Chapter 15
"Lalalalalala." Nakangiti at masayang kanta ng dalagang si Kim habang nag-aayos ng sarili. Nakaharap siya sa kanyang malaking salamin. Nakaayos ang nakalugay niyang maitim na buhok. She wear a red satin dress. Hapit na hapit iyon sa kanyang katawan. Hindi na siya nagulat nang magmukha siyang reyna sa suot. She's a fashion designer and a multi-millionaire business woman. She has cosmetics company na naka-base pa sa ibang bansa. Isa rin siyang Co-founder and Co-Ceo ng Kim and Sabanna. Isang isang sikat na clothing brand.
She's lovely, elegant, soft spoken and beautiful at the age of thirty. Shecs fabulous. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang sarili. She's everyones dream. Lahat na mga bachelor and millionaires ay naghahangad na makadaupang palad niya. But she's a busy woman. Her career is her priority. Dahil maayos naman niyang napatakbo ang kompanya ay pinagbigyan niya ang sarili ngayon.
She is going out for a date. Sa apo ng may-ari ng Zenith Company. Isang beses pa lang niyang nakilala ang lalaki. Noong una ay bigla itong umalis sa kanyang party pagkatapos na magsisigaw ng isang dalagang hindi niya kilala. Magkakilala kasi ang pamilya niya at ang pamilya Zenith kaya sinabi sa kanya ng kanyang lolo na kapag hindi pa siya nag-asawa sa edad na treynta ay ipagkakasundo siya sa apo ng pamilya Zenith. Hindi na siya pumalag dahil noon, trabaho lang ang inaatupag niya.
Giovannie Zakynthus Zenith.
Napangiti siya nang maalala ang pangalan nito. Ngayong gabi ang ikalawang beses nilang pagkikita. Kinapalan na niya ang mukha. Siya ang nag-set ng date nila dahil halatang hindi siya pinapansin ng binata.
"He's hard to get and I like it," malanding turan niya sa sariling repleksyon. Ngumiti siya. "I'm sure you'll like me too. I'll make sure of that," pangako niya sa harap ng salamin.
Kaagad siyang tumayo nang tingnan ang oras. Alas diyes ng gabi ang sinabi niyang oras dahil iyon lang ang libre niya. Alam niya ring maagang umuuwi ang binata kahit tambak ito sa trabaho bulang bagong tagapamahala ng Zenith Company.
"Good evening," bati sa kanya ng bodyguard. Hindi siya sumagot. Iginiya siya nito papasok sa kanyang sasakyan. Nang makapasok ay kaagad na umandar ang sasakyan. Nakasunod lang sa kanya ang kanyang bodyguard. Ibang sasakyan kasi ang gamit ng mga ito dahil ayaw niyang may kasama sa loob maliban sa driver na hindi naman niya nakikita.
"Maybe I'll just call him," aniya sa sarili habang hinahagilap ang cellphone. Hindi siya nahihiya sa binata. Gusto niya ito sa unang kita niya pa lang rito kaya siya na ang gumagawa ng paraan upang pansinin siya nito. Wala naman itong magagawa dahil ikakasal naman sila sa ayaw nito't gusto.
Ilang ring pa ay hindi ito sumasagot. Pinadalhan niya ito ng text message na sinasabing maghihintay siya at tinawagan ulit ngunit walang sagot. Wala ring reply galing sa binata ngunit napansin niyang nakita nito ang text niya. He seened her text. Tinawagan niya ulit ito ngunit namatay ang cellphone nito. Pinakalma niya ang sarili dahil naiinis na siya. Hindi mahaba ang kanyang pasensiya.
Ilang minuto lang ay narating na niya ang restaurant. "Kim Smith," pakilala niya sa waiter na sumalubong sa kanya.
"This way, Ma'am," anito habang iginigiya siya papasok. Malapit sa bintana ang ipina-reserve niyang table dahil gusto niya ng mala-romantic na senaryo. A lit scented candle was on the table making it more cute. Kinikilig siya. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa isang guwapong Zenith? She heard gossips around her.
"Is that Kim Smith? The owner of Her Cosmetics?" rinig niyang pabulong na tanong ng babaeng nakaupo sa kalapit niyang table. Deadma lang siya habang binabasa ang menu. Hindi kasi siya kumain dahil gusto niyang tikman ang mga putahe rito. It is recommended by her friend, Sabanna Uy.
"Yes! That's her! Oh my gosh! This is privilege!" rinig niyang sambit ng kausap ng babae.
Tumikhim siya. Ayaw na sa lahat ay ang pinaguusapan siya na naririnig niya. Hindi naman masama ang mga pinagsasabi nila but she doesn't like nosy people. Ayaw niya ang ganoon. But she remain calm and stunning at the same time.
"The outfit! My gosh! Ang ganda!"
"I know right!"
"Grabe! Ang suwerte ng mapapang-asawa niya, 'no?"
Natigilan siya sa narinig. Ang mapapang-asawa niya ay hindi pa sumisipot. Palihim siyang umirap dahil sa nararamdamang inis. Sumisibol na rin ang pag-aalala dahil baka hindi dumating ang binata. Paano kung hindi ito sumipot? Ano na lang ang sasabihin niya sa mga taong nakakita sa kanya.
"Is she on a date?"
"Malay natin! Pero ang suwerte, ah!"
"Of course! That's Kim Smith for heaven's sake! Tanga na lang ang hindi makipag-date sa kanya," mataray na sagot ng isa.
Marahan siyang tumango-tango dahil sa sinabi ng babae. Tama siya. She should not beg for attention. She deserve better. Pero dahil marupok ang kanyang puso ay pinili niyang hintayin ang binata. Hours passed at hindi pa rin siya sumipot. Nagugutom na siya kaya naisipan nitang mag-order na. She ate her food in peace kahit ramdam niya ang matatalim na titig sa mga taong naroon.
It's twenty-four-hours restaurant kaya marami ang kumakain doon lalo na ang mga mayayamang kagaya niya. Buntonghininga niyang tiningnan ang oras. Wala pa rin. Alam naman niya ang condo nito kaya naisipan niyang puntahan ang binata. Nagtataka namang napatingin sa kanya ang kanyang bodyguard.
"Zenith Condominiums," she uttered. Diretso siyang pumasok sa sasakyan dahil marami na ang nakatingin sa kanya.
Kaagad na sumunod ang driver ng sasakyan. Tiim-bagang siyang sumandal sa upuan. Malakas siya bumuntonghininga dahil sa inis. Binabagabag siya sa dahilan kung bakit hindi siya sinipot ng binata. Hindi niya mapigilan ang mapaisip kung ano ang rason nito. She's mad deep inside. Napahiya siya. Akala pa man din niya ay susunod ito sa gusto niya dahil alam naman ng binata kung ano ang gusto ng lolo nito.
But she like it. Pa-hard to get ito ngayon. She will took it as a challenge hanggang sa mapaibig niya ito. Ilang minuto lang din ang itinagal nila sa highway at narating din nila ang condo. Matayog ang gusali. Tiningala niya iyon mula sa bintana nang nakahinto niyang sasakyan. Zenith Condominiums. Basa niya sa malalaking letrang nakakabit sa itaas ng gusali.
"So fancy," aniya sa sarili. Ilang beses na rin naman siyang nakapunta sa gusali dahil sumasama siya sa lolo ng binata noon. Mabilis siyang umibis ng sasakyan at inayos ang nagusot na damit.
"Tsk!" singhal niya sa inis. "I bothered to dress myself and this is what I've got," inis niyang usal sa hangin habang naglalakad papasok. Kaagad siyang nakilala ng guwardiyang nagbabantay. Pinapasok siya nito at sinabing naroon sa taas ang binata kahit hindi niya tinatanong. Ilang beses na rin kasi siyang nagpunta roon ngunit hindi siya pumapasok. Ayaw niya lang istorbohin ang binata at nahihiya pa siya. Ngunit ngayon ay handa na siyang harapin ito. Hindi maganda ang naging huling pagkikita nila dahil bigla na lang itong nawala sa party niya noon.
"Good evening," bati sa kanya ng mga nakakasalubong niya sa hallway. Nginingitian niya lamang ang mga ito dahil ayaw niyang magsalita.
Pinakawalan niya ang isang malakas na buntonghininga nang mapahinto sa tapat ng unit ng binata. Nilakasan niya ang loob at pinindot ang doorbell. Walang sumagot. Nakailang ulit niya iyong hinawa ngunit wala pa rin. Dahil may sarili naman siyang susi ay binuksan niya ang pinto at dumiretso papasok. Patay ang ilaw. Hindi na siya nag-abala pang buksan ang mga iyon dahil may dala naman siyang cellphone. Napansin niya ang isang mug. Hinawakan niya iyon at mainit-init pa. Halatang kagagamit lang.
"Hmm. He planned to ditch me," mapait niyang usal sa sarili. "I'm not even starting yet," dagdag niya pa.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa kuwarto nito. Alam niyang kuwarto iyon ng binata. Matagal na niyang alam iyon. Ang mismong lolo ng binata ang nagsabi sa kanya. Marahan niya iyong binuksan at sinilip ang loob. Madilim ang buong kuwarto. Ang tanging nagbibigay liwanag dito ay ang kaunting liwanag ng buwan. Hindi nito isinara ang blinds ng bintana.
Nahagip niya ang isang pigura sa kama. Nakadapa iyon. Walang saplot sa pang-itaas. Banayad ang paghinga nito hudyat na tulog na tulog ito. Napangiti siya. Hindi na dapat siya nagtaka. Pero darating ang panahon, makukuha niya ito. Makukuha niya rin ang binata.
Walang emosyon ang kanyang mukha nang maglakad siya papalabas ng condo. Dire-diretso siyang pumasok sa sasakyan at sinabihan ang driver na bumalik na sa mansyon. Bukas na niya kakausapin ang binata tungkol sa naudlot nilang date.
Wala siya sa mood nang tumawag ang kaibigang si Sabanna. "How's your date?" kaagad na tanong nito nang sagutin niya ito sa facetime.
She elegantly sip her red wine. Hindi pa siya nakabihis. "Nothing much," tipid nuyang sagot. Ito pa naman ang isa sa mga kumontra ng sabihin niyang niyaya niya ang binatang Zenith ng date. Dahil wika nito, hindi dapat siya maghahabol. She's gorgeous, elegant, and classy. Dapat raw ay siya ang hinahabol ng mga lalaki.
"Spill the tea," Sabanna added while rolling her eyes. Sa sobrang pag-irap ng dalaga ay muntik pang mahulog ang peke nitong pilikmata. Tinawanan niya ito.
"He didn't show up," Kim said.
Kaagad na rumehistro ang gulat sa mukha ng kaibigan ng sabihin niya iyon. Katulad niya ay hindi ito makapaniwalang hindi siya sinipot. She's the famous Kim Smith after all.
"Duh! You're joking," anito kasabay ang maarteng pag-irap. Ngumiwi pa ito sa kanya.
Inis niya itong sinimangutan. "I'm serious, Sabanna! He didn't show up! I waited for hours! Pumunta ako sa condo niya and I found him sleeping!" iritable niyang singhal sa kaibigan.
Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Are you serious?" hindi makapaniwala nitong tanong. Bigla itong tumawa habang tumatango-tango. "I told you!" anito na animo'y nagbabanta. "Don't date him!" dagdag pa nitong sabi.
Ngumiwi siya sa kaibigan. "But I like him!" protesta niya rito. Hindi niya nagugustuhan ang sinasabi ng kaibigan. Kahit pa sabihing tama ito, nananaig pa rin ang kagustuhan niyang makapiling ang binata. He's like a drug and shecs addicted to him. "I like him! And I'm desperate!" pinal niyang sambit. Tinawanan lang siya ng kausap.
"Whatever! Bahala ka sa buhay mo," Sabanna added in disbelief. Hindi kasi nito lubos maisip na nagiging tanga siya dahil lang sa lalaki.
Ngumiti siya sa kaibigan. "I'm okay, Sab," nakangiting usal niya. "Magiging akin rin 'yon," may halong pagyayabang ang boses niya nang sabihin iyon.
"I'm going to make sure that he'll fall into my hands," she said while grinning.
"Psh! He didn't even bother about your date!" nang-aasar na usal ni Sabanna. Kaagad na tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi nito. Pinagtatawanan siya ng kaibigan.
"I hate you!" Malakas niyang singhal rito.
Mas lumakas pa ang tawa nito. "Whatever, Kim," anito. "Just be careful," paalala nito.
Tumango siya. "Don't worry about me," nakangiting aniya. "Worry about yourself, b***h! You don't have a boyfriend," pang-iinis niya rito. Kaagad itong sumimangot.
"Grrr!"
"Kidding!" tumatawang pang-aasar niya rito dahil halatang nainis ito sa kanya. That's Sabanna. Mahilig mang-asar pero mabilis rin mapikon. Kaagad niyang pinatay ang tawag nang makapagpaalam siya. Kailangan na rin kasi niyang magpahinga. Bukas na bukas ay susunduin niya sa Condo ang binata. Kukulitin niya ito. Kahit ano'ng gawin ng lalaki ay sa kanya pa rin ito mapupunta.
Kaagad siyang natulog matapos ang mahabang oras na iginugol niya sa banyo. Nagmumuni-muni lang siya ro'n at nang mapagod ay saka siya nahiga at natulog.