Chapter 21 Zhavia Tuazon Hawak hawak lang ni Perez ang kamay ko habang naglalakad kami sa hallway, dahilan para mag-bulungan nanaman ang mga estudyante sa paligid namin. "Naguguluhan na talaga ako!" "Hindi ba ginamit lang siya no'n?" "Oo nga! Bakit ganyan?" "Baka nilandi niya!" "Panigurado! Tignan mo, pati jersey ni Yoishi suot! Ang kapal talaga ng mukha!" "Nako! Nanggigigil ako sa kanya!" "Parang kanina lang, balak niya pang landiin si Neon, tss!" "Hindi na ako magugulat kung malaman ko na nilandi niya lahat ng lalaki sa campus." Napatingin ako sa kamay ko nang higpitan 'yon ng hawak ni Perez. Anak ng potakte! Ang sakit kaya! "Huwag mo silang papansinin." Bulong niya sakin. Tumango naman ako at hindi na sila tinignan pa. Napahinto naman kami nang may dalawang babae na humara

