Ilang oras na siguro akong nandito sa higaan at pagulong gulong.
Ang isip bata Jae ah?
Naiinip ako dahil wala akong magawa. Nawalan kami ng internet at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik. At dahil nga walang access sa internet kaya hindi ko rin magamit ang phone. Nakakatamad naman kasing gamitin. At kahit pwede naman ako makipag-usap kay Haru, hindi ko magawa since I don't like chatting kapag ganitong walang net.
Pero dahil mukhang matatagalan pa talaga bago maayos ang connection, nagpasya na lang akong magpaload.
I chatted Eissna to load my number. Sa kanya ako magpapaload dahil una, wala akong ganang lumabas, at pangalawa, ayokong gumastos.
Jae:
Eissna, paload akooooo
Eissna:
Walang tao tulog
Joke
Ano ka ba?
Sinabi ko sa kanya ang pangalan ng sim ko at hiningi naman n'ya ang numero ko. Nagkaroon pa kami nang konting asaran at dahil natuwa ako, I took a screenshot and post it on my story.
Eissna:
Tignan mo na lang kung nandyan na. Chat mo ako kapag wala kang nareceive.
Sige sige mamaya na lang
Jae:
Salamat beh!
Nakareceive na ako ng message na nagsasabing nakaregister na ako at pwede nang magsurf sa internet. At oh, may unli texts pa, na alam kong hindi ko naman magagamit.
"Jae 'nak, palibalik nga muna nitong mangkok sa kapitbahay natin. " Tumayo ako at iniwan muna ang phone. Kinuha ko ang mangkok na sinasabi ni mama at lumabas.
"Ate Lorraine?" kumatok ako ulit, "may tao po ba dito?" sigaw ko. Aalis na sana ako nang bumukas ang pinto.
"Ano yun? Pasensya na hindi agad nabuksan ang pinto," paghingi ng tawad ni Ate Lorranine.
Ngumiti naman ako at sinabing wala namang problema. Binigay ko na ang mangkok at naglakad na pabalik ng bahay.
"Bago ka magcellphone d'yan, tupiin mo muna itong mga damit."
"Mamaya na ma, may aayusin lang ako saglit," pagdadahilan ko kahit wala naman akong aayusin, gusto ko lang magcellphone.
Hindi na s'ya nagsalita kaya binuksan ko na ang phone.
Haru replied to your story.
Haru:
Number saved!
"Huh?" nagtatakang bulong ko sa sarili. I gasped as I realized what's happening.
Dali dali kong pinuntahan ang story na pinost ko kanina. Napasapo na lang ako sa noo ko nang makitang hindi ko pala nacrop ang parte kung nasaan nandun ang numero ko na niloadan ni Eissna.
Jae:
Hala, hindi ko pala nacrop!
Haru:
It's okay babe. At least now, I already got your number without asking it from you HAHAHAHHA biro lang.
Haru:
Anyway, delete mo na 'yan, at hindi magandang nasa story mo at mamaya kung sino sino na lang ang tumawag sayo
Agad kong binura ang story dahil alam kong namang tama s'ya. Phone number is part of my personal details, ang mga taong pinagkakatiwalaan ko lamang ang bibigyan ko nito. Isa rin kasi ito sa gamit na gamit sa pangsscam, pagkuha ng pagkapailala, marami pang iba.
Hestia:
Yays, sadya yung nasa myday mo kanina noh?
Hindi ko na kasi tinignan pa kanina kung sino sino ang mga nakakita and I think Hestia's one of them. Napachat lang s'ya ngayon kasi wala na yung story, dinelete ko na. And well, she knows me too well, kaya siguro akala sinadya n'ya yung ginawa ko. Yeah, she's right about everything, but no just this one.
Jae:
Oi hindi ah, hindi ko talaga napansin na nakasama pala number koooo, kaya nga nakadelete na s'ya ngayon eh
Hestia:
Orrrr nakita na s'ya ni Haru kaya dinelete mo na HAHAHAHAH okay lang naman umamin teh
Okay, looks like she's convinced that I intentionally did it. And it's kind of hard to change her mind if ganitong siguradong sigurado na s'ya, kaya hindi ko na muna s'ya nireplyan at bumalik sa convo namin ni Haru.
Jae:
Anong babe ka d'yan HAHAHHAHA
Haru:
What? I'm still going to call you babe pa rin whatever
Jae:
Whyyyyy
Haru:
Because you're my babe duh?
Kinuha ko ang throw pillow sa gilid at nilagay sa mukha ko para itago ang ngiti. Gosh, this guy is going to make me have a heart attack.
Haru:
Rei?
Jae:
Hmm?
Haru:
I like you so much. So don't me hurt me okay? I already made a panata that I'll never let anyone put me in that situation ever again.
Situation. What situation? Oh... The cheating issue. Well, kahit hindi pa ako nagkakaroon ng relasyon sabkahit na sino, I don't think I'll cheat. Like that's just so bad in so many levels. I would never do that to anyone, no one deserves the pain that'll cause.
Jae:
I'm gonna be honest. I'm not good with promises Haru. It's just word you know, I mean for me. Alam ko naman na it's for reassurance but I don't want to risk it. I don't want to make promise na may posibilidad na hindi naman matupad.
Jae:
But with actions? I'm pretty sure maipapakita ko yun. So no, I won't promise you anything, I'm just going to do it na lang.
It's true. I hate making promises. Masyado kasing mabigat ang kaakibat ng pangako kaya kapag hindi natupad, mabigat din ang sakit na maibibigay nito. Kaya sinabi ko sa sarili ko na hindi ako mangangako, at hindi rin ako mag-eexpect kung may tao mang mangangako sa akin.
Prevention is better that cure, hindi ba?
Haru:
After what happened its been hard for me to fall again to be fooled again.
Jae:
I know but you'll get through it I assure you. I'm here, I can help you. Trust me.
Haru:
Of course I trust you, and you're far much better than my ex.
Jae:
Hey, I know it's too early to ask but can you wait?
Oh gosh, why did I send that. Ngayon pa lang ay pinagsisisihan ko na ang sinend ko. Ano na ngayon ang iisipin n'ya sa akin? Masyado pang maaga pero ito ako, nagtatanong kung mahihintay n'ya ba ako.
So stupid Raelyn Jae
Haru:
Wait for you?
Yeah I think, but don't just let me wait
Jae:
Malamang sa akin ano ba yan HAHAHAHHAHA
Haru:
Akala ko for our future eh malay ko ba
I don't know but I kind of disappointed with his answer. He thinks? So he's not sure. Of course he's not Jae like hello??? You two only like each other, you can't expect him to wait for some he just like, unless he loves her or something which is not available in the table as of the moment.
Haru:
And saka alam ko naman, hindi naman ako nagmamadaling maipakilala mo.
Haru:
I mean si Hestia nga nahihirapan na ipakilala kay tita si Brayson how much more ka pa kaya na only child tapos ganto pa age gap natin.
Okay binabawi ko na, I'm not disappointed with his answer. This messages just prove me something. He's not just like the others na atat maipakilala and will throw a fit if the girl's not yet ready to commit. He respects my family's want and my age gap.
I think I just like him more than ever.
Jae:
Thank you!
I admit I have crushes and such but I never got into a relationship.
Haru:
Ako magiging una kapag nagkataon HAHAHAHHAH
Jae:
Yeah yeah, soon HAHAHHAHA
Haru:
Yeeeeyyy! I like so much!
"I like you too," mahinang sabi ko.
"Ano yun? May sinasabi ka ba?" Napalingon ako kay mama na hindi ko namalayang nakatingin pala sa akin.
"Huh? Wala po," umiling iling ako at nag-iwas ng tingin. Alam kong nakatingin pa rin s'ya sa akin kaya kinakabahan ako lalo. Nakahinga lang ako nang maluwag nang inalis m&ya na ang paningin.
I off my phone, lie down, and just stare at the ceiling.
These past days have been a ecstatic for me. Nagigising ako nang maaga para makita kung may chat s'ya, plus hindi na rin ako nagpapalate nang tulog. I always smiles at his texts and jokes.
I feel so happy na s'yang nakakatakot.
What if saglit lang 'to? Bukas makalawa, wala na s'ya? Ngayon ko lang narealize na wala pala akong panghahawakan sa kanya dahil ang account na pinagchchat n'ya sa akin ay ang personal account n'ya. I don't know his other account. The moment he deletes it, our connection will be gone.
And then I remember, I have my best friend Hestia. She knows them personally kaya hindi ganung kadali na tuluyang mawala s'ya sa buhay ko kung sakali, as long as I have her at my side which is forever by the way. I don't think maghihiwalay pa kaming magkaibigan. And I won't allow it, we know each other's secrets and such kaya hindi pwedeng masira pagkakaibigan namin. Just kidding HAHAHAHHAHA
Kinabukasan pagkapasok ko ng room, makikita ang mga maputlang mukha ng mga kaklase ko sa hindi malamang dahilan. Feel ko nga ako lang ang may energy for today.
"Pst Peter, anong meron at aprang mga pinagbagsakan kayo ng langit at lupa?" Nilingon naman n'ya ako at saglit na sinamaan ng tingin.
"Hindi ka ba aware sa petsa ngayon? Ngayong week na yung monologue natin." Mabagal na nagsink-in sa akin ang sinabi n'ya at parang gusto ko na lang himatayin nang napagtanto ko kung ano yunh tinutukoy n'ya.
The monologue.
Dali-dali kong binuksan ang phone para tignan kung anong date na at nakitang 24 na pala, apat na araw bago ang official na pagsisimula ng monologue which is sa friday.
Oh my gosh, I don't even have anything prepared yet. Hindi ko na napansin ang mabilis na paglipas ng araw. Kung kanina ay all smiles akong pumasok, mukhang ngayon ay katulad na nila akong maputla. Hindi ko alam kung makakaya ko bang mapagkasya ang apat ma araw para sa monologue ko.
AND WALA PA AKONG DAMIT!!!
What should I do? Siguradong magagalit sa akim nito si mama dahil hindi ko pinaalala sa kanya ang tungkol sa damit.
Hinanap ng mata ko si Hestia at nang nakita ko s'ya, hindi ko inasahang ganoon din ang itsura n'ya gaya ng mga kaklase namin. She looks like she's going through a hard time or something.
Anong nangyari sa kanya?
Lumapit ako at tumabi sa bakanteng upuan na nasa tabi n'ya.
"Ba't ganyan ang mukha mo? Don't tell me na it's because of the monologue. Alam kong nakaready ka na doon." Nilingon n'ya lang at ako tipid na ngumiti.
Hala? Ba't ganito s'ya? May nangyari ba?
"Ready na nga ako, pero kinakabahan ako. Hindi ba pwedeng kabahan?" She fake chuckles na s'yang kinataasan ko ng kilay
"Girl don't fool me, we know each other for years. Alam kong may iba pang dahilan, what is it?" Hindi s'ya nagsalita at walamg imik na yumakap lang sa akin.
The moment na niyakap ko s'ya pabalik, she broke down. Agad akong tumayo at hinila s'ya palabas ng room dahil nagsisimula nang tumingin ang mga kaklase namin sa amin. I know how she hates it when they're looking at her at her vulnerable state.
Nang makalabas kami ay hinarap ko s'ya sa akin. Tears are continuously rolling down her face at hindi ko alam kung ano ang gagawin.
"Anong nangyari? Sabihin mo sa akin. Ba't ka umiiyak?" Umiling iling s'ya at yumakap ulit sa akin.
"Hestia, I want to help you, tell me what's wrong." Hinagod ko ang likuran n'ya habang patuloy s'ya sa pag-iyak.
"I-I just can't believe I let myself be fooled again," sinisinok na panimula n'ya. Halos hindi na s'ya makapagsalita nang maayos dahil sa pag-iyak.
"Fooled? Sino ang nanlolo sa'yo? Si Brayson?" Wala pa man s'yang sinasabi pero nagsisimula nang kumulo ang dugo ko sa lalaki.
"I just thought we're okay na eh you know. I started smiling na ulit. Pero hindi ko inaasahan na isa na naman pa lang pagkakamali yun." Huminga s'ya nang malalim at nilabas ang panyo. Pinunasan n'ya ang sarili na parang wala lang at umupo sa may bench. Sumunod naman ako sa kanya at umupo din sa tabi n'ya, naghihintay sa kung ano man ang sasabihin n'ya.
"Nung weekend, inaya kami ng ate n'ya na pumunta sa Tagaytay and syempre gusto ko ring mag-unwind, and gusto rin s'ya kasama kaya sumama ako."
"Then what happened?" tanong ko.
"He told me everything Jae, yung sinabi mo sa akin na sinabi n'ya kay Haru? Hindi yun totoo. He really cheated on me Jae."
I think I just to want punch myself.