“YOU know what they say. Can’t put a good man down.”
Sinulyapan ko si Autumn na isinunod sa lababo kung nasaan ako ang mga natirang plato’t baso sa hapagkainan na hindi ko nakuha kanina. Ngumisi siya sa akin nang inirapan ko siya. “He’s taking me as a challenge, Autumn.”
“You’re the only one who believes your bullshit, Ice.”
“You’re the one who told me to lie, bitch.”
She snorted and shook her head saka dinuro ako ng saglit. “Not my fault you suck so bad at lying.”
Iyon lamang at iniwan na niya ako. Naringgan ko siyang nagpaalam sa tatlong nasa sala at nagkakape habang nagkukwentuhan. May pasok siya kaya’t ako lang din ang matitira sa kwarto ng gabing iyon.
Inabala ko ang sarili ko sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Nang matapos ay iniligpit ko ang mga iyon at nagpunas ng kitchen counter. Napatigil ako nang mahagip ng paningin ko si Prim na nakadantay ang ulo sa balikat ni Trina, ang mga daliri ng asawa’y malambing na sinusuklay ang buhok niya.
That moment was so intimate that something about it pulled on my heart. Aaminin kong sa ilang taon na pagkakawalay ko kay Prim, inisip ko rin kung mapapalaki ba siya ni Mama at ni Lolo ng tama. Nag-alala akong baka maging kagaya siya ni Logan. O maging kagaya ng mga lakaki ng Ilagan. Men in my family do not know how to love. How to be gentle. They’re cavemen through and through. Sadistic. Aristocratic. Sexist. Dominant. Madalas, natatakot akong maging ganoon ang kapatid ko. Natatakot akong makitang ganoon din siya palakihin.
But seeing him now so close to his wife, his eyes full of love and devotion… my heart sings with happiness despite the turmoil that I had to go through today. An Ilagan male loving somebody else other than himself? That’s a miracle in its rawest form.
“He grew up well, didn’t he?”
Nabaling ang atensyon ko kay Griffin na nakapamulsang nakasandal sa kabilang dulo ng countertop. Nag-iwas ako ng tingin at tinapos ang pagpunas doon saka naghugas ng kamay. To my surprise though, he came up behind me. So close that I can feel his breath against my right ear and my cheeks.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko’t napalunok. Noon ko muling naramdaman ang epekto niya sa akin. God, but it didn’t fade the way I expected it to do so after six months. Tila mas lalo lamang lumala. Hindi niya pa ako hinahawakan pero pakiramdam ko’y sinisilaban na ng apoy ang katawan ko sa presensya niya.
“It’s getting late,” I managed to grit but it lacked the sharpness I would have preferred to be laced with it. “Hindi ka pa ba uuwi?”
May amusement sa tono niya nang sagutin niya ang tanong ko ng isa pang tanong. “Feeling threatened already?”
Kumuyom ang kamao ko. It annoyed me to no end that he knew.
Piit na piit ang singhap ko nang maramdaman ang mga daliri niya sa likuran ko. Magaang na humahaplos pataas. Sa balikat, sa braso, maglalaro sa leeg ko. It took almost all of me to not give my reaction away.
“Tell me what to do to fix us, princess. Tell me how to get through to you.”
I don’t know. God, but I don’t know!
Mariin akong napapikit nang maramdaman ang tungki ng kanyang ilong sa pagitan ng leeg ko. His lips now whispering kisses against the skin, eliciting an involuntary shiver from me.
“Wala kang ideya kung gaano kita kagustong angkinin ngayon, Lyselle. Galit na galit ako sa ‘yo. You hurt me and I know I don’t deserve you, but damn, princess, first sight in six months and I knew I’d beg to walk on broken glass if it meant I can feel your body writhing under mine in the throes of passion.
“I want your soft mouth on my c**k. I want to feel your moan vibrating against it, princess. Alam mo ba kung ilang beses kong pinanaginipan ‘yon sa anim na buwan? How hard I jerked off to the thought of you, your slick, tight p***y, clenching around my d**k, milking it so hard?” He groaned and the vibrations of that traveled through my skin downward I almost moaned. “That and working kept me sane, Lyselle. God, but I wanted to punish you so damn much. I wanted to hurt you, too… make you feel the same agony I felt that day. I wanted to f**k somebody else, take pictures of them in the midst of passion, and send them over to you so you burn with jealousy you’re overcome with the urgency to kill someone else who dared put their hands on me.”
Hindi ko napigilan ang pagtutop ko sa aking bibig. An act he noticed because he swirled his fingers around my wrist and his other hand wrapped around my waist completely now. Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko, his lips moving against the flesh there now and I was so close to losing it.
“But I can’t. I don’t want you to hurt, I don’t want you to think that of me. I just want to be with you. I want you to trust me not to hurt you, princess. I may bulldoze my way to you moving forward but I just… I don’t want you to run away again. Ayokong marinig kang nagsisinungaling para itaboy ako. Enough of that s**t, Lyselle. Just… enough.”
Natakot ako. Alam kong alam niya na ‘yon ngayon. Natakot ako sa kanya noon. Hanggang ngayon natatakot pa rin ako. Pero hindi ko mapaalis iyong relief na naramdaman ko nang marinig ang mga sinabi niya. For the first time, it felt like… the ball’s in my court but I don’t have to play it because he’ll force it nonetheless. Make me take it. Make me play.
“No more running. I’ll find you, baby. Always.”
NAPABALIKWAS ako ng bangon alas dos ng madaling araw nang sundan ako ng kadiliman sa panaginip ko. Ang mga tinig sa utak ko kapag gising ako’y lumalakas at nagiging malinaw sa pagtulog ko. It had been a long time since I’ve seen my father’s face in my dreams again. I knew what triggered the dream but it still pissed me off that even there, I had no control of it.
He still killed them. He still laughed at my weakness.
And I still refused to fight.
“Hindi ka makatulog, Ate?”
Napatigil ako sa pagsasalin ng lamang brandy sa canister nang marinig ko ang tinig ni Trina mula sa likuran ko. Kasunod niyon ang marahang tunog ng nagsaradong pintuan.
I looked back over my shoulder and smiled at her. Nakita ko siyang naupo sa arm rest ng sofa at pinagmamasdan ang ginagawa ko. Ibinalik ko ang takip ng canister at kinuha ang baso bago sumimsim sa laman niyon.
I hated this liquid. Its scent reminded me of my father. Which is why I fought tooth and nail to be able to gulp one down. It feels like a mini victory to me when I get to do so. It’s a mockery of him, a way for me to let him know his darkness can’t touch me. Not now, not ever.
“I suppose I can’t offer this to you?” tanong ko na tumingin sa hawak kong baso.
Ngumiti siya at umiling. “Hindi rin ako umiinom, Ate.”
Sumandal ako sa bintana para humarap sa kanya. Mataman ang titig niya sa akin, para bang tinatantya ako. For all intents and purposes, I should be the one doing that. Pero naghahalo ang guilt sa pag-aalala ko para kay Prim. I still feel like everybody thinks the same way I think of myself—a hateful villain. The enemy.
“Pasensya ka na, Ate Lyselle. Hindi ko rin sana gustong madamay ka pa sa nangyayari. Ayoko ring madamay si Prim sa pinasok kong gulo. Ako naman ang nag-umpisa no’n, eh. Ako lang dapat ang humaharap sa problemang iyon.”
Trina was so young. I can’t help but be amazed at how she handled all of this. How brave and how intense her sense of justice is.
I gave her a tiny smile. “Gustong ma-involve ni Prim. Knowing him, kahit anong gawin mo, hindi mo rin ‘yon mapipigilan.”
Nakangiti siyang yumuko’t pagkuwan ay pinagsalikop ang kanyang mga daliri saka nagbalik ng tingin sa akin. May kakatwang emosyon na sa mga mata niya nang mga sandaling iyon. “Mahirap siguro para sa ‘yo, noh, Ate? Para kang… pinatapon ng basta. Na parang wala kang bilang sa pamilyang ‘yon. Na parang wala kang mararamdamang sakit.”
Humigpit ang hawak ko sa baso. In my mind’s eye, I saw myself on that very first day in New York streets. A teen, barely sixteen, with her chin up and a wavering fire in her eyes, trying to scare away any bad people that may attempt to do her harm. Pero takot na takot ako no’n. I knew I was going to die there, some way or another. Who survives on a strange place with no one to guard her or protect her?
By some miracle, I did. And I kept taking that for granted.
“Kung mayroon man sigurong isang Ilagan na hinahangaan ko bukod kay Prim, ikaw ‘yon, Ate Lyselle. At alam kong hindi mo ako agad magugustuhan dahil sa unang naging intensyon ko kay Prim. Pero gusto kong makuha ‘yong approval mo, Ate. Gusto kong magustuhan mo rin ako at mapagkatiwalaan mo ako.”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Perceptive little thing. She knew I didn’t trust her and I was thinking of her intentions because of her initial hatred towards my family. Sumagi sa isip ko ‘yon. Na baka hanggang ngayon ay ginagamit niya ang kapatid ko para maghiganti. Posible naman ‘yon, hindi ba? An eye for an eye.
“I trust you, Trina. For one, you’re carrying my brother’s child inside you. I have to trust you not to ruin his or her father’s life by hurting him.”
I got to give her props for not wincing. But the flicker in her eye told me she planned that at least once upon a time.
“Alam kong walang kinalaman si Prim sa nangyari sa kapatid ko. Pero no’ng una ko siyang nakita, kahit alam kong inosente siya, hindi ko pa rin maiwasang hindi magalit. Na hindi siya maihalintulad sa ama’t lolo niya. Pero pinatutunayan niya sa akin ng paulit-ulit na mali ako ng akala. Na malayong-malayo siya sa kanila. Kaya’t ganoon din ang gagawin ko, Ate. Ikaw na lang ang natitirang pamilya ni Prim. Ayokong ilayo ‘yong nag-iisang taong pinagkakatiwalaan at sinasandalan niya ngayon. Alam kong gusto niyang maging matapang para sa aming dalawa pero wala siyang paghuhugutan ng tapang na ‘yon kung hindi niya alam na makakatakbo siya sa ilalim ng proteksyon mo.”
Tragedy is comedy misunderstood. I laugh at ridiculous moments like this when people think I’m this invincible female Ilagan who went against all odds to drive her demons away. Bullshit. My family screwed me over more times than necessary and they don’t give a f**k if their demons fled over to me to consume my every waking day.
Inilapag ko ang baso sa windowsill at humarap doon para titigan ang kawalan. Malalim na ang gabi ngunit tanaw ko pa rin mula roon ang ilaw ng mga sasakyang nagdadaan sa highway. They seem like christmas lights twinkling in the streets. If I squint my eyes enough, they’d look like stars.
“Prim hated me when he was young, did he tell you that? Sa mata niya, sinira ko ang pamilya namin. Iniwan ko siyang mag-isa sa pangangalaga ng nanay naming isang piping alila sa loob ng bahay na iyon. He thought I should’ve just kept quiet. Let it pass. That I risked my life and his when I did what I did.”
Nangibabaw ang katahimikan ng ilang saglit. Mayamaya’y narinig ko siyang bumuntong hininga. “Magkaaway kami ng Ate ko bago siya mawala. Paborito siya ng Papa. Matalino siya, laging may honor sa school. May pangarap, may ambisyon. Samantalang ako… ang gusto ko lang no’n makipaglaro, makipagbarkada. Alam kong mahirap kami pero bata ako na gustong yakapin ang buhay. Pero si Ate Maggie, iba siya. Gusto niyang makaahon kami sa hirap kaya kahit anong pwede niyang maitulong kina Mama’t Papa gagawin niya.
“No’ng araw bago siya magpunta sa restaurant para mag-apply ng trabaho, nag-away kami. Gusto niya akong magseryoso sa pag-aaral. Gusto niya tigilan ko ang pagbabarkada. Kapag daw natanggap siya sa ina-apply-an niya, ie-enroll niya ako sa review class o kaya’y kukuha siya ng tutor para sa akin. Nainis ako. May mga nasabi akong pinagsisihan ko. Sabi ko, sana mawala siya para wala akong kakompetensya kay Papa. Para wala nang magaling, para hindi ako naikukumpara sa kanya ng paulit-ulit."
Kumuyom ang kamao ko at may bumikig sa lalamunan ko. Naririnig ko ang tinig niya sa utak ko. Mas malakas kaysa sa panaginip ko. Ayokong mamatay na hindi nakakahingi ng tawad sa kapatid ko…
A tear fell into the gray paint of the windowsill. Tumingala ako para piitin ang mga susunod pa pero dinig na dinig kong nababasag ang puso ko.
“Kung may nasabi man si Prim noon sa ‘yo, Ate, alam kong hindi niya ‘yon sinasadya. Baka natakot lang din siya kasi ikaw lang ang kakampi niya sa bahay na ‘yon. Ayaw niyang mawala ka sa buhay niya. Pero alam ko, nararamdaman ko, na walang ibang minahal at gustong protektahan si Prim sa pamilya n’yo kung hindi ikaw.”
Natagpuan ko ang sarili kong ngumingiti. “He loves Mom, Trina. Mom would’ve protected him had she known.” Kahit pa gaano siya kawalang kwentang ina sa akin, hindi niya pababayaan si Prim. That I know for certain.
“Sa tingin ko… hindi na ‘yon totoo ngayon, Ate.”
Natigilan ako. Pumihit ako ng bahagya para sulyapan siya. “Anong ibig mong sabihin?”
I saw her throat moved. Naglikot ang mga mata niya na para bang hinahanap ang tamang salita o kaya naman ay pinag-iisipan ang mga susunod na sasabihin.
“Hindi ko siya hinuhusgahan bilang ina. Naniniwala ako na mahal niya si Prim sa sarili niyang paraan. Pero no’ng nakikipagbalikan sa akin si Prim, ang Mama n’yo lang ang tanging nakakaalam ng tungkol sa akin. No'ng umamin siya sa kanya tungkol sa kapatid ko, ang sabi ni Prim ay parang natanggap naman niya ‘yon at parang handa rin siyang tumulong kung anumang mangyari. Pero no’ng araw na ‘yon na nabaril si Prim, nando’n ako, nagkita kami. The bullet was for me, humarang lang si Prim.”
Natutop ko ang dibdib ko. Samu’t saring emosyon ang bumangon mula sa kaibuturan ng pagkatao ko. Galit, pagkadismaya, pagdadalamhati. My Mom who I kept protecting when I was a child because it had to be the two of us that needs to stay strong in a patriarchal family. My Mom who I thought won’t even lift a finger to hurt a single strand in my brother’s hair. I accepted it when she stood in the sidelines while I was being hauled off to the airport. Natanggap ko noong hindi niya ako prinotektahan. Pero hindi ko kayang masikmura na maski si Prim ay ipinagkanulo niya sa anak niya sa labas para lamang sa pansarili nilang kapakanan.
“Prim knows this?” I asked, whispering.
Tahimik na tumango si Trina, ang mga mata niya’y nagniningning dulot ng mga nakapiit na luha. “Siya ang nagsabi sa akin na ang nakakaalam lang ng tungkol sa amin ay ang Mama ninyo. Alam kong hindi man aminin ng deretso ni Prim pero iyon din ang iniisip niya. Kaya no’ng nalaman ko ang tungkol sa anak namin, hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin ang alok niya. Mamamatay akong lumalaban para sa anak ko, Ate. Alam kong gano’n din si Prim kaya siya umalis. At kaya siya sa ‘yo unang humingi ng tulong.”
Mariin akong napapikit at tuluyang dumausdos sa sahig.
There were moments in time I wished everything was just a dream. That I’d somehow be back at fifteen years old, living a normal teenage life. Pero hindi na ako ‘yon. And for years, I ran away. For years, I just accepted the fact that I’m way too far gone. I tried to salvaged the rest of my life that made sense to me. My self worth. My everyday life. I tried to live, make the best of what remained mine, because I didn’t want them to win. Kapag winakasan ko ang buhay ko, it’s as good as admitting defeat. And that’s the only thing holding me together, bounding me to this life.
And I was stupid to think that. It suited me to think of only my survival through these years because that’s how I know to cope. To exist. But I have Prim. I have my friends who treated me as family. I have… I have Griffin.
That’s enough motivation for me.