Chapter 11
"Ano'ng nangyari sa 'yo kagabi?" usisa ng kaibigan ni Yannie na si Isla nang dalawin siya nito sa apartment. Kauuwi niya lang djn kanina mula sa condi ng binata. Hindi naman kasi niya alam na mawawala ang wallet niya kagabi. Wala siya sa sarili dahil sa sobrang pagod.
Ang dami niyang ginawa at ang masakit ang buong katawan niya dahil nagbuhat siya ng mga paninda. Ginawa kasi siyang tagabuhat ng kanilang Manager at naiinis sita rito.
"B-bakit?" nagtatakang tanong niya sa kaibigan. Tinaasan siya nito ng kilay.
"Bigla ka kasing nawala. Hindi mo man lang ako hinintay. Ano ba ang ginawa sa 'yo ni Madam? Pagkalabas mo ng CVS, eh, hindi na kita mahagilap?" mahabang tanong nito.
Bumuntonghininga siya bago sumagot. "B'wiset siya. Ginawa niya akong boy kargador doon. Ano ba ang tingin niya sa 'kin? Si Hulk? Kainis," reklamo niya rito. Natawa ang kaibigan sa narinig.
"Kaya ka ba biglang umalis?" intriga nitong tanong.
Umiling suya bago sumagot. "Masama ang pakiramdam ko kagabi kaya nagmadali akong makauwi. Kaso, nawala ang wallet ko along the way," panimula niya. "Hindi ko alam kung nanakawan ba ako o nahulog. Basta nawala talaga," dagdag pa niyang usal, halatang naaasar dahil sa nangyari.
"Eh, so? Ano ang ginawa mo?" nakataas ang kilay na tanong ng kaibigan, halatang hindi naniniwala.
"Edi, naglakad!" naiinis na singhal niya nang malakas. "Pero ayun, napapadpad ako sa Condo niya, hihihi!" mahina ang boses niyang dagdag. Kaagad siyang nakatanggap nang nanlilisik na mga tingin.
"Kalandian mo!" singhal ng kaibigan. "Kaya pala hindi kita mahanap dito? Sus! Makidnap ka sana!"
Naiwasiwas niya sa ere ang kamay dahil sa narinig. "Sa 'yo sana mangyari 'yan," nandidilat na aniya. Tumawa lang ito.
"So? Kamusta naman si Pogi?" usisa nito patungkol sa binata.
"Maayos naman," walang ganang sagot niya. "Bakit ka nagtatanong?"
"Bawal? Sa 'yo ba siya? Pwe!" natatawang usal nito.
Hindi rin nagtagal ang kaibigan dahil may gagawin pa ito sa bahay nila. Alam rin niyang nagkakandirit na ang puwit nitong umuwi. Kaagad niyang inasikaso ang nga labahin. Alam niyang wala na siyang maisusuot kaya mabilis siyang naglaba. Mabuti na lang at may natira pang sabon ng maglaba siya no'ng isang linggo.
"Tsk! Dapat pala nagpa-laundry na lang ako," reklamo niya habang tinitingnan ang dami niyon. Wala pa silang suweldo at ayaw niyang galawin ang naipong pera. Masyado siyang kuripot kaya naman nagtiyaga siyang maglaba.
Ilang oras din ang inabot niya. Nagpahinga siya sandali at nagluto ng makakain. Kailangan niya rin palang dumaan sa SM mamaya para mamili. Puwede naman diyan lang sa tabi-tabi para makatipid o hindi kaya ay sa palengke. Kaso may sakit siya at ayaw na muna niya ng alikabok at baka mas magkasakit pa siya.
Naisipan niyang magsuot ng simpleng damit. T-shirt na puti at itim na squarepants. Maluwag iyon at bagay sa kanya. Kaagad rin siyang tumungo si SM at namili na ng kakailanganin niya. Katulad ng sinabi ng binata ay hindi muna siya nagpakita rito. Nagpahinga siya pagkauwi dahil bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo.
Dahil may isang araw siya para sa kanyang sarili ay nagsulat siya nang nagsulat ng mga susunod niya ipapasang kuwento. Ti-next rin siya ng kanyang kaklase na may meet up sila ngayon para sa project na gagawin. Ngayon niya lang napagtantong sobrang abala pala talaga niyang tao.
Alas sais pa naman ang oras na napagusapan nila kaya may oras pa siya para mag-relax. Nagluto sita ng para hapunan niya. Dahil sa ginagawa ay naalala niya ang binata. "Ano na kaya ang ginagawa no'n ngayon?" tanong niya sa sarili.
Inilapag niya sa mesa ang mga nalutong pagkain. Nagsalin siya ng tubig sa isang maliit na pitsel at bitbit ang isang baso ay inilapag niya iyon sa mesa. Hindi paan siya nakakaupo ay narinig na niya ang mahihinang katok sa labas ng kanyang apartment. Nagtataka siyang napatingin doon. Wala naman siyang inaasahang bisita at isa pa, kagagaling lang din ng kaibigan niya rito. Kataka-taka namang babalik ulit iyon ngayon para lang nakipagchismisan.
Wala kagatol-gatol niyang tinungo ang pinto. Wala sa isip kung sino ang mabubungaran niya pagkabukas ng pinto. "S-sino 'yan?" malakas na tanong niya sa kung sinumang nasa labas. "Isla! Ikaw ba 'yan?" Tawag niya sa pangalan ng kaibigan.
"It's me."
Hindi niya inaasahang maririnig iyon. Nagugulat pa siya habang hawak ang dibdib. Nang makahuma mula sa gulat ay mabilis niyang nabuksan ang pinto. Nabungaran niya ang binata. Nakasuot pa ito ng business suit. Pinasadahan niya ito ng tingin. Sa isang kamay ay may bitbit itong supot ng Jollibee.
"B-bakit ka nandito?" nagtatakang tanong niya rito.
Uminuwestra nito ang dala kaya napatango siya. "I wanna eat with you," usal nito. Tumaas ang sulok ng labi nito ngunit kaagad ring sumeryoso bago umayos ng tayo. Alam niyang pinagtitinginan na ito ng mga kapitbahay niya kaya kaagad niya itong pinapasok sa loob.
Iginiya niya ito diretso sa mesa na may nakahanda ng pagkain. "Kakain ka ba dapat?" tanong ng binata na ang paningin ay nasa isang piniritong itlog na may sahog na kamatis. Katabi niyon ay ang isang cup niyang kanin. Tinanguan niya ito.
Inilapag nito ang dala at kaagad naman niya itong inasikaso. Nang matapos ay tahimik silang kumain. Hindi man lang siya nito tinitingnan. Hindi rin naman nagsasalita ang binata kung bakit ito napadpad sa apartment niya.
"Are you not going to ask me?" tanong nito sa kanya habang ang paningin ay nananatili sa sariling plato.
"N-ng alin?" nagtatakang tanong niya rito.
"Why am I here?"
"A-ah, why are you here?"
"Because I miss you."
Napaubo siya dahil sa diretso nitong sagot. Walang kagatol-gatol nito iyong sinabi na para bang normal lang iyon para sa kanilang dalawa. "A-ano?" nagtataka at nauutal niyang tanong sa binata.
"Bakit? I mean, bakit?" hindi makapaniwala niyang tanong ulit. Narinig niya itong marahang tumawa dahilan para mas lalo siyang magtaka. Pakiramdam niya ay pinagtatawanan siya nito. Ginagawa siya nitong tanga.
"Are you leading me on? Because if you do, I don't like it," halatang naaasar niyang wika.
Nagkibit-balikat lang ito saka nagpatuloy na sa pagkain. "I mean what I said," dagdag nito na mas lalong ikinainis niya.
Nagsasaya dapat siya ngayon dahil sa sinabi nito ngunit parang joke lang ang lahat sa kanya. Sino naman ang maniniwala sa sinabi nito?
"Tss. Get out," pagtataboy niya rito. "At sino naman ang nagsabi sa 'yong dito ako nakatira?" inis niyang tanong rito. Pinanlisikan niya ito ng mata.
"That shortcake girl in th CVS," tamad nitong sagot.
Isla!
"Tss." Wala siyang nagawa kundi ang tratuhin ng maayos ang binata dahil baka madagdagan na naman ang utang niya rito. Hindi pa nga siya nakakabayad.
Nagpapahinga ang binata sa sala habang siya ay abala sa paghuhugas. Binagalan niya ang gjnagawa dahil ayaw niyang harapin ang binata. Sadyang wala pa siya sa mood makipaglokohan dito lalo pa at nangunguna ito ngayon. Malakas siyang bumuntonghininga nang matapos sa ginagawa, nagpaparinig. Pinunasan niya ng hand towel ang mga basang kamay saka iyon maayos na inisampay sa gilid ng lababo.
Dumating na ang oras na haharapin niya ito. Hindi na siya makakatakas dahil wala naman na siyang gagawin. Tapos na rin siyang maglinis at tulog na lang ang dapat niyang gawin. Kaya naman tatamad-tamad siyang pumunta sa sala. "Hindi ka pa ba uuwi?" naiinis na tanong niya rito ngunit nagulat siya nang makita ang hitsura nito.
Nakalaylay ang ulo nito habang nakapikit ang mga mata. Banayad din ang paghinga nito hudyat na natutulog ang binata. Bumuntonghininga na naman siya. Kailangan na nitong umuwi. Kahit pa ilang beses na siyang nakatulog sa teritoryo ng binata ay hindi niya puwedeng patulugin ito sa apartment.
Marahan niyang niyugyog ang balikat nito. "H-hoy!" Niyugyog niya ito ulit at muntik nang magtama ang kanilang mga noo nang napabalikwas ito ng tayo dahil sa gulat.
"S-sorry!" hinging paumanhin nito habang iginagala ang paningin. "Sorry O slept," usal nito.
Tumango lang siya. "No worries. Kailangan mo ng umuwi," pagpapaalala niya rito. Kaagad na rumehistro sa mukha nito ang gulat.
"Right!" anito saka mabilis na tumayo at pinagpag ang damit. "Sorry I forgot it's my house," he said in a cold tone.
Nagulat naman siya sa ipinakita nitong asal. Baka siguro ay gusto nitong matulog na lang pero hindi talag puwede. "Salamat sa pagbisita," nahihiyang usal niya.
Umiling lang ito saka diretsong lumabas. Bago pa nito maisara ang pinto ay lumingon ito sa kanya. "I'll expect you tomorrow," biling nito bago tuluyang tumalikod. Pinanood niya pa itong magmaneho paalis. Kaagad na bumalot sa kanyabg sistema ang lungkot.
Kaagad niya iyong iwinaglit sa isip. Nasanay naman na siyang mag-isa bakit pa siya nakakaramdam ng lungkot? Kaagad siyang nag-ayos at natulog na.
MAAGA siyang nagising kinabukasan. Kaagad niyang tinawagan ang kaibigan upang komprontahin ito. "Oh?" halatang bahong gising ito nang sagutin ang tawag.
"Hoy! Bakit mo pala ibinigay sa mokong na 'yon ang address ko?" kaagad niyang tanong rito.
"Sino?"
"Si Vahn!"
"Sino ba 'yan?" tanong nito, halata sa boses ang pagtataka.
"May-ari nang nabangga kong kotse," paalala niya.
"Ah," anito. "Ang kulit, eh," dagdag nitong sagot. "Sinusungitan na't lahat nagtatanong pa rin."
Tumayo siya at nag-inat. "Talaga? Vaka naman sinuhulan ka?" nanghuhuli niyang tanong. Alam niyang may kapalit ang pagsasabi nito ng totoo. Hindi nga basta-basta ibinibigay ng kaibigan ang number niya, address pa kaya. Kaya alam niya at ramdam na ramdam niyang may suhol ito.
"Hehehehe!"
"Sabi ko na nga ba!" bulalas niya nang marinig itong mahinang tumawa. "Pahamak ka talaga," dagdag niyang usal.
"Kuh! Akala mo naman hindi nagustuhan!" pang-iinis nito. "Oh, ano na ang nangyari sa inyo?" intriga nitong tanong.
"Tss. Edi, kumain," umiikot ang mga matang sagot niya.
"Weh? Nothing more, nothing less?" hindi kombinsido nitong tanong.
Naiinis siyang tumawa. "Oo nga! What do you think of me?"
"Sus! Hindi pa rin ako naniniwala!"
"Ano'ng suhol na natanggap mo?" sa halip na patulan ang kaibigan ay tinanong niya ito.
"Pera," matapang nitong sagot.
"Tigas ng mukha, ah!" natatawang komento niya.
"Lakumpake!" singhal ng kaibigan kaya malakas siyang natawa. "P'wede pa nga kitang ibenta, sus! May mapagkakakitaan na ako," komento nito.
"Sige. Ganiyan din gagawin ko sa 'yo," palaban niyang sagot at sabay silang nagtawanan.
Mamaya ay babalik siya ro'n dahil maayos naman na ang kanyang pakiramdam. Basta ang importante, matapos na ang pagbabayad niya ng utang.