"s**t lang! 'Wag mong ilabas," kinakabahan niyang saad. "Pinapakaba mo ako. Sige na, tara na, 'wag mong ilalabas 'yan, okay?" saad niya, at kahit kinakabahan, nginitian niya ako. Hawak pa rin niya ang aking kamay habang kami ay naglalakad. Sabi naman ni Nathalia na hindi ko na kailangan sundin ang mga kondisyon sa akin noon ni Ethan para pumayag siya sa gusto kong magtrabaho siya sa akin. Isa sa mga ito ang holding hands, okay lang kahit hindi ko daw gawin ito. Tatanggalin ko sana ang paghawak niya sa aking kamay, ngunit hindi ko na ginawa. Naalala ko, sa lahat ng hiling ni Ethan, ang holding hands ang pinaka-okay doon base sa pagpapaliwanag ni Nathalia. Hindi ko na lamang tatanggalin, baka parte lang ito ng trabaho ni Ethan. "Damn it, sumasakit na ang tenga ko. They still won't stop tal

