"Palapit na nang palapit ang monologue n'yo ah? Siguraduhin n'yo lang na handa kayong lahat." Kulang kulang isang linggo na lang ang meron kami para magprepara.
Habang nalalapit ang araw, mas lalo akong nangangamba dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang balak kong gawin. Samantalang si Hestia ay handang handa na, makikita mo naman sa mukha n'ya ngayon na s'ya lang ang hindi mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Tandaan n'yo na malaki ang sakop nito sa pangkalahatang grado n'yo kaya't sa oras na mababa ang makuha n'yo sa akin, " tinignan n'ya kami isa isa bago nagpatuloy, "malaki ang magiging hatak nito sa lahat ng grades n'yo."
Rinig ang mahihinang singhap at angal sa mga kaklase ko na sinadyang hindi binigyang pansin ni Ma'am.
"Hindi ko ito ginagawa para pahirapan kayo o ano, gusto ko lang na seryosohin ito nang mabuti. Sige mauuna na ako, pagbutihin n'yo." Naglakad na si Ma'am paalis at nang tuluyan na s'yang nawala sa paningin namin, kagaya nang araw na nag-announce s'ya, sunod sunod ang reklamo ng mga kaklase namin.
"Andaya naman, dapat kasi noong January pa sinabi ang tungkol dito eh!"
"Hoy ready ka na ba? Mag Padre Damaso ako HAHHAHA"
"Mukha ka namang m******s bagay sayo HAHHAHAHA
"Buti pa si Hes! Ni hindi mo man lang nakitaan kanina nang pagkabahala!" sigaw ng isa naming kaklase. Hindi lang pala ako ang nakapansin no'n sa kanya. Agad naming sumang-ayon ang iba pa na parang kanina lang ay nagrarant sa isa't isa.
"Ano ba kayo, kaya n'yo yan! Tumingin lang kayo sa mga videos na pinost ng mga naunang nagmonologue para may ideya kayo," nakangiting saad ni Hestia.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya at sa mga kaklase namin. Lahat sila ay tumatango tango sa sinabi n'ya. Sino ba naman kasi ang hindi? Lahat ng mga tao sa paligid namin ay gusto s'ya.
I've been with the same classmates for years at wala ako naging masyadong close or kung meron man, alam kong may mga mas kaibigan pa sila kaysa sa akin. At simula nang nagtransfer s'ya, lahat ng atensyon ay napunta sa kanya. Kahit ang circle ng popular na grupo sa aming mga kaklase ay ninanais s'ya isama.
Napakagat ako sa labi dahil sa iniisip. Nagsisimula ka na naman Jae. Baka kung saan na naman mapunta ang iniisip mo kaya dapat na itigil mo na.
"Oh my God, what happened to your lips?" Nakaturo ang daliri ni Jhena sa akin. Binasa ko naman ang labi ko and taste a metallic tast.
Dumudugo ang labi ko? Nasobrahan ata ako sa pagkagat.
Lumingon naman sa pwesto ko si Hestia and mouthed the words 'are you okay?'. I just nod then give her a thumbs up.
"Jae dumudugo pa," nag-abot ng tissue sa akin si Jhena na tatanggihan ko sana pero nalasahan ko ulit ang dugo sa labi ko kaya kinuha ko ito at dinampi dampi sa labi ko.
Napakunot ang noo ko nang makita ang dugo sa tissue.
Bakit parang andami naman yata? Masyado ba akong nanggigil?
Pinakiramdaman ko ang kabi ko gamit ang daliri para tignan kung malaki ba ang naging sugat pero pero wala akong makapa.
Nagkibit-balikat na lang ako. Alam kong hindi ako pala-inom ng tubig kaya baka dumugo s'ya nang marami dahil sa balat na nasama.
Tumingin ako sa phone at tinignan kung may message na galing kay Haru pero hanggang ngayon ay mga message ko pa rin ang nakikita, walang reply na galing sa kanya.
Jae:
Hiiiii
Are you there?
Yuhoooo where are you?
Haru?
Simula kanina pang umaga ay wala pa akong naririnig galing sa kanya kahit na simpleng 'good morning' na s'yang pinagtatakahan ko dahil hindi naman s'ya nagmimintis sa pagsabi nito.
"Wala pa rin?"
"Szaniah! Wala pa rin nga eh, sayo ba?" tanong ko kay Szaniah na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.
"Wala rin at mukhang si Hestia rin ay wala." Maliban sa akin, si Hestia at Szaniah ay pareho ring hindi pa nakakareceive ng kahit anong mensahe galing kay Brayson at Art.
Magkakasama kaya sila?
"Ano sa tingin mo ang nangyari?" tanong ko.
"Hindi ko rin alam eh I mean me and Art? Hindi kami same sa situation n'yo ni Haru so ayun." She and Art have been talking and from what I heard, they're friends with slight flirting to each other, unlike us.
Hindi sa sinasabi kong nasa isang relasyon na kami ni Haru but we're something... Something I can't name— no let me rephrase that. We're something that I was scared to name.
Wala rin naman akong naririnig galing sa kanya about this situationship we had. Kagaya nga nang sinasabi ko, I'm just going with the flow. Ayaw kong manguna at baka magkamali lang ako.
"Let's ask her," tumayo ako at hinila s'ya palapit kay Hestia na abala sa pakikipag-usap kay Alya.
"Hes," tumigil s'ya sa pagsasalita at tumingin sa amin. Nasense naman n'ya ang pakay namin since she excuse herself from Alya.
"Kung tatanungin n'yo ako kung may alam ba ako sa sabay sabay na biglang pagkawala nila, wala akong alam at wala akong pake." Hindi pa man kami nakakapagsalita ay naunahan na n'ya kami.
"Tigilan mo ako, alam kong nagtataka ka rin," I said as I rolled my eyes at her.
"Well girl, oo aaminin kong nagtataka ako pero duh? Do you really expect me to waste my time thinking about them? Of course not," umirap din s'ya at pinagkrus ang mga braso.
"Saka pare pareho naman silang wala kaya kung ano man ang nangyari, siguradong magkakasama sila," dagdag n'ya pa. Umupo kaming dalawa ni Szaniah sa mga bakanteng upuan na nasa tabi n'ya.
"Paano kung ghinost nila tayo?"
"Really Szaniah? Sa pagghost kailangan talaga sabay pa sila? Ano yan bestie goals?" masungit na sagot ni Hestia.
"Ang high blood mo naman teh, nagsusuggest lang naman s'ya ng posibilidad," pagtatanggol ko kay Szaniah na nag-iwas ng tingin at ngumuso.
"Ang sakit sakit ng puso ko ngayon teh kaya pasensya na at kayo sa inyo muna ako ngayon maiinis," tumawa s'ya saglit at biglang nilagay ang dalawang kamay sa puson.
"Understable naman pala HAHAHAHHA," sinamaan naman nang tingin ni Hestia si Szaniah na tatawa tawang nakatingin sa kanya. Tumigil naman s'ya pero hindi pa rin matago ang bakas nang pagkakangiti.
"Gosh you two, pag-untugin ko kayong dalawa eh— ouch bakit ba kasi ako babae!" mahinang sigaw n'ya sa sakit.
Sabay naman kaming tumawa ni Szaniah kaya bigla kaming pinaghahahampas ni Hestia.
Dumating na ang pagbaba ng araw pero wala pa rin akong natatanggap na balita galing kay Haru. I can't help but to wonder, what if they really ghost us? Will I reach to him? Or hahayaan ko na lang?
But why would he do that the first place anyway? I don't he's the type of guys na bigla bigla na lang talaga mawawala after spending some time with a girl. He's cruel if he did that. No one deserves that kind of treatment.
"Huwag mo na hintayin yun sinasabi ko sayo. Mas mabuting huwag mo masyadong isipin para hindi ka magbilang bilang ng oras d'yan." I looked at Hestia who's been also looking at the sunset.
"Iniisip ko lang kung anong mangyayari kung ghinost talaga nila tayo," sambit ko.
"If that's true then hayaan natin. Mabuti nga yun, nalaman agad natin nang maaga kaysa kung tumagal." Well she has a point. Maliban kay Hestia at Brayson, wala pa naman kaming isang buwan na magkakakilala ni Haru kaya hindi pa ganoong kalalim.
"But that's just sad you know?"
"It's sad but it's for the best. Hindi naman natin alam kung ano ang tumatakbo sa isip nila hindi ba? Suwertihan na lang kasi talaga ngayon." Tinapik n'ya ang balikat ko at bumalik na sa upuan n'ya.
I know, but I still hope hindi n'ya naisipang gawin yun.
Hanggang sa nakauwi at ngayon ay nagbabalak nang matulog, wala pa ring Haru ang nagpop-up sa phone ko. I think here it is, the truth I need to accept.
He's gone.
Szaniah:
You also think the same right? Na wala na sila?
Matutulog na sana ako nang nakita ko ang pangalan ni Szaniah sa screen ng phone.
Jae:
Yes
Matulog ka na teh good night
Pinatay ko na ang phone at pumikit. Hindi pa ako nagtatagal ng isang minuto sa kinahihigaan ko pero parang gusto ko na bumangon. Hindi ako mapakali at parang gusto kong lumabas but I can't kaya pumikit na lang ako ulit at pinilit na matulog. Hindi rin naman nagtagal at nakatulog na rin ako.
Haru:
Hi!
Damn I'm so sorry. Nagkaroon kasi kami ng biglaang hiking nina Art at walang signal sa pinuntahan namin kaya hindi ako nakapagmessage
Tinignan ko lang ang phone na sunod sunod ang pagvibrate dahil sa mga message n'ya na kahapon ko pa hinihintay galing sa kanya. Tumayo at naghilamos ng mukha. Sinadya kong tagalan para hindi ko kaagad mahawakan ang phone.
Pagkabalik ko, tumaas ang kilay ko dahil nadagdagan ang mensahe n'ya. It looks like he's already aware na there's something wrong. Tama yan, dapat alam mo at hindi yung mag-aact na parang wala lang
Haru:
Ngayon lang kami nakauwi at ngayon lang din ako nakapagcharge
Are you mad?
Rei I'm sorryyy
Talk to me please?
Instead of replying to him, pumunta ako sa gc namin at doon nagmessage.
GC: (unnamed)
Jae:
Naghiking pala sila wkxnsnsnsj kinausap n'yo na?
Hestia:
Bakit naman hindi? Wala naman ako pake sa kung ano ginawa nila
Jae:
Szaniah?
Szaniah:
Well yes? Nagkukwento na nga s'ya eh. Girl if hindi mo pa nirereplyan naku replyan mo na
Hindi ako makapaniwala sa mga nabasa. Am I the only here who's acting different? Well sa aming tatlo, kami ni Haru lang din naman ang may malinaw na ugnayan? Brayson is winning Hestia back, and sina Szaniah at Art naman ay kakasimula pa lang na mag-usap.
GC:
Hestia:
Kausapin mo na alam naming marupok ka HAHAHHAHA
Szaniah:
True! Kung nagsorry tapos nagpaliwanag naman na, kausapin mo na!
Dahil wala akong nakuhang kakampi sa dalawa kaya nagreply na ako kahit ayoko pa sana.
Jae:
No need to explain, it's okay
Haru:
I don't think so Rei. Alam kong nagtatampo ka and I'm sorry for being careless na hindi sabihin sayo before we even go there.
Inis naman akong napatitig sa phone kasabay ng paghinga nang malalim. Why are you even acting this way Jae? Valid naman yung reason n'ya so stop acting like a brat and reply to him.
You and him are just talking. You don't have the right to act like a girlfriend or something.
Jae:
Oh fudge, you don't need naman kasi magpaalam kasi di mo naman yun obligasyon oqjznsnajs
And I don't have the right to be mad, and it's not like I'm mad 'no HAHAHHAHA I'm not
He just seem my message. Gosh, what have I done? Is he mad at me? Really Jae? You let your pride control you again?
But then we're in talking stage right? Kahit papaano valid din naman yung nafeel ko?
Pero ni hindi mo pa nalalaman nang maayos ang paliwanag n'ya galit ka na agad.
Dumaan na ang ilang minuto at hindi pa rin s'ya nagrereply. I think I pushed him and now I don't know kung anong gagawin ko.
Jae:
Hey are you mad? I'm sorry
Nagkabaliktad na ang sitwasyon namin, ako yung kanina hindi nagrereply because of my childishness and now ay s'ya na.
Haru:
Im not mad. Well im not supposed to be mad but imagine I was so excited, exhausted at the same time then ito bubungad sakin kahit manlang sana Good morning Haru bakit 'di ka nagopen what happened what did you do' but you chose to be mad and not let me explain
Mahina akong napakagat sa labi sa nabasa at dahil doon, hindi ko na naman napansin na dumugo na naman ito.
Bakit dumudugo na naman 'to? Hindi naman madiin ang pagkakakagat ko ah?
Pinunasan ko muna ito bago nagtype nang irereply pero dinugtungan n'ya pa ang sinasabi.
Haru:
Im giving you the right to be mad or feel something. You supposed to feel that kasi we like each other hindi ba malinaw yon?
Look what you've done Jae.