Chapter 1

1866 Words
PRINCESS Lumabas ako ng aking silid upang tignan ang nangyayari. Rinig na rinig ko kasi ang ingay ng mga tao na nagmamakaawa para sa kanilang buhay. Wala namang bago sa mga naririnig ko araw-araw kapag nandito ako sa gusaling ito. Kung wala lang akong kikitain, hindi ako pupunta sa lugar ni Lucas. Siya ang Mafia Boss at ang pinakamatanda sa aming magkakapatid. "Mafia Princess?" takot at hindi makapaniwalang tanong ng lalaki. Nakita ko na lamang siya na biglang nakahiga, duguan at walang malay. Pinaputukan na agad siya ng bala ni Lucas. Naglakad ako palapit kay Lucas, ang aking nakatatandang kapatid. "Tell your woman that we'll meet at my place instead. Just give her my address," sabi ko, at lalagpasan na sana siya ngunit natigil ako ng magsalita siya. "She's already my fiancée, come back here at 7 p.m., we'll have dinner together with her and her brother," saad niya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi siya sinagot. Para saan pa kung magdinner kami ng sabay-sabay? Hindi naman namin ginagawa 'yon. Kasama niya ako sa lugar niyang ito, ngunit minsan ay hindi ko siya nakakasabay kumain. Buti na lang talaga at bumukod ako sa kaniya ngayong 19 years old na ako. Kahapon lang ako nagkaroon ng sariling lugar dahil iyon ang usapan namin ni Lucas at iba ko pang kapatid na sa pagtungtong ko ng 19 at malapit na pumasok sa college, kailangan ko nang humiwalay. Sa pagkakataong ito ay naniniwala na sila na kaya ko nang pangalagaan ang sarili ko at magdesisyon para sa sarili ko. Pero alam ko naman noon pa man na hindi ko sila kailangan. Sunod-sunuran lang naman silang lahat sa akin. Tanging pinayagan ko lang ang kanilang mga desisyon sa akin na manatili sa lugar ni Lucas hanggat hindi pa ako nakakatungtong ng 19 at college. Buti na lang at nakaalis na ako sa maingay na lugar niya. Pinagbuksan ako ng kotse ng isa sa tauhan ko. Ang unang beses kong makasakay sa sasakyan at makaapak sa labas ng lugar ni Lucas ay kahapon lamang. "Let's go back to my place," saad ko sa driver at pinaandar na ang sasakyan. Nakasilip ako mula sa sasakyan, ang mga tao, gusali, at lahat. Ganito pala ang buhay sa labas, sa labas ng mundong kinalakihan ko. Sa lugar ni Lucas, nasanay ako na kapag lumabas ako ng silid ko doon, ang laging nakikita ko ay puti, itim, at pula lamang. Sa aming biyahe, tahimik lamang ako habang pinagmamasdan ang labas. Nang makarating kami sa kulay itim kong lugar, agad na akong pumasok sa aking silid. Naupo ako sa upuan ng aking lamesa. Pumikit ako upang matulog saglit, ngunit maya-maya lang ay may kumatok. "Princess?" tawag sa akin, si Nathalia na siguro 'yon. "Pasok." saad ko habang nakapikit pa rin. Ramdam ko ang pagpasok nilang dalawang magkapatid, ramdam ko rin ang titig ng isang lalaki, ang kapatid niya. "Good Morning, Princess," napadilat ako ng marinig ko ang pagbati ng lalaki. After two years, nakita ko uli ang palangiting lalaking 'to. Ano bang meron at parang lagi siyang nakangiti? Sabi ni Nathalia kapag ang tao ay nakangiti, ang ibig sabihin lamang ay masaya ito. Bakit ba lagi siyang masaya? "Ready ka na ba bukas?" tanong niya sa tapat ko, ang pagitan namin ay ang lamesa, ganoon din si Nathalia. Nakangiti silang dalawa sa akin. Hindi ko pinansin ang kaniyang tanong, ayoko ng tinatanong ako lalo na't hindi ako interesado doon. "Where is my uniform?" baling ko kay Nathalia. Agad niya namang ibinigay sa akin. "Sukatin mo muna. Mukhang hindi sakto sa'yo. Ang size mo mismo ang kinuha ko sa university niyo, kaso mukhang hindi hapit na hapit sa iyo, ang liit kasi ng bewang mo," saad ni Nathalia. Nang tignan ko ito, isang green jeans at white blouse na may logo ng university. "You're right. The jeans and blouse look loose around my waist," napaisip ako. Mukhang nagtataka si Nathalia namaluwag ito sa akin kaya hindi siguro puwede kapag hindi akma sa katawan ko. "Hindi ba puwede kung hindi sakto sa katawan ko? Will I not be allowed to enter the university? Do I need to call the tailor to adjust my uniform?" sunod-sunod kong tanong, nginitian niya ako at inilingan. "Ay hindi ah, puwede naman. Gusto ko lang na sa first day mo sa university ay sobrang ganda mo. Alam kong sobrang ganda mo na, pero gusto ko perpekto ka pa lalo tignan," nakangiti niyang sabi. "Akin na, nakalimutan mo na ba na marunong ako magtahi? Kaya ko i-adjust 'yan. Suotin mo muna para matignan natin kung hanggang saan ang dapat ibawas." Tinanguan ko naman siya sa kaniyang sinabi. Huhubarin ko na sana ang suot kong fitted black dress nang bigla akong pigilan ni Nathalia. "Saglit," pigil sa akin ni Nathalia at napatingin ako kung saan siya nakatingin ngayon, sa kapatid niyang lalaki na may' malaking ngiti. Nakita ko na binatukan niya ang lalaki, ang sabi pala ni Nathalia ay ang pangalan nito ay Ethan. "Aray naman, Ate," saad ni Ethan habang salubong ang kaniyang kilay at nakahawak sa kaniyang ulo. "Her name is Nathalia, not Ate," saad ko kay Ethan, ngunit nginitian lamang ako nito. Magkapatid sila, pero bakit hindi nya alam ang pangalan nito? "Ay ganito kasi 'yan, Princess. Dito sa bansa natin, kapag matanda ang kapatid mong babae, ang tawag mo dito ay Ate. Kapag lalaki naman, Kuya. Puwede mo din itong itawag kahit kanino basta mas matanda sa'yo. Ginagamit ito bilang paggalang," pagpapaliwanag niya sa akin, pero naguguluhan pa rin ako. Naiintindihan ko ang tungkol sa mas matanda, pero ang isa ay hindi. Paggalang? Kailangan ko ba silang tawagin ng Ate at Kuya? Kailangan ko ba silang galangin kung isa lamang silang sunod-sunuran sa akin? Hindi ko sila kailangang galangin. "I don't get it, just sew this. Now," saad ko, at nginitian ako ni Nathalia. "Sige, ikaw mokong, lumabas ka muna saglit. Ang laki na naman ng ngiti mo," sambit nito kay Ethan. Nang makaalis si Ethan, agad ko nang sinukat ang uniform. Matapos iyon, pinapasok na niya ang kapatid at sinimulan ang pagtatahi ng aking uniporme. "Ethan, what's my name?" tanong ko habang nakatingin sa pagtatahi ni Nathalia. "My full name?" dagdag ko pa at tinignan siya. "Princess Maximo," sagot niya, at agad akong tumayo at hinawakan ng mahigpit ang braso niya. Malaki at matigas iyon, ngunit kayang-kaya kong baliin kung gusto ko. Nakita ko ang pag-inda niya. Ramdam ko rin ang pagtigil ni Nathalia sa kaniyang pagtatahi. "Continue what you're doing, Nathalia," saad ko habang nakatitig pa rin sa kaniyang kapatid at natataranta niyang tinuloy ang pagtatahi. "Stupid, what's my full name?" tanong ko muli sa lalaki. "Princess Marquez," nakikita ko ang galit sa kaniyang mga mata ng sabihin niya 'yon. "Are you getting angry at me right now?" tanong ko. Nakahawak pa rin ako sa kaniyang braso at ngayon, may kung anong nagtulak sa akin na luwagan ang pagkakahawak dito. Nakatitig pa rin ako sa kaniya nang siya ay biglang tumayo na, walang emosyon at nakatingin sa akin. Hanggang leeg lang ako sa kanya kaya nakatingala ako. "May karapatan ba akong magalit sa isang Mafia Princess?" walang emosyon niyang tanong. Hindi ko alam, pero bigla akong napahinga ng malalim dahil sa kaniyang mga titig. "Wala, 'di ba? Papatayin mo ako at ang pamilya ko, 'di ba?" "Ethan," garalgal na tawag ni Nathalia sa kapatid, para bang gusto niyang patigilan ito. "Good thing you know, I thought you forgot. Sit down now before I kill you," saad ko, at sinunod niya naman ako. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, ilang minuto kaming tahimik habang patuloy si Nathalia sa pagtatahi ng aking uniform. Ang ngiti ng dalawang magkapatid ay nawala. Si Nathalia, kita ko sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Mahal niya ang kapatid niya, at natural lang na mag-alala siya dahil sa aking inasal kanina. Ganoon daw ang pagmamahal, sabi ni Nathali, kabilang doon ang pag-aalala sa taong mahal mo. Hindi ko naman alam ang pakiramdam na iyon, kaya hindi ko na kailangan isipin ang reaksyon ni Nathalia. "May napag-usapan pala kami ni Lucas, Princess," pagputol ni Nathalia sa katahimikan. Saglit siyang tumigil at tumingin sa akin, at muling nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. "Sa university, lagi kayong magkasama ni Ethan. Paniguradong pag-uusapan kayo ng mga tao. Hindi malabong makilala muli si Ethan sa inyong papasukan na University dahil noon pa man kilala na siya sa mga napasukan niyang mga school dahil pasaway ang kapatid ko." "At pogi," dugtong naman ni Ethan, na seryoso pa rin ang mukha. "Oo na," saad ni Nathalia at inilingan. "Pag-uusapan kayo kung bakit kayo laging magkasama, kaya napag-usapan namin ng kapatid mo na si Lucas na magpanggap kayong magkarelasyon." Tumango lamang ako bilang pagsang-ayon. Ngunit, anong problema kung lagi kaming magkasama ni Ethan? Bakit kami pag-uusapan? "Saglit!" salubong na kilay na sigaw ni Ethan. "Hindi natin napag-usapan 'to, Ate." "Tumigil ka muna diyan, Ethan. Mamaya natin pag-usapan. Ipapaliwanag ko muna kay Princess," magsasalita sana si Ethan, ngunit pinandilatan siya ni Nathalia ng mata. "Ganito kasi, Princess. Sa labas, hindi normal sa mga tao ang makitang laging magkasama ang babae at lalaki. Dahil pagkakamalan din naman kayo na magkarelasyon, ay ayon na lamang ang panindigan niyo. Hindi naman puwedeng magpanggap kayong magpinsan o magkapatid dahil paniguradong makakarating din iyon sa pamilya namin. Paniguradong may mga kalapit bahay din kaming mag-aaral sa university na iyon." Tumango lamang ako bilang pagsang-ayon. Pag ganitong bagay, papakinggan ko sila dahil sila lang naman ang nakakaalam sa takbo ng mundong hindi ko kinalakihan. "Ate, hindi ako papayag. Paano na ang mga babae ko? Kung may girlfriend ako ng apat na taon, eh 'di apat na taon din akong walang matitikmang babae? Kawawa naman si Junjun, hindi niya kakayanin," saad ni Ethan habang nakatingin sa ibaba niya. Hindi ko maintindihan ang kaniyang sinasabi. Ayaw niya? Kung ayaw niya, dapat pinatay ko na siya noong unang pagkikita pa lamang namin. Wala naman pala siyang silbi. Sino na ang makakasama ko? Wala naman nang ibang kapatid si Nathalia na kasing edad ko. "Don't you like it? I should have killed you when Nathalia first showed you to me. If you refuse, start saying goodbye to your loving sister," tumayo ako at kinuha ang black gloves ko na nakapatong sa aking lamesa. Naramdaman ko ang biglaang pagtayo ni Nathalia, ramdam kong umiiyak na siya habang hinaharangan ang kaniyang kapatid. "No, no, no, Princess, please. 'Wag, nagmamakaawa ako. Bitawan mo ang gloves mo, Princess, please." Ito ang pangalawang beses na narinig ko siyang nagmamakaawa-una noong unang beses siyang umapak sa lugar ni Lucas dahil balak na siyang paputukan ng bala nito, pangalawa ay ngayon. After two years, muli kong narinig ang salitang iyon sa kaniya. Mahal niya ang kapatid niya. Ano bang klaseng pagmamahal 'yan para lang magmakaawa siya ng husto? "Ethan, please. Humingi ka ng tawad, bawiin mo ang sinabi mo. Nagmamakaawa ako," umiiyak na sabi ni Nathalia sa kapatid. Nakahinto at nakatalikod pa rin ako habang pinagmamasdan ang hawak kong gloves. Susuotin ko na sana ang gloves, ngunit natigil ako sa sinabi ni Ethan. "Papayag lang ako kung papayag siyang gawin namin ang ginagawa ng magkarelasyon." Agad akong humarap at binaba ang gloves sa aking lamesa. "Like holding hands and kissing? Sige, payag ako," saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD