Haru:
Im giving you the right to be mad or feel something. You're supposed to feel that kasi we like each other hindi ba malinaw yon?
I've been staring at his message for I don't know times simula pa kanina nang sinend n'ya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. I can't even find the right words to say.
Alam n'yang nagkamali s'ya, inaamin n'ya yun at humingi sya na s'ya nang tawad. So ano ba talagang problema Jae? Ngayon hindi ka maka-imik dahil alam mong tama s'ya, and still you're making an effort to fix it.
"Bahala na nga." Halos pikit mata akong nagtype nang rereply at tuluyan nang pumikit nang pindutin ko ang send button.
Jae:
I'm sorry, hindi ako sanay magalit or makaramdam ng sama ng loob. Hindi ako ganito sa iba.
Haru:
Well, I'm not iba.
Let's not fight, nasasaktan ako
Nasasaktan? Gano'n ba kalalim ang hindi namin pagkakaintindihan? Well Jae news flash! Iba iba ang sensitivity ng bawat tao kaya manahimik ka na d'yan.
I think I'm going crazy, talking to myself.
Jae:
I'm sorry, magpahinga ka na muna.
Haru:
Are you sure we're okay na?
Jae:
Yes so sleep, you need to rest.
Hindi na s'ya nakapagreply pagtapos no'n. Sa tingin ko ay nakatulog na s'ya dahil sa kapaguran.
And you give more stress to him pa. Good job Jae.
Kwinento ko kina Hestia ang nangyari at isa lang ang pinagsang-ayunan nila. Yun ay ang ang katotohanang mali talaga ako
GC:
Hestia:
Girl alam mo bang nag-alala pala yun kahapon kaisi nga walang signal doon at hindi ka n'ya magawang i-message.
Szaniah:
Ay weh? Hala ka Jae! Tapos hindi mo pa hinayaang ipaliwanag lahat
Jae:
Sige asarin n'yo pa ako, d'yan kayo magaling
Hestia:
Wala, nakakatawa lang kasi na yung tipong magpapasuyo ka pero idadaan ka sa pagiging mature nila, edi tahimik ka ngayon.
Tama s'ya, hindi ka talaga makaka-imik kapag gano'n yun sinasabi sayo. Aaminin ko na siguro nga baka nagpapasuyo lang talaga ako at wala rin akong napala dahil hindi n'ya tinolerate.
Which makes me like him more.
Haru:
Good morning Rei
Jae:
Don't tell me nakatulog ka na?
Haru:
Silly, hindi na ako matutulog. I'm going to study my lessons yesterday. And ikaw, umayos ka na. Mag-aral ka at mag-aaral din ako
"Ang lamig naman," mahinang bulong ko. Akala ko okay na kami pero mukhang kakailanganin kong manuyo which is hindi ko talaga gawain.
Hestia:
Hoy nagchat sa akin si Haru. Bakit hindi ka raw marunong manuyo? HAHAHAHAHAH
Kakasabi ko pa nga lang kanina na parang kakailanganin kong manuyo, at tama nga ako.
Jae:
Hindi ako marunong manuyo teh!
Hestia:
Bahala ka d'yan. HAHAHAHHA
Natatarantang napa-off status ako na sinabayan pa nang pagpatay ng data para hindi ako makikitang online at para na rin hindi ako matempt na mag-online pa lalo na at papasok pa ako.
Tumayo ako at nagpasyang maghanda na sa pagpasok.
"Jae may ikukwento ako sayo," hindi ko pa nga nalalagay ang bag sa upuan nang hinila ako ni Hestia kasunod ni Szaniah.
"Oi anong meron? Baka biglang pumasok teacher natin," nag-aaalalang saad ko.
"Walang papasok girl may meeting sila," humarap s'ya sa akin at sapilitang pinaupo sa upuan.
"Well naaalala n'yo si Red? Yung ex nu Brayson?" Sabay kaming tumangi ni Szaniah kaya napatingin ako sa kanya. "Nasabi ko kanya kung sino yun."
"Well hindi yan yung point bakit ko kayo hinila," nilapit n'ya ang upuan at tumingin sa amin lalo na sa akin.
"I just found out that Serena, Haru's ex by the way," tumingin s'ya sa akin bago nagsakila, "is Red's best friend. What a coincidence right?"
Nakuha ni Hestia ang atensyon ko dahil sa sinabi n'ya. Hindi ko nga alam kung sino ex ni Haru tapos nalalaman ko pa ngayon na kaibigan yun ng taong naging dahilan ba't naghiwalay si Hestia at Brayson.
"Naka-usap ko kasi Art tapos ayun medyo inuto-uto nang konti hanggang sa nadaldal n'ya ang tungkol dun sa babae." She looks at us weirdly.
"May hindi ka pa sinasabi," pang-aakusa ko na s'yang tinawaman n'ya.
"Alam mo ba kung bakit sila naghiwalay Jae? Because of Art. That Serene and Art cheated together, leaving Haru heartbroken." Wait what? Nagulat kaming dalawa ni Hestia nang biglang tumayo sa kinauupuan si Szaniah.
"Uhm sorry, may hindi pa pala ako natatapos dun sa assignment natin para mamaya kaya mauuna na ako sa inyo." Hindi n'ya na kami hinintay pang magsalita at tuloy tuloy lang s'ya paglakad paalis.
"Wala naman tayong assignment ah?" takang usal ko na malakas na tinawanan ni Hestia.
"Malamang excuse n'ya na lang yun. I bet she doesn't want to hear about the cheating issue of Art anymore," she shrugs then starts talking again.
Kwinento n'ya na Haru and Serena's relationship last for 4 years at inakala ng lahat na sila na ang magkakatuluyan until lumabas ang tinatagong sikreto ng babae kasama ng kaibigan n'ya na hindi n'ya inaasahan lolokohin s'ya.
"Nang nagkahulihan na, Serena wanted Art na sumama sa kanya but he declined. I think that time natauhan na s'ya," pagpapatuloy ni Hestia.
Sa mga lalaking magkaibigan kahit ano man ang mangyayari, hindi sila nagkakalimutan sa pangako ng bawat isa kaya hindi na ako masyadong nagulat na Art chose to stay even though Haru was mad at him.
"Then after noon, matagala bago sila nagkaayos and when they did, mas lalo lang naging matatag ang samahan nila." Napangiti naman ako sa nalaman. That's what I actually admire from boys' friendships. Mag-aaway sila na minsan ay idadaan sa pisikalan tapos magugulat ka na lang kinabukasan o sa mga susunod na araw, nagtatawanan na sila na parang walang nangyari.
Haru and Art's friendship is just the concrete evidence. Art betrayed him by having an affair with his girlfriend from his back but that didn't ruined everything they had. Unlike sa pagkakaibigan ng mga babae na madalas napupunta na agad sa hindi pagpapansinan ang away o hindi pagkakaintidihan nila sa isa't isa.
"And giiiiiirl look at this pic," lumingon muna sa magkabilang gilid si Hestia bago inilapit sa akin ang phone na may litrato.
Napakunot ang noo ko dahil hindi ko kilala ang nasa larawan. But I can tell by just looking it na it's a gay person, or I guess trans? Maganda sya but hindi tuluyang natago ang masculine appearance nito.
"Sino yan?" tanong ko. Ngumisi naman sya sa akin at lumapit sa may tainga ko upang bumulong.
"Art."
Ang kaninang nakakunot kong noo ay sinamahan na ngayon ng panlalaki ng aking mata.
Hindi ko pa naman gaanong nakikita ang mukha ni Art pero hindi ko ma-imagine na s'ya nga 'to.
"Brays show me that pic at pareho tayo ng naging reaksyon," natatawang turan ni Hestia.
"Wait, don't tell me he's—"
"Nah he's not gay naman daw sabi ni Brays but he can't tell naman kung bakit may ganyang nangyari at para saan yan. Pero if you're going to ask for my opinion, I would say na yes, he's probably gay." Kahit ako ay napatango tango na lang sa sinabi n'ya.
I mean who's straight ang mag-aact as a gay/trans for nothing 'di ba? It's either he's gay or there's a hidden agenda. And I have to admit, he's pretty, at ang galing talaga ng pagkakatago n'ya dahil kahit si Hestia na nakasama naman n'ya sa personal ay hindi n'ya agad nakilalang si Art ito.
"Yun lang naman ang balitang nakalap ko for today, please subscribe for more!" Natatawang hinampas ko s'ya sa braso na agad n'yang ginantihan.
"Ay by the way pala, ano na nangyari sa inyo ni Haru? Last time I check, nagpapasuyo s'ya ah?"
Naalala kong hindi ko na pala s'ya nireplyan dahil pinatay ko ang active status at hindi na nagbukas pa sa social media.
"Hindi nga ako sabing marunong manuyo teh." Umiwas ako ng tingin at binaling ito sa ibang bagay.
"Ay naku beh pag-aralan mo na at mukhang hindi lang ito ang unang beaes na mangyayari yan. Sige na gagi balik na ako sa upuan ko," tumayo na s'ya at naglakad sa pwesto n'ya.
Halos maubos ang oras ko sa kaka-isip kung ano ang dapat kong gawin. Buti na nga lang at hindi masyadong mabigat ang mga lessons namin ngayong araw kaya nagagawa kong makapag-isip isip ng mga bagay na walang kinalaman sa pag-aaral.
Isa na dito ay ang panunuyo. Hindi ko talaga alam kung paano ang gagawin, at hindi ko rin maisip na gagawin ko ito sa kanya. Hindi ata kakayanin ng pride ko. Kaya binuo ko na ang desisyon ko.
Instead of doing the 'suyo' thing to him, I chatted him to ask about Serena.
Jae:
So I have a question
Haru:
Yes I like you
Jae:
Wala pa akong tanoooong
Haru:
Ay wala pa ba? Go ahead HAHAHAHHA
Base sa way nang pagchat n'ya ngayon, sa tingin ko hindi ko na kakailanganin suyuin pa.
Jae:
If you don't mind me to ask lang naman. Who's Serena?
Nakita ko ang pag-seen n'ya sa message ko at ang paggalaw ng tatlong dots na ang ibig sabihin at nagtatype s'ya.... hanggang sa tumigil.
Haru:
Hanggang saan ang alam mo?