka n'yan?" Umiling iling ako pero natatawa pa rin ako. Anong magagawa niya nanatawa ako. Ang witty kaya ng naisip ko. Sumenyas ako na lumapit siya sa'kin. "Dito ka. It's time for revenge." Pinitik ko nang malakas ang ilong niya. Napapikit naman siya. "Tama na nga 'yan. Nawalan ako nang gana sa tanong mo. Gusto ko nalang tuloy matulog." Sumamdal siya sa balikat ko. Gumalaw galaw ako at tumawa dahil naiirita siya. "' Wag ka nang magalaw jo. Napuyat ako kagabi sa trabaho. Sige na tulog muna ko saglit gisingin mo nalang ako. Para may energy ako mamaya," mahinang sabi niya at pumikit na. Hindi nalang ako gumalaw at sinuklay suklay ang buhok niya gamit ang isang kamay ko para mas lalo siyang makatulog. May tumapik sa pisnge ko. "Jo, nandito na tayo." Tinapik niya ulit ang pisnge ko mas malakas kesa sa kanina. Masakit ah. "Houy Tulog mantika!" Dumilat na ako. Sumimangot ako sa harap niya. Bumangad sa'kin ang itchura ni Rhenuel naka glasses pa rin siya. Inayos niya ang mukha ko at inipit sa tenga ko ang mga hibla mg buhok na humaharang sa mukha ko. Hinila niya ang kamay ko para tumayo. "Tara na!" Mas excited pa sa'kin eh. Naglakad lang kami dahil sa harap lang  ng SM nakaparada ang bus na sinakyan namin. Noong makarating kami sa loob ay agad sumalubong ang malamig na hangin dulot ang aircon. Tumunog ang tiyan ko. Eshh. "Gutom ka nanaman?" Natatawa niyang tanong. Hindi ba halata? Kumain kami saglit sa may Foodcourt sa may second floor. Agad naman siyang may hawak na tissue pampunas sa mukha ko at bibig ko dahil nga makalat ako kumain hahahaha. Nang matapos kumain ay agad ko siyang hinila sa may Tom's World para mag laro. Una naming nilaro iyong House of the dead. Kalaban namin iyong mga zombies doon parang nangkaroon ng zombie apocalypse at mga police kami sa game at nag rerescue ng mga tao. Pwedeng doubles ang laro kaya kampi kami ni Rhenuel. "Ouyy barilin mo 'yun dali!!!" pag sigaw ko sa kaniya. Maingay naman dito kaya hindi kami masyadong agaw pansin. "Nasaan ba?!" "'Ayun nasa likod mo! Dalian mo mamatay tayo pareho!" "Saglit kasi. Bakit ka ba sumisagaw?!" Natatawang tanong niya. "Ikaw din naman eh!" Nagsigawan lang kami at hindi nanamin namalayan na nakain na pala kami ng zombie. "Ambobo kasi Rhenuel eh." Napapadyak pa ako. Tumatawa lang siya simula kanina. Tumatawa na kaya 'yan noong nag sisigawan kami. " 'Yan tuloy namatay tayo. Sayang token." Tumatawa lang siya. " 'Lika nga dito." Hinila niya ako at kinurot ang pisnge ko."Aray naman,qiqil ka boi?" "Bobo ako ah, sige ano masakit?" mas pinisil niya pa iyon. Tinapik ko iyong kamay niya. "Hindi. Masarap siya ghorl nakakarelax 'yang pagkurot mo." Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "Tara doon tayo sa basketball." Hinila niya ako papunta doon sa may shooting shooting,wala 'yan anh tawag ko d'yan. "Paramihan tayo ah. Mauna kana." aniya. Sumandal siya doon sa may railings. Naghulog siya ng token. Tinaas niya ang kamay niya, sumesenyas na magsimula na ako. Nagsimula na akong magshoot pero sa benteng bolang shinoot ko tatatlo lang ang pumasok. Nakasimangot akong humarap sa kaniya. Nakataas naman ang gilid ng labi niya para bang sayang saya sa napanuod niya. "Tsk tsk tsk ang tanga." Iiling iling pang sabi niya. "Ikaw na." Umupo ako sa lapag. Pero pinatayo niya ako agad. "Huwag kang umupo nang ganyan. Naka dress ka pa naman baka may makita silang hindi kanais nais," sabi niya. Umirap lang ako at ginaya ang pwesto niya kanina. Kahit pa may aircon dito ay namawis ako dahil sa marami ring tao at talagang nakakapagod iyong ginawa ko. Pinanuod ko ang pag shoshoot niya. Napanguso ako at napairap dahil lahat yata ng bola na ipasok niya sa ring. Halos lahat namn ng lalaki ay marunong magpashoot ng bola eh, marunong naman silang lahat mag basketball. "Ano? Kaya mo 'yun? Syempre hindi weak ka eh." Pinagpag niya pa ang balikat niya na para bang may dumi roon. Pumunta naman ako doon sa Smash It, mayroong mga lilitaw na ulo ng mga hayop doon sa mga butas at kailangan mong pukpokin iyon gamit ang rubber hammer na hawak mo. At tutal ay weak daw ako ay siya ang pinag laro ko. "Ikaw mag laro d'yan. Weak ako 'dba?" "Ikaw naman jo nagbibiro lang eh. Sige ako na." Binigay ko ang hammer sa kaniya at naghulog na ng token. Nagsimula ng lumitaw litaw iyong mga hayop doon at nag simula na siyang pumokpok. Mabagal lang 'yun sa una kaya nagagawa niya pang tumingin sa'kin at kumindat. Nang bumilis 'yun ay saka ko siya ginulo. "'Ayun! Smash mo dali!!!" Pagmamadali ko sa kaniya.   "'Ayun pa!! Ayan!' Yung nasa kaliwa!!" Mukhang nawala siya sa focus at hindi na niya alam ang pinupokpok niya. Noong mabwisit siya ay pinukpok niya nalang ng pinukpok at bigla kami nakarinig ng tunog. Dahan dahan siyang tumingin sa'kin at gulat ko siyang tinignan. Gagsi may nasira yata kami. Marahan niyang kinuha 'yung mga tickets na nakuha namin. Tahimik kaming umalis doon at lumipat ng pwesto. "Ambobo mo talaga!" mahinang  sita ko sa kaniya. "Paanong ako eh ikaw iyong nanggugulo 'yan tuloy nasira," aniya at nagkamot pa ng ulo. "Okay na 'yun hahahaha. Ang dami na nating tickets." aniya. Pinakita niya pa 'yung kumpol ng mga tickets sa kamay niya. Noong may tumonog kasi ay nagsilabasan ang masaganang  tickets kaya swerte pa rin kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD