"Tito, nandito na po kami..." Hindi ko alam kung paanong nakatakas kami sa bahay. Iyon lang, nakita ako ni Tito, yong Tito kong kaugali talaga ni Tito Titus. Ngunit nginisihan lang ako at parang walang nakita na dumiretso nang lakad. Di ko alam kung dapat bang matuwa ako noon o hindi. Bitbit ko si Drake at wala kaming ni isang gamit na dala. Tanging cellphone lang ni Tito at kapag nakita ko na si Tito Titus itatapon ko rin ito. "You're here..." Gulat na gulat ako habang nakatitig kay Tito. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko na ito ngayon. Ganoon pa rin, mas gumwapo at mas lumaki ang pangangatawan. Siguro dala na rin na nadagdagan ang edad nito. Kaya lang hindi iyon ang nagpatigil sa'kin kundi ang katotohanan na habang tumatagal, habang papalapit ito ay bumibilis ang t***k

