Chapter 22 Zhavia Tuazon "Hoy, panget! I-cheer mo ako ha?" "Ayoko nga sabi. Paulit-ulit ka? Saka wala ako dito mamaya, pupunta ako sa photography club." Paliwanag ko. "Ano? Mas uunahin mo pa ba 'yan kaysa sa akin?" Nakasimangot na tanong niya. "Aba naman, malamang mas importante 'yung gusto ko kahsa sayo 'no! Tadyakan kaya kita. Sige na, aalis na ako." "Teka!" "Oh?" "Kapag natapos ka, bumalik ka kaagad dito, ha? Hihintayin kita." "Oo na, sige na. Kapag umabot ako. Aalis na ako." Paalam ko at patakbong umalis doon. Habang tumatakbo ako, dala-dala ang dslr camera ko ay nakasalubong ko si Syl na tumatakbo din. "Uy, Syl!" Tawag ko rito at ngumiti. Bakit ba ang gwapo niya? "Zhavia, buti naman andito ka. Manonood ka ba ng free game? Teka, kay Yoishi 'yang shirt ah?" Tanong niya h

