"Fasten your seatbelt guys and we are ready to go!" Napatingin ako kay Byron na siyang nasa driver's seat ng Land Cruiser na sinasakyan namin. Ever wonder why I'm with him despite his 'smokey mountain' fresh of breath? Well, nag-invite lang naman silang magpinsan, I mean, sila ni Miko na i-celebrate daw namin iyong birthday namin ni Yuan. Bale post birthday celebration daw. At gagawin namin yon sa beach resort nina Miko sa Batangas. Hindi ko alam kung kailan pa nagsimula na maging tropa ko sila Miko. Hindi naman sa ayaw ko silang kaibigan, pero ewan ko ba, palagi na lang nila akong isinasama lately kapag may lakad sila. Which is okay na rin naman kasi ayokong masyadong malapit si Yuan kay Miko. I mean para mabantayan ko na rin si Yuan! "Just three more minutes, Byron, malapit ng dumati

