Kabanata 27

1273 Words
"Ito hindi ba pwede ito?" Inilapit ni mama sa akin ang saya na s'yang susuotin ko sa monologue. Nandito kami ngayon sa second floor ng market kung saan nakapwesto ang iba't ibang damit gaya ng gowns, uniforms, pangdecorate, baro't saya na kailangan ko, at marami pang iba. Kanina pa kami dito pero wala pa rin kaming nabibili dahil hindi ito nagsisipagtugma sa character na gagampanan ko. Donya Consolation. "Pwede naman kaso ang pangit ng kulay ma, wala bang ibang kulay?" Lunapit si mama sa nagtitinda para siguro itanong kung may available pa bang iba. Nilibot ko lang ang paningin sa mga magagandang gowns na nakadisplay. Hindi ko nadala ang phone ngayon dahil lowbatt. "Jae? Halika rito," tawag sa akin ni mama. Iniwas ko naman ang tingin ko sa mga gowns at pumunta sa kinaroroonan ni mama. Dun ay pinakita n'ya sa akin ang saya. Tinignan ko ito. Ito ay simple, mahabang kulay lilang saya. Tinanggal ni mama ito sa hanger at binigay sa akin. Kinuha ko naman ito at inikot sa bewang sa itinali. Tumango tango ako kay mama. "Ate? Kukunin na namin ito tapos meron 'din ba kayo nung baro? At saka yung pinapatong?" I saw how the saleslady nod. She turn her back ang went inside again. Nilakbay ko ulit ang paningin sa mga gowns. Simula bata pa ako, kung tama ang naaalala ko, mahilig na ako sa pagtingin sa mga gowns or magagandang dress. Para bang naging hobby ko na itong gawin. While looking at those gowns kasi, I imagine on what they're going to look on me. Babagay pa ito sa akin? Magiging maganda ba lalo ito kapag suot ko na? Yun lang naman ang mga tanong ko na hindi ko nagawang sagutan dahil hindi ko naman nasukat ang mga 'to. Kasi unang una, saan ko naman isususot yun? Kung may event naman or something, lagi akong nakadress kr skirt. Pangalawa, mahal ang mga gowns at hindi kami mapera para bumili ng kahit isa nito. Naalala ko pa nga noon, nang sumali ako sa pacontest sa barangay namin, hindi kami bumili ng gown, nagrenta lang kami at binalika ito noong natapos na ang contest. "Pst Jae!" I went to my mother again while he's holding something on her hand. I think it's the baro. Tinignan ko ito nang mabuti at kagaya ng saya ay simple lamang ito. At dahil match na sila kaya nagbigay ako ng thumbs up kay mama para sabihin kukunin namin ito. Napahinga sya nang maluwag at hinarap si ateng nagtitinda. Sa tingin ko ay pinag-uusapan na nila ang presyo nito at siguradong nakikipagtawaran na si mama para mura naming makukuha ang baro't saya. Hindi rin nagtagal ay lumapit na sa akin si mama dala ang mga damit. "Ayan tapos na, tara na at anong oras na. Dito na lang tayo kumain para bihis ka na lang agad pag-uwi." Tumango naman ako kaya't nagsimula na kaming maglakad paalis sa mga tindahan ng mga damit. At bago kami tuluyang makaalis ay tinignan ko one last time ang mga gown at na nangako sa sarili na, darating ang araw na mabibili ko rin sila without looking at their price. Agad kaming naghanap ng malapit na fast-food chain na malapit lang at hindi gaanong mahaba ang pila para madali lang kaming makabili. Pero dahil school days kaya hindi gaanong marami ang mga tao. Hindi rin nagtagal ay nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo at naghihintay sa pagkain na inorder ni mama. "Wala ka na nang idadagdag? Tama na 'to sayo?" tanong ni mama. "Ma nagmamadali na tayo kaya okay na po yan." Inulit n'ya ulit at nakita kong nagsimula na s'yang magkwenta sa mga nagastos namin ngayong araw. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang pagkain at hindi na kami nagsayang pa ng oras at nagsimula nang kumain. At dahil nga nagmamadali na kami kaya nang matapos kaming kumain ay agad na kaming naghanap ng masasakyan pauwi. Nakahinga ako nang maluwag nang makasakay na kami at tahimik na humiling na sana ay hindi kami abutan pa ng traffic. "Hay salamat nakauwi rin, bilisan mo at magbihis ka na. Mamaya lang ay nandito na ang service mo." Tinanggal ko naman ang sling bag na nakasabit sa katawan ko at nagbihis na ng uniform. It didn't take much long until I heard the familiar sound of the engine of our service kaya mas minadali ko ang kilos ko. Chineck ko kung tama na ba ang mga gamit ko at wala ng kulang pa. Nang masiguro kong kumpleto ma lahat, kinuha ko ang phone na saglit lang nacharge at sumakay na sa loob. Haru: Good morning my Reiiiii Where are you? You're still not online, tulog ka pa? Wakey wakeeyy Pagbukas ko ng phone at natawa ako sa spam messages ni Haru. Hindi pala ako nakapagchat kanina dahil nagmamadali kaming umalis kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na buksan pa ang phone. Jae: Hi! Kakauwi ko lang and I'm on my way to school! I'm so sorry ngayon lang ako nakapagmessage. Haru: Hmpk! I'm tampo. Ba't hindi mo ako minessage before ka umalis. And I told youuuu ako na bahala sa damit mo basta sabihin mo lang eh Jae: At malinaw ko ring sinabi na hindi ko matatanggap yun, nakakahiya ano ka ba. Sakaaaa nagmamadali na talaga kami kanina kaya hindi na talaga ako nakapagmessage sorryyyyy Haru: Hmpk! Jae: Isa pa sige bahala ka na sa buhay mo Charot HAHAHAHAHHA Luv chuuuuu Nakarating na kami kaya bumaba na ako sa service at pumasok na sa loob. Pagpasok ko sa room, ganun pa rin ang mga itsura nila kagaya kahapon. Mga pinagbagsakan ng langit at lupa. Hinanap naman ng mata ko si Hestia at nakitang malayo ang tingin n'ya. I note to myself na mamaya ay kakausapin ko s'ya. Hindi ko na rin pala nasabi sa kanya ang sinabi ni Brayson na walang kinalaman si Haru sa mga nangyari. Naalala ko na sinabi n'ya sa akin na hindi n'ya gusto si Haru para sa akin kaya baka makatulong kung sabihin ko na labas naman si Haru sa ginawa ni Brayson. Haru: Binigyan mo ako buhay Ready na sana ako bumagsak Hanuraw? "Uy Jae, okay ka na ba sa monologue mo?" tanong ng katabi kong si Peter na s'yang tinawanan ko. "Anong nakakatawa?" halata ang inis sa tono n'ya na naging naging dahilan ng tawa ko. "Wala wala, mamaya ko pa lang aasikasuhin saka I think hindi naman ako makakasama sa first batch kaya hindi ko masyadong ini-stress sarili ko d'yan," chill na sagot ko na akala mo ay hindi mamatay matay kahapon dahil sa sobrang pagkakaba. "Sana all na lang," tinalikuran na n'ya at at nakipag-usap na sa isa naming kaklase. At dahil maaga pa kaya nagpasya ako na kausapin na si Hestia at baka makalimutan ko pa mamaya. "Hes," tawag pansin ko sa kanya. Hindi s'ya agad nakalingon kaya I snap my fingers at her front. Doon ay para s'yang nagising mula sa panaginip. "Ano yun?" Umupo ako sa tabi n'ya at nagsimulang ikwento ang mga sinabi ni Brayson. "So ayun, wala namang kinalaman si Haru. Nagkaroon lang daw ng misunderstanding between you two." She let out a sarcastic laugh. "That's what he said to you? At naniwala ka naman? Hay naku Jae, you're really down bad at him na ano?" Naguluhan ako sa sinabi n'ya at nagtaka sa naging reaksyon n'ya. Pero hindi ko naman s'ya masisisi dahil nga magkaibigan ang dalawa. "Just please? Take care of yourself ah? Huwag ka masyadong magpapaniwala sa sinasabi ni Haru or ng kahit sino sa kanila." She leaned in and kiss my cheeks. "Don't be stupid Jae, love you." What?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD