Chapter 3

1507 Words
Akala ko ba gusto niyang makita ang katawan ko, ngunit biglang naging ganoon ang kaniyang inakto, parang hindi niya nagustuhan. Hindi ba maganda ang katawan ko? Ngunit lahat ng nakakakita nito, kahit hindi ako nakahubad, ay sinasabing sobrang ganda nito. Isinuot ko na agad ang uniporme ko at tinignan kung sakto na ito sa akin. Magaling si Nathalia dahil sumakto na nga ito sa akin, at ang ganda ng kaniyang pagkakatahi. Gamit lamang ang kamay niya ay nagawa niya ito ng maayos. Sa dalawang taon niyang nagtuturo sa akin, siya lagi ang naga-adjust ng aking suot kaya pinabayaan ko talaga siya na ayusin ang aking uniporme. Hinubad ko na ang uniporme at muling isinuot ang aking black fitted dress. Ang lalaki naman ay nakatakip pa rin sa kaniyang mga mata. Ang anim kong uniporme ay nakay Nathalia upang tahiin niya ito tulad ng aking isinukat kanina. "Good, Nathalia. Both of you may leave," saad ko, at tinanggal na rin ni Ethan ang kaniyang pagtakip sa kaniyang mga mata. Ang kaniyang pisngi ay namumula at hindi magawang makatingin sa akin. Tumayo na silang dalawa at naunang lumabas si Ethan. "'Wag mo na ulitin 'yan, Princess, sa harap ng kapatid ko, lalo na sa ibang lalaki. Pakinggan mo ako," nakangiti at ngunit parang nag-aalala niyang sambit. Tulad ng pagpapaliwanag niya sa akin tungkol sa pakikipagtalik, karamihan sa Pilipinas at karamihan sa paniniwala ng mga tao sa bansang ito, ay kasama ang pagbibigay ng respeto sa katawan. Ang hindi pagpapakita ng katawan sa ibang tao ay tanda daw ng paggalang o pagmamahal sa sarili. Hindi ako marunong magmahal. "Leave," nawala ang kaniyang ngiti dahil sa aking sinabi. "Sige, pero sana pumunta ka mamaya," dagdag niya pa at nagpatuloy na siya sa pag-alis sa aking silid. ...... "I thought you wouldn't come," nakangiting saad sa akin ni Lucas ng ako ay makarating sa lugar niya. Masaya siya dahil nakangiti siya, natuto siyang ngumiti noong nakilala niya si Nathalia. At ngayon, ngumiti siya palagi, lalo na't kung tungkol ito sa kaniyang babae. "Stop smiling in front of me like a fool, Lucas." Ang pagngiti niya akala mo ay para bang ako ang dahilan dahil pumunta ako dito, kahit ang totoo ay si Nathalia ang dahilan. Nilagpasan ko na siya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa table kung nasaan ang iba pang makakasama namin. Nang makarating ako, masaya nila akong binating lahat na para bang masaya silang nakita ako. Kumpleto kaming anim na magkakapatid, ito ang unang beses na magkakasama kaming lahat na kumain. At hindi mawawala sa kasama naming makakasabay ang kaniyang fiancée na si Nathalia at ang kapatid nitong si Ethan. Kasama rin namin ang babae ni Luke, si Rhea, na nakangiti sa akin. "Our beautiful Mafia Princess, buti ay dumating ka, you-" "Stop your stupidity, Luke. If you don't want your head to end up in your own place," saad ko, dahilan para matigil siya sa pagtayo sa kaniyang kinauupuan. Tatayo sana siya upang salubungin ako ng masayang pagbati ngunit nanatili na lang siyang nakaupo at tumagilid sa kaniyang nais sabihin. Tahimik siya ngunit napakalaki pa rin ng kaniyang ngiti sa akin. Siya si Luke, ang sumunod kay Lucas, na pangalawa sa aming magkakapatid. Sa lahat sa aming magkakapatid, siya ang pinakamasigla, laging nakangiti. "Ikaw kasi, manahimik ka diyan. Alam mo naman na ayaw niya ng mga ganyang bagay," saad ni Rhea sa kaniya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at umupo sa tabi ni Ethan na nakangiti rin ngayon sa akin. Umupo na rin si Lucas. "What kind of s**t is this, Lucas? Hurry up because I still need to fix something," saad ni Levi. Siya ang bunso sa mga lalaking kapatid ko, siya ang sinundan ko, anim na taon ang agwat niya sa akin. Si Lucas ay sampung taon ang agwat sa akin. Ang mga lalaki naman ay tag-iisang taon lamang ang agwat sa mga sinundan nila. "Have someone else finish it. Don't tell me, kasing tanga mo rin ang mga tauhan mo?" saad naman ni Liam, ang pang-apat sa aming magkakapatid, siya naman ang sinundan ni Levi. Tanging pagtingin lamang ng masama ang nagawa ni Levi, hindi na ito nakasagot pa. Napatingin naman ako sa kapatid naming pangatlo, si Lawrence, na tanging napangisi na lamang sa inasal ng dalawa. Ang apat na magkakasunod kong kapatid na lalaki ay magkakasundo. Kasundo rin nila si Levi, ngunit masasabi kong ito ang pinakastupid, kahit lagi siyang sumusuway at lumalaban sa mga kapatid ko, wala pa rin siyang palag dahil pinapatulan siya ng mga ito. Ngunit sa kanilang lahat, walang kumakalaban sa akin. Kahit ako ang bunso at nag-iisang babae, hindi nila ako magawang sagutin ng pabalang dahil alam nilang sa hukay sila aabutin. "That's enough," saad ni Lucas at binalik ang atensyon sa isang tauhang babae dito sa bahay. "Prepare the food here." Nagsimula na kaming kumain, at ibinalita rin ni Lucas ang tungkol sa kanila ni Nathalia na sila ay mag fiancée na. Nasabi rin nito na next year pa naman ang kasal, dahil may mga kailangan pa siyang ayusin bago sila gumawa ng pamilya ni Nathalia. Marami pa silang napagkuwentuhan, minsan tungkol sa kanilang mga babae, tungkol sa mga negosyo, at tungkol sa illegal na negosyo na aming hinahawakan. "Ready ka na ba bukas?" tanong ni Ethan na katabi ko, ngunit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang sa pagkain. "Ready na ba ang fake girlfriend ko?" tanong niya mula sa may tonong paglalambing. Nang tignan ko siya, nakangiti siya sa akin ngayon. "Ang ganda mo talaga, no? Ikaw pa lang talaga ang nakita kong may ganitong ganda at dating na babae, s**t lang." "One more word," saad ko habang nakadiin sa hawak kong table knife. Napatingin naman siya doon, dahilan para mapalunok siya at umiwas ng tingin sa akin. "Our beautiful Mafia Princess, kumusta ang pagbubukod mo? Masaya ba ang Princess namin?" nakangiting baling ni Luke sa akin. Masaya? Noong umalis ako sa lugar ni Lucas, hindi ko naramdaman ang pagngiti. Hindi ako nakakaramdam ng kasiyahan, kahit noon pa man na gusto kong umalis dito sa lugar ni Lucas. "Do you wanna die right now? Maybe I'll be happy with that," tanong ko, ngunit nginitian lamang ako ng pilit nito. Napabaling ako sa kaniyang babae, si Rhea, na masamang nakatingin sa akin. "You, what kind of look is that?" tanong ko kay Rhea. "Wala ka talagang galang, ano? Ganyan siguro talaga kapag walang kinalakihang nanay, wala-" bago niya pa maituloy ang kaniyang sinasabi, ay agad na dumaan sa kaniyang mukha ang hawak kong table knife. Nakatulala siya ngayon sa aking ginawa. Kung hindi lang siya hinawakan sa braso ni Luke upang iwasan ang binato kong kutsilyo, tiyak tumama na ito sa kaniyang ulo. "Mahal, 'wag mo nang uulitin iyon," nakahawak sa mukha na sambit ni Luke sa kaniyang babae. Si Rhea naman ay nanginginig na tumango kay Luke at yumakap agad dito. "Remove your gloves, Princess," saad ni Lucas, ngunit nakatitig lamang ako dito at ako ay tumayo. Sino siya para sundin ko? Napatingin ako sa aking katabi, si Ethan, na nakatulala, halatang nagulat siya sa nangyari. Napatingin ako sa katabi niyang kapatid na si Nathalia, na kinakabahang nakatingin sa akin, at pabalik-balik ng tingin sa mukha ko at sa suot kong black gloves. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi nila napansin ang pagkuha ko ng black gloves sa aking garter holster na nakasabit sa aking binti. Masuwerte pa rin siya dahil hindi ko binunot ang aking baril. Kung baril ang ginamit ko, kahit iiwas pa siya ni Luke, papaputukan ko lang siya ng paulit-ulit hanggang siya ay matamaan. Napatingin ako bigla kay Ethan na gulat na tumayo. Walang emosyon siyang nakatingin sa akin ngayon, naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay, ngunit hindi ko nalang namalayan na siya na mismo ang nagtanggal ng aking suot na gloves. Nakatitig pa rin ako sa kaniya at ganoon rin siya sa akin, may kung anong hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya. "Give back my gloves," saad ko at iniwas ang aking tingin sa kaniya upang pilit tignan ang hawak niyang aking gloves. Iniabot niya sa akin 'yon at agad na hinawakan ang pulso ng kapatid nyang si Nathalia at hinatak nya ito paalis. "I told you this was just one stupid thing you did, Lucas. You just wasted my time," saad ni Levi kay Lucas at umalis. Walang sabi-sabi at paalam, naglakad na rin ako palayo. Nang makarating ako sa parking area, napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang pag-uusap ni Ethan at Nathalia. "s**t lang, Ate. Nakita mo ba 'yon? Impyerno at mga hayop ang mga tao dito. Ate, pumayag ako na magpapakasal ka kay Lucas dahil nakikita ko kung gaano ka kasaya, pero 'yong nakita ko? Muk-" Nagpatuloy ako sa aking paglalakad at natigil sila nang makita ako. Bahid sa mga mata nila ang takot nang makita nila ako. "Go on, tell your blind sister how much of a hellish world she wants to enter," at patuloy lamang ako sa paglalakad papunta sa aking sasakyan. Isa itong impyernong mundo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD