Chapter 14
"Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Yannie nang mabungaran ang binata. Kauuwi niya lang galing sa trabaho. Hindi niya inaasahang susulpot ito ngayon sa harap niya dahil sa mga natanggap nitong text noon sa mula sa binata. "Akala ko ba ayaw mo na akong makita?" dagdag miyang tanong rito.
"I-I," he stutter.
"Ano?" inis niyang tanong. "Bilis at may gagawin pa ako," nagmamalditang utos niya sa binata.
"I'm here to officially ask you to be my girlfriend," he said those words without blinking. She gasps. Loudly.
"A-ano?" Her heart was pounding hard. Nagulat siya sa sinabi nito at nagbubunyi ang kanyang puso sa hindi malamang dahilan. Akala niya ay handa na ang puso niya na itaboy ang binata. Akala niya ay handa na siyang pakawalan ito ngunit ngayong nasa harap niya ito at sinasabi ang mga salitang binitawan nito kailan lang ang sitang nagiging dahilan kung bakit nawawala siya sa huwisyo.
"Ayos ka lang ba talaga? Wala bang masakit sa 'yo?" paninigurado niyang tanong sa binata. "Baka naman joke 'yan," ismid niyang usal. Ngunit hindi man lang nagbabago ang ekspresyon sa mukha ng binata. Seryosong-seryoso ito.
"I'm serious," he said in a serious tone.
"O-okay," aligaga niyang sagot. "Sige," she added. This time, hinayaan niyang sumilay ang mga ngiting kanina niya pa pinipigilan. "Papayag na ako," aniya.
Napangiti ang binata at astang yayakapin siya nito nang iharang niya ang mga kamay sa dibdib nito. "Ang clingy mo," natatawang komento niya rito.
"Of course!" Hinayaan niya na lang itong yakapin siya. Sa apartment niya natulog ang binata. Ginawa pa siya nitong senorita. Nakaupo lang siya habang abala ito sa pag-aasikaso sa kanya. She smiled. This is real. She thought.
"Are you smiling?" intriga ng binata nang mahagip siya nitong nakangiti sa kawalan.
Tumango siya. "Hindi lang kasi ako makapaniwala," aniya.
"Why?" he asked. Umarko ang kilay nito pataas at bahagyang kumunot ang noo. Natawa siya sa reaksyon nito.
"Kasi, kilala kang tao samantalang . . . " Kaagad na nasakop ng bibig nito ang nga labi niya upang pigilan siyang magsalita nang hindi kaaya-aya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung ano ang ginawa ng binata.
Kaagad itong humiwalay sa kanya at seryosong tumingin sa kanya. "Don't say that," nagbabanta ang boses na anito saka umalis sa harap niya.
"T-that's my first kiss," wala sa sariling bulong niya. Kahit pa mukha na siyang hindi berhin sa paningin ng iba ay iyon talaga ang una niyang halik. She's an out going person with limit. She traced her lips with her fingers. Na para bang naroon pa rin ang labi ng binata. Ramdam niya pa rin ang init nang magdampi ang mga labi nila. Naipilig niya ang ulo at marahang umiling upang gisingin ang sarili.
"Let's eat!" tawag nito sa kanya. Napabalikwas sita ng tayo nang marinig ito. Muntik na niyang makalimutang naroon ito dahil lang sa halik na hindi niya makalimutan. "Are you okay?" he asked. Nag-aalala ito dahil tahimik siya.
Kaagad sitang ngumiti upang gumaan ang tensyong namagitan sa kanila. Namumula pa rin ang mukha niya dahil nahihiya siya sa binata. Sobrang kaswal lang kasi ito sa harap niya at sita itong parang nilagyan ng sili ang puwit. "A-ayos lang ako," tipid niyang sagot habang nauutal pa.
Ngumiti ito sa kanya. "Sorry about earlier." Gusto niya nang kalimutan ang nangyari ngunit heto ito at binanggit pa ulit. Ngumiti siya saka umiling.
"Ayos lang," mabilis niyang sagot.
Wow! Ang lagay ay parang gustong-gusto ko naman kahit gusto ko talaga!
Tumatango siya habang nag-iisip. Lihim siyang napangiti habang pinagmamasdan ang binata. Sana ay sinsero itong maging boyfriend niya dahil hindi na niya ito pakakawalan. Ito na ang lalaking pakakasalan niya.
"Wala ka na bang trabaho?" he asked.
Tumango siya. "Magfu-full time writer muna ako habang nag-aaral." Nagsandok siya ng kanin at ulam dahil gutom pa rin siya.
"Good," komento nito saka nagpatuloy sa pagkain. "Hindi halatang writer ka," sabi nito.
"Bakit?"
"Hindi lang halata," ulit nito sa sinabi. "Mukha ka kasing business woman,"he commented with an amused smile on his face.
Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. "Talaga?" naniniguradong tanong niya rito.
"Mmm," nakangiti nitong sagot.
"Kaya pala nasasabihan akong Madam," natatawa niyang usal habang inaalala ang ilang beses na pagtawag sa kanya ng mga nakakasalamuha niya ng Madam dahil mukha daw talaga siyang business woman dahil sa tindig niya at pananamit.
"Because you really look like one," he added.
Nagkibit-balikat lang siya at ipinagpatuloy na ang pagkain. Nang matapos ay siya ang nagpresintang magjugas nang pinagkainan nila. She was happy. Happy that finally, the man she dreamed is here. Kahit ilang beses niya lang nakita ang binata ay alam at ramdam niyang ito ang para sa kanya.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya rito nang makita itong nakaupo sa sala habang naghihintay sa kanya. Napansin niyang namatay ang cellphone nito nang mag-angat ito ng tingin sa kanya.
"Yeah," sagot ni Vahn sa kanya. Ipinakita mito ang cellphone. "It's dead," he added.
"May charger ako," presinta niya ngunit tumanggi ito. He patted the sofa asking her to sit beside him. Aligaga naman siyang sumunod.
Tsk! Para naman tayong teenagers nito. Nakanguso niyang usal sa isip dahil nahihiya siya. Like God! She's twenty eight! Umirap siya sa sariling naisip at inayos ang pagkakaupo sa tabi ng binata. Sumandal ito sa kanya at hinawakan ang baywang niya. She flinched at his sudden gesture. Hindi niya inaasahan iyon ngunit parang wala lang iyon sa binata. Ramdam niya ang marahan nitong paghinga. Nilingon niya ito at nakita niyang nakapikit ito.
"I-Inaantok ka na ba?" malambing niyang tanong rito.
"A bit," inaantok nitong sagot. "I'm just tired," dagdag pa nito.
"P'wede ka namang matulog dito," suhestiyon niya.
Umiling ito at dumilat. "No," protesta nito. "I need to go home," dagdag nito.
"Oo nga," napapahiyang usal niya. "Anong oras ka uuwi?" tanong niya ulit sa binata.
"Ten," anito. Mag-aalas nuwebe na rin ng gabi at hindi pa naman siya inaantok.
"Magpahinga ka muna. Magsusulat ako," paalam niya rito. Tumango naman ang binata at nahiga sa sofa. Kumuha siya n kumot at malambot ma unan sa kuwarto niya at ibinigay niya iyon sa binata. Kaagad naman itong nagkumot at natulog na. Gigisingin na lang niya ito kapag malapit na ang oras. Siya naman ay kaagad ring pumasok sa sariling kuwarto at nagsimula nang magtipa sa laptop.
Bukas na niya kakausapin ang kaibigang si Isla na aalis na siya sa trabaho. Malaki na ron naman ang naipon niya at may makukuha naman siyang bauad sa pagsusulat basta pagtiyagaan niya lang. Hindi o
na hassle sa kanya iyon dahil hindi na siya magtatrabaho. Hindi na niya kailangang umalis ng bahay para magtrabaho.
Ilang minuto din siyang nagtipa at nang mapagod ay lumabas siya ng kuwarto at tinungo ang kanyang maliit na kusina. Kumuha siya ng tubig sa maliit niyang refrigerator at uminom doon. Tiningnan niya ang oras. May ilang minuto pa bago niya gisingin ang binata. Pinagmasdan niya ito. Pinatay niya ang ilaw upang makapagpahinga ito nang maayos.
"Bakit kaya pumayag ako sa gusto niya? Hindi naman niya ako pinilit at hindi na rin naman kami mga bata," aniya sa isip. "Siguro dahil gusto ko talag siya?" patanong niyang wika sa sarili.
"Bakit naman kaya niya naisipang alukin ako? Ano ang rason niya?" Tanong na nakapagpabagabag sa kanyang isipan.
Naupos siya sa harap nito at hindi niya mapihilan ang humanga sa binata. Matangkad ito. Matipuno ang katawan. Maganda ang hugis ng kanyang mukha at ang makakapal nitong kilay ay siyang nagbibigay nang nakakagigil nitong kaguwapuhan. Mahahaba rin ang pilikmata nito. Matangos ang ilong at makapal ang mga labi. Wala sa sarili niyang hinaplos ang sariling labi nang maalala ang paghalik nito sa kanya kanina. Kasasagot niya lang sa binata at hinalikan siya nito kaagad.
She smiled at the thought. Matamis iyon para sa kanya. The softness of his lips was making her crazy. And she knows she wants more. More. Sigaw ng kanyang isipan ngunit kaagad niya ring pinigilan ang sarili. "Huwag tayong mabilis," paalala niya sa sarili.
Nang sumapit ang alas-diyes ay ginising na niya ang binata. "Hey, gising na. Uuwi ka pa hindi ba?" tanong niya rito habang inaalog ito. Natinig na itong umungol kaya napaayos siya ng tayo sa harap nito. Gumalaw ang binata ngunit kaagad ring nakatulog ulit.
"Vahn, gising na. Uuwi ka pa," tawag niya rito gamit ang pangalan nito kaya kaagad itong dumilat.
"Dis you just calle by my name?" tanong nito. May halong irita sa boses ng binata kaya natigilan siya. Umayos ito ng upo saka pinagmasdan ang paligid.
"O-Oo," natatakot niyang sagot rito. "Pasensiya na. Hindi ko alam kung ano ang itatawag sa 'yo," napalahiyang usal niya rito.
"I don't like it," wika ng binata. "Let's have our own petname," he said.
"S-sige," natataranta niyang sagot. "Ano ang gusto mong itawag ko sa 'yo?" tanong niya rito.
"Call me Babe," anito.
Kaagad siyang namula dahil sa sinabi nito. He's a big guy but he is begging for it. Cute 'yon para kay Yannie. "O-Okay," walang magawang saad niya.
"And I'll call you cupcake," walang bahid ng kung anong emosyon sa mukha ng binata nang sabihin nito iyon. Natigilan siya.
Cupcake
"Bakit cupcake?" naiintrigang tanong niya sa nobyo. Nobyo. Napangiti siya sa katotohanang nobyo na niya ang binata.
Napansin niyang tumaas ang sulok ng labi nito dahil sa tanong niya. Kinutkot niya ang nga kamay dahil sa kabang naramdaman. Pagdating sa lalaki ay nagiging balisa siya at hindi niya maintindihan ang sarili. Hindi naman siya ganito sa iba. Masyado siyang naapektuhan sa taglay niting karisma kaya nawawala siya sa huwisyo.
"Because you're short," diretso nitong saad. Napaatras siya dahil sa gulat. She's 5'6 tall. Pero kung ikukumpara naman sa binata ay pandal talag siya sa paningin nito. Ikinuyom niya ang kamao nang makita iting nakangisi sa kanya.
"I'm joking, baby," kaagad na bawi nito habang tumatawa nang mahina. Kumunot ang kanyang noo dahil imbis na mainis siya sa binata ay kilig ang naramdaman niya. Kaagad siya nitong hinigit papalapit at mahigpit na niyakap. Nakaupo siya sa mga binti nito. Muntik na siyang mabulunan dahil sa biglaan nitong ginawa.
"Are you mad?" he asked in his most gentle voice.
Umiling siya. "H-hindi," nauutal na sagot niya. Nagkakarambola ang mga paruparu sa tiyan niya. Parang dinamba ang kanyang dibdib dahil sa kaba. "Ayos lang ako," aniya rito.
Ininsulto ka na nga!
"I'm going," paalam nito nang makita ang oras. Ilang minuto pa rin ang itinagal nito dahil ayaw siya nitong bitawan.
"I'm really going this time," pinal na saad nito at binitawan siya. Kaagad na gumapang ang panlulumo sa kanyang sistema. Para bang nawala ang init na kanyang naramdaman kanina dahil sa higpit nang yakap nito sa kanya. Tumayo ang binata at nag-inat ng katawan. Humikab ito nang malakas kaya natawa siya.
"Bakit naman kasi pumunta ka pa rito. Natulog ka na lang sana," komento niya.
"Because I wanna see you before I sleep," walang kagatol-gatol na saad nito. Namula siya dahil sa narinig.
"Hindi mo ba ako ihahatid?" tanong ng binata.
"Hanggang makaalis ka," nakangiting sagot niya sa binata.
Magkahawak-kamay silang lumabas ng kanyang apartment. Pawang nakangiti sa isa't isa na animo ay wala ng bukas. Mag-aalas onse na ng gabi. May trabaho pa ito bukas kaya alam niyang kailangan na rin nitong magpahinga att siya man ay inaanyok na rin.
Huminto ang binata sa tapat ng sasakyan nito at hinarap siya. "I'm going," namamaalam na usal nito. Hindi niya alam kung lungkot ba ang nakikita niya sa mga mata ng binata o inaantok lang talaga ito.
Tumango siya. "Ingat ka," tipid na sagot niya. Ngumiti siya ng pilit. Ayaw man niyang aminin ay nami-miss na niya ito. Hindi pa man nakakaalis nang tuluyan ang binata ay pinaghihinaan na siya ng loob at hindi niya alam ang dahilan niyon.
"I will," anito nang nakangiti. "I'll see you tomorrow," saad nito.
Tumango siya at tuluyan nang umalis ang binata. Buntonghininga niyang tinanaw ang papalayo nitong sasakyan at nang mawala ito sa kanyang paningin ay pumasok na siya sa loob at natulog na.