Kabanata 20

1635 Words
Jae: Alam mo we've been talking for a while now but I still don't know your age. Haru: Hindi ko pa pala nasasabi sayo? It's Wednesday and for whatever reason, wala kaming pasok kaya here I am bored. That's why I decided to ask questions about his life and such. Gusto kong bumawi for not talking to him buong araw yesterday. We're talking to each other and it's rude to just disappear out of nowhere, unfair sa part n'ya since he's probably waiting for my response or I'm just assuming things? Nevertheless, it's not really good to do that to anyone. No matter the consequence, always — always tell them what's happening para naman aware sila at hindi parang tangang naghihintay sa wala. Jae: I'm kind of aware about our age gap but I wanna know how big is it. Noong nakaraan ko lang nalaman ang tungkol sa edad ni Brayson. He's already in legal age and hindi ako magugulat kung pati si Haru ay ganun na rin. Haru: I think aware ka na nasa legal age na ako. I'm turning 22 this coming July. I know what you're thinking but I swear, I don't have any hidden intention. I'm both a reader and writer at hindi na bago sa akin ang ganito dahil halos lahat ng mga nabasa kong libro ay may ganitong tema: age gap. And now, idagdag mo pa na maliban sa gap, I'm still a minor same as Hestia and Szaniah. Sa tingin ko naman ay totoo sa salita si Haru na wala s'yang ibang intensyon. Mayaman si Hestia at dahil nga sa koneksyon n'ya kay Brayson at sa mga kaibigan nito, alam kong mayayaman din sila. Kaya with the social status like that, hindi naman siguro s'ya gagawa nang ikapapahamak ng pangalan at reputasyon n'ya. Pero pwede rin namang mali ako, na baka mamaya magaling lang pala talaga s'ya magpanggap pero ang totoo ay may iba pa s'yang pakay sa akin, pero ano naman yun? Unlike them, we're not rich. We always worry about money, kung saan kukuha, paano gagastusin, at marami pang iba. I know na when it comes to them, ang mga nabanggit ay isang maliit na problema lamang, o baka nga hindi pa nila ito i-consider as some kind of problem at all. Jae: Ang laki ng gap natin, 6 years. Haru: Yes, and believe me, wala akong ibang pakay. I just like you that's all. As I was reading our exchange of messages, wala naman akong ibang maramdamang iba or mali sa vibes n'ya. Only butterflies on my stomach. Jae: I was just asking lang naman Haru: But alam ko na you're thinking about it. Anywaaaay I really like talking to you but I gotta go for now. Jae: Saan ka? "Jae yung cake dito na gawa n'yo hindi mo pa ba kakainin? Baka mamaya masira ah." Muntik nang mawala sa isip ko ang cake kung hindi lang binanggit ni mama ngayon. Tumayo ako at nilabas ito mula sa ref. It's nine in the morning at hindi maganda ang pagkain ng dessert sa ganitong oras. Ipinagsawalang bahala ko lang yun at naglabas pa ng platito. "Gusto mo kumain ma?" alok ko. Nakangiwi naman s'yang tumingin sa akin. Inilgay ang parehong kamay sa baywang at uniling iling sa akin. "Tinanong ko kung kakainin mo na ba pero hindi ko sinabing ngayong oras mo mismo kainin yan," nagkasalubong ang dalawang kilay na saad ni mama. "Gusto mo bang sumakit ang tyan mo n'yan?" dagdag n'ya pa. "May nakain naman na ako kanina ma," I said as I took a bite from the cake at halos mapapikit ako sa sarap. I didn't know na ganito pala kasarap ang unang cake na nagawa namin. "Hay naku, bahala ka kapag sumakit ang tyan mo n'yan," saad ni Mama. Natawa naman ako nang may kinuha s'yang gamot at inilgay sa harapan ko. Well actually I lied. Wala pa talagang kalaman laman ang tyan ko simula nang gumising ako. And this cake will be the first food I'll eat for today. I just hope na lang na hindi nga sumakit ang tyan ko dahil baka maubos ko pa 'to sa dahil sa sarap. Haru: Mag-aaral ako. Gusto ko na nga matapos para aral ulit eh HAHAHAHHAHA I need more money Napatigil naman ako sa pagsubo dahil sa nabasa. Why would he need more money when already has a lot of them? Jae: Para saan pa eh eh andami mo ng pera? Haru: For my future family. i don't wanna be called useless and irresponsible father and husband. Namangha naman ako sa nalaman. It's really rare for men to think about their future family but here he is, being of the rare ones. I think I just put a plus point for him in my mind. Jae: Wow! Secured na secured na future ah. Support! Haru: Of course you need to support me, para sayo 'to eh HAHAHHAHAH kidding Naubo-ubo ako sa kinakain at halos hindi makahinga nang maayos. Hindi talaga dapat ako gumagamit ng phone habang kumakain. Literal na nakakamatay. Jae: Hoy HAHAHHAHAHA Haru: I'm just kidding HAHAHAH baka matakot ka bigla. Sige na I gotta go! Talk to you later when I'm done! Jae: Study well! Tinapos ko na ang kinakain at baka kung ano pa ang mangyari sa akin. Nagtira lang ako ng kalahati ng cake para kay mama so that she can taste it later. Chinarge ko ang phone dahil malapit na mamatay kaya ngayon ay wala na akong mapagkaabalahan. Napatingin ako sa tambak ng mga damit na kailangang tupiin. Wala naman na akong ibang magawa kaya sinimulan ko na lang magtupi. Pagkatapos magtupi, chineck ko kung ilang percent na ang phone at nakitang matagal tagal pa itong mapupuno kaya naghalungat na lang ako sa mga librong nakatago at nang makapili ay agad na nagbasa. "Ang tanga naman nitong mga 'to, bakit d'yan sila nagtago," komento ko sa isang eksena kung saan naabutan na sila ng mga humahabol sa kanilang mga wala na sa sariling mga estudyante. Ang napili kong basahin ay science fiction kung saan hindi alam ng mga estudyante ang tungkol sa mga teachers nila who are conducting an experiment to them. Ganito genre kasama ng horror at mystery/thriller ang mga hilig kong basahin. Minsan lang ako magbasa ng mga romance novel at madalas ay hindi ko pa natatapos. Iwas ako magbasa ng mga librong romance ang genre hindi dahil I find it corny, but because I can't feel any thrill about it. Halos lahat ay pare-pareho lang ang mga nangyayari. Maghihiwalay tapos magkakabalikan, pupunta ng ibang bansa para magmoved-on, or di kaya ay tataguan ng anak. Kaya simula noon ay nagstick na lang ako sa horror, fantasy, or mystery thriller. After 30 minutes nang pagbabasa ko chineck ko ulit ang phone at tahimik akong napa-yes nang makitang puno na ito. Alam ko namang busy pa si Haru kaya sa mga gc muna ako napadpad. GC: Hestia: Yan si Jae lason na yan lason, may bebe amp Prim: Sana all po minamyday Crista: Sana all nasa bio Jae: Anong sinasabi n'yo d'yan? Maeve: Check mo account ng bebe bebe mo Nagtataka man ay ginawa ko rin at gulat na gulat ako sa nakita. Ang pangalan ko ay nasa bio n'ya at ang picture ko ang nakalagay naman sa featured n'ya. Agad agad naman akong nagmessage kay Hestia. Jae: Giiiiirrrl omg wjznjsjs sayo galing yung picture noh? Hestia: Oo teh amp ginawa akong source jusko btw wow ah may pa bio at featured na. Kayo ba, kayo? HAHAHAHAHAH Jae: Syempre hindi HAHAAHHAHA Huminga ako at nilagay ang kamay sa may dibdib. Maririnig ang t***k ng puso ko at ang isa pang kakaibang pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa talaga ako. No one has ever done that thing to me. I always feel sa naging ka m.u ko na ako lang ang may gusto sa aming dalawa. Ako ang naglalagay ng effort and such, kaya this makes me happy and at the same, I also feel that he really cares for me. Kahit na sabihin pa nating nasa online platform kami at hindi naman dapat ginagawang big deal ang mga ganitong bagay. I appreciate it. And siguro ito na rin ang trigger sa feelings ko. Hestia: Sus huwag ako HAHAHAH any time soon alam kong magiging mutual something na rin kayo. Oh baka mutual na nga eh, hindi ka lang umiimik d'yan HAHAHAHAHA Jae: Go with the flow lang tayo dito ano ba wijxjsjdjs pero I won't deny na nagulat talaga ako sa ginawa n'ya Hestia: Yung nangyari pa lang sa Valentine's day teh nakakagulat na, ito pa kaya? Kaya ihanda mo na ang sarili mo sa mga paparating pa Hindi lang pala ang mga kaibigan ko ang nakapansin doon dahil kahit pati ang iba naming kaklase at kakilala ay nagmemessage sa akin tungkol doon. What's with them? Paano naman nila nakilala si Haru at ngayon ay nakikichismis na sa buhay ko. Kinakabahan ako dahil baka mamaya umabot na pala ang nangyari sa mga kapitbahay o mga taong malalalapit sa magulang ko. Mabilis lang kumalat ang balita lalo na kapag galing sa internet. At hindi ko alam ang gagawin sa oras na malaman ni mama ang tungkol kay Haru. Szaniah: Grabe ka na talaga teh! Ikaw na talaga HAHAHAHAHHA ay magkkwento ako mamaya tungkol kay Art, wait babalik ako! Jae: Aasahan ko yan! Anong oras na hindi ko pa rin nakikitang online si Haru. Nainip na ako kaya nagdesisyon akong ako na lang ang magmessage. Jae: I saw them ejjdjwhshshsh I just wanna say na I really appreciated what you did. So in exchange, I'll say something na I think matutuwa ka. Napahinga pa rin ako nang malalim bago i-message ang sasabihin kahit na over a text lang naman 'to Jae: I also think I like you na
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD