YUGTO 44

1367 Words
Nanlumong umiiyak si Mang Fernando na tila ba nawalan ito ng lakas sa mga narinig Mula sa anak na si gandara. "H- Hindi totoo Yan anak..Galit ka lang sa akin kaya sinabi mo Yan.." Ani Mang Fernando na sobrang sumisikip Ang dibdib nito. "Hindi Ako sinungaling! Hindi Ako katulad sayo!! Sinabi mo pang dadalaw ka lang sa pinsan mo noon! Pero anong ginawa mo?? Hindi kana bumalik! Iniwan mo na kami, hinihintay ka namin ni Heninah noon at ng aming ina,kapag Araw ay lagi kaming nakaabang noon sa labas,nakatanaw sa malayo baka paparating kana!,pero namatay nalang si nanay ay Hindi kana bumalik! Umaasa parin kami noon ni heninah baka uuwi kapa,umaasa kaming babalikan mo pa kami dahil Wala na kaming Ina! at nahiwalay na rin sa amin Ang bunsong kapatid naming kambal na mas Lalong ikinalungkot noon naming DalawA pero namatay nalang din si Heninah ,Hindi kana bumalik tay! Hindi mo na kami binalikan! Ipinagpalit mo ang pamilya mo,Ang mga anak mo sa iisang babae,sa Kabit mo!! Wala kang konsensya! Kaya Hindi kita mapapatawad Tay! Hindi..!!" Sunod sunod na sumbat ni gandara na di napipigilan Ang umiiyak ng Todo. "Gandara anak,,Hindi ko akalaing ganoon Ang mangyari,..bumalik Ako pero Wala na kayo.." Ani Mang Fernando. Si aling Sandra Naman ay walang tigil Ang pag- iiyak nito at doon ito nakokonsensya sa mga narinig Mula Kay Gandara sa sinapit ng Buhay ng mga ito nang inagaw niya Ang ama ng mga ito.Parang di makahinga si MangFernando sa mga nalalaman.at si Mang Lauro ay ni Hindi lumalapit man lang kahit nakita na rin ito Nina Aling Sandra at Mang Fernando muling pumasok ito sa loob ng Bahay Nina Mang Ronny at sumunod nalang din dito sina kaloy.para Kay Mang Lauro ay lumipas na Ang sakit na ginawa ng jna ni Alexander at Wala na siyang makapang kunting pagmamahal sa Ina ng kanyang anak.iniwan Nina Alexander at Gandara sina aling Sandra at Mang Fernando sa labas na kapwa parin nasasaktan sa mga narinig Lalo na na Hindi Sila matanggap at mapatawad ng kanilang mga anak. "Dad,.sasalakay sina ate gandara ngayon sa mga aswang para makuha Ang kambal niyang kapatid na anak mo rin Pala at Kapatid ko din.nahihiya po Ako dad dahil Ako po ang bunga ng mga kasalanang ginagawa niyo ni mommy.." Ani beah at umiiyak na rin. "Sorry..anak.." Ani Sandra na patuloy parin sa pagluha. "Hindi pweding Wala akong gagawin ..Magalit na kung magalit Ang ate gandara mo anak ay sasama Ako sa kanila upang babawiin ko ang mga anak Kong kambal mula sa mga aswang dito!" Disperadong wika ni Mang Fernando. Kahit Hindi pinansin ni gandara Ang kanyang ama ay sumama talaga ito sa kanila sa pagpunta sa pamayanan ng mga aswang para tumulong sa kanila may baril itong Dala katulad Nina Alexander at Mang lauro.baril na Ang Kay Mang pedong at kaloy dahil pinahiram Ang mga ito ni Mang Fernando at si Anastasia Naman Ang humawak ngayon sa espada ni kaloy.naiwan Naman sina aling Sandra,aling bebang,Tala,Beah,pepoy at Mang Ronny sa Bahay.pito Silang lahat Ang lulusob sa mga aswang.Sina Mang Fernando,Mang Pedong,Mang lauro, Alexander,kaloy, Anastasia at si gandara.matalim na itak at kuwentas Ang armas ni gandara.kung magiging alanganin nanaman ay pwedi niyang gagamitin ulit Ang matinding oracion ng kanyang kuwentas para lang makuha Ang kanyang kambal na kapatid! At madadagdagan ng Isa na namang taon Ang pagkakawala ng kanyang kakayahang manghula! Galit at Inis Ang naramdaman ni gandara nang nagpupumilit na sumama talaga sa kanila Ang kanyang amang si Fernando. "Dito lang Muna tayo saglit.. sa unahan ay pamayanan na ng mga aswang,kailangang dahan dahan lang Tayong lalapit sa pamayanan nilang iyan..at kapwa magmamatyag sa buong paligid magtago lamang Tayo sa mga halamang nakapaligid sa mga Bahay nila..at kapag lalabas Ang mga ASWANG sa mga Bahay nila ay alerto niyo Ang mga itong tutukan ng mga baril niyong hawak at sisigaw agad Ako na Ibigay nila sa atin sina Ding at Ging..Upang di Sila mapapahamak! Hindi pa Sila malakas ngayon dahil may Araw pa at Hindi pa gumagabi kaya kailangang samantalahin natin Ang lahat habang Hindi pa Sila pweding mag- ibang anyo.kapag hapon na Kasi ay kaya na nilang mag- ibang anyo at lumalakas na Sila,kaya habang 1:20 pm palang ay Kailangang makuha natin sina Ding at Ging.." Mahabang Saad ni Gandara. "Oh Sige Gandara.." tugon ng lahat maliban sa amang si Fernando.tahimik lamang ito.nakadama ito ng konsensya sa nangyari sa kanyang mga anak. Dahan dahan nga Silang lumapit sa maraming dikit dikit na Bahay ng mga aswang.hanggat Sila ay nasa paligid na ng Compound Nina Lolo Waldo.si Mang Lauro Ang nakapagturo kung saan Banda Ang compound Nina Lolo Waldo.doon Sila pumuwesto sa paligid ng compound ng mga ito dahil nandoon si Ding at Ging sa mga ito.pero sa unahan ng compound ng pamilya Nina aling lolita ay may mga Maraming Bahay pa ng mga aswang na Kapit Bahay Nila.alam ni Mang Lauro doon dahil ilang beses na siyang dinala doon ni lolita noong Hindi pa niya alam na mga ASWANG Ang mga ito. "Ssshhh..nandito na Tayo..Mang Lauro,sabay na agad kayong lumabas lahat-kayong may mga dalang baril kapag makikita niyong lumalabas Ang mga ASWANG na pamilya ni aling lolita..at tutukan niyo agad ang mga ito sa mga baril niyong hawak.nakuha niyo ba?" Ani gandara sa mahinang boses na may halong senyas. "Okay gandara ." Sagot ni Mang Lauro at pati na rin Nina Alexander,kaloy at Mang Pedong. Si Mang Fernando ay nakahanda na rin sa sinabi ng anak na si gandara.Ilang minuto Ang kanilang pag- aabang nang biglang may narinig silang sigaw ni Ding at Ging. "Palabasin niyo po kami dito!!" Anang tinig ni Ding at Ging na sabay na maiingay na pinagkakatok Ang pintuan kung saan nakakulong Ang mga ito. Di nagtagal ay lumabas si Lolo Waldo at,landa Mula sa loob ng Bahay ng mga ito.at sa mga Bahay Naman ng mga tiyohin at Kapatid Nina aling lolita ay napalabas rin Ang iilan sa mga ito! Sumenyas si Gandara kaya mabilis na lumabas agad sina Mang Lauro -Ang may mga hawak na baril at tinutukan Ang mga pamilya ni aling lolita. "Huwag kayong kikilos!" Sabay na babala Nina Mang Lauro na itinutok Ang mga hawak na baril sa mga aswang na pamilya ni aling lolita. Nagulat pa Ang mga ASWANG.hindi akalain ng mga ito Ang biglang pagsulpot Nina alexander.napatigil din Ang mga ito habang matalim Ang mga Nakakamatay na mga tingin sa kanila ng mga aswang na pamilya Nina aling lolita.!sumunod na lumabas si Gandara at Anastasia habang nakahanda rin Ang kanilang mga sandata.! "Anong kailangan niyo!!?? Hahahaha,masyadong malakas Ang mga loob niyo sa mga ginagawa niyong ito!!" Sigaw ni Lolo Waldo. "Ilabas niyo Ang kambal na sina ding at Ging! Ibigay niyo Sila ngayon sa amin kung ayaw niyong pauulanan namin kayo ng mga bala!!" Matapang na utos at salita ni Gandara. "Ano!?" Tugon ng lahat na aswang Kasama na roon sina landa.si wenona ay Wala ito roon. "Malinaw ang sinasabi ni gandara,at inuutos niya sainyo!! Palabasin niyo Ang mga kapatid niya at ibigay sa amin!! Upang di mawawasak ngayon ang mga ulo niyo sa mga nakatutok na mga baril sainyo!!" Salo ni Alexander. "Pagbabayaran niyo to Gandara!! Hindi namin hahayaang makalayas kayo sa Lugar na ito!!" Gigil na sigaw ni Aling lolita Mula sa loob ng Bahay. Walang nagawa si aling lolita kundi pinalabas sina Ding at Ging Mula sa kulongang kuwarto ng mga ito. "Sige na Ding,Ging,sumama na Kayo sa kapatid niyong disperada,pero tandaan niyong magkambal..pagsisisihan niyo itong lahat,Hindi kami makakapayag na makalayas kayong lahat sa Lugar na ito,hahah!! Lumabas na Kayo!!" Balasik Ang anyong utos na sigaw ni aling lolita. Lumabas nga sina Ding at Ging at tumakbo patungo kina Gandara. "Ate!!" Sabay na sambit ng kambal. Sinalubong ng yakap ni Gandara Ang mga kapatid. "Aalis na Tayo Gandara!! Tingnan mo,nagsilabasan Ang lahat ng mga aswang sa kani- kanilang mga Bahay!!" Sigaw ni Alexander. Nanlaki Ang kanilang mga matang lahat nang makitang nakangising sabay sabay na nagtatakbo patungo sa kanilang kinaroroonan Ang napakaraming mga ASWANG!! At biglang nawala nalang sina Lolo Waldo aling Lolita at Landa. "Sabay Tira....!!!" Malakas na sigaw ni Mang Lauro. At sabay sabay nga Silang lahat na nagpapaulan ng mga bala sa mga aswang na patungo sa kanilang kinaroroonan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD