After namin mag-usap ay parang bigla napindot ang switch button n'ya at bumalik s'ya sa dati. And when I say dati, I mean yung normal na s'ya.
Haru:
Wanna see me?
Jae:
What do you mean? I mean of course!
Haru:
Brayson and I are going there, susunduin namin si Hestia for her scheduled appointment so I'm thinking if we could meet.
Huh? Anong nangyari? 'di ba hindi na sila okay? So what's with the sundo thingy?
Kinalabit ko si Hestia na busy sa cellphone n'ya. Nag-angat naman s'ya ng tingin at tinanong ako kung bakit.
"Totoo bang pupunta sina Haru dito? Susunduin ka raw?" She rolled her eyes at the mention of Haru's name.
"Binilinan ni Mommy si Brayson na s'ya ang magsundo sa akin dahil walang available na driver. Gosh, dapat kasi sinabi ko na lang na ayaw ko. Ayoko s'yang makita Jae!" Frustrated n'yang ginulo gulo ang buhok at saka dinukdok ang ulo sa arm chair.
Napatingin ako sa orasan at nakitang malapit nang mag-uwian.
Jae:
Okay lang naman, what time kayo pupunta? And by the way, do you think okay lang yun? The both of them na magkasama?
Haru:
Idk pa, ask ko si Brays. Regarding naman sa tanong mo, I think okay lang yun, saka andun ako so don't worry about it.
Nalipat ang atensyon ko kay Hestia nang nagkalkal s'ya sa gamit n'ya. I look at her weirdly when she starts applying lip tint.
"What?"
"Parang kanina lang lugmok na lugmok ka ah? Tapis ngayon nagliliptint ka?" manghang sabi ko.
"Priorities. Ginagawa ko naman 'to tuwing uwian ah kaya 'wag kang mag-isip isip ng kung ano ano d'yan." Sunod n'yang nilabas ang pressed powder at naglagay sa kanyang mukha.
"Wala naman anong sinasabi ah?" natatawang asar ko. Mahina ngunit padabog n'yang binaba ang hawak na powder at hinampas ako sa braso.
"Wala ka ngang sinabi pero yung tono mo! Alam ko kung anong iniisip mo kainis ka talaga!" At dahil nga hindi ako nagpapatalo kaya ginantihan ko rin s'ya ng hampas.
"Aray ah!" Asar n'yang saad.
"Hoy kayong dalawa d'yan! Hindi ba kayo titigil?" Nahinto kami nang marinig ang sigaw ng adviser namin. Nagkatinginan kaming dalawa at biglang nagtawanan.
"Sorry po Ma'am, practice lang po para sa gagawin naming audition." Parang wala lang kay Hestia ang pagkakasabi n'yan yun kahit na ang totoo, ay isa lamang iyong kasinungalingan.
"Siguraduhin n'yo lang na dalawa." Tinignan n'ya kaming dalawa nang malalim bago tumalikod at magsalita ulit. Mahina kaming nagtawanan dahil sa kalokohan namin.
"Anong oras pala sila pupunta?" tanong ko. "Tinanong kasi ni Haru kung gusto ko s'ya makita," dagdag ko pa.
"Girl, wag ka na umasa. By 7:30 pa sila makakapunta dito so hindi mo na sila maaabutan, unless sumama ka sa akin pauwi." Hindi naman sa nag-eexpect talaga ako pero, ramdam ko ang pagbasag ng kung ano mang pag-asa na nasa loob ko.
"Huh? Hindi ah, tinatanong ko lang naman," pagtanggi ko. Iniwas ko ang tingin at kinuha ang phone na may bagong mensahe mula sa kanya.
Haru:
Mga 7:30 pa pala plus diretso sa bahay nila ang punta.
Jae:
Nasabi nga n'ya HAHAHHAHA
Napangiti ako nang samahan n'ya ito ng mga sticker na umiiyak.
Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase kaya dali dali sa pag-ayos ng gamit ang mga kaklase ko samantalang kami naman ni Hestia at chill lang dahil kanina pa namin inayos ang mga gamit namin habang naglelesson si Ma'am.
Palabas na sana kami ng room nang may nangharang sa amin.
"Hep hep hep! Saan kayong dalawa pupunta? Cleaners tayo for today kaya," sapilitang pinagtatanggal ni Eissna ang bag sa katawan namin at pinalitan n'ya ng walis. "Maglinis na tayo!" Hindi na n'ya kami hinayaan pang magsalita at tumalikod na.
"Ang malas naman, nahuli pa," bulong ni Hestia na s'yang nagpatawa sa akin. Tuwing araw kung saan nakaschedule kami maglinis, tumatakas s'ya. Hindi ko nga alam kung paano n'ya nagawa na maging ganun kabilis dahil, unang tingin ay nag-uusap lang kami tapos nalingat lang ako saglit, wala na s'ya. Kaya halos wala na ring may alam na kasama s'ya sa cleaners, maliban na lang ngayon dahil nahuli nga kami ni Eissna.
"Let's go linis!"
Imabot siguro ng mga sampu hanggang labinlimang minuto bago namin tuluyang nalinis ang buong room. Mabilis lang naman kasi s'ya actually linisin dahil nakatiles naman ang sahig namin. Ang mahirap is yung maghanap ng mapaglalagyan ng basura since pinapractice ng school namin ang pag-iwas sa pagtapon ng basura sa loob ng school premises.
"Kaunti lang naman yan kaya ako na ang bahala." Nakahinga nang maluwag ang mga kasama namin nang magvolunteer si Eissna sa basura. Hinintay pa naming macheck lahat ng adviser namin bago kami umalis.
Tinignan ko ang katabi ko at hindi ko na makita kung nasaan si Hestia. Mukhang nagmadali na naman yung umalis. I look at the time of my phone and saw that it's 7:15 pm na, kaya siguro s'ya nagmamadaling umalis.
Pagkarating ko sa service kung nasaan nandun na si Cheyenne ay agad kong kwinento na pupunta sina Haru sana dito kung hindi lang binago ang oras. Natawa pa ako dahil gulong gulo s'ya sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Doon ko naalala na hindi pala ako nagkuwento sa kanya tungkol sa mga ganap sa buhay ko simula pa noong mga nakaraang araw.
Ang because of that, ang byahe namin at umikot lang tungkol sa akin. Nabitin pa nga s'ya since nasa tapat na kami ng bahay nila at hindi pa rin ako tapos sa pagkukwento.
"Ituloy mo yan bukas ah? Aasahan ko yan." Natatawang tumango tango naman ako sa kanya. Makikita mo talaga sa mga mata n'ya na interesado s'yang malaman ang mga detalye. Kahit naman siguro sino, magkakaroon ng interes.
Halos hindi na kasi makatotohanan pa ang mga nangyayari sa buhay ko. Feel ko nga minsan nananaginip lang ako at hindi lang talaga magising kasi wow! Parang isang rollercoaster ang pagkakadugtong ng mga nangyari. Nakakatakot then at the same time ay nakakapagbigay ng thrill sa akin.
Jae:
Hi Russell
Weird HAHAHAHHAA
Haru:
No one calls me that
Nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa nabasa. Oh gosh, mukhang hindi n'ya ata gustong tinatawag s'ya sa pangalan na yun.
Jae:
Hala sorry! U mad? Triny ko lang naman
Haru:
No, it's just that it reminds me of my grandparents. I'm sorry if I being sensitive.
Jae:
Don't be sorry! Ako nga dapat yun eh huhuhuhu sorry po!
Haru:
It's okay lang naman, wait I'm driving. Nagdala na lang kasi ako ng sariling sasakyan sa pagpunta kina Hestia. Talk to you later hmm? Muah
Hindi ko maiwasang malungkot dahil parang may nagawa akong mali. Pansin ang pag-iiba ng mood n'ya.
Hinintay kong makabalik s'ya at magchat ulit, pero walang Haru na nagmessage.