“Ma...” “Sinasabi ko sa’yo, Agnes. Tumahimik ka!” Nanginig bigla si Lola kaya natatarantang lumapit ang mga anak nito. Pati ako ay nahintakutan at parang anytime aatakehin sa puso si Lola. Sinenyasan naman ng isa ko pang Tito si Tita Agnes at sinabi ritong umalis muna. Nang nawala si Tita ay panay ang pampakalma nila kay Lola. Hinahapo pa rin ito. Natatakot ako para rito. Bakit ganoon na lang din ang galit nito? May nagawa ba si Tita? Hindi ko rin naman maintindihan kung anong sinasabi nito. “Get out of my sight!” Pati ako ay nagulat sa galit nito. Kita iyong inis sa mga mata nito habang nakatitig sa akin kaya alam kong ako ang sinasabihan niya noon. Pagod na rin naman akong makipagtalo kaya umalis ako sa sala at tumungo sa harap ng bahay. Kinakalma ko naman ang sarili at nagpalakad-l

