Kabanata 29

2028 Words
Akala ko nagtampo talaga s'ya sa akin dahil sa pagtawag ko sa kanya sa pangalawa n'yang pangalan. Nang bumalik s'ya, pinaliwanang n'ya na nagulat lang talaga s'ya at sinabi pa n'ya na mas mabuti nga raw na yun na lang ang itawag ko sa kanya kaysa Haru since common na sa lahat ng friends at kakilala n'ya. Well I don't have problems naman with his second name but I prefer Haru, especially now that I know na grandparents ang tumatawag no'n sa kanya. Haru: Good morning babe Jae: Good morning din! Start your day with a smile Pansin na talaga ang panaka naka n'yang pagtawag ng babe sa akin na hindi ko naman na sinaway since hindi rin naman s'ya papatalo. And well, I kinda like it. Haru: Brayson will fetch Hestia ulit later. Marami pa raw s'yang assignments na tatapusin Jae: I don't even know na meron kaming assignment Haru: Seriously Rei? Inakala n'ya sigurong nagbibiro lang ako pero totoong hindi ko alam na meron. At feel ko binigay ng mga teacher namin yun kasabay ng paminsan minsan kong pagkatulala sa klase. Ayan sige, wag pang makinig. Nagtanong tanong ako sa mga kaklase ko kung ano mga subject ang may assignment kami at nanlumo ata ako nang nalaman ko na halos lahat ng subject ay meron. Nagtataka naman sila kung bakit kung makatanong ako ay parang ilang araw akong hindi pumasok where in fact is lagi naman akong nasa klase. Yung diwa ko nga lang ang hindi. Jae: Ooooo ngayon ko lang talaga naalala HAHAHAHAHA Haru: Hay naku, ano pala ang paborito mong subject?? Napaisip naman ako sa tanong n'ya. Ano nga ba ang paborito ko? Syempre hindi math, hindi ako natutuwang magsolve. Science naman siguro medyo medyo lang pero hindi ko s'ya paborito. Inisa isa ko sa isip ko ang bawat subject hanggang sa nahinto sa isa. Jae: English? Idunno eh (failed to send) Huh? Tumayo ako at medyo tinaas taas konti ang phone. Nagloloko na naman ata ang signal ngayon. Tumunog ang phone ko nang may pumasok na chat n'ya pero yung message ko hindi pa rin nagsesend. Haru: Ako, ayaw ko sa lahat. Kasi ikaw lang ang gusto ko Nahulog ata ang panga ko sa nabasa. Doon naman nasend ang message ko na agad naman n'yang naseen. Haru: Ha? Idunno Ok Napatampal ako sa noo nang malaman na mukhang mali ang pagkakaintindi n'ya. Jae: Nooo, kadugtong yan doon sa una kong message Ikaw lang din naman ang gusto ko Pagkahit ko ng send ay agad kong pinatay ang phone at nilayo sa akin. Ano ba 'tong mga pinagsasasabi mo Jae? Kumuha ako ng isang basong tubig at ininom habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa kahihiyan. Nang masiguro ko nang kalmado na ako ay binuksan ko ulit ang phone at tinignan ang message n'ya. Haru: KILIG HAHAHAHAHHA Tatampo sana ako para kunware softhearted then u attack me with that message Hmpk! Jae: Ay attitude yan? HAHAHHAAHAHA Haru: I'm a baby, your baby Pinigilan ko ang pagtawa nang malakas sa nabasa. He's older than me but here he is acting like a goddamn baby. Such a cutie. Jae: Yeah, a baby— damulag HAHAHHAHAH Haru: Ayoko na nga HAHAHHAHA Wait babe, I'm helping Art with his French class and mind u, nanalo ako ng 3k kanina kasi pinapustahan namin na mababagsak ko yung test nya HAHAHHAHA Jae: Congrats? HAHAHAHAH tulungan mo na nga s'ya dyan papasok na ako! Hindi na sya nagreply after that, probably focus na sa ginagawa nila ni Art habang ako naman ay pumasok na sa school. "Kinakabahan akooooo" "Ipagpray nyo naman ako oh" "Si Hestia kaya kamusta, pang una sya diba?" "Sus kaya nya yun, nakita mo naman pagpasok nya, parang normal lang na araw at walang monologue na magaganap bukas." "Sabagay" Hindi na natigil ang sari-saring reklamo ng mga kaklase ko tungkol sa monologue na gaganapin bukas. Kahit ako man ay kinakabahan dahil hanggang ngayon wala pa rin akong preparasyon na ginawa at hindi ko pa alam kung magagawa ko ba iyon nang maayos. Mabuti na lamang at hindi ako kasama sa unang batch na magpeperform. May ilang araw pa ako para maghanda. "Hoy babae, baka magpahelp ako sayo bukas sa damit ko ah?" Nilingon ko si Hestia na bigla bigla na lamang nasulot sa tabi ko. "Paanong help?" "Hindi kasi s'ya isang suotan lang, top and bottom sya then may tali sa likod so yeah help me with that okie?" Tali sa likod?? And hindi isang suotang lang??? Ano bang susuotin ng babaeng 'to? Well whatever it is, I'm sure na maganda yun and mahal. "Okay okay! By the way, wala akong kaalam alam sa gagawin mo bukas ah? Pamysterious yarn? HAHHAHAHA galingan mo ah!" Ngayon ko lang narealize na hindi ko nga pala alam kung ano ang ipapakita nya. "Sinadya ko talaga yun 'no HAHAHAHHA para magulat kayong lahat," tinaas baba nya ang kilay at ngumiti. Knowing her, alam mong pasabog talaga ang gagawin n'ya since hindi s'ya papayag na bara bara lang. Everything should be perfect dapat. "Magandang Hapon class," agad nagsipagbalikan sa mga upuan ang mga kaklase ko kasama si Hestia nang pumasok ang teacher namin sa Filipino. "Inaasahan kong handa na ang lahat para bukas lalo na yung mga unang batch. Uulitin ko, meron lamang kayong 10 minuto para magpresenta, pwede sumobra pero bawal kumulang. Hihiramin ko na rin ang oras sa iba n'yong subject, goodluck sa inyo." Announcement lang talaga ang pinunta ni ma'am dahil hindi na s'ya nagbigay pa ng kahit anong gagawin. Sabagay, malaki pala ang hatak ng monologue kaya kailangang magfocus dito. Pagkaalis ni Ma'am ay nagsimula na namang magkalat kalat ang mga kaklase ko, pinag-uusapan ang mga posibleng mangyari bukas. I don't have the mood naman na makisali sa usapan nila that's why I just put my head in my desk. "Ano kayang ginagawa n'ya ngayon?" mahinang sambit ko. Ayoko namang magchat sa kanya at baka sawayin n'ya lang ako dahil nasa klase pa ako. Although wala namang gagawin nagdecide na lang din ako na wag na lang muna at baka busy pa s'ya. "Ba't naman nagmumukmok d'yan?" Umangat ang tingin ko sa nagsalita, si Szaniah pala. "Ang chill n'yo lang dalawang magbestfriend ah habang kaming mga nasa paligid n'yo namromroblema na para sa monologue." Natatawang napa-irap naman ako sa sinabi n'ya. Anong chill ang sinasabi nito? "Si Hestia totoong chill lang since handang handa naman na s'ya. Ako? Hindi ako chill teh dahil wala pa akong naiisip na gagawin." Ngumuso ako at nagpangulambaba. "Sus tigilan mo nga ako teh, alam naman nating dalawa na kayang kaya mo yan. Kahit nga siguro on the spot magagawa mo pa rin nang maayos eh." Humawak s'ya sa buhok ko at sinuklay ito gamit ang mga daliri n'ya, napahikab naman ako dahil doon. "Hay naku girl wag mo na ako utoin. Ay oo nga pala, anong ganap na sa inyo ni Art?" Umayos ako ng upo at hinarap s'ya. Natigil naman ang pagsuklay n'ya sa buhok ko at iniwas ang kanyang tingin. "Anong ganap? Wala naman hehehehe casual lang, like chat chat ganun." She said while still not looking at me. "Eh bakit hindi ka makatingin sa akin? Ano nga ganap?" Napakamot naman s'ya sa ulo at dahan dahang tumingin sa akin. "Ayun nga, casual lang—" I cut her off. "Na may konting landian tama ba? AHAHAHHAHA" pagdudugtong ko sa sasabihin n'ya. Dahil maputi s'ya, kitang kita ang mabilis na pagkalat ng pula sa mukha n'ya hanggang sa napatakip na lang s'ya ng mukha. "Oi ano ba tigilan nga akoooo basta yun na yun!" Nagkibit balikat lang ako. "Sige sabi mo eh," natatawang sagot ko. Pabiro naman n'ya akong hinampas na s'yang binalik ko rin sa kanya. Hindi s'ya komportable magkwento pero alam ko naman na kapag dumating ang panahon, malaya n'yang makukwento ang mga detalye nang hindi nahihiya. Ang bilis ng oras at ito ako nakasakay na pauwi. At si Cheyenne ay kanina pa ako kinukulit sa ganap sa amin ni Haru kaya kwinento ko na lang din. Invested na invested talaga s'ya sa mga nangyayari kaya natatawa ako everytime her eyes widen because the next thing I knew, she's hitting and laughing non-stop. "Girl you're really lucky ah? I mean I must say, he's really something." She smiled. Napangiti naman ako sa naging komento n'ya. "But you need to be careful okay? It's still online, and he's still older than us. I don't think it's okay." Napalitan nang nag-aalalang ekspresyon ang mukha n'ya. "Alam ko naman, we're not in a clear relationship naman so I think that's fine? I mean I don't know." Napahinga ako nang malalim dahil alam ko namang tama ang punto n'ya. Hindi okay na makipag-interact sa mas matanda sayo ng ilang taon, especially if the older is already working. "Hindi naman siguro s'ya gano'n? Yung magtatake advantage because of my age? And I don't think we're going to see each other soon, lalo na ngayon na nagkaproblema na kay Brayson at Hestia." Hindi ko na rin alam kung who am I convincing, is it Cheyenne or myself? "I know, based sa kwento mo he seems okay naman. I just want you to be careful? We'll never know what will happen kasi." Tumango tango naman ako sa kanya. Hindi rin nagtagal ay bumaba na s'ya at pumasok na sa kanila. Pag-uwi ko ay agad akong nagbihis at humiga. Hindi pa rin ako nag-oonline hanggang ngayon. Tumitig lang ako sa ceiling, blanko ang isip at hindi malaman kung anong gagawin. "Jae gumising ka na d'yan." Napaigtad ako nang marinig ko ang boses ni mama. Nakatulog pala ako nang hindi ko namamalayan. "Anong oras na ma? Kakain na ba tayo?" "9 am na kaya bumangon ka na d'yan, at anong kakain tayo? Ikaw lang." Nagising ang diwa ko sa narinig. 9 AM!???? Diretso ang naging tulog ko??? Kinuha ko ang phone at tinignan para makumpirma ang sinasabi ni mama. Inis akong napahilamos sa mukha nang makitang 9 na nga. "Are you that tired Jae?" Frustrated kong tanong sa sarili. Haru: Hi babe! Are you home? Babe? Ba't hindi ka open ngayon? Did something happened? Where are youu? I chatted Hestia kahit na ang sama sama ng mga reply n'ya sa akin at laging may pasaring. She said na hindi naman daw kayo nag-usap ngayon? Oh I think you're tired Reply to me when you see this huh? Good night Rei! Several chats from him are continue to enter my phone as soon as it connected to the internet. Meron din kay Hestia asking me the same thing, then the rest is gc na. Jae: Hiiiii! Omg I'm really really sorry! Nadiretso ang tulog ko pagdating, hindi ko na nabuksan pa ang phone huhuhuhu I'm sorry! Hindi pa s'ya nagreply since he's not yet online. Gosh sana hindi s'ya magtampo. When I got to the room, nakagilid na lahat ng mga upuan and busy ng lahat. May nagpapalit, may nagdadaldalan, tapos yung iba ay nagcecellphone. I tried to look for Hestia but I can't see her kaya lumabas ako at pumunta sa cr. Pagdating ko sa cr ay nandoon din ang iba kong mga kaklase. Nag-excuse ako sa pagdaan and then I saw her with Alya. "Girl ang tagal mo dumating ngayon kaya si Alya na ang pinagtali ko." She said nang makita n'ya akong dumating. "Okay lang, natagalan kasi yung service namin dahil may dinaanan pa. Ano pang pwede kong maitulong?" Sumagot sya ng wait lang at pinapatuloy naman ni Alya ang pagtali. Her modern Filipiniana dress is elegantly beautiful. Mahahalata mong maganda talaga ang quality and you'll know agad na pricey s'ya. Nang matapos sila, she asked me if I can bring her things with me. Pumayag naman ako dahil wala na rin naman akong matutulong. She's already done with her make-up and it's not like I know how to do it. Nakastyle na rin ang buhok n'ya and same sa sinabi ko about make-up, I also don't know how to style hair. Nang makarating kami sa may pintuan ay huminto sya sa paglalakad at huminga nang malalim bago nagsalita. "Okay this is it, let's rock this monologue."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD