Hanggang sa mag- Umaga na Lamang ay Panay parin Ang pag- iyak ni Mang Ronny sa harap ng bangkay ng asawang binalbal ng mga aswang kagabi.aalis pa Naman sana Sila sa Araw na ito ngunit nakakatamad nang umalis ngayong nawala Ang asawang si aling marga.damang dama Naman Nina Gandara Ang kalungkutan ng magtitong Anastasia at Mang ronny.ang mga bangkay ng mga aswang ay sinunog na lamang nila ng umagang iyon.
"Hindi na natin papayagang isa pa sa atin Ang mabibiktima ng mga aswang..at ngayong Araw na to ay ihanda natin Ang ating mga sarili ..tutulongan ka namin Gandara sa pagbawi ngayon sa iyong kambal na kapatid upang makaalis na Tayong lahat rito!" Gigil na wika ni Mang Lauro.
Awang - awa ito sa sinapit sa Asawa ni Mang Ronny.
"Oo nga Gandara,tutulongan ka namin ngayong lahat sa pagbawi sa iyong mga kapatid.." Sabad ni Alexander.
"Hindi mo kami pinabayaan lahat at tinulongan mo kami,kaya Hindi ka rin namin pababayaan.." Sabi Naman ni Mang Pedong.
"Sasama na rin Ako sainyo!! Ipaghihiganti ko si tita Marga!!" Galit na wika ni Anastasia.
"Salamat po sainyong lahat..at Hindi na talaga pweding may Buhay pa ang masawi sa Kamay ng mga aswang.." tugon Naman ni Gandara.
"Sandali po,huwag Muna kayong umalis,baka mamaya darating na sina daddy at mommy..at Kukunin na nila Ako dito.." Sabad Naman ni Beah.
"Ngayong mga 1:00 pm pa kami sasalakay sa mga aswang Beah..kailangang pagplanuhan pa namin ng mabuti Ang aming gagawin dahil Hindi Basta Basta itong aming gagawin,.lulusob kami sa pamayanan ng mga aswang upang makuha lang Ang mga kapatid ko .." Tugon ni Gandara.
Di nagtagal ay may tumawag bigla sa cellphone ni Alexander. Hindi Kilala ni Alexander Ang number.
"Kuya Xander! Sagutin niyo po ,baka si Daddy Yan..Diba hiningi ko Yung number mo kagabi? Ibinigay ko Kay Daddy.contact daw Siya ngayon kapag nasa barrio proper na Sila upang tanungin Ang tamang direksyon papunta dito sa Bahay na ito.." wika ni Beah.
"Ahh,okay.. yes hello..??" Ani aling Alexander sa kabilang linya.
"Hello,Daddy ito ni Beah..kaninang madaling Araw pa kami bumyahe kaya nandito na kami ng asawa ko sa barrio proper ng Manara.hingin ko sana Ang skitz papunta diyan.." anang nasa kabilang linya.
Napatingin si Alexander Kay Beah at sa lahat na naroroon.
"Tama ka Beah,si daddy mo nga.." Ani Alexander.
Binigyan nga nila ito ng direksyon upang makarating sa Bahay ni Mang Ronny Ang dalang kotseng sinakyan ng mga ito.
Katatapos lang nilang mag almusal lahat nang Isang kulay blue na sasakyan Ang huminto sa Mismong tapat ng Bahay Nina Mang Ronny.napasilip Silang lahat at si Beah Naman ay tuwang tuwang sumalubong sa kanyang mga magulang.
Nanonood lamang Silang lahat sa pagbaba mula Sa kotse ng mga magulang ni Beah.unang bumaba Ang lalaking kaedad lamang Nina Mang Lauro,nakasalamin ito at halatang mayaman.pagkuway bumaba na rin Ang ina ni Beah na kaedad lang din Nina Aling bebang at aling marga.sa isip ni gandara ay parang pamilyar sa kanya Ang daddy ni beah.at ganoon din si Alexander at Mang Lauro ay parang pamilyar sa kanila Ang Ina ni Beah.
Kitang kita nilang lahat Ang Pagsalubong ni Beah sa mga magulang at Ang pagsampal ni Mang Fernando sa anak na si Beah!!
Nanlaki ang mga mata Nina Gandara nang Makitang sinaktan si Beah ng ama nito.mabilis na lumabas si gandara na sumunod Naman sina Alexander.
"Magandang Umaga po sainyo! Kami po Ang nakaligtas Kay Beah Mula sa mga aswang,huwag niyo Naman pong sasaktan Ang anak niyo! Nag sacrifice nga kaming lahat para sa kanya at dapat po matuwa po kayong ligtas Ang anak niyo!" Di nakapigil na wika ni gandara habang siya'y papalapit sa kinaroroonan ng mga ito at nakasunod Naman sina Alexander at kaloy.Humagulhol Naman ng iyak si Beah.
"Huwag kayong magmakialam!! Hindi niyo alam Ang ibinigay na sakit ng ulo sa amin ng batang to! Mahal namin Ang anak namin pero Galit lang talaga kami sa ginagawa niya!!" Sabad Naman ni aling Sandra na nakatingin Kay gandara.
Si Mang Fernando Naman ay natigilan at napatitig sa Mukha ni gandara.at ganoon din si gandara ,natigilan din ito nang Makita ang buong Mukha ng ama ni Beah sa malapitan.
"N- nakikita na kita..Kilala kita.." Ani Mang Fernando Kay Gandara.
"K- kayo po Ang ama ni Beah? "Nagulat na sambit ni Gandara.
Kilala niya ito,Kilala niya Ang daddy ni Beah! Ito Ang kanyang amang umabandona sa kanila ! Ilang taon na Ang lumipas,ito Ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang Ina at ito Ang dahilan ngayon kung bakit sumuong siya sa peligrong Lugar ng mga aswang dahil nandito Ang kanyang kambal na Kapatid na napilitang ipa adopt noon ng kanyang Lola.
"Kilala mo Ako?? Pamilyar ka rin sa akin.." Ani Mang Fernando.
Di na Kilala ni Fernando Ang kanyang panganay na anak dahil maliit palang si gandara nang siya'y umalis.
"Tay?? Kayo ho ba Ang tatay Kong si Fernando!?" Mariing Tanong ni gandara.
Nagulat Ang lahat sa narinig.
"A- ano?? Oo,Ako si Fernando..I- Ikaw ba Ang panganay Kong anak na si gandara?? Ikaw nga ito anak!" Bulalas na wika ni Mang Fernando nang matitigan ng maigi Ang magandang Mukha ni gandara at ikinumpara sa isip niya ang magandang Mukha ng maliit pa niyang panganay noon.
natuwang yumakap ito sa anak ngunit biglang itinulak ito ni Gandara!
"Ikaw nga Ang aKing ama! Pero Hindi ko sinasabing tinanggap kita ngayon! Dahil para sa amin ay Wala kana! Mula nang iniwan mo kami ay iniisip kana naming Wala na rin!!" Galit na sigaw ni Gandara.
Gulat na gulat sina Beah sa narinig.Samantalang si Alexander ay nanlaki din ang mga mata nang Makita ang buong Mukha ng mommy ni beah.nanggagalaiting lumapit din si Alexander saq mga ito.
"Mommy Sandra!!? Ikaw ba ito!" Singit ni Alexander.
Nagulat sina Sandra at Fernando Lalo na Ang lahat na nakarinig.
"Alexander ! Anak!??Ikaw ba Yan anak??n- nandito din kayo?" Namutlang tugon ni Sandra.
Nagkatinginan si Gandara at Alexander,Hindi nila akalaing Ang kanilang Ina at ama ay Siya palang nagsama sa panahong iniwan Sila ng mgaq ito.umiiyak na lumapit si Sandra sa anak na si Alexander at nagmamakaawa Ang Mukha nito para lang patatawarin niya ito.
"Alexander anak.." sambit nitong humahagulhol.
Natulala Naman si Beah sa katotohanan.para itong manikin na Hindi makagalaw sa kinatatayuan.sina kaloy,Mang Pedong,aling bebang ay napanganga nalang din Ang mga ito.at higit sa lahat si Mang Lauro na nasa tabi Nina kaloy ay na shocked ito nang Makita ang asawang iniwan sila noon ng anak na si Alexander.at Ang nakakagulat ay Ang ama Pala ni gandara Ang sinamahan nito noon,iniwan din Pala ng ama sina Gandara at sumama sa kanyang asawang si Sandra.
Nais sanang hawakan ni Sandra Ang anak na si Alexander nang makalapit na ito sa anak na iniwan noon ngunit matalim Ang mga tingin at Galit na Umatras si Alexander.
q
"Bakit pa kita nakitang muli!? Muling nanariwa Ang mga sakit na ginawa mo sa amin ni daddy Lauro!"
"Alexander..anak ko..huhuhu.." Ani aling Sandra.
"Anak Gandara,patawarin niyo Ako,maniwala ka anak,binalikan ko kayo pero Wala na kayo sa dati nating tinitirhan..matagal ko na kayong hinahanap,salamat at nagkita tayo ngayon,gusto Kong makita Ang mga kapatid mo,kumusta na Sila?? Ang nanay mo,kumusta na Siya???" Sunod-sunod na tanong ni Mang Fernando na di napigilan Ang sunod sunod na pagtulo sa mga luha.
"Dahil itinanong mo Yan ay SaSagutin ko Yan,para Malaman mo na rin na malaking epekto sa amin ang kataksilan niyo!! Wala na si nanay ,Patay na Siya,dalawang taon palang Ang kambal ay Wala na kaming Ina! Anim na buwan Mula nang umalis ka ay namatay Siya dahil sa sobrang kalungkutan!" Galit na Sagot ni Gandara.
Nagulat si Mang Fernando sa narinig.
"Ano??"
"Oo! At alam mo ba tay? Ipina adopt ni Lola Ang kambal kong kapatid sa kanyang kakilala dahil di niya kakayanin Ang mag- aalaga ng apat niyangq apo,pero sa kasawiang palad ay ibeninta ang kambal Kong kapatid sa kanyang kakilala sa Isang pamilyang Hindi nito kabisado at nahuhulaan ni Lola na mga ASWANG Ang nakabili ng kambal, kaya iyan Ang mission ko dito sa Lugar ng mga aswang,Ang Kukunin Ang aKing kambal na kapatid!! Ako nalang ngayon Ang nag- iisa sa Buhay Tay kaya nagsisikap akong makuha Ang aKing mga kapatid..dahil Patay na rin si Heninah,namatay Siya sa sakit at si Lola ganoon din,Wala na rin Siya!" Matigas Ang mga katagang bigkas ni Gandara sa ama.si Heninah ay Ang pangalawang anak ni Mang Fernando.