Imbes na makinig sa lalaki ay mas pinili ni Jeziel bumalik sa kanyang kotse, hahabulin pa sana siya nito pero may mga tao na ring lumapit dito at nagreklamo dahil nagkaroon na ng traffic sa highway, kaya naman wala nang nagawa ang lalaki kundi pumasok sa sasakyan nito at pinaandar na lang iyon. Mabilis na rin niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan at inunahan ang lalaki, bumuntot pa ito sa kanyang likuran pero hindi niya hinayaan na mahabol siya at mas lalo niyang binilisan hanggang sa nawala na ito sa kanyang likuran. Habang nagmamaneho ay hindi naman niya mapigilang isipin ang sinabi nito tungkol sa kanyang mga magulang. Hindi niya alam kung nagsasabi ba ito ng totoo, pero hindi niya mapigilan ang kabahan at mapaisip na baka totoo nga, ayon na rin kasi sa sinabi ng kanyang stepmom na am

