Chapter 12
Nang magdapit-hapon na ay kaagad na tinungo ni Yannie ang Condo ng binata. Nagdala siya ng lulutuin dahil paniguradong walang laman ang refrigerator nito ngayon. May sarili naman na siyang susi kaya kaagad siyang pumasok sa loob nang makarating. Hindi na siya tinanong ng guard dahil kaagad siya nitong nakilala.
Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng condo. Maaliwalas. Napalitan ng puting kulay ang kurtina. Halatang bagong linis lang din. Sa isip niya ay baka may binayaran ang binata upang maglinis sa buong unit nito. Ipinagkibit-balikat niya lang iyon at dumiretso na sa kusina. Nagluto siya ng hapunan para sa binata. Hindi niya alam kung bakit siya nito pinuntahan kahapon. Hindi niya nababasa kung ano ang balak nito.
Pagkatapos niyang magluto ay naglaba siya ng mga damit nito. Inilista niya rin ang mga kailangan bilhing grocery. Alam niyang hindi iyon gagawin ng binata. Trabaho-bahay lang ang ginagawa nito kaya siya na ang gagawa ng mga iyon. Pagkatapos ay nagpahinga siya kaagad sa sala. Madilim na sa labas ngunit wala pa ang binata. Hindi naman niya magawang tawagan dahil wala siyang load. Bumuntonghininga siya bago tumayo at nag-inat. Bitbit ang maliit na bag ay humakbang siya papalapit sa pinto. Hindi pa man niya iyon nahahawakan ay tumunog iyon hudyat na may nagbukas.
Nakatulala siya sa harap ng binata nang mabungaran siya nito. Nakataas ang kilay nito sa kanya. Halatang nagtatanong kung ano ang ginagawa niya. "Where are you going?" nagtatakang tanong nito bago pumasok. Isinara nito ang pinto saka humarap sa kanya. "I'm hungry," anunsyo nito. Nag-angat siya ng tingin sa binata.
"Nagluto na ako," tipid niyang sagot.
"Serve it," utos nito sa kanya. Kahit gusto niya ay kailangan niyang iwasan ang masyadong pagdikit sa binata dahil nahuhulog lamang siya rito. "I wanna eat with you," saad nito.
Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang sinabi nito. Hindi siya makatanggi. Kaagad niyang hinanda ang pagkain sa hapag habang nagbibihis ang binata. Kinakabahan siya. Hindi naman ito ang unang beses na magkasama sila sa iisang silid ngunit nanginginig siya ngayon dahil sa kaba at hindi niya alam kung saan nagmumula iyon.
"Kain na," anunsyo niya nang makalabas ito. Naupo ito sa harap niya at pinagmasdan ang pagkain.
"Wow! Na-miss ko ang ganitong pagkain," nakangitinf komento ng binata. "Sawa na ako sa nga pagkain sa labas," dagdag pa nito.
"This is a home cooked meal!" he exclaimed in excitement. Natawa siya sa reaksyon nito dahil mukha itong bata sa paningin niya. Halatang masaya at hindi man nito iyon itinago sa harap niya.
Pinagmasdan niya lang ang binata at nagulat pa siya nang asikasuhin siya nito.
"Let's eat," anito nang matapos nitong lagyan ng kanin at ulam ang kanyang plato. "Wala sigurong nag-aasikaso sa 'yo," usal pa nito.
Nakangiwi siyang ngumiti. "Mag-isa lang naman ako," kibit-balikat niyang sagot.
"Same," tipid nitong sagot bagaman nakangiti.
Maayos na natapos ang kanilang hapunan. Nag-uusal sila na parang matagal nang magkakilala at natutuwa siya. Dahil kahit papaano ay gumagaan ang atmospera sa pagitan nilang dalawa. Hindi na siya nahihiya sa binata habang nakatingin ito sa kanya. She's so into him at baka dahil sa lakas ng tama niya sa binata ay magdala pa iyon ng delubyo sa buhay niya. Ngunit wala siyang pakialam. Ngayon lang naman. Pagdadahilan niya.
"Do you want to watch a movie?" tanong nito habang nakaharap sa TV. Kanina pa siya nito hinihintay matapos maghugas ng pinagkainan nila. "Don't worry. Ihahatid kita mamaya," dagdag nitong usal.
Tumango siya. "Sige," malumanay na sagot niya ngunit sa loob-loob niya ay nagsusumigaw ang kanyang damdamin dahil sa tuwa. Sino ba naman ang hindi magiging masaya? Yayain ka ba namang manuod ng pelikula ng isang guwapong lalaki? Tatanggi ka pa ba?
Blessing na 'to!
Natatawa siya sa naisip. Maayos siyang naupo sa tabi nito. May nakahanda ring chichirya at popcorn sa maliit na mesa sa harap nila. Nagsisimula pa lang ang pelikula ay panay na ang kain niya ng chips. Nagkakamabutihan na rin sila ng binata. Nagkakatuwaan sila dahil sa pinanonood. Comedy kasi kaya tawa sila nang tawa na parang matagal ng magkakilala.
"Hahaha!" Pumalingawngaw sa buong unit ang malakas na tawang iyon ni Yannie. Naglalaro sila ang unggoy-unggoy. Palaging nagkakamali ang binata dahil wala itong alam sa ginagawa. "Mali ka na naman," komento niya habang tumatawa.
"Tsk! I'm not good in this," nauubusan na nang pasensiyang turan ng binata. Kamot ang ulo ay ibinaba nito ang cards. "Ayaw ko na!" malakas na singhal nito na tinawanan niya lang.
"Ang daya!" natatawang saad ng binata dahil hindi man lang ito nanalo. Palagi itong unggoy.
"Sabi sa 'yo," ani Yannie habang inililigpit ang cards. "Malakas ako kay Lord." Ibinalik niya iyon sa lalagyan.
"Uuwi ka na?" tanong ng binata sa kanya. Tiningnan niya ang malaking wall clock at tumango.
"Gabi na. Kailangan ko nang matulog," saad niya.
"Ihahatid kita," anito saka tumayo. Pinagpag nito ang suot na shorts saka nagsuot ng hoodie jacket. Bigla siyang nakaramdam nang panlulumo.
Ayaw pa nutang umuwi. Iyon ang totoo. Bumuntonghininga siya bago kinuha ang nga gamit. Tahimik lang siyang sumusunod sa binata habang papalabas sila ng building. It's almost ten in the evening.
Tahimik lang ang binata buogn biyahe. Hindi niya alam kung bakit biglang nagibg mabigat ang paghinga nito. Mahigpit din ang kapit nito sa manibela at natatakot siya dahil sa inaasta ng binata. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya rito. Bumaling ito sa kanya ngunit kaagad ring ibinalik ang paningin sa kalsada.
"Yeah," sagot nito na sinabayan pa nang marahang pagtango. Na para bang kinukumbinsi nito ang sarili.
Hindi na rin siya nagsalita pa nang pumarada ito sa labas ng apartment niya. Narating din nila ito. Kahit mahigit treynta minutos silang bumiyahe ay parang limang minuto lang iyon para sa kanya. Tahimik lang din naman ang binata at hindi man lang ito tumingin sa kanya. Na para bang hinihintay lang siya nitong maglaho.
Akmang bubuksan na niya ang pinto ng sasakyan nang marinig niya itong magsalita. "Are you free tomorrow?"
Kaagad siyang napabaling sa binata. "Y-yeah." Iniiwas niya ang paningin nang balingan siya nito. "B-bakit?" nagtatakang tanong niya rito.
"Do you wanna hang out?" he asked out of nowhere.
Paano?
"Ano'ng ibig mong sabihin?" paniniguradong tanong niya.
"I'm asking if . . . " he trailed off. He sighed loudly. "I'll fetch you up tomorrow," desidido nitong saad na animo'y wala na siyabg takas.
"O-okay." She found herself agreeing to him. "Mauuna na ako," aniya. "Salamat," sensiro niyang wika bago bumaba ng sasakyan. Hindi pa man niya naisasara ang pinto ay narinig na niya itong may kausap sa cellphone.
"I love you," rinig niya saad nito sa kausap kaya mabilis niyang isinara ang pinto at nagmartsa papasok ng kanyang apartment. Mabibigat ang mga hakbang niya.
She's mad. "Ang kapal naman ng mukha niyang yayain akong mag-date bukas tapos may ka-I love you-han siya sa phone?" mahabang litanya niya sa kaibigang si Isla. Kaagad niya itong tinawagan nang makapasok siya.
Nagdadabog siya dahil naiinis siya sa sarili. Naiinis siya dahil hindi niya matanggihan ang lalaki. Ginagamit lang siya nito. He's just taking advantage of her. Alam nitong may gusto siya sa binata kaya siya nito pinaapasa at angvmas nakakainis ay umaasa naman talaga ang puso niyang wala sa hulog.
Narinig niyang tumawa ang kaibigan. "Sus! Masasanay ka rin," pang-aasar nito sa kanya.
"What?" inis niyang tanong.
"Duh! Umayos ka nga! Ganiyan ka rin naman, ah!" pagpapaalala nito sa kanya.
"God!" maarteng singhal ni Yannie sa kaibigan. "I'm just want to be committed tapos bakit sa maling tao pa? B'wisit!" singhal niya.
"Yannie!" nangangaral ang boses na usal ng kaibigan. "Marami namang ibang lalaki riyan? Ano ka ba! Sus! Makakalimutan mo rin 'yon," sermon nito.
"That's the problem! I'm so into him!" she shouted in frustration. "At hindi ko gusto 'tong nararamdaman ko. This is right! Hindi ito tama," dagdag niya pa.
"At bakit naman hindi? Matuturuan mo ba 'yang puso mo?" naasari nitong tanong. "Sus! Ikaw nga ibinubugaw mo ako. Karma mo 'yan," walang ganang saad nito kaya napalabi siya.
"Hahay!" Tumahimik ang kabilang linya at bago pa siya makapagsalita ay naunahan siya nito.
"Baka naman nanay niya 'yong kausap niya?"
Natigilan siya at napaisip. "Hindi ko sure," hindi kombinsidong aniya.
"Sus! Baka mommy nita 'yon! Huwag kang TH!" anito.
"Th?" nakataas ang kilay na tanong niya.
Tumawa ang kaibigan. "Tamang hinala!"
"Oh, siya. Matutulog na ako," paalam niya rito.
"Mabuti naman! Kanina pa ako inaantok, istorbo ko!" pang-iinis nito.
"Oo na! Huwag ka ng gumising!"
"H-hoy! Foul 'yon!" malakas nitong singhal. "Huwag kang ganiyan, ah! Baka mamaya bangungutin ka!" pananakot nito.
"Bleeh!"
"Gaga! Natakot ako ro'n, ah!"
"Hahaha! Sareeey!"
"Letsi ka!"
"Bye!" Tumatawa siya nang patayin ang tawag. Ibinaba niya ang cellphone sa side table at nahiga sa kama. Napaisip siya. Baka naman talaga nanay ng binata ang katawagan nito. Sadyang over thinker lang talaga siya. Pipikit na sana siya nang may maalala.
"B'wisit! Hindi pa pala ako nagbibihis!" palatak niya a kaagad na bumangon. Naghagilap siy ng pantulog at pumasok sa banyo at nag-half bath. Nagbihis siya pagkatapos at kaagad na sumalampak sa kama. Kaagad siyang nakatulog pagkatapos.
"GOOD morning, beautiful!" nakangiting bati nia sa sarili. Nghikab siya at mabilis na natakpan ang bibig nang maamoy niya ang sariling hininga. Pinaypayan niya ang sarili. "Normal lang 'to dahl kagigising ko lang," paalala niya sa sarili.
Kaagad siyang nag-inat ng katawan at dumiretso sa banyo. Naligo siya at naghanap nang komportableng damit. Hindi niya kasi alam kung anong oras siya susunduin ng binata. Mabuti nang handa siya at para mas mabilis ang alis nila.
Nagluto siya ng kanyang breakfast at kaagad na kumain. Ayaw niyang magtagal. Kahit may kaunting kirot pa rin sa kanyang puso dahil sa narinig kahapon ay isinantabi niya muna iyon. Magsasaya siya kasama ang lalaking lihim na iniibi. Hindi pala iyon lihim dahil alam naman nito kaya nga siya nito pinapaasa.