"What are you waiting for? Start driving," saad ko kay Ethan nang makapasok ako sa kaniyang kotse.
"Hindi puwedeng sa backseat ka umupo, dito ka sa passenger seat," saad niya habang nakatingin sa akin sa rearview mirror.
"Are you bossing me, huh? Why should I do that?" tanong ko.
"Bilang pagpapanggap natin, hindi puwedeng pagbaba mo makita tayo sa university na galing ka diyan sa likod. Hindi mo ako driver, boyfriend mo ako," saad niya at ngumiti, "fake boyfriend," dagdag niya pa.
Tama siya, ngayon pa lang kailangan na namin umpisan ang pagpapanggap. Lumabas na ako ng kaniyang kotse upang lumipat sa passenger seat. Nang makapasok ako ay lalong lumaki ang kaniyang ngiti.
"Stop smiling, stupid. Start driving," saad ko. Tinanguan niya naman ako at sinimulan na niyang paandarin ang makina.
"Dahil sa malaking pasahod na binibigay niyo sa Ate ko, ineregalo niya sa akin 'tong kotse. Buti na lang dahil may panghatid at sundo ako sa'yo," saad niya habang nagda-drive. "Lalo kong magagampanan ang pagiging boyfriend ko sa'yo, fake boyfriend--" saad niya at muli na namang nakangiti.
"One more word," saad ko upang tumigil siya sa nais pang sabihin. Dahil doon ay naging tahimik na siya, ayon sa aking kagustuhan. Ngunit ilang minuto lang ay muli siyang nagsalita. Papatigilin ko sana siya ngunit hindi ko na nagawa.
"Puwede ba akong magsalita? 'Wag kang mag-aalala tungkol ito sa trabaho ko sa'yo habang nasa university tayo," sensaryo niyang saad. Hindi ako sumagot upang pahiwatig ko na magpatuloy siya sa nais pang sabihin.
"Para magawa kong maayos ang trabaho ko sa'yo, puwede bang pakinggan mo ako sa lahat ng sasabihin ko at sundin mo ang sasabihin ko? 'Wag kang mag-alala, pangako ko lahat ng paliwanag at sasabihin ko na dapat at hindi mo dapat gawin, lahat 'yon tungkol sa mga bagay na tungkol sa mga ordinaryong tao lang, tungkol sa amin" saad niya at saglit na binigyan ako ng tingin at muling binaling ang tingin sa pagmamaneho. "Pangako, gagawin ko ang gusto mong trabaho sa akin, pangako gagawin ko dahil alam ko kung ano ang mangyayari sa akin at lalo na sa mga mahal ko sa buhay kung hindi ko gawin ang gusto mo," sensaryo niyang sabi.
Sa mga oras na ito ay hindi ko nakikita ngayon sa kaniya ang sinasabi ni Nathalia na isang maloko at pasaway na binata.
"Puwede ba ang hiling ko?" tanong niya. Tanging pagtango lamang ang aking ginawa. Pinagmasdan ko ang paligid habang siya ay nagmamaneho.
Noon pa man gusto ko nang makita ang mundong ito na matagal na pinagkait sa akin ng mga taong nakakakilala sa akin. Noong nasa lugar ako ni Lucas, ipinaliwanag sa akin ni Nathalia ang mga iba't-ibang nararamdaman ng mga tao. Ang isa sa mga tumatak sa akin ay ang pagiging masaya o ligaya. Sabi niya, kapag ang tao ay masaya, makikita mo rito ang isang pisikal na reaksyon, ang pagngiti. Akala ko kapag nakaalis ako sa lugar ni Lucas at makita ang kung ano ang nasa labas ng itim na gusali, makakaramdam din ako ng ngiti tulad ng mga nakikita ko sa kanila. Ngunit hindi. Bakit hindi ko maramdaman ang pisikal na reaksyon na ito tulad ng mga ibang tao?
Siguro nga, tulad ng mga sinasabi nila, hindi ako tao dahil isa akong demonyo.
"Pagkatiwalaan mo ako tulad ng pagtitiwala mo kay Ate Nathalia," napabaling ako ng tingin nang magsalita muli si Ethan. Tinignan ako nito at nginitian ako. Sa pagkakataong ito, ang kaniyang ngiti ay masasabi kong walang halong kalokohan.
"Just do your job," saad ko.
-------
Nang makarating kami sa unibersidad, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga estudyante mula sa kotse. Nakikita ko ang iba't ibang emosyon na ipinaliwanag sa akin ni Nathalia, ngunit mas nakatutok ako sa mga taong nakangiti at tumatawa. Ang pagtawa ay isang pahiwatig ng lubos na kaligayahan. Sa lahat ng emosyon na nakikita ko, ang pinakamarami ay ang masaya. Ganito ba talaga ang mga tao? Laging nakangiti? Ito ang unang beses na makakita ako ng napakaraming masaya.
Nasanay akong ang nakikita ko lamang ay galit, lungkot, at takot. Madalas kong makita ang galit sa mga kapatid ko at mga tauhan namin. Ang lungkot at takot ay sa mga taong dinadala sa lugar ni Lucas, mga taong nawalan ng buhay.
Pagkatapos mag-park ni Ethan, bumaba siya ng sasakyan at lumapit sa aking gawi, pinagbuksan ako ng pinto. Hindi ako agad nakalabas dahil napatingin ako sa kaniyang kamay na nakaabot sa akin.
"As your boyfriend, tungkulin kong alagaan ka," maliit na ngiti niya sa akin, ngunit nakikita ko sa ngiting iyon ang pagngiti ni Lucas tuwing kasama ang babae niyang si Nathalia. "As your fake boyfriend," dagdag niya pa, ngunit sa mas mahinang boses.
Inilagay ko ang aking kamay sa kaniyang palad at lumabas na ako, inalalayan naman niya ako.
'Oh gosh, si Ethan. Sabi na tama ang desisyon ko na dito mag-college.'
'Napaka-guwapo talaga ni Ethan Soriano.'
'Ang sarap, lalong sumarap siyang tignan.'
'Lalo siyang naging cool tignan dahil may kotse pa. Masarap siguro kung diyan kami magtitikiman.'
Sari-saring ingay din ang narinig ko nang ako ay makalabas, at tungkol ito kay Ethan. Akala ko isa lamang siyang ordinaryong lalaki, ngunit bakit ang dami nakakakilala sa kaniya? Tama pala talaga ang sinabi sa akin ni Nathalia tungkol sa kaniyang kapatid, kilala nga ito, lalo na sa mga babae.
Binitawan ni Ethan ang paghawak sa aking kamay at kinuha ang aking bag upang ito ay bitbitin. Ang mga tauhan ko ay ganito rin ang ginagawa, sila ang nagdadala ng aking mga kagamitan.
"Is that also part of being a boyfriend?" tanong ko sa kaniya. Tinanguan niya naman ako.
"Tulad nga ng sabi ko, tungkulin kong alagaan ka, at ayokong nakikitang nahihirapan ang girlfriend ko," saad niya at naglakad, dahilan para maglakad na rin ako. "My fake girlfriend," dagdag niya pa.
"Ayaw mong makitang nahihirapan? Why? Because you love me?" tanong ko. Naaalala ko sa pagpapaliwanag ni Nathalia tungkol sa pagmamahal, isa sa mga parte nito ang pag-aalala at ayaw makita ang nahihirapan ang taong minamahal mo. Tinanguan niya ako, tumigil sa paglalakad, at iniharap ako sa kaniya.
"Oo, mahal kita," saad niya na may lakas, at inilapit niya ng kaunti ang kaniyang mukha sa akin. Sa mga oras na ito, biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit? Ngayon ko lang muli naramdaman ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko masabi kung ano ang ibig sabihin nito dahil sa lahat ng mga emosyon na naipaliwanag sa akin ni Nathalia, kasama na ang pagkabilis ng t***k ng puso. "As your fake boyfriend," mahina niyang saad bago nilayo ang kaniyang mukha at nagpatuloy na sa paglalakad at ganoon din ako.
'Mahal? Tama ba ang narinig ko?'
'Ano ang nakita ko? Sino ang kasama niyang babae?'
'Girlfriend niya ba 'yon? Maganda siya in fairness, correction, napakaganda at sexy pala.'
'Paniguradong isa lang na naman 'yan sa mga babae niya, kaya hindi niya girlfriend 'yan.'
"They are talking about me, right? Do you know that I don't tolerate being talked about? What should I do to stop them, kill them?" tanong ko, dahilan para mapahinto siya bigla. Agad niya akong hinarap, at kita ko ang takot sa kaniyang mukha na pilit niyang pinipigilan.
"Hindi, hindi puwedeng ganoon ang gagawin mo agad. May dala ka ba ngayon na baril o, o kutsilyo?" tanong niya.
"Wala, sabi ni Nathalia, hindi 'yan pinapayagan dito," saad ko, dahilan para mapahinga siya ng malalim. "But I have this-" Nang makita niya ang itim na gloves na ilalabas ko sana mula sa aking bulsa, agad niyang hinawakan ang aking kamay upang pigilan.