Pagising ni Maria nang umagang iyon ay agad siyang naligo. Mabilis ang kilos na nagbihis siya ng damit pang skwela pagkatapos ay bumaba sa kusina para magluto ng agahan. Alas sais palang ng umaga kaya may oras pa siyang magluto ng kakainin nila ni Lyndel. Tulog pa ang babae at mamaya pa klase nito kaya mauuna siyang aalis ng bahay. Nang gabing umalis siya sa bahay ni Kino ay sa bahay ni Lyndel siya napadpad. Nagtatakang pinagbuksan siya nito ng pinto dahil kahahatid lang nito sa kanya wala pang dalawang oras noon. Napaka swerte lang niya sa kaibigan at walang tanong na tinanggap siya nito ulit sa bahay nito. Nakakahiya man ay wala din siyang pagpipilian sa ngayon pero sisiguraduhin niyang may magiging ambag sa pagdating sa pagkain nila ng kaibigan. Saktong alas syete ay tapos na siyang

