Kabanata 24

1034 Words
Haru: Hanggang saan ang nalaman mo? I'm willing to spill the tea about her Oh? He's willing? I mean, some of the guys and girls avoid this type of question with the person they like. Naiilang sila kapag tinatanong tungkol sa ex nila. But he's willing? Jae: Hmm sinabi ni Hestia ang tungkol sa kanya kani-kanina lang. I think nasabi naman n'ya lahat ng alam n'ya, and uhm I'm just curious that's why I'm asking you Dahil hindi pa s'ya nagrereply kaya inabala ko muna ang sarili ko manood ng mga maiiksing videos. Hindi ko mapigilang matawa sa mga nakakatuwang pranks at incidents. At halos mag heart shape naman ang mata ko sa mga cats and dogs videos. I love them, especially the cats. Naalala ko bumibisita pa ako sa kapitbahay naming maraming pusa at nilalaro sila. Nahihirapan pa nga akong itago ang mga kalmot at sugat na natatanggap ko, at syempre sinabayan na rin ito ng kaba dahil same sa dogs, may rabies din ang mga pusa. "Ano yang tinatago mo d'yan?" Halos mapatalon ako sa gulat sa biglaang pagsalita ni mama pagkapasok ko ng bahay. Galing ako sa kapitbahay naming maraming pusa at gaya ng dati, mayroon na naman akong nakuhang kalmot kaya sinusubukan ko itong itago mula sa paningin ni mama. "Wala naman ma—" Naputol ang sasabihin ko nang hinila n'ya ang palapulsuhan ko. Doon lumabas ang mga maliliit kong sugat. "Eh ano 'to? Naku ginigigil mo talaga akong bata ka." Napapikit ako nang mag-spray s'ya ng alcohol sa mga parte kung saan may sugat ako. "Hindi ka na pupunta doon, naiintindinhan mo ba?" aangal pa sana ako nang sinamaan n'ya ako ng tingin. "Hindi lahat ng pusa na nandoon ay sa kanila, marami silang ampon kaya paano ka makakasiguro na wala silang rabies?" dagdag n'ya pa. Pero hindi pa rin ako napigilan ni mama sa pagpunta dahil minsan ay tumatakas ako. At dahil nga para walang maging ebidensya, iniingatan kong hindi nila ako makalmot. Hindi rin naman nagtagal ay nagkaroon na kami ng sarili naming pusa but unfortunately, hindi rin ito nagtagal at pinamigay namin sa kadahilanang babae ito, na s'yang ayaw ni mama. Nagkaroon din kami ng dalawang aso, and like the cat, we also gave it away sa kamag-anak naman namin. Haru: She's our childhood best friend, Red's best friend, and my ex. Nawala sa isip ko na kausap ko pala si Haru. Masyado na palang nakuha ng mga aso at pusa ang atensyon ko. Haru: Well wala na s'ya dito. Last time I heard from her is noong umalis s'ya ng bansa. Jae: Tapoooos? Hindi sa pagiging chismosa pero I'm really curious about what happen and syempre kasama na rin ito sa pagkilala ko sa kanya. Really Jae? Ang gawing topic ang ex talaga ang naisip mo gawin para sa pagkilala mo sa kanya? Haru: So yeah all is well hanggang sa nakigulo na si Art. I know what they're doing behind my back, but I remained silent. Art's my best friend you know? Kahit na ginago n'ya ako. Haru: We were together for how many years since highschool then niloko n'ya lang ako, and with my best friend pa. Hindi ko alam kung ano ang irereply ko sa kanya. Kanina pa ako type nang type tas bura ng message. Haru: Seeing my msgs but ain't replying isnt healthy for us Rei Jae: Buti talaga hanggang ngayon magkaibigan pa rin kayo, hindi n'yo hinayaang masira Magkasabay ang message namin na nasend sa isa't isa. Haru: Ay Charot HAHAHAHA May message ka na pala Natawa naman ako kasi parang nagcrack na yung mask na suot n'ya. Ang serious kasi n'ya na nagkukwento. Scary. Jae: Hinihintay ko kasi yung kwento mo HAHAHHAHAHA Haru: Yan na yun, tapos na HAHAHAHHA So summary talaga ng kwento n'ya is naging sila for ilang years nga ba yun? Apat? Tapos okay naman ang lahat then boom the girl cheated together with Art. Aware si Haru but chose to be silent but hindi naman lahat ng sikreto tuluyang matatago dahil nalaman na rin ang about sa kanila. Syempre nagkaroon ng away yan, tas probably yung babae nagmakaawa pa na wag s'yang iwan? Tapos nang hindi n'ya nakuha ang gusto n'ya, bumalik s'ya kay Art pero hindi s'ya nito tinanggap dahil syempre, mas papahalagahan n'ya ang pagkakaibigan nila ni Haru. Wow, what a hell of a rollercoaster ah? Haru: Anyway, did you already eat na ba? Eat na, I'm going to review. Let's talk later na lang before sleep, what do you think? And of course, ayaw na n'ya pag-usapan pa kaya ngayon ay iniiba n'ya na ang topic. Jae: Review? May exam ka? Haru: Yeah, sort of? But I'm always reviewing naman, may exam o wala. Why? You don't review? Jae: No, mas nakakalimutan ko kasi mga lessons kung magrereview pa ako. Natigil ako nung huling grade ko na sa elementarya sa pagbabasa ng mga lessons, or ang pagrereview kapag may malapit na exam. Napansin ko kasi na kapag nagrereview ako, mas nawawalan ako ng focus kapag nag-eexamp dahil kapag hindi ko maalala, iisipin at iisipin ko kung ano yung nireview ko imbes na dapat ay naintindindihan ko. So far, wala namang negative effects sa akin since matataas pa rin lahat ng mga exam ko. Kaya simula noon, tinigil ko na magreview, nagbabase na lang ako sa stock knowledge. Haru: Kawawa naman magiging future anak mo, mommy n'ya hindi nagrereview Bago pa ako makapagreply dinugtungan n'ya ito Haru: Buti na lang nagrereview yung tatay. Matagal bago ko naintindindihan ang sinasabi n'ya at halos manlaki ang mata ko nang naintindindihan ko na. Jae: Hoy! HAHAHAHHAHA I don't know what's with him and his future plans for us na parang akala mo ay kami talaga ang magkakatuluyan. Wala namang problema pero... Anak? Iniisip ko pa lang yun ay parang gusto ko na lang mahimatay. I don't have any plans on being a mother. Magbubuntis? Lalaki ang tyan tapos mahihirapan sa panganganak? No way. Dati, wala pa akong kaalam alam sa kung paano nagwowork ang pagbubuntis. Heck, I even thought na mabubuntis ka just because of a simple kiss. Simula pa noon, sinumpa ko na hindi ako mag-aanak. Walang magbabago hanggang ngayon, ayoko pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD