Haru:
I'm sorry, talk to me please?
Ilang oras ko nang hindi s'ya nirereplyan simula nang makauwi ako. Pagkatapos nang nalaman ko kay Hestia ay agad kong tinanong ito kung totoo ba 'yon. At ang magaling na lalaki ay hindi man lang umamin. Yung sinabi n'ya sa akin ang s'yang alam lang daw n'ya.
Who would believe that? They're like best of friends tapos hindi n'ya alam na nagcheat talaga si Brayson? And now my best friend is crying because of that merciless man. And yeah, I just want to punch myself na lang talaga. I'm the one who said about the "reason" behind the "cheating issue"* na it turns out na true pala.
After ko sabihin yung tungkol dun, alam kong unti unti silang nagiging okay. I even saw Hestia's face on Brayson's story, and they're calling each other from time to time. Tapos ngayon, nasasaktan na naman s'ya. Parang naging back to zero lahat, at bumalik sa kanya ang sakit. At ngayon, involve na ako sa sakit n'ya, nagkaroon ako ng ambag.
"He really cheated on me Jae."
Nagloko talaga si Brayson? Akala ko ba...
"What happened? Tell me everything," I said.
"While we're on the road, pauwi na kami noon, napansin kong tahimik s'ya. Tinanong ko kung anong problema n'ya pero hindi s'ya umiimik." Pinunasan n'ya ulit ang tumakas na luha sa kanyang mata bago nagpatuloy sa pagkukwento.
"Alam mo namang maiksi lang ang pasensya ko hindi ba? Nainis na ako no'n kaya hindi na ako umimik at tumingin na lang sa paligid ko. Ramdam na ramdam kong hindi s'ya mapakali sa tabi ko tapos yung ate naman n'ya ay nakatingin rearview mirror habang nakaupo sa passenger seat." Wala ng estudyante ang nakakalat sa paligid dahil malapit nang magsimula ang klase. Any moment from now, may makakapansin na sa amin dito. Pero nasa kalagitnaan s'ta ng pagkukwento kaya hindi pwedeng ihinto dahil minsan lang s'ya nagkakaroon ng lakas ng loob na magkuwento.
Sana nga lang matapos n'ya agad bago pa man kami mahuli dito.
"Kinalma ko yung sarili ko that time kasi alam kong may problema talaga na pati ate n'ya ay alam yun." She started fidgeting with her hands na hinawakan ko naman. "So I asked him again kung anong problema and all of the sudden he just broke down. Even with the car's running, he was on his knees Jae, saying sorry for I don't know times."
Nahinto s'ya saglit at kitang kita ko kung paanong unti unti na naman s'yang naluluha. Tumingin s'ya sa taas para pigilan ang pagbagsak nito.
"He said that he got desperate to win me again that's why he came up with a lie to cover his mistake. And now, nakokonsensya na s'ya kay sinabi na n'ya sa akin." Lumingin s'ya sa akin bago muling nagpatuloy.
"Hindi ko alam ang mafefeel ko noong araw na yun hahaha I'm too stunned to even react kung saan wala s'yang nakuha sa akin na kahit ano. Pagkahatid n'ya sa akin ang huli naming interaction sa isa't isa. I mean of course, he's reaching out, I was just so done with him."
Tumayo s'ya at nagsimula maglakad na agad ko namang hinabol agad. Sa paglalakad n'ya at huminto s'ya habang ako ay nasa likod naman n'ya.
"Now that I'm done with him and there's no more way I'm going to get back with that man, I hope kayo na ni Haru ang next. I don't like him for you and I'm pretty sure there's something hidden behind his "goody good good" face."
She started walking away while I'm left here confused.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakapag-usap simula nang sinabi n'a yun. At dahil doon, sinabay ko ang hindi namin pag-uusap sa pagcoconfront ko kay Haru.
Haru:
I swear I have no idea about what happened, please let's talk Rei.
I scroll through his first messages and isa halos paulit ulit lang ang sinasabi n'ya. Na wala s'yang alam sa ginawa ni Brayson which is I highly doubt. Pero hindi rin naman pwedeng matagal na hindi ko s'ya kausapin. We need to clear this once and for all.
Jae:
How can you now know ha? You two are best friends
Haru:
Thank God you finally replied. Well you're aware na hindi naman lahat ng magbestfriend ay alam ang mga bagay bagay sa isa't isa hindi ba?
Jae:
Ah yes? But you're the reason behind "that" reason.
Haru:
Because that's the truth. Nangyari talaga yung sinabi ko sayo. At kung ang cheating tinutukoy n'yo ay yun pa rin, I assure you na walang cheating na nangyari, pero kung iba ang tinutukoy n'yo, yun ang wala akong alam. That's why I'm saying sorry.
Parang bigla namang sumakit ang ulo ko sa sinabi n'ya. Totoo ang sinabi n'ya sa akin noon? Pero if we're talking about anything else, yun ang wala s'yang alam?
Is this some kind of joke? Dapat ko bang paniwalaan ang sinasabi n'ya? Because if it's proven na may alam s'ya sa cheating issue ni Brayson and chose to cover it. I will never ever talk to him again. I don't want to engage myself with people who tolerate their friends cheating.
Jae:
How can I believe you? What's your proof?
Haru:
You can't. I don't have any proof or something to prove that I don't have anything to do with him.
Jae:
Hestia said that he got desperate that's why he came up with a lie to cover his mistake. How can you say to me now that you're not involved when clearly, kasama ka mismo sa mga salitang lumabas sa bibig n'ya nung umamin s'ya?
Haru:
That damn asshole. Okay, nagkaroon kami ng away and he's playing dirty right now. I'm going to talk to him, wait a sec.
Nagkibit balikat lang ako at binaba na muna ang phone. Hinanap ko si mama para pag-usapan ang tungkol sa damit na gagamitin ko sa monologue. Wala s'ya sa bahay kaya lumabas ako at sumilip sa may terrace. Doon ay nakita ko s'yang nakikipagkwentuhan kay Ate Lorraine. Hindi ko s'ya at hinintay na lang na matapos sila.
"Ma," agad kong tawag pagkapasok n'ya ng bahay. Nakakunot naman ang noo n'ya na tumingin sa akin, naghihintay sa sasabihin ko.
"Yung damit pala na susuotin ko sa monologue," nakayuko kong turan.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko, malapit na yun 'no? Bakit ngayon mo lang pinaalala sa akin? Alam mo namang mawawala yan sa isip ko tapos ngayon magmamadali tayo sa paghahanap hay naku ka talaga." Tuloy tuloy s'yang pumasok at umupo sa upuan na s'yang sinundan ko naman at nakatayong naghihintay sa sasabihin n'ya.
"Bukas gumising ka nang maaga at aalis tayo. Agahan mo para mahanap tayo agad at may pasok ka pa sa hapon. Naku talaga ini-stress mo ako." Nilagay n'ya ang kamay sa sentido at hinilot hilot.
"Hilutin kita ma?" offer ko.
"Ano yan pampalubang loob? Sige hilutin mo ako at masakit ang buo kong katawan ngayon araw." Tumayo s'ya at pumunta sa bathroom upang maglinis ng sarili, paghahanda sa paghilot ko. Nakakain naman na kami kanina kaya gagaan ang pakiramdam ni mama sa gagawin ko, idagdag mo pa na makakatulog s'ya nang mahimbing dahil dito.
Tinignan ko ang phone kung may message na ba galing kay Haru at nang makita kong wala pa rin ay pinatay ko 'to ulit. What's taking him so long? Malala ba ang naging 'away' nila? Or mahaba ang naging diskusyon n'ya kay Brayson na sabihing tanggaling s'ya sa katotohanang sinabi nito?
Oh gosh nagsisimula na akong mag-overthink.
"Ano bang gagamitin mo? Oil or yung lotion? Andun lang yun nakapatong sa may drawer." Pinuntahan ko ang drawer na sinasabi ni mama at piniling lotion na lang ang gamitin para makatulong pa ito sa dry skin ni mama.
Nang makuha ko na ang lotion ay naglakad na ako pabalik sa kinaroroonan ni mama na ngayon ay nakadapa na. Sinimulan ko s'yang hilutin sa likod at magbigay ng konting diin sa mga pressure points at mga lugar na masakit ayon sa kanya. Inabot siguro ng 30 minutos bago ako natapos, at doon ko nakita ang mahimbing na pagtuloy ng nanay ko.
Ginising ko s'ya at sinabing umayos na dahil tapos na ako.
"Salamat 'nak, 'wag ka na magpalate ng tulog ah? Maaga tayo bukas, good night." I kissed my mama's forehead then headed to the living room where I left my phone.
Okay, this is the moment of truth. Siguro naman nakabalik na s'ya 'no? Masyado na s'yang matagal.
Pagkabukas ko ng phone ay ang hindi ko inaasahang tao ang nagmessage. Brayson.
Brayson:
Hi Raelyy, I'm sorry I message you this late but I just want to clear things lang regarding dun sa... Alam mo na
Mahina akong natawa. No Brayson, hindi ko alam ang sinasabi mong alam mo na.
Jae:
Anong sinasabi mo?
Brayson:
Come on. Alam kong alam mo na ang nangyari between me and Hestia. I think it's officially ended by now. But I'm not losing any hope. Anyway, Haru is out of the picture. I think there's a misunderstanding dun sa sinabi ko kay Hestia, I'm very sorry. Don't be mad at him anymore. Yun lang naman sige.
Jae:
Okay, thanks for clarifying but I gotta say, I was wondering, why do you want to pursue Hestia so bad? Alam mo namang mas malabo na ang chance mo ngayon but still you're not giving up.
Brayson:
I love her. I made a mistake once I really regret doing that to her. I'm going to pursue her over and over again hanggang sa hindi ko na kaya and I'll wait. Because that's what you do for the people you love. You don't give up and you wait. Sige na bye na Raelyn, hope you and Haru will be okay na.
I love his response to my question. Sasagutin ko pa sana ang lalaki pero mukhang atat na atat na talaga s'yang matapos ang convo kaya hinayaan ko na lang. Well, good luck sa pagpursue kay Hestia. He's going to need a lot of that.
Pinindot ko ang pangalan ni Haru and I opened our conversation. There's a message from him.
Haru:
Brayson said na imemessage ka raw n'ya. Nagmessage na ba?
Jae:
Yes, and I still doubt it
Haru:
I know naman na you're not entirely going to believe that especially now that he broke Hestia's heart for the second time around. So let me make it up for you hmm?
Jae:
Okay, you should do that
Haru:
Gladly, Rei
"Jae! Yung ilaw anong oras na, 'di ba sabi ko sayo maaga ka matutulog ngayon dahil aalis tayo bukas?" Naalimpungatan siguro si mama.
"Ito na po!" Inayos ko muna ang mga nakakalat at winalisan ang sahig saglit bago ko pinatay ang ilaw.
Jae:
I'm going to sleep na pala, let's talk later na lang siguro
Haru:
Oh? Ang aga mo ngayon ah? Is this still about the issue?
Jae:
Silly, aalis kasi ako bukas mamimili kami ng damit
Haru:
What kind of damit? I'll buy you one na lang para hindi ka na mahirapan.
Napasapo na lang ako sa noo dahil sa nabasa. It's Haru and his money again. Alam ko namang mayaman s'ya but bakit basta basta na lang s'ya nagdededecide na magwaldas?
Jae:
Tigilan mo ako. I'm not going to take any money from you please HAHAHHA and when I agree na you should make it up to me, this is not what I'm talking about okay? let's sleep na lang shall we?
Haru:
Gosh, I like you so much talaga Rei. You never failed to make my heart beats
Jae:
Buti you don't find it weird when you say cheesy lines like that? Other guys will find it disgusting.
Haru:
I'm not like them okay? I like expressing my feelings. I love it when I'm being direct with you. I like you, at yun lang ang importante.
Jae:
Stop it HAHAHAH kinikilig ako. Matutulog na nga lang eh
Haru:
Good night my Rei, sleep well ily.
I replied to his message at nakangiti ko itong pinatay. Even tho I still kind of doubt him, hindi ko maitatangging magaling talaga s'yang magpakilig and I think that's dangerous, for me and my heart.