Dylan was stunned by her kiss, hindi agad ito nakatugon dahil sa pagkabigla. Nang ma-realize naman ni Jeziel ang kanyang ginawa ay agad siyang napabitaw at mabilis na inilayo ang mukha sa asawa. Pakiramdam niya ay namula ang buong mukha niya sa hiya. “Ah a-ano, g-gamutin na lang natin yang sugat mo sa kuwarto. K-Kaya mo bang tumayo?” pautal niyang tanong at kunwari ay sinilip ang duguan na talampakan ng asawa. But Dylan just stared at her. Nang hindi ito sumagot sa kanya ay muli siyang napatingin dito, dahilan para magtama ang kanilang mga mata. Parang biglang naging awkward kay Jeziel ang paligid. Nailang na siya sa klase ng titig sa kanya ni Dylan. “A-Ang mas mabuti pa siguro tatawag na lang ako ng ambulansya para madala ka sa ospital at magamot yang mga sugat mo.” And she immediat

