Ika-19 nang Pebrero, full moon nang humangin ng sobrang lakas. Mas dumoble ang lamig sa buong kapaligiran. Tila nagbabadya ng mas titindi pang paglamig. Tulugan na noon. Dahil ala una y media na ng madaling araw. Tahimik, mahangin, madilim pero di ganoon kadilim dahil sa liwanag na dulot ng buwan. A beautiful girl lying on the grass unconsciously. Maputi, may maamong muka, manipis na pulang labi. Nakasuot siya ng puting bestida na tila pinagsikapan talaga ng gumawa para pagandahin.. Sa pagliwanag lalo nang buwan tumama ang anino noon sa pinaka magandang babae sa balat ng lupa. Ang maganda nitong kilay na pantay na pantay, malantik na pilikmata, matangos na ilong. Ang lahat ng alitaptap, tutubi at paru-paro ay tila nahalina sakanyang ganda kaya kusa ang mga itong lumapit sa babaeng

