Simula nang araw inamin kong gusto ko s'ya mas lalo kaming nagkalapit at kung dati ay tinatanghali ako nang gising, ngayon ay hindi. Inaabangan ko ang good morning message n'ya at minsan pa nga ay nauuna pa ako sa kanya magising gaya ngayon.
I open my phone at agad na nagtungo sa convo namin and there's still no message from him. At dahil wala pa nga s'yang chat, balak ko sanang matulog ulit pero hindi pa ako ulit dinadapuan ng antok kaya nagbasa basa muna ako sa phone.
Agad kong pinatay ang phone nang maramdaman kong paparating si mama. I don't want her to know that I'm already awake dahil hindi n'ya na ako hahayaan pang matulog ulit. Sinigurado ko munang wala na si mama bago ko binuksan muli ang mga mata ko. Dahil medyo tumagal ang pagpikit ko kaya halos makatulog na ako ulit.
"Hindi pa rin s'ya online," mahinang sambit ko. Humikab ako at nilagay na ulit sa gilid ko ang phone, hanggang sa nakatulog na ako.
"Cheers! Happy Birthday Jae!" Nagulat ako nang may biglang nagpaputok ng wine sa harap ko. Lumingon ako sa paligid at napapaligiran ako ng mga hindi pamilyar na mukha.
Is this another dream?
"I miss you! Oh gosh marami akong dapat na i-kwento sayo," saad ng babaeng yumakap sa akin. I look at her confusingly while she's smiling from ear to ear.
"H-Hestia?" hindi siguradong tanong ko.
"What's with you?" she asked. "Ano kakalimutan mo na ako?" Tumaas ang kilay n'ya at tumitig sa akin.
"Is it my birthday?" Hinampas n'ya naman ako nang mahina at kumapit sa braso ko.
"I know naman na you really don't like celebrating your birthday but you didn't have to act like it doesn't exist." She said as I was wondering my eyes around the crowd. Lahat sila ngumingiti sa tuwing makakasalubong ako na parang matagal ko na silang kakilala.
Napatingin ako sa repleksyon ko nang napadaan kami sa isang salamin. There's a beautiful woman wearing a peach dress staring at me. Is that me?
"Let's go? Why are you starting at your reflection? You're beautiful okay? So tara na may papakilala kita." Hinila n'ya akong muli at dinala sa mas maraming tao.
Hindi ko alam kung paanong nakasurvive ako sa mga pagpapakilala n'yang ginawa. And mukhang it didn't bother them that I was silent the whole time. But what do J expect? I'm in a dream and I need to find my way out bago pa may mangyaring hindi ko magustuhan.
Kumawala ako sa pagbibitbit ni Hestia sa akin kung saan saan at naglakad palabas.
"You just need to get hurt or something, maybe die for you to wake up," pakikipag-usap ko sa sarili.
"That's brutal." Lumingon ako sa biglang nagsalita. May lalaking hindi gaano kalayo sa akin ang nasa pwesto kung saan hindi s'ya naaabutan ng kahit anong sinag ng liwanag galing sa mga ilaw namin.
"Sino ka?" I said then sighs, "nevermind, I'm going anyway," pagdagdag ko sa naunang tanong.
"From talking to yourself to answering your own question, are you sure you're still on your right mind?" nang-iinsultong komento n'ya.
"And what are you? A vampire? Ba't ka nagtatago d'yan? Hindi na uso yan!" I don't know but I felt something while talking to him. Sa lahat ng mga taong nakausap ko kanina, he's the only one I feel familiar with.
Who's he?
"Let's just na we know each other a little too well." Mabagal s'yang naglakad paalis sa kadiliman na kung saan ay nakatayo s'ya.
"W-who are you? Why do I feel like this?" my voice c***k at the end of my sentence. Sa hindi malamang dahilan, unti unting tumutulo ang luha ko.
Hindi s'ya sumagot at nagpatuloy sa mabagal na paglakad.
"It's okay," he stopped, "it's me—
Bago ko pa narinig ang sasabihin n'ya at makita ang mukha n'ya, may pwersang mabilis humila sa akin papalayo sa kanya.
"Hindi!" sigaw ko.
"Hindi!"
"Jae gising," ramdam ko ang pagyugyog sa akin ng kung sino. Binuksan ko ang mata at ang unang bumungad sa akin ay si mama.
"Nananaginip ka," nag-aalalang turan ni mama.
Hindi ko nalaman kung sino s'ya. Kung hindi lang ako ginising ni mama malalaman ko na sana ang pangalan n'ya.
"Okay ka lang? Uminom ka ng tubig oh." Iniabot sa akin ni mama ang isang basong tubig na kinuha ko naman at walang imik na ininom. Nang masiguro ni mama na okay lang ako saka s'ya umalis. Napatingin ako sa orasan at nakitang 8 na ng umaga. Ni wala pa nga sa kalahating minuto ang tinagal ng mga pangyayari sa panaginip ko.
I put my hands on my chest. For whatever reason, I feel lonely. Ang nangyari lang naman ay hindi n'ya natuloy ang sasabihin at panaginip lang ang lahat but why do I feel sad?
I just shake my head.
It's just a dream Jae, no need to dwell on it.
Haru:
Best morning to you! Sana naging mahimbing ang tulog mo
Kung alam mo lang kung gaano kagulo.
Jae:
Good morning! Sana ikaw din
Haru:
Of course! We're going to talk the next day eh kaya mahimbing talaga tulog ko every night
Napangiti naman ako sa nabasa. Ganyan dapat Jae, hindi yung nag-iisip isip ka sa isang panaginip na sigurado ay gawa lamang ng malikot mong isip.
Jae:
I gotta ask, what's your height?
Haru:
I'm tall Rei, it's 6'0
6 footer???? Anong nilaklak nito at ang tangkad naman n'ya. But then, he's half so I guess it's on their genes.
Jae:
Ang tangkad mo naman. I'm only 5'2 help?
Haru:
That's nice HAHAHAHAH
As expected, matutuwa s'yang malaman height ko. I don't know pero medyo common na sa guys who prefer their girl as short. Yung tipong kapre na sila sa laki tapos yung partner nila duwende ang height.
What's with the height?
Jae:
Hmpk! Anong nice doon
Haru:
We're going to be a cute couple!
Napailing na lang ako. We're not even a couple yet, not even close to that matter but here he is talking about the future. Hindi rin naman nagtagal ang pah-uusap namin dahil may trabaho s'ya samantalang papasok naman ako.
"Sa tingin ko, ang tema naman ng panaginip mo ngayon ay hinaharap," paliwanag ni Hestia matapos kong i-kwento ang nangyari. Pagdating ko pa lang ng school ay agad kong hinanap si Hestia na s'yang alam kong makakatulong sa akin to think of a logical explanation about my dreams.
"Kasi diba sabi mo hindi ka pamilyar sa lahat ng mga nandoon pero sila kilala ka nila," dagdag pa n'ya.
Bakit ka ba hindi ko naisip yun? Ang pag-iiba ng itsura ko, ang hindi pagkakilala sa mga taong nandoon, iisa lang pwedeng maging dahilan at yun nga ay dahil nasa future ako.
Kaya hindi ko nakilala ang mga nandoon kahit mismong mukha ko ay dahil hindi ko naman talaga kilala kung sino sino kami sa oras na lumaki na kami.
"So nasa future ako that time?" mahinang tanong ko.
"Yun ang naisip ng utak mong makita, yung hinaharap na ikaw," huminga sya nang malalim, "kung maayos ka ba? Or may dapat kang paghandaan," dagdag n'ya pa.
But what about that guy? Anong ginagawa n'ya doon? And bakit s'ya lang ang familiar na nararamdaman ko? Perhaps he's someone who's close to me, or someone na makikilala ko pa lang at magkakaroon malaking impact sa buhay ko.
Napahinga na lang ako nang malalim at inilibot ang paningin. Sa hindi malamang dahilan, dumako ang mata ko sa kinauupuan ni Gael. Ramdam n'ya sigurong may nakatingin sa kanya kaya lumingon s'ya at doon kami nagkatitigan.
Kailan ko ba tuluyang napagtanto na wala na akong nararamdaman sa kanya?
Parang noong nakaraan lang, binabaluk balikan ko pa ang mga panahong we still like each other. I also caught myself looking at him every chance I got. But now that we're both looking at each other, I just don't feel something anymore. Hindi na talaga s'ya dahil may iba na.
Ako na ang nag-iwas ng tingin at inabala ang sarili sa phone.
Haru:
[Sent an image]
Halos mangamati ako sa pula dahil sa litratong sinend n'ya. Tinignan ko nang masama si Hestia at inapakan ang sapatos.
"Ouch! What was that for?" Hinarap ko sa kanya ang phone at bumulanghit s'ya sa tawa nang makita ang litrato.
"I'm sorry girl! HAHAHAHHAHA" nagpatuloy sya sa pagtawa. Hindi ako nakisabay sa kanya para makita n'ya na seryoso ako.
"Hindi s'ya nakakatawa Hes, why would you send it to him? I looked ugly on that picture!" Ang litrarong sinend n'ya ay ang nakuhanan n'ya noong araw na nagbabake kami ng cake. Lahat kami ay pinapawisan that time kaya nagmukha talaga kaming haggard at stress.
And Hestia sending it to him without me knowing is not okay.
"If I send an ugly picture of you to the someone you like, matutuwa ka ba? Hindi diba. So why would you do this to me?"
Hindi na s'ya nakaimik pa kaya nagsimula kong sabihin sa kanya nang maayos kung bakit hindi yun maganda gawin.
"I'm sorry Jae! Huhuhuhu forgive me please labyuuuu," paghingi ng tawad ni Hes. Umirap na lang ako at mahinang natawa. Hindi ko naman kayang magalit sa kanya, I just want her to know that I don't like it para maiwasan n'ya nang gawin ulit in the future.
Jae:
Hala nakakahiyaaaaa ang panget ko d'yan
Haru:
Hindi ah! U still look cute pa rin naman hangal. You're just stressed and haggard but still pretty.
I think I might just faint, right here right now.