Kinagat ng beta sa leeg si Isaac sa kanang bahagi. Sa kaliwa naman ay ang gamma. Dinambahan naman ng delta sa katawan at mabilis na inialis sa pagkakapatong sa alpha si Isaac habang kagat ang likurang bahagi ng katawan nito.
Bumaon ang pangil ng mga ito kay Isaac. Sumirit ang masaganang dugo kasabay ng pagbulwak ng sariwang dugo sa bibig nito.
Bagsak ang katawan sa lupa. Ang mga mata ay dilat na nakatingin sa mag inang luhaan. A lone tear escaped in the eyes of the former delta.
Umalulong ang lahat ng lobong naroon. Nagdadalamhati sa pagkawala ng isang mabuting delta at kaibigan.
Nanghihinang napaupo ang ginang at ang anak nito. Puno ng kalungkutan at hinagpis ang kanilang kalooban.
"A-Ama...aking m-mahal na ama." usal ng batang babae. Habang yakap ang anyong lobong katawan ng ama. Bitbit ang masasayang alaala nila sa paglisan sa minahal na tahanan.
Lungkot at pait ang kanilang naranasan at nararamdaman kaya napaiyak nalang sila sa sobrang sama ng kalooban.
Papalubog na ang araw pero imbes na sariwain iyon ng mga naroon ay hindi. Napuno ng hinanakit, lungkot at pangungulila ang kanilang puso't isipan.
Nakakaawa ang mga batang sa murang edad ay nakakaranas ng pighati at paghihirap dahil sa sakim na bagong alpha. Wala na ang dating sigla ng Transylvania.
Wala ng nagtatawanan, nagbibiruan, naglalaro sa paligid. Ang bawat isa'y seryoso, blanko ang muka at hindi na nangiti.
Wala ng nagbabatian at nagkakamustahan. Tila pinagsukluban ng langit at lupa.
"Ano ng nangyari sa Transylvania?" Tanong ng mga lobo mula sa ibang pack at bansa.
"Tuluyan ng naglaho ang sigla at saya." Sagot ng ilan.
Wala ng mga dayuhan ang nakakabisita roon. Wala ng nakikipagkalakalan at nagagawi dahil sa higpit ng bagong alpha. Ang lahat ng dayuhang maliligaw ay walang awa nitong pinapapatay. Pinupugutan ng ulo, dinudurog ang bungo, o di kaya'y hinuhugot ang puso. Mga karumaldumal na pagpatay ay di nito alintana.
"Isa siyang demonyo ina. Isa siyang kampon ng kadiliman." mangiyak ngiyak na usal ng limang taong gulang na batang lalaki.
"Anak, maghunos dili ka. Huwag kang magsalita ng ganyan at baka may makarinig sayo. Makarating pa sa bagong alpha." Turan ng ina ng bata. Lalo lang humagulgol ng iyak ang bata at naiiling sa ina.
"Nakita ko. Nakita ko ang ginawa nila sa mga kabataan. Nilalatigo nila ang mga kapwa natin. Wala silang puso." Humihikbing usal ng bata.
Niyakap nalang ng ina ang kanyang anak.
"Manalangin nalang tayo sa Moon Goddess anak. Nawa'y matapos na ang lahat ng paghihirap nating ito." malungkot na sambit ng ina ng bata. Sa namumugtong mata at paos na boses ay tumango ang bata.
"O-Opo ina."
Sa mundo ng mga lobo, kahit gaano ka pa kalakas. Kahit gaano ka pa ka-makapangyarihan. Balewala iyon, kung ang sumpa ng itim na witch ang lulukob sayo. Katulad nalang ng nangyari sa butihing alpha ng Transylvania.
Hanggang ngayon ay wala pa ring balita kay Deshna. Si Deshna nalang ang nag iisang itim na witch ang nag eexist sa buong mundo. Matagal na panahon na nang mag exist ang mga itim na mangkukulam. Dahil lahat sila ay napuksa na ilang libong taon na ang nakakalipas sa labanan ng mabuti at masama.
Deshna is a beautiful witch, yet she choose to be bad because of her beloved who can't love her back like what she want.
Minsan talaga mahirap magmahal. At di lahat ng gusto natin ay makakamtan natin kung kelan natin gustuhin.
Nanatiling nakakulong ang lahat ng white witch at babaylan sa silid kung saan hindi nila magagamit ang kanilang kaalaman at kapangyarihan. No one dare to save them. Hindi nila kaya. Dahil walang sinuman ang hinahayaang makalapit man lamang doon.
Patay na sila bago pa man sila makatungtong sa pasilyo patungong silid.
"Mabuti na lamang at mabilis maghilom ang iyong sugat, alpha." Sambit ni Oliver habang nainom sa kopita ng alak. Pinagsalin naman ni Gasner ng alak ang alpha.
Gigil na gigil pa rin hanggang ngayon ang alpha dahil labis siyang napahiya sa paglalaban nila ni Isaac.
Sa sobra niyang galit ay isununod niya ang asawa nito. Dinukot niya ang puso ng ginang sa harap ng anak nito at ng mga lobo.
"Ang mga lycan ay mabilis talagang maghilom ang sugat kumpara sa mga ordinaryong lobo." Sambit ni Zander na prenteng nakaupo habang nagbabasa ng libro tungkol sa mga bampira. Ace of Vampire ay ang istorya na hanggang ngayon ay hindi parin tapos ng may akda. Tila hango iyon sa tunay na buhay dahil halos ganoon ang kuwento ng mga bampira at mga hunters.
"Alam ko. Abala ka nanaman saiyong libro. Ace of Vampire? Hindi ba at di pa yan tapos ng may akda. Bakit mo pa binabasa? Mabibitin ka lamang." Nakaismid na sambit ni Oliver.
Umikot lang ang mata ni Zander roon. "H'wag mo kong pakielaman." Masungit nitong turan. Umangil lang si Oliver sakanya. Inawat naman siya ni Gasner. Bago pa ang alpha ang magpatahimik sakanila.
"Tumigil na kayo." Anito.
Tatlong katok sa pinto ng kubo ang pumukaw sakanilang atensyon. Sabay sabay silang lumingon. Ang beta na ang nagkusang mag bukas ng pintuan.
Bumungad sakanila si Falcon. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng alpha.
Nakayuko pa rin si Falcon habang nagsasalita. "Nais ko lamang pong ipagbigay alam, alpha na merong mahigit tatlumpung Rogue sa hilaga, timog at silangang border ng Transylvania. Mukang natunton na nila ang ating lugar marahil dahil sa panghihina ng mahikang ginawa ng mga witch upang proteksyunan at iligaw ang mga rogue." Mahabang pahayag nito.
Umangil si Hades sa narinig. Sinenyasan niya ang tatlo na puntahan ang mga nasabing lugar.
"No dudes en matarlos a todos. Pronto."
Don't hesitate to kill them all Aniya sa malagom na boses. Walang pasubaling tumango ang tatlo. At mabilis na kumilos. Sinama ni Oliver si Falcon sa pagpunta sa Timog.
"No les haré tomar lo que tengo. Nunca les daré este lugar."
I won't make them took what I have. I will never gave this place to them Gigil na bulong sa hangin ng alpha. Tinutukoy ay ang mga Rogue.
"Mas masahol pa siya sa mga Rogue." Turan ni Delta Lorcan. Hinang hina na ito. Ilang beses silang hinahagupit sa tuwing sinusubukan nilang tumakas ni Lucas.
"Balita ko dumarami na ang mga Rogue na unti unting nakakapasok sa mga border.
Humihina na raw ang mahika ng mga witch. Hindi na nakakapagtaka dahil kinulong ng bagong alpha ang mga witch ng Transylvania." Saad ng kausap ng bantay.
"Hindi ko maikakaila na nagtataka na ako sa pagdami ng mga Rogue. Hindi ba't isa nalang ang itim na witch. Saka di pa man itim na witch si Deshna ay laganap na ang mga rogue sa London. Yun nga ang problemang kinakaharap ng alpha ng London." Sambit ng isa pang bantay.
"Siguro may kinalaman ang experimento ng mga scientist sa nangyayari. Kumalat na virus o di kaya Mali ang kalkulasyon ng konseho ng iba't ibang bansa ukol sa pagkaubos ng itim na witch." Sambit ng punong bantay.
Nanatili lang sila Lorcan at Lucas sa pakikinig. Wala na silang balita sa labas. Simula nang ikulong sila sa loob. Wala silang magawa dahil malakas kumpara sakanila ang bagong alpha. O malakas lang tingnan dahil sa mga alagad nito?
Nag iinit ang ulo nila sa galit at nag aalab ang puso nilang ilampaso ito.