Chapter 16
"Good morning, Gorgeous!" masayang bati ni Kim sa sarili nang magising siya kinaumagahan. Nakangiti siya sa harap ng salamin. Sinipat niya ang sarili. "Oh no! Pimple!" nanlulumo niyang sambit nang makita ang papatubo pa lang na tigyawat sa kanyang noo.
Inis siyang naghilamos. Kaagad niya ring ininom ang tubig na nasa tabi niya bago naligo. She drink hot water with squeeze lemon juice to detoxify her body. Ganoon ang ginagawa nuya araw-araw. Hindi siya masyadong nagkakape dahil ayon sa kanyang doktor, too much intake of coffee can cause infertility. She was scared at the thought taht she won't have children in the future. Nasa treynta na siya at hindi malabong mangyari ang kinatatakutan niya. She want kids in the future. Kahit wala ng asawa basta may anak lang siya, ayos na.
Nang matapos siyang maligo ay kaagad siyang kumain ng almusal. Maaga kasing gumigising ang kasambahay nila. Noong una ay hindi siya sanay sa oras dito sa bansa dahil mas nasanay siya sa Australia. Doon na siya lumaki. Kumakain siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Dahil wala naman siyang kasamang kumain at wala siyang mababastos ay sinagot niya iyon. Her friend Sabanna is face timing her.
"Gorgeous!" bulalas nito nang makita siya. "Akala mo naman sinipot kagabi," pang-aalaska nito.
"Sabanna, I'm eating," maarteng pambabara niya rito. "What do you want?" tanong niya sa kaibigan.
"Tss! I just want to see your face," nakanguso nitong sagot. "Anyway, let's meet!" suhestiyon nito.
Kaagad siyang uminom ng tubig bago hinarap ang kausap. "Taray! Iinom lang ng tubig kailangan elegante pa ring tingnan!" tumatawang komento nito.
Kung nasa harap pa lang niya ito ay nasabunutan na niya ang babae. Mahilig kasi itong mang-alaska tapos pikon. "Your irritating, Sabanna." Nagpunas siya ng bibig.
"I know," mayabang na sagot nito.
"I'm busy," paalam niya rito. "I have to go see Vahn," aniya patungkol sa binata.
"Tss. Hindi ka no'n haharapin! I dare you!"
"Can you please stop ruining my mood?" inis na niyang singhal sa kaibigan. Tumawa pa rin ito.
"I guess I'll see you around then?" anito saka ibinaba ang tawag.
Pinakawalan niya ang isang malakas na buntonghininga habang naglalakad pabalik sa kanyang kuwarto. Kailangan niya pang mamili ng susuotin dahil nahihiya siya sa binata. Kahit pa sabihing siya si Kim Smith ay pagdating naman sa binata ay nawawala siya sa sarili.
Kaagad siyang bumalik sa sariling kuwarto at sinipat ang sarili sa salamin. Naglagay din siya ng kaunting perfume sa damit at nakangiting binitbit ang maliit niyang purse na halos wala namang laman. She need to buy gifts for the man she likes. Gusto pa lang. Hindi pa mahal. At sa lahat naman ng lalaking nagustuhan niya ay ito lang din naman ang namumukod tanging hindi siya binibigyan ng pansin.
"He's a challenging man," aniya sa sarili habang naghahanap ng Rolex. Pansin niya kasi ay walabg relos ang binata. Mukhang hindi ito mahilig sa mga mamahalin.
"I'll take these." Turo niya sa mga nakahilerang relos sa harap niya. Naghanap din siya ng iba pang puwede niyang ibigay sa binata. Nang matapos ay kaagad siyang nagpahatid sa Condo nito. Masama niya ang kanyang bodyguard.
Nakangiti siya buong biyahe at excited niya. Gusto niya ring malaman kung bakit hindi sumipot ang binata sa date nila kaya tatanungin niya ito mamaya. She started humming somgs in her head.
Kaagad siyang umibis ng sasakyan nang maratinh nila ang destinasyon. Wala pa man ay kinakain na siya nang kaba. Pero hindi siya nagpatinag. Taas noo siyang naglakad papasok bitbit ang kanyang mga pinamili. Hindi pa man siya nakakapasok ay hinarang na siya ng guard.
"Good morning po, Ma'am," maotoridad nitong bati sa kanya. "Sino po sila?" tanong nito.
"Ah, I'm here for Mr. Giovannie Zenith," diretso niyang sagot. Kaagad na rumehistro sa mukha ng kaharap abg gulat.
"Ah! Si Sir! Kaalis lang po nila ng girlfriend niya."
Kumunot ang kanyang noo sa narinig. "Girlfriend?" nakataas ang kilay na tanong niya rito. Gusto niyang manigurado dahil baka namali lang siya nang pandinig.
Tumango ito. "Opo! May date po yata sila," anito nang nakangiti.
Kaagad na gumapang ang inis sa kanyang katawan. Nag-init ang kanyang ulo. Ramdam niyang ilang sandali lang ay sasabog na siya sa galit. Hindi pa man siya nagsisimula ay talo na siya. Bumuntonghininga siya at iniabot sa guwardiya ang kanyang bitbit.
"Please give these to him." Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin niyo bagkus ay dumiretso siya palabas. Nagsusuntukan ang kanyang mga kilay.
"Okay lang po ba kayo, Ma'am?" may bahig nang pag-aalala nang itanong iyon ng kanyang bodyguard.
Hindi niya ito sinagot. Dumiretso siya papasok ng sasakyan at halos masira iyon dahil sa lakas nang pagkakasarado niya ng pinto. Gusto niyang tawagan ang kaibigan ngunit alam niyang pagtatawanan lang siya nito kayainabuti na lang niyang hindi sabihin rito ang nangyari.
Tinawagan niya ang binata ngunit hindi ito sumasagot. Naiinis na siya lalo kaya tinawagan niya ang matandang Zenith at sinabi rito ang pinaggagawa ng kanilang apo. "Grandpa," malambing niyang tawag sa matanda nang sagutin nito ang tawag.
"My lovely granddaughter! How are you? You miss me?" malambing nitong tanong sa kanya. Natawa si Kim.
"Yes, Grandpa! Of course!"
"So, what's the problem?"
"It's about Vahn, Grandpa. He's not answering my calls!" sumbong niya rito. Hindi niya sinabi ang nalamang may girlfriend ito dahil baka ikasama iyon ng matanda at mas lalo lang siyang iwasan ng binata.
"What?" tanong nito sa mataas na boses.
"Yes, Grandpa! He didn't show up for our date yesterday! You knew I like him right?" nakanguso niyang saad.
"That prodigal grandson of mine! Don't worry, Ihan I'll talk to him!"
"Okay! Thank you! Good bye!"
"Bye!"
Nakangiti niyang ibinaba ang tawag. Sigurado siyang bukas na bukas rin ang pupuntahan siya ng binata. "That's for sure!" nakangiti niyang sambit at pumalakpak pa. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang binata. Dahil nasa harap niya lang ang kanyang bodyguard ay pansin niya ang pagkunot ng noo nito. Dahil nakasuot naman siya ng shades ay pinakatitigan niya ito. Kunot na kunot ang noo nito ngunit nakatingin sa labas ng bintana.
What's wrong with him?
Nagtataka man sa inaasta ng kasama ay hindi na siya nagtanong. Naglaro siya sa kanyang cellphone. "Please tell Manong to drop me off at Sabanna's cafe. We'll meet up there," saad niya habang ang paningin ay nanatili sa hawak na cellphone. Narinig niya itong bumuntonghininga bago pinindot ang intercom at sinabi sa driver ang utos niya.
Gusto niya itong pagalitan dahil parang pagod na pagod itong magtrabaho ngunit hindi na lang niya ginawa. Baka kasi masama lang ang pakiramdam nito. Ayaw naman niyang magsimula ng away.