“M-magsasabi naman po ako, Manang. Pero wag muna ngayon.” May pag-agam agam sa mga mata nito. Sabagay, si Tito pa rin ang amo nito. At kung sabihin man nito, hindi ko naman dapat ikagalit. Lalo na at sinadya ko pang dito manatili. Gayong noong una pa lang alam ko nang mangyayari ‘to. Ngumiti na lang ako, kung hindi ko magagawang pigilan ‘to. Di sige, okay lang... hindi naman si Tita ang makakaalam. Kung si Tito, mas maigi... kahit alam kong mas gusto nitong lumayo ako. Sa isipin pa lang na ‘yon, sumisikip na kaagad ang dibdib ko. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang pangungulila. Hanggang ngayon walang gabi na iniisip kong sana hindi lang kami magkadugo. I just wish... but— bumuntong hininga na lang ako at niyakap ng mas mahigpit si Drake. “Kayo naman ang mag-Tito kaya kayo na rin ang m

