Nag angat ng tingin ang punong witch. "No puedo Sólo la bruja que dio el maldito puede recuperarlo."
( I can't. Only the witch who gave the cursed can take it back. ) Tumulo ang luha sa mata nito.
Napaluhod at natulala ang mga naroon. Bumaling sa alpha na puno ng awa at simpatya.
"Hanapin si Deshna." Utos ng ikalawang pinuno na bumubuo sa konseho ng nga lobo.
"Walang titigil sa paghahanap sakanya. Para ibalik dito at bawiin ang sumpa. Sa ganoong paraan man lang ay makabawi tayo sa lahat ng nagawa ng ating alpha para sating lahat." Dugtong ng ikatlong pinuno ng konseho. Tumango ang mga lobo.
"Tutulong ako." Sambit ng punong witch. Ramdam niya ang galit ng mga lobong naroon dahil sa ginawang kalapastanganan ng kanyang anak.
Masakit iyon sakanya bilang isang ina. Pero tanggap niya ang katotohanan na mali ang kanyang anak kahit saang anggulo tingnan.
She shouldn't done that to the mighty alpha of Transylvania.
"Wala tayong magagawa kundi ang ikulong ang alpha sa sagradong kuweba." Sambit ng ikaapat na pinuno ng konseho. Malungkot na tumango na lamang ang mga lobo roon.
Kumalat ang balita sa buong mundo. Naging tampukan ng tsismis ang nangyari sa alpha. Dahil doon dumalaw ang mga kilalang Alpha na naging matalik na kaibigan ni Alpha Iuhence.
Si Alpha Kenneth, Alpha Tyron na kilala na ng mga taga Transylvania at ang limang Alpha na sila Alpha Travis ng England, Alpha Franco ng Spain, Alpha Stewart ng London, Alpha Muller ng Germany at Alpha Damian ng Scotland. At awa ang una nilang naramdaman
ng masilayan ang itsura ng kaibigan. Ano pa kaya kung nandun din ang anim pang alpha na kababata nila?
Napaka saya ng lahat roon dahil sa pagbisita nila.
After five years...
Magulo, walang buhay at madilim ang aura ng buong Transylvania. This started five years ago nang makulong ang alpha sa sagradong kuweba. At sakupin ng isang mabangis na lobo ang buong Transylvania sa panahong mahina at lugmok ito dahil sa kawalan ng katinuan ng kanilang Alpha.
Ang mabangis na lobo ay walang iba kundi si Hades Grenier mula sa Argentina. Kasama nito ang kanyang nagsilbing tapat na beta na si Oliver at isang tapat na gamma Zander at deltang si Gasner na mula din sa Argentina. Kinulong nila sa Jura's Jail ang beta, gamma, delta at General. At walang awa nilang pinatay ang ama at ina ni Iuhence. Iniwan nila ang konseho na wala ring nagawa kundi ang sumunod sa alituntunin ng sakim na bagong alpha ng Transylvania. Marami ang nasawi nang lusubin at sapilitan nilang agawin ang trono. Nagpakalayo layo ang karamihan.
Dahil doon, umusbong ang alitan sa pagitan ng bagong alpha ng Transylvania at ang mga alpha na kaibigan ni Iuhence. Sa kasamaang palad, malakas din ang kapit ni Alpha Hades dahil kaibigan nito ang alpha ng Bulgaria, Czech Republic, Ukraine, Croatia, Poland, Galicia, Latvia at Lithuania. At kapatid pa siya ng alpha ng Argentina na kapareho niya ang ugali. Parehas silang sakim sa posisyon at uhaw sa kapangyarihan.
Isang malaking digmaan ang magaganap sa oras na kumilos ang mga kaibigan ni Iuhence. Di hamak na mas maimpluwensya ang mga ito. Kahit di pa man bumibisita ang ilang kamag anak na alpha ni Iuhence mula sa Denmark, Poland, Serbia, Greece, Ireland, Portugal at Andorra maging ang kapatid ni Tyron na nasa Italy ay alam nilang malakas ang laban nila. Pero sakanilang pagrespeto sa kakayahan ng kaibigang alpha na si Iuhence minabuti nilang manahimik muna. At tumulong nalang muna sa paghahanap sa witch na gumawa ng sumpa sa kanilang kaibigan.
Pinagmamalupitan at hinahayaang magdusa ni Alpha Hades ang mga mamamayan ng Transylvania. Hinahayaan niya itong magutom, at inaalila ng todo. Maraming batang lobo lalo na ang matatanda ang naghihirap dahil kinakamkam at sinasarili lamang ng alpha ang lahat ng pagkain, alak, pilak, kagamitan, kasuotan, at lahat ng panananim na pinag hirapan ng mga mamamayan ng Transylvania. Ikinalakal nito iyon sa mga kasundong bansa at lugar ng may patong na limang porsyento. At ang mga dalaga o batang lobo na magdadalaga palang ay binebenta niya sa Latvia, Bulgaria at Czech Republic. Bagay na di matanggap ng mga magulang, kamag anak at kapwa miyembro ng pack.
"Kung sana ay nandito si Alpha Iuhence. Hindi mangyayari ito." Naiyak na turan ng isang ginang. Mugto na ang mata nito sa kakaiyak dahil ang kanyang anak ay kabilang sa mga lobo na ipagbibili sa Czech Republic. Sobrang sakit noon sa parte nila bilang magulang. Pero wala silang magawa.
Narinig iyon ng tusong alpha at marahas na nilingon ang ginang. Nanlilisik ang itim nitong mata sa galit.
"¡¿Qué dijiste?!" ( What did you say?! )
gigil nitong sigaw sa malagom na boses. Nahihintatakutang umatras ang mga lobong naroon. Inilagay naman ng asawa niyang lobo ang ginang sakanyang likuran upang protektahan.
Umiling ang batang lobo na si Seri, habang rumaragasa ang luha sa tsokolateng pares ng mata. Bakas sa muka nito ang takot at hinagpis. Nangangamba siya na baka patayin ng walang pusong alpha ang kanyang mahal na ina at ama.
"No quiero repetirme. ¡¿Qué dijiste hace un rato ?!"
( I don't want to repeat myself. What did you fuckin' say a while ago?! ) Nag iigting ang panga nito. His jet black eyes turn gold. Humaba ang mga kuko, tumulis ang ngipin at kumapal ang balahibo. He turn to his wolf form.
Kumiling ang ulo nito at kumiskis ang mahahabang kuko sa lupa. Tila naghahanda.
Ang asawa ng ginang ay nag palit na rin ng anyo. A white mix with brown color wolf.
Parehong nag angilan ang dalawa. Nanlilisik ang mga mata at kumakaskas sa lupa ang mahahabang kuko.
Sa pag alulong ng alpha ay siyang hudyat na simula na ng labanan sa pagitan ng ama at ng alpha.
Panay ang hagulgol ng batang alpha. Maging ang ina nito. Beta Oliver together with delta Gasner and gamma Zander smirked devilishly.
Nag iwas ng tingin ang mga naroon. Naikuyom nalang ng palihim ang kamao at kagat labing nagpigil. Wala silang laban. Dugong bughaw ang tusong alpha.
Tumalon ang alpha at tumayo naman si Isaac ang ama ng batang lobo. At sinalubong ang matatalim na pangil ng alpha na kakagat sana sa leeg niya. Kinalmot niya ito diretso sa mata. Dumugo iyon. Saka sinipa ng malakas dahilan ng pagtilapon nito sa puno. Nayupyop ang puno sa pagtama ng alpha roon. Nabahala ang beta, gamma at delta sa nasaksihan.
Isaac is the former delta ng ama ni Iuhence. Bagama't medyo matanda na ito. Walang pinagbago ang angking galing nito sa pakikipaglaban.
Umangil ito sa tila galit na tono. Galit na bumangon mula sa pagkakalugmok ang alpha at galit na umalulong. Nag ikutan ang dalawa nagpapakiramdaman kung sino ang unang susugod.
Sa pag angil ng alpha ay siyang pagsugod ni Isaac. Dinambahan niya ang alpha at mabilis na sinakmal ang muka. Inipit niya ang katawan nito gamit ang sariling katawang pinabigat. Nagpumiglas ang alpha. Kinagat ni Isaac ang leeg ng alpha. Bumaon ang dulo ng pangil niya sa leeg nito nang di nito namalayan ang pagsugod ng beta, gamma, delta sakanilang anyong lobo.
"N-NO!" Sabay na sigaw ng mag ina.