Chapter 13
"Good morning!" nakangiting bati ni Yannie sa binata. Guwapong-guwapo ito sa suot na puting shirt at itim na pants. Naka-cap rin ito. Parang may pinagtataguan ito sa paraan ng pananamit nito.
Ngumiti ito sa kanya. "Are you ready?" he asked. Umiwas siya ng tingin, itinatago ang pamumula ng kanyang pisngi. "Y-yeah," nauutal na sagot niya sa binatang hindi man lang inaalis ang paningin sa kanya.
"You're beautiful," he commented out of the blue na mas lalong ikinakilig ni Yannie. Butterflies were swirling around her tummy.
"Bolero," ismid niyang sagot upang iwasan ang nakakahiyabg sitwasyon. Pakiramdam niya ay inaasar siya nito dahil nadadala naman talaga siya sa mga mababango nitong salita. Pinaalahanan niya ang sarili na sanay na siya sa ganoong linya ng nga lalaki at hindi siya papatalo.
Narinig niya itong tumawa. "I'm serious." Hinawakan nito ang kamay niya nang walang pahintulot mula sa kanya. Nagugulat niya itong tinapunan ng tingin nang iginiya siya nito papasok sa dalang sasakyan. Much to her surprise, it was a McLaren 620R. Nalula siya sa ganda niyon. Akala niya ay walang ganoong sportscar sa bansa.
Vahn wave his hand in front of Yannie's face. "May langaw," komento nito kaya natawa siya.
"Sorry," she said. "Namangha lang ako," komento niya.
"Thanks!" mayabang nitong sagot. Kaagad nitong pinaandar ang kotse. Maayos siyabg nakaupo at handa nang umalis.
"Saan ba tayo?" tanong niya rito dahil hindi man lang ito nagsasabi kung saan sila pupunta.
"Nothing fancy," malayo sa tanong nitong sagot.
"Tss."
Manghang-mangha siya nang umandar iyon. Pakiramdam niya ay naiwan ang kalukuwa niya sa kung saan sila nakaparada kanina. "Whoa! Cool!" namamanghang komento niya habang mahigpit na nakahawak sa bag. Takot na takot siya ngunit naroon ang excitement. Gusto niya ang pakiramdam na parang dinuduyan. She like the feeling of freedom. Pakiramdam niya ay wala siyang problema habang kasama ang lalaki.
Ilang oras lang din ang biyahe nila at nakarating sila sa isang rough road. Wala masyadong bahay. Nagtaka siya dahil wala man lang katao-tao sa lugar na napuntahan nila. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang maliit na bahay. Malinis ang lawn nito at mukhang matagal na iyong nakatayo dahil sa hitsura nito. "Ano ang ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong niya sa binata nang umibis ito ng sasakyan.
Umikot ito sa puwesto niya at binuksan ang pinto ng kotse. Kaagad sitang bumaba habang nakatingin sa paligid. "This is my home when I was a kid." He gestured to follow him so she obliged. Walang kagatol-gatol siyang sukunod sa binata. Not sure what to do. Malinis naman ang paligid, halata nga lang luma. Maganda pa rin naman.
"Pinalinisan ko ito sa isang kakilala," panimula nito. "Para kahit papaano malinis pa rin at maayos pa rin ang bahay." Pumasok sila sa loob at tama ang binata. Walang alikabok sa loob. Makinis ang kahoy na sahig. Maayos na nakasalansan ang mga libro at photo albums. She smiled.
"It's nostalgic," komento ni Yannie. "This feels like home," she said hugging herself. Naiiyak siya dahil nami-miss niya ang kinalakihang bahay. Kaya lang ay naghiwalay ang magulang niya kaya ay lumaki siya sa kanyang ina at kalaunan ay itinaguyod niyang mag-isa ang sarili dahil may iba na itong pamilya.
"Really?" hindi makapaniwalang tanogn ng binata. Tumango siya rito bago ngumiti. Iginala niya ang paningin.
"Ganito rin kaliit ang bahay namin noon. Ngunit masaya," she smiled while reminiscing the past.
"That's good to hear." A small smile form on his lips.
"So," baling ni Yannie sa binata. "Bakit mo ako dinala rito?" usisa niya.
"Hmm. Because you're special to me."
Dhe was taken aback by his words. Special? Me? Bakit ako? Tanong na nanatili sa kanyang isipan. Gusto niya iyong isatinig ngunit hindi gumagana ang kanyang bibig. Napangiti na lang siya sa binata. "Okay," masayang sagot niya rito.
Doon sila kumain ng tanghalian. Nagdala kasi nang lulutuin ang binata at habang abala ito sa ginagawa ay nilibot niya ang buong bahay. Namamangha siya dahil sa likod niyon ay may malaking puno ng Narra. Sa ilalim niyon ay naroon ang isang bilog na mesa. May apat na upuan iyon at pawang maganda pa rin kahit pa kakikitaan na nang kalumaan. Naupos siya doon at pinagmasdan ang magandang tanawin sa malayong bukid.
"Enjoying the scenery?" tanong ng binata na hindi napansing nakatayo na sa kanyang tabi.
"Yeah," sagot niya. "Itcs peaceful here," komento niya. Nanatili ang kanyang paningin sa tanawin. Mainit pa ang sinag ng araw dahil tanghaling tapat pa naman. Tumingala siya at kaagad ring napapikit dahil sa nakakasilaw na liwanag.
"Kain na tayo," suhestiyon ng binata. Kaagad siyang tumayo at pinagpag ang suot. Sumunod siya sa binata. Ano kaya ang mararamdaman niya kung nobyo niya ngayon ang kasama?
"I like you."
Napahinto ang binata sa narinig. Gulat si Yannie nang maisatinig iyon. Hindi niya alam kung bakit niya iyon nasabi. Lumingon sa kanya ang binata. "Really?" may bahid nang panunukso ang boses nitong tanong.
Nanlalaki ang mga mata niya at naiwan siyang nakanganga nang tumatawa itong pumasok sa loob. Hindi niya alam ang gagawin. "Papasok ba ako? Nakakahiya!" impit ang boses na singhal niya sa sarili. "Bakit ko nasabi 'yon?" naiinis niyang tanong. Aligaga siyabg pumasok nang tawagin siya nito.
"Mamaya ka na kiligin at nagugutom na ako," pang-aasar nitong sabi kaya inirapan niya ito.
"Wow! After you confessed that you like me, iirapan mo ako!" reklamo nito.
"Psh! Malay ko bang nasabi ko 'yon nang malakas," walang ganang sagot niya rito.
"Reasons," pang-iinis pa nito kaya mas lalo lang siyang ngumuso. "Hahaha!" Inambaan niya ito nang suntok dahil hindi ito tumitigil sa kaaasar sa kanya. Sumeryoso naman ito kaagad.
"And you think I don't like you?"
Siya naman ngayon ang natigilan dahil sa sinabi nito. "Ano ang ibig mong sabihin?" nagugulat niyang tanong rito.
"I like you," he confessed. "That's why I brought you here," anito na iginala pa ang paningin sa paligid. "Sa tingin mo ba ay dadalhin kita rito kung hindi kita gusto?" he asked, smiling.
Napaubo siya sa sinabi ng binata. Unti-unting umakyat ang dugo sa kanyang pisngi dahilan upang pamulahan siya ng mukha. Kinikilig siya. "Ang tanda mo na para kiligin," mahinang saway niya sa sarili.
"Let's eat," malakas niyang usal bago tumikhim. Tumatawa lang ang binata sa kanya. Nang matapos ay tinulungan niya itong mag-ayos. Siya ang naghugas ng pinagkainan nila at ang binata naman ang nagpunas ng lamesa. Tiningnan rin nito kung ano ang mga kakailanganing ayusin sa bahay nila bago pa man umuwi ang kanyang kinilalang ina.
"Babalik na ba tayo?" tanong niya rito nang matapos siya sa ginagawa. Tumango ito sa kanya bago tiningnan ang oras. Bumuntonghininga ito saka nag-inat ng katawan.
"I like you," he said in a deep, husky voice. She was frozen again in her tracks. Hindi na naman niya alam kung paano mag-react sa sinabi nito. "It's true and real," he added.
"O-okay," she shyly answered. Trying to stiffle a smile.
"That's it?" hindi makapaniwalang taning nito. Dismayado.
"B-bakit?" aligaga niyang tanong sa binata.
"I thought you like me, too?" he asked.
"Y-yeah," pag-amin niya sa harap nito. This time, totoo na talaga.
"Umamin ka rin," pang-aasar nito kaya nainis siya. Sinimangutan niya ito saka nag-iwas ng tingin. "Do you wanna be my girlfriend?" he asked out of nowhere.
Hindi siya kaagad nakasagot dahil nagulat siya sa sinabi nito. Masyadong straightforward at parang nagmamadali. "Ang bilis naman yata?" kunot-noong tanong niya rito.
"Why? We're not teenager's anymore," komento nito. Napatango siya. Tama naman ang binata. Hindi na sila mga bata para magligawan pa. Nasa tamang edad na siya.
"I'll think about it," usal niya. Iniiwas niya ang paningin sa binata dahil namumula ang pisngi niya.
"I'll wait," nakangiti nitong sagot. Tumango siya rito at nagsimula na silang naglakad papalabas ng bahay. Lumingon siya upang pagmasdan ito. A pain sting her heart. Pakiramdam niya ay ito na ang huli niyang pagpunta sa lugar kung saan lumaki ang lalaking gusto niya.
"What's bothering you?" tanong nito nang makapasok siya sa sasakyan.
"Nalulungkot ako," she admitted. Ngumuso siya upang pigilan ang sariling maiyak dahil ang pakiramdam niya ay katulad noong umalis siya sa kinagisnang bahay. Same scenario, same feeling. It's nostalgic.
"Hmmm. Don't be." Vahn smiled at her. "Baka gusto mo rin akong dalhin sa inyo," suhestiyon nito kaya natawa si Yannie.
"Soon," aniya.
Ilang oras din ang biniyahe nila at pagod siya. Hindi niya alam na nakatulog siya kaya nang magising ay doon niya pa lang napansing nakarating na sila. Tahimik lang din ang binata nang lingunin niya ito. Pikit ang nga mata at magkakrus ang nga braso.
Umayos siya ng upo at pinagmasdan ang binata. "Ang guwapo niya talaga," kinikilig na komento niya. Pinakawalan niya ang impit na tili habang tutop ang bibig. Ayaw niyang magising ito. Kinuha niya ang cellphone at kinuhanan ito ng litrato. Ginawa niya iyong home wallpaper. Napangiti siya kung gaano ka-hot itong tingnan. Hinaplos niya ang screen ng kanyang cellphone at ngumiti nang maganda.
She heard him groan. "H-hmp!" Napabalikwas ito at aksidenteng nahampas ng binata ang manibela nang magising. Pati siya ay nagulat sa inasta nito.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya rito nang makitang namumula ang braso nito. Nakatanga ito sa kanya.
"S-sorry," hinging paumanhin nito saka nag-iwas ng tingin. "I slept," komento nito.
"Ayos lang," nakangiting pag-intindi ni Yannie sa binata. "Nakatulog rin naman ako," dagdag niya pang saad.
"Mauuna na ako sa 'yo," paalam ni Yannie sa binata. Tumango ito sa kanya. "Salamat," sensrirong sabi niya saka ngumiti. Ginantihan naman iyon ng binata. Akmang bubuksan na niya ang pinto nang may tumunog na cellphone. Kaagad niyang hinagilap iyon ngunit noon niya napagtantong hindi iyon sa kanya kundi sa binata. Kaagad iyong dinampot ng binata at sinagot ang tawag. Umirap siya sa kawalan.
"Sino ba ang katawagan niya at parang natataranta pa siya?" inis niyang tanong sa sarili. Hindi na niya ito hinintay at kaagad na bumaba ng sasakyan. Narinig pa niya itong tinatawag ang pangalan niya pero dire-diretso siyang nagmartsa papasok ng apartment.
Ibinagsak niya ang katawan sa kamay nang makapasok. Doon lang siya nakaramdam nang pagod. Hindi niya alam kung dumaan ang kirot sa kanyang puso nang sagutin ng binata ang tawag. Hindi pa naman sila. Wala silang label. "I'm still a mess trying to pay my debts," she said, sighing in disbelief.
"Ano naman kung may katawagan siya? Pakialam ko," aniya sa sarili. Pinaalalahanan niya ang sarili. She needs to distance herself from the guy. Hindi na maganda sa kanya ang nangyayari. Nasasaktan na siya kahit wala silang ginagawa at hindi sila ng binata. Baka mamaya may mang-away pa sa kanya. Kung sakaling manliligaw ito ay pag-iisipan niya muna nang ilang beses ang magiging desisyon niya.
Ngunit dumaan ang araw at hindi man lang nagpakita sa kanya ang binata. Nag-text rin ito sa kanya na huwag na siyang pumunta sa condo nito dahil hindi naman na kailangan. Dismayado siyang nagpatuloy sa buhay hanggang sa dumating ang araw na hindi niya inaasahan.