KINO ELIAS- Dalawang araw. Two f*****g days without Maria by his side was hell. "S-sir.. May ipapagawa pa bo ba kayo?" takot ang nababanaag niya sa mata ng kanyang sekretarya dahil sa malamig na tingin niyang pinupukol dito. "Just get out." Maikli niyang turan sa walang emosyong boses. "S-sir may gusto po palang kumausap-" "I said get out or you're fired." putol niya sa nais nitong sabihin kaya agad itong umiling at natatarantang umalis sa kanyang opisina. Halos lahat ng empleyado sa kompanya ay nakatikim na ng galit niya kahit kaunting mali lang ng mga ito. Wala rin siyang ganang magtrabaho dahil naalala niya ang araw na umalis ng bahay niya si Maria. Hindi niya makalimutan ang sakit sa mata nito noong araw na iyon dahilan upang wala siyang magawa para pigilan itong umalis. Para

