Eight days have passed pero hindi pa rin bumabalik si Dylan sa mansyon, kaya naman kahit papaano ay parang kumalma si Jeziel, pero at the same time ay naninibago siya sa pagkawala ng asawa. Pero kahit wala si Dylan sa mansyon ay tudo asikaso naman sa kanya ang mga katulong, ayon na rin sa bilin ni Dylan na huwag siyang pabayaan at tanungin lagi kung ano ang gustong kainin, gawin or bilhin. Pero sa walong araw na pagkawala ni Dylan sa mansyon ay ni minsan hindi na naisip pa ni Jeziel na lumabas pa ng bahay, nagkulong lang siya sa loob ng kanyang kuwarto at bihira lang kung lumabas, kung may gusto man siyang ipabili ay inuutos niya lang sa mga katulong. At ngayon ay kasalukuyan siyang nagre-review sa kanyang mga subjects dahil malapit na naman ang kanyang pasok. “Señorita, may bisita po k

