"Sige, payag ako," saad ko habang nakatingin sa kaniya, dahilan para bigla siyang mapangiti.
Muntik ko na siyang patayin, buti na lamang ay nagbigay siya ng kondisyon. Tatanggapin ko ang kaniyang nais dahil wala na akong ibang pagpipilian. Bukas na ang pasok sa university, at hindi ako agad makakahanap ng makakasama ko tuwing papasok.
"At s!x?" lalong lumaki ang ngiti niya dahil sa kaniyang tanong. S!x? Wala akong ideya kung ano ito ngunit kailangan kong sumang-ayon.
"Ethan," ang umiiyak kaninang si Nathalia ay ngayon nakatingin ng masama sa kaniyang kapatid.
"Sige," sagot ko sa tanong ni Ethan.
"Wait," napatingin kaming dalawa ni Ethan sa kaniyang kapatid ng bigla itong sumigaw habang nakatingin sa akin. Ako ba ang sinigawan niya? Lalapit na sana ako kay Nathalia, ngunit natigil ako ng siya ay magsalita pa. "Sorry sa pagsigaw ko, hindi kasi puwede ang hiling ng kapatid ko. Princess, puwede ba kaming lumabas saglit ni Ethan? Kakausapin ko lang siya. Promise, pagbalik namin ay napapayag ko na siya kahit wala na ang hiling niya sa'yo."
"Alright, you stay here. I'll be the one to go out. I'll give you 5 minutes," saad ko at lumabas na, hindi ko na hinintay pa ang pagsagot niya.
Pagkalabas ko, agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Lucas. Ang kapatid ko.
(Princess?) saad niya ng sagutin ang aking tawag.
"How many months or years have you been in a relationship with Nathalia?"
(1 year and 2 months. Are you coming here later?)
"I've seen you holding hands and kissing, but what about s!x? Have you had s!x?" tanong ko, ngunit ilang segundo pa ang lumipas ay hindi pa rin siya sumasagot. "Lucas?" tanong ko upang masiguradong nasa linya pa siya.
(What the heck is that question, Princess? Where did you get that word? I'll kill whoever that is.) tanong niya.
"Your--" magsasalita na sana ako ngunit natigil ako ng bumukas ang pinto ng aking silid.
"Tapos na kami mag-usap," nakangiting saad ni Nathalia. Walang sabi-sabi ay agad ko nang pinatayan ng linya si Lucas. Pumasok na agad ako sa loob. "Ikaw, Mokong. Lumabas ka muna," saad nito kay Ethan na nakasimangot na ngayon. Mukhang inis ito ngunit sinunod naman niya ang kaniyang kapatid.
Dumiretso na ako sa pag-upo sa upuan ng aking lamesa, umupo naman si Nathalia sa harap ko na tanging pagitan namin ay ang aking lamesa.
"Pumayag na ang kapatid ko," nakangiti niyang sambit. Buti naman. Kung hindi, baka pinatay ko na 'yon o kaya naman payagan ko na lamang ang kaniyang nais kahit hindi ko mawari kung ano ba talaga ang s*x na kaniyang gusto.
"Tungkol pala sa kaniyang mga gusto, ay hindi mo kailangan gawin. Puwede ko ba ipaliwanag sa'yo ang kaniyang mga sinabi kanina?" tanong niya sa akin at tinanguan ko bilang pagsang-ayon. Kailangan ko rin talaga malaman dahil naguguluhan ako. "Tungkol sa holding hands, ayos lang naman basta gusto mo 'to. Ang kiss? Okay lang din basta gusto mo rin. Ipinapakita rin ito bilang pagmamahal, paggalang o respeto. Maaaring mag-iba ang meaning nito depende sa tao. At ang s*x, paano ko ba ito ipapaliwanag?" saad nito at napakamot pa sa kaniyang ulo.
Ano bang meron sa s*x na 'yan?
"Ang s*x kasi ay para lamang sa magkarelasyon, para sa mag-boyfriend, girlfriend, at lalong mas maganda kung mag-asawa lang ang gagawa nito . Ito rin ay isang paraan upang ipakita ang pagmamahal at koneksyon sa pagitan ng mga mag-partners. Ganito kasi 'yan, magpapanggap lamang kayo kaya dapat hindi niyo gawin yon dahil hindi niyo naman mahal ang isa't isa," saad niya ngunit nagtataka pa rin ako.
"What is s*x? Paano ginagawa 'yon?" tanong ko, ngunit nakita ko na mas lalong namula ang kaniyang pisngi.
"Woah," pagbuga niya ng hangin sabay paypay sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang kamay. "Nasa edad ka naman na kaya ahm, sige." Humugot ito ng malalim na paghinga. "Ito kasi ay mga romantic at pisikal. Kasama dito ang kissing, touching, o tinatawag na oral s*x upang magdulot ng excitement at maghanda sa pangunahing aktibidad. Ang isa pa dito ay kung saan ang dalawang tao ay nagkakaisa sa pisikal na paraan. Maaaring ito ay vaginal, o anal, depende sa kagustuhan ng mga taong gumagawa nito." Nakatitig lamang ako sa kaniya habang siya ay nagpapaliwanag.
Marami pa siyang ipinaliwanag tungkol dito, dahilan para mas maintindihan ko ito. Sa tuwing nagpapaliwanag siya ng mga bagay na hindi ko alam, maiintindihan ko agad. Magaling siya magpaliwanag. Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili ko kung sino ang dapat magturo sa akin ng mga bagay na hindi ko alam. Ipinaliwanag niya rin kung bakit kailangan kong piliin kung sino ang dapat kong makakatalik, lalo na't nakatira kami sa isang bansa na may kulturang pinahahalagahan ang aming p********e. At isang pagkakamali lamang sa pakikipagtalik ay maaaring magbunga ng sanggol, mahirap ito lalo na't hindi handa ang gumawa nito.
Matapos kong marinig ang kaniyang mga pagpapaliwanag, agad kong naisip ang kaniyang kapatid. Ibig sabihin, gusto niya akong lokohin? Gusto niya makuha ang katawan ko para gawin lamang pangkaligayahan at kasarapan?
"So, your brother wants to take advantage of me because I am unaware of what he wants from me?" tanong ko kay Nathalia dahilan para mapayuko siya.
"Sorry, pero nag-usap naman na kami, hindi na niya gagawin o babalakin 'yon. Pangako."
"Ngayon pa lang, Nathalia. I can already see that he can't be with me at the university, he's not like you who tells me everything truthfully. Should I kill him?" agad na nagkaroon ng takot sa kaniya dahil sa aking sinabi. Agad siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko.
"'Wag, please. Mabait talaga ang kapatid ko, maloko lang siya minsan, pero paniguradong aalagaan ka niya habang magkasama kayo sa pag-aaral. Maniwala ka sa akin, pasaway lang siya dahil mahilig siya sa mga babae, pero alam kong mababantayan at maituturo niya rin lahat sa'yo, tulad ng ginagawa ko sa'yo," pagmamakaawa nito. Nagmakaawa muli siya, dahil lang sa kapatid niya na ayaw niyang patayin ko. Pathetic.
"Take your hand off me, now. Okay. Call your brother and let him in," agad niyang sinunod ang aking sinabi. Nang sundin niya na ang aking sinabi, agad silang bumalik at umupo sa harap ko sa upuan.
"Where is my uniform? Have you finished sewing it?" nakangiti niya agad na iniabot sa akin 'yon. Agad akong tumayo at muling huhubarin ang aking fitted black dress upang sukatin ito.
"Princess, wait, nandito pa si Etha-Oh my gosh, takpan mo ang mata mo, Ethan. Bilis!" rinig kong saad ni Nathalia ng maihubad ko na ang aking suot, tanging naiwan na lamang sa akin ay ang bra at panty kong kulay itim.
"Shit." Biglang saad ni Ethan dahil nakatulala siya kanina sa aking ginawa, ang ate na niya mismo sana ang magtatakip ng kaniyang mata, ngunit inunahan na niya ito. Para bang bigla siyang nataranta dahil sa kaniyang nakita.